Loveless Story
May 17, 2025...
so 4 lang sa mga ibinoto ko ang nanalo bilang Senador..
si Bam..
si Kiko..
si Lacson..
at ang inihalo ko lang sa 12 na si Tito Sen..
karamihan natalo..
at siyempre sobrang sayang si Senator Heidi Mendoza... 🙁
bukod doon eh nakapasok din nga ang Mamamayang Liberal..
para mabigyan naman ng hustisya ang ginawang pag-frame-up kay de Lima...
pero malaking banta na nakapasok ang 5 miyembro ng sindikato... 🙁
is
feeling , mukhang inilipat sa kanilang 5 yung mga nawawalang boto para sa mga matitino, pero di pa kilalang mga kandidato...??

>
kasumpa-sumpa na namang araw ng paniningil..
so pinalagpas pa talaga nung p*ta sa 4 years ang mga utang niya..
49 months na..
31 months na walang inihuhulog na bayad..
tapos 17 months na umiiwas sa communication..
may pamparetoke ng ilong, pero walang pambayad.. 🙁
ayos...
yung kapatid naman niyang babae..
bigay nang bigay ng Messenger..
pero ginagawa din namang unavailable..
at hindi pa nagsi-seen ng message, binabasa siguro nang naka-offline..
ayos din talaga eh..
kunwari willing makipag-communicate..
pero ang totoo eh nagpapaasa lang, at balak talagang magtago... 🙁
sa ngayon nakahanap na ulit ako ng public account ng asawa ng biological father nung p*ta..
kapag na-trigger pa ako lalo..
dadaan na ako sa school nila at doon ko ikakalat ang mga baho nila sa pangungutang...
is
feeling , gipit na gipit na ako.. pero ayaw tumigil ng d*e will be done...

>
nakakapagod lumaban..
base sa lahat ng mga kamalasan na sinasapit ko..
puros takot na lang yung nararamdaman ko para sa mga sunod kong gagawin..
pakiramdam ko na wawasakin din lang ang lahat sa buhay ko sa nalalabing hinaharap... 🙁
more than 6 months..
ganun na lang kahaba ang meron ako base kay Oda..
unless hindi siya makatupad sa estimate niya..
para hindi tuluyang bumigay ang utak sa ganitong kalakas at sunud-sunod na pagpapaulan ng mga kamalasan, eh sobrang hirap..
yung pakiramdam na malas ka sa araw-araw..
yung pakiramdam na palagi kang magiging mali..
yung pakiramdam na laging may mawawasak..
hindi matatakasan ang d*e will be done...
is
feeling , lahat ay nangyayari according sa will nila.. kahit na gaano pa kasama at kabrutal...

---o0o---
May 18, 2025...
[Lottery]
ayun..
as expected..
ni-reward na nga nila yung iniipon nila na jackpot ng 6/55..
para sa mga gumastos ng malaki sa nakaraang halalan...
is
feeling , talo na naman...

>
terrible news na naman para sa akin..
so nasa kalagitnaan pa ako ng 6th set ko sa AI rendering..
tinatrabaho ko pa yung necktie collection..
unfortunately, gumawa ng update yung website nung AI..
kaya pumangit na tuloy lahat ng AI models nila...
is
feeling , sabotahe na naman...

>
[Gadget-Related]
so may ilan na akong prospect na components...
gusto ko sanang iangat sa 4 cores at 8 threads ang processor ko, so meron namang ganun sa Intel Core i3 series..
kailangang iangat ang RAM sa at least 16 GB..
pwedeng i-maintain ang storage at power supply kung possible..
the rest depende sa compatibility..
mukhang nagpapamahal sa motherboard ang multiple slots ng graphics card, kaya mukhang mauuwi lang ulit ako sa 1 slot...
samantalang magpapamahal naman ang Windows 11 na nasa Php 6,700 ang Home license...
is ⚠ feeling , bale Php 23,000 na lang kaagad ang natitirang budget para doon sa ibang components...
>
kagabi, nanaginip ako na sumirit daw ang WCT..
ganun din noong isang araw..
hanggang sa level daw kung saan makaka-recover ako mula sa pagkalugi...
kaso hindi naman totoo sa realidad ko... 🙁
is
feeling , kung pati paggawa ng tama eh papangarapin mo pa.. eh wala ka talagang kuwentang nilalang...

---o0o---
May 20, 2025...
[Gadget-Related]
nag-canvass ng pagpapa-assemble ng computer ngayong araw..
pero inuna ko munang mag-withdraw nung budget..
nag-inquire na rin tungkol sa mga kailangan kong gawin sa USD savings account ko in case kailangan kong mag-withdraw...
1 store lang sana ang pupuntahan ko noong umaga, tapos sa hapon na lang yung 1 pa..
pero since 9:45 AM eh nakatapos na ako doon sa unang store..
eh minabuti kong sadyain na rin yung store na binilhan ko ng computer ko dati sa mall...
kaso sumakit ang ulo ko..
medyo malalaki ang discrepancy ng pricing nila sa ilang items..
halos Php 2,000 sa processor..
halos Php 2,500 sa pagitan ng Pro at Home edition ng Windows 11..
napapaisip tuloy ako kung paano nila nagagawa iyon..?
tapos doon sa unang store eh nabungaran pa ako ng nagpapasuri ng dala-dalang computer...
is
feeling , bahala na kung kanino may mga okay na brand...

---o0o---
May 21, 2025...
[Gadget-Related]
nagpa-assemble na ng computer ngayong araw..
dahil sa taglay kong kamalasan, eh inabutan pa ako ng malakas na ulan sa daan noong nanggaling na ako doon sa store...
hapon nang kinuha ko na iyon..
first time kong bumili ng unit sa PC Chain Superstore..
halos sakto yung USD 500 na mula sa crowdfunding..
less than Php 30,000 ang total..
Php 27,580 para doon sa system box..
tapos sarili kong pera para sa Php 2,380 na AWP UPS..
although bukod pa nga dun yung Php 10,500 ko na graphics card na dati ko nang nabili sa kanila...
lagpas 8 years na yung Unit 02 ko..
maayos pa siyang magtrabaho kung tutuusin..
at talagang yung nabunging graphics card slot lang talaga ang naging problema niya... 🙁
is
feeling , huwag sana kayong mapag-initan.. 10 years lifespan, please...

---o0o---
May 22, 2025...
[Gadget-Related]
so 2 years at 2 months nga lang ang totoong itinagal ng 3rd APC UPS ko..
halos ni hindi siya nakatulong sa 3D rendering ko..
at in-extend ko lang iyon ng 7 months, kapalit ng risk para sa computer ko..
umabot lang sa 28 ang bilang ng mga nasalo niyang power interruptions..
at masahol naman na umabot sa 17 ang na-experience ng computer ko na instant at illegal shutdown... 🙁
is
feeling , hindi kilala ng internet ang brand na AWP.. mas mura din sila.. pero sana naman ay umabot na ito ng at least 5 years...

>
[Gadget-Related]
heto windang...
back to zero ako..
mula sa basic settings nitong Unit 03, hanggang sa pagche-check kung may na-corrupt bang files yung dati kong UPS..
bago pa ako makabalik talaga sa 3D...
dahil madami akong bagong box, eh minabuti kong palitan na yung mga 19 years ago pa sa akin..
nag-sort ng mga pwedeng itapon..
at nag-sort din ng mga pwedeng mabenta..
before 11:00 AM ako nakapag-simula na magbukas ng mga computer ko..
nahirapan ako sa paglilipat ng hard disk..
mula sa may convenient na hard disk rack, papunta sa siksik ang rack..
5:00 PM na ako nakatapos sa pagse-set up ng bagong computer sa table ko..
at napagana ko naman...
activated na ang Windows 11 ko..
nakapag-install na ng Google Chrome, at naayos na ang settings nila ng Microsoft Edge..
nalagyan ko na ng GPU-Z para sa monitoring ng graphics card..
nalagyan ko na ng extension ng Ronin Wallet, although pinagbintangan ako na gumawa daw ako ng sobrang daming Ronin address dati..
at meron na ring scam hub at game, para sa libreng assets gamit ang mga quest...
is
feeling , tiyaga muna ulit...

---o0o---
May 23, 2025...
[Business]
after 16 years..
pumalo na sa Php 30,000 ang halaga ng nabebenta kong yelo..
meaning nasa lagpas 15,000 ng mga yelo ang naibenta ko sa loob ng ganung panahon..
lagpas, kasi nagsimula pa ako noon sa Php 1.00 lang kada piraso..
kaso madami ding basurang plastic ang katumbas nun...
is
feeling , kung may paraan lang sana para hindi na kailanganin nung plastic...

>
[Gadget-Related]
so walang paraan para ma-check ko kung umiikot ba ang fan ng power supply ko..
kaya no choice ako kundi magtiwala sa 80 Plus Bronze na rating ng Corsair...
kaso may nagawa kaagad akong pagkakamali.. 🙁
hindi ko kaagad na-check ang directory na gamit ng account ko..
required pa naman na tumugma iyon para sa 3D program na gamit ko..
kaya naman umulit pa ako sa pag-aayos ng iba't ibang settings, na supposedly ay na-set ko na kahapon...
may konti ng mga problema..
yung mouse ko ay may ilaw, at hindi ko alam kung paano papatayin iyon kapag naka-shutdown naman ang computer..
delikado dahil baka makatawag pansin ng reproductive termites sa mesa ko..
na-realize ko din ngayong araw na may mga klase ng characters na inalis ang Notepad ng Windows 11 mula sa files ko na galing sa Windows 10..
kaya naman hindi ko alam kung gaano kalaki ang binago nila sa text files ko...
after ng restoration..
nakapag-install na din ako ng photoshop..
at tsaka ng converter ko to PDF...
is
feeling , matagal pa 'to...

---o0o---
May 24, 2025...
ang galing talaga..
Singapore..
Dubai..
Hong Kong..
nasa at least 3 bansa na yung napupuntahan nung p*ta simula lang this year..
pero ni wala pa ring ipinapadalang hulog para sa mga utang niya... 🙁
is
feeling , bakit laging mas pinapaboran ang mga abusado sa mundo na ito...??

-----o0o-----
May 17, 2025...
[Trade]
day 522...
USD 27..
USD 20..
level 53 to 55 yung sumunod, so USD 20 sana ulit..
pero before lunch ay pinaka-crash nila ang sarili nila hanggang level 50 para mabaon na naman ako sa pagkalugi..
yun ang mga panibago kong napakawalan sa WCT simula kaninang madaling araw... 🙁
at ayun na nga..
nagtagumpay na naman sila..
naloko nila ako sa ginawa nilang pag-decouple sa Bitcoin..
pero ginawa lang pala nila iyon para mapaniwala ako..
at dahil nasa loob na ako ng trading..
eh malaya na silang pabagsakin ang WCT hanggang sa impiyerno... 🙁
is
feeling , mga demonyo ang mga makapangyarihan...

---o0o---
May 18, 2025...
[Trade]
day 523...
level 48 to 52 na pump ng WCT ngayong araw..
USD 46 sana iyon para sa akin..
talagang ni ayaw dumikit sa level 58... 🙁
is
feeling , kung pwede lang sana talaga akong magising sa isang umaga na nasa USD 1.00 na ang palitan ng WCT...

---o0o---
May 19, 2025...
[Trade]
day 524...
level 49 to 51 na recovery ng WCT..
habang nakikisabay lang sa galaw ng Bitcoin..
USD 22 sana iyon para sa akin...
pero walang kuwentang pump then dump pala ang ginawa ng Bitcoin... 🙁
is
feeling , kung sasabog lang sana talaga ang WCT hanggang USD 1.00 nang biglaan.. kung magigising lang sana talaga ako sa isang magandang umaga, kung saan naka-recover

na ako...
---o0o---
May 20, 2025...
[Trade]
day 525...
nagising naman ako ngayong araw na nasa mataas na level ang WCT..
gainer kasi..
kaso, below pa rin sa entry point ko... 🙁
USD 127 sana para sa akin yung akyat nila from level 48 to 59.. 🙁
nag-exit ako at nagpalugi ng nasa USD 32 dahil sa nakaraang trauma ko sa kanila..
bumaba nga ang palitan sa level 58, pero muling umakyat hanggang level 60, so USD 18 sana na recovery iyon para sa akin...
level 56 to 62 yung last nilang nagawa hanggang sa mga oras na ito..
USD 59 sana iyon para sa akin...
is
feeling , bumaba muna ulit kayo...

---o0o---
May 21, 2025...
[Trade]
day 526...
nagtraydor ang WCT sa akin..
ruming-rumi na ako sa kanila..
kung kahapon nila ginawa yung pump nila ngayong araw eh kumita pa sana ako ng USD 95..
pero hindi nila ginawa, para wala akong mapakinabangan.. 🙁
bagkus ay itinaboy nila ako gamit yung trauma na naranasan ko noong isang araw..
inalis nila ang tiwala ko sa WCT gamit yung trauma na iyon..
at kung kailan nalugi na ako at wala na sa poder nila eh saka sila dire-diretso na umakyat sa level 75...
ang 3rd miss ko sa WCT..
tamang asset, pero hindi hahayaan na mapakinabangan ko sila..
level 48 to 78 na pump simula noong araw na nahila ako sa crash..
62% pump..
kahit na nasa USD 320 Million plus lang naman ang trading volume nila..
USD 349 sana iyon para sa akin kung nasakyan ko lang... 🙁
level 60 to 78 simula kagabi..
USD 167 sana iyon para sa akin.. 🙁
pero hindi ko nga maiisip iyon dahil sa sinapit kong trauma..
nakapagdagdag pa sila ng USD 33 from level 66 to 70...
dahil sa nangyari ay umaabot na sa USD 18,000 ang napapakawalan kong mga kita simula noong Imperial New Year ng 2024... 🙁
is
feeling , bagsak muna ulit sa level 50, mga manloloko kayo...

---o0o---
May 22, 2025...
[Trade]
day 527...
pumasok sa bagong HAEDAL..
kasi mura..
bukod pa sa kaparehas din ng stats ng WCT..
ipinasok ko pa sa savings kaninang umaga..
pero matapos na mag-pump then dip ngayong gabi..
eh nag-decide ako na hindi na pakawalan yung tubo..
USD 40 ang na-recover ko..
pero nasa USD 40 din ang napakawalan ko..
pero at least eh nalagpasan ko na yung naipalugi kong pondo sa WCT nitong nakaraan...
lagpas USD 2,000 sana kung may bigla lang magpa-pump hanggang USD 1.00...
is
feeling , balik sa recovery process...

---o0o---
May 23, 2025...
[Trade]
day 528...
madaling araw nang nakabalik ako sa HAEDAL..
tapos nag-short sell nitong umaga para maka-recover ng USD 14..
hoping na muli din silang bababa sa entry point ko...
bumaba naman nga sila nitong gabi..
kaso mas malalim..
dahil may hila ng Bitcoin... 🙁
is
feeling , laban, HAEDAL...

No comments:
Post a Comment