Loveless Story
April 28, 2025...
[Strange Dream]
panaginip na maraming switching ng characters...
nasa isang silid daw ako na may elevated areas..
parang cabin..
tapos nasa ibaba daw ako na area sa may sentro nun...
hindi ako sigurado kung magkadugtong ba iyon..
pero parang ka-meet ko daw dapat si Attendant Nc noon...
tapos naging yung isang kaibigang babae ko na yung kausap ko..
tungkol daw sa kung anong construction ang pinag-uusapan namin...
hanggang sa dumating daw itong niligawan kong babae noong nasa 2nd Year ako sa college..
na-awkward-an ako sa presence niya..
parang nakikipagkuwentuhan din daw siya noon sa amin, pero hindi ko na lang pinapansin dahil baka kung ano pa ang maisip niya..
nang bigla na lang daw niya akong nilapitan at saka kinalabit sa kaliwa kong balikat..
siyempre nasurpresa ako..
pero mas nasurpresa ako sa sunod niyang ginawa..
out of nowhere, eh basta na lang niya ipinaalam sa akin na buntis daw siya..
kaya naman sinabi ko sa kanya na hindi ko siya naiintindihan, kung bakit niya sinasabi sa akin ang bagay na iyon...
tapos biglang nagpalit yung character niya..
naging isang schoolmate ko naman daw from high school..
pamilyado na yung babae na yun sa ngayon..
at saka sumagot yung character sa tanong ko, na kesyo ako daw yung ama nung batang dinadala niya..
dahil sobrang shocking nung kaganapan eh nagising tuloy ako...
is
feeling , mali 'yon...

>
hindi ko napansin yung reminder ko..
4 na araw na rin pala yung nakalipas..
lagpas 1 taon na pala simula noong nakumpleto ko yung Dream Date...
yun nga lang..
ibig din sabihin na lagpas 1 taon na akong walang adventure time... 🙁
is
feeling , ang saklap na after.. kailangan nang tumama sa Lottery, para makabalik sa training...

>
may natanggap akong offer sa isang art platform..
USD 4,500 daw para bumili ng mga gawa ko..
gagawin daw NFT (Non-Fungible Token)..
at isasali sa exhibit...
masarap sanang pakinggan (basahin) yung alok..
malaki din sana ang maitutulong sa akin nung ganung kalaking halaga ng pera..
kaso bago lang yung account..
hindi ko kalinya ng genre yung pangalan nung art exhibit..
at either sobrang overpriced yung alok para sa mga naka-publish ko ng projects..
o ako yung lugi kung bibilhin din ang copyright nun..
meaning, mukhang scam lang 'yon...
is
feeling , ibalik nyo lang yung pera ko sa Binance, okay na ako dun...

---o0o---
May 1, 2025...
May..
nakumpleto ko na yung USD 500 na nilimos ko sa mga supporter ko sa loob ng ilang taon..
lagpas 2 taon pala iyon..
kailangan ko nang mag-canvass ng bagong computer na kakasya sa ganung budget...
last ko na rin iyon if ever..
kapag madali na namang nawasak yung mabibili kong computer..
then ibig sabihin na perpekto talaga ang dala-dala kong kamalasan...
is
feeling , ang daming kailangang gawin...

-----o0o-----
April 26, 2025...
[Trade]
day 501...
nagising na naman sa isang pangit na umaga... 🙁
ang ARDR nagawa na namang mag-pump kagabi..
kaagad..
ng nasa 50%...
yung INIT na kali-list lang..
eh nilagpasan nga ang WCT..
umabot kaagad sila sa level 98 sa unang subok pa lang..
at patunay iyon na ako nga ang may kagagawan kung bakit isinumpa ang WCT sa mababang level... 🙁
pasado 8:00 AM nang mag-pump na ulit ang WCT..
USD 14 sana iyon para sa akin..
USD 56 kung na-maximize ko mula sa bottom na level 39.. 🙁
kaso sa takot ko na naman, eh napilitan akong magbenta nang USD 5 na lang ang dagdag sa pondo..
pero matapos kong makabenta eh umangat na naman sila..
nakapagdagdag pa sila ng USD 27 mula sa huli kong entry point dahil dun...
hapon nang ilang beses pa ding umangat ang WCT..
kahit pa pababa ib general ang direksyon ng Bitcoin..
USD 13 yung una..
USD 40 yung padalawa... 🙁
is
feeling , minalas ang WCT nang dahil sa akin...

---o0o---
April 27, 2025...
[Trade]
bakit ba kasi lubos ang taglay mong kamalasan...?? 🙁
nasa GMT ka na noon, pero ayaw nilang mag-pump nang kasama ka nila, kaya saka sila nag-1000% gain noong umalis ka na sa kanila..
nasa QI ka na noon, pero ayaw din nilang bumulusok paitaas nang kasama ka, kaya saka lang sila sumabog noong nagbenta ka na nang mura..
papasok ka na sana noon sa NEIRO, pero hindi nila hinayaan na makabili ka at bumulusok na lang sila paitaas... 🙁
nagbantay ka lang noon sa ospital, hindi mo tuloy nabantayan yung safe exit, kaya nalugi ka tuloy ng USD 237 sa BTTC..
nagpa-repair kayo ng bahay, nakaka-recover noon ang HEI, pero noong makakabalik ka na sa pagko-computer eh nagdire-diretso na sila sa impiyerno para malugi ka ng USD 253... 🙁
is
feeling , sukat na sukat ang bawat galaw ng mga makapangyarihan...

>
[Trade]
day 502...
anong klaseng bulok na tadhana ba talaga 'to..?
noong pumasok ako sa lagpas level 41, eh laging nasa below level 39 lang ang WCT..
pero ngayon namang bumibili ako sa level 40, eh kahit pa bumababa ang Bitcoin eh lagi namang nasa lagpas level 41 ang WCT..
parang gusto lang talaga ulit akong i-trap sa mataas na level eh...?? 🙁
USD 26 sana para sa akin yung akyat nila from level 42 to 44..
bago sila bumigay sa panghihila ng Bitcoin pababa..
pero talagang ayaw na nilang bumaba hanggang level 40...
gabi ng muli silang kumontra sa pagbaba ng Bitcoin..
USD 41 sana para sa akin yung kinita nila sa unang bulusok nila... 🙁
is
feeling , ano ba, papasukin ninyo ako...

---o0o---
April 28, 2025...
[Trade]
day 503...
umaga..
hindi pa rin talaga ako makapasok sa WCT..
pababa ang Bitcoin, pero talagang pataas na naman ang direksyon nila.. 🙁
kahit pa wala din namang dumadagdag sa trading volume nila...
USD 26 yung isa nilang na-recover from around level 41 to 43..
USD 26 din naman from level 42 to 44...
is
feeling , kapag gusto kong makapasok, umaangat sila.. kapag nasa loob naman ako, eh bumubulusok sila paibaba...

---o0o---
April 29, 2025...
[Trade]
day 504...
hindi 'to maganda..
nabawasan pa ng nasa USD 20 Million ang trading volume ng WCT..
pero talagang nananatili silang stable..
dahilan para hindi ako makapasok sa poder nila... 🙁
hapon na nang makapasok ako sa WCT..
ang problema..?
eh nagpatuloy pa sila sa pagbaba..
napamahal na naman tuloy ang bili ko..
hindi sila pwedeng mag-retrace hanggang level 35..
kundi ay malulugi na naman ako nang husto...
is
feeling , pabayaan nyo na akong magising na nasa level 100 na ang WCT...

---o0o---
April 30, 2025...
[Trade]
day 505...
balik na naman sa ganitong sitwasyon..
kamakailan, ayaw nila akong hayaan na makabenta nang mahal dahil pinababagsak nila ang palitan sa tuwing nagpapasok na ako ng sell order..
pero ngayon namang nakabili ako ng medyo mura, eh mas ibinaba pa nila kumpara doon ang palitan... 🙁
nakailang angat na ang WCT..
pero panay kapos sa entry point ko..
talagang naka-maintain na naman ang lahat sa ilalim...
is
feeling , WCT, pabayaan nyo na akong magising bukas na nasa level 100 na kayo...

---o0o---
May 1, 2025...
[Trade]
day 506...
nag-dip kagabi ang WCT..
dahil sa hila ng Bitcoin..
na dahil na naman sa mga kalokohan ng US President..
bumaba tuloy ang palitan ng WCT hanggang below level 37.. 🙁
pero paggising ko naman eh nakabalik na sila sa level nila kahapon na around 39...
grabe naman yung nagawa ng ALPACA ngayong naka-schedule na sila para ma-delist..
nasa 6000% na pump..
from USD 0.02 something hanggang 1.20 sa loob lamang ng maikling panahon..
USD 26,520 sana iyon para sa akin kung nagkataon... 🙁
before lunch nang nag-dip sa level 38 ang WCT..
gabi nang nag-pump na ulit sila, pero napakawalan ko yung pagkakataon na maka-exit nang may konting kita...
is
feeling , WCT, sumabog na lang kayo paitaas habang natutulog ako.. basta hayaan nyo na akong magising na nasa level 100 na kayo bukas...

---o0o---
May 2, 2025...
[Trade]
day 507...
ayun nga..
pumalpak na naman ako..
naka-exit sana ako kahapon nang may USD 2 man lamang na patubo..
pero sa halip eh nauwi na naman ako sa pagkalugi dahil bumaba na ulit ang WCT... 🙁
halos bumaba below level 37 ang WCT..
pagabi na ngayong araw nang sinubukan na naman nilang umakyat..
pero hanggang sa mga oras na ito eh hindi nila malagpasan ang entry point ko... 🙁
is
feeling , tuwing sinasabi ko sa gabi na dapat may mangyaring maganda, eh palagi na lang akong nagigising sa pangit na sitwasyon...

No comments:
Post a Comment