Saturday, September 21, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of September 2024 (Recovery Part 3)

Loveless Story 


September 14, 2024...

ang hindi maganda sa pagkauso ng mga smartphone at iba pang portable na computer device..?
halos nire-require nila na lagi na lang naka-log in ang mga online account ng mga tao..
sa kung anong tangang dahilan..
ginagawa nilang suspect for hacking ang mga account na inila-log out...

is feeling , mas mataas ang security kapag naka-log out, mga tanga...


>
[Gadget-Related]

bad news na naman..
nagtaas na ng security ang Yahoo..
wala ng kuwenta ang password lang..
at hindi naman pwedeng mag-link ng iba't ibang account sa iisang mobile number lang...

parang tanga lang kung paanong kailangan mo ng SMS message, bago ka makapagbukas ng Google, bago mo mabuksan ang Yahoo mo, bago mo pa mabuksan yung account na ini-link mo sa Yahoo...

lason..
ibig sabihin na kung Yahoo to Yahoo lang ang mode of verification mo noon..?
eh wala ka nang mabubuksan doon sa 2 account..
yung pakiramdam na gumamit ka ng hiwa-hiwalay na e-mail address, para in case na ma-hack yung mga visible sa public, eh hindi naman madadamay yung mga financial account mo..
tapos eh pupuwersahin din pala nila ang lahat na ma-connect sa mga account na laging online... 🙁

is feeling , nagpagamit pa kayo ng password...

---o0o---


September 16, 2024...

[Manga]

so ibig sabihin na hindi permanente ang epekto ng immortality effect ng Ope Ope no Mi..?
kahit pa wala naman yung mismong Devil Fruit na iyon sa katawan ng ginawang imortal ng dating user nun..
presumably, isa si Saint Saturn sa ginawang imortal sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsa-sacrifice sa mga Ope Ope no Mi user..
dahilan kaya daan-daang taon na silang nabubuhay..
pero paanong nagkaroon ng control si Im sa immortality na dulot nung Devil Fruit..?
at paanong nagawa niya iyon nang long distance...??

is feeling , Haki lang ba ang labanan...??

---o0o---


September 17, 2024...

si Jollibee na lang ang nakakapagpatawa sa akin sa araw-araw..
pati pala sina Menggay tuwing tanghali...

ang kulit lang ng mga gimik ni Jollibee sa reels..
tusong advertising...

is feeling , Endorphins...


>
araw na naman ng paniningil ng utang...

2 months ago, nag-message pala sa akin yung kapatid nung p*ta..
kaso hindi ko nakita kaagad dahil nasa message request section..
ngayong araw ko na lang napansin iyon..
isang araw iyon matapos akong mag-message sa kaibigan nila dahil nga sa pagtatago nila..
pero wala din namang silbi, kasi deactivated na yata yung account o baka b-in-lock lang ako matapos na mag-message sa akin...

again, para lang akong nakipag-usap sa hangin..
41 months na ang mga utang niya.. 🙁
Php 16,000 pa din yung natitira..
halaga na barya lang para sa iba, pero sobrang laki na para sa akin, lalo na at wasak ang computer ko..
sa sobrang kapal nung mukha nung p*ta ay 23 months na siyang walang inihuhulog...

is feeling , kailangan ko nang ihanda lahat ng screenshot para dumaan na sa kapatid nila na nasa entertainment industry.. sobrang sama sa akin ng FATE...

-----o0o-----


September 14, 2024...

[Trade]

day 277...

Bitcoin pump noong hatinggabi..
USD 11 recovery para sa NULS..
USD 24 recovery para sa DOGS...

naka-exit sana ako sa 1000SATS nang may USD 3 na patubo..
tapos USD 6 kaagad sana sa sunod nilang ginawang pump..
at may ikatlo pang USD 6..
patuloy lang sa pag-akyat ang Bitcoin..
pero bumaba na kaagad ng level ang 1000SATS, kung saan wala akong kita...

tapos ayun, nagpalugi na ng benta..
ayaw na ayaw abutin yung 3295 na level..
konting-konti na lang, 1 or 2, pero ayaw talagang abutin.. 
mas nauna pang bumaba sa 3275..
kaya wala na akong nagawa kundi pagtiisan na lang yung USD 1 na patubo, basta maka-exit na lang.. 🙁
saka nangyari yung sapat na pump noong wala na ako sa kanila, at kahit pa pababa ang Bitcoin, umulit pa nga eh...

is feeling , nagtapon na naman ng panahon para sa wala...

---o0o---


September 17, 2024...

[Trade]

day 280...

ayaw mag-crash nang husto ng Bitcoin..
umakyat na nga ulit sila simula kaninang 9:00 AM... 🙁

gumawa ng recovery ang BTTC..
USD 14 sana iyon para sa akin...

nag-pump naman ang NULS..
USD 29 sana iyon para sa akin...

wasted opportunity naman sa bagong 1MBABYDOGE kahapon..
USD 82 yung hindi ko nasakyan sa second pump nila...

is feeling , sobrang bulok ko talaga...

---o0o---


September 18, 2024...

[Trade]

day 281...

matapos ang pump ng NEIRO dahil sa Binance listing nila..
muli silang sumabog kagabi..
USD 180 sana iyon para sa akin kung nasakyan ko... 🙁

tapos 2 beses pa silang nag-pump ngayong araw..
USD 77 yung una..
USD 51 yung padalawa..
total ng USD 128... 🙁

kasalanan ko..
hindi ko in-inspect yung circulating supply nila..
as compared kasi sa 1000SATS, eh kaya nga nilang makaabot sa mas mataas na value...

is feeling , crash muna, please.. 40000 level.. pasakay naman...

---o0o---


September 19, 2024...

[Trade]

day 282..
hindi makapasok sa NEIRO..
ayaw mag-crash..
USD 45 ang hindi ko nasakyan sa kanila nitong umaga... 🙁

napamahal naman ako ng pasok sa 1000SATS..
hindi ko napakinabangan yung crash nila hanggang level 26..
nagkamali pa ng benta, baba kasi nang baba..
USD 7 lang ang napakinabangan ko.. 🙁
matapos kong magbenta, biglang sunud-sunod na yung mahahabang pump na nagawa nila..
USD 30 sana ang kinita ko mula doon sa bottom, kaso wala eh..
tapos nasundan pa iyon ng pump na worth USD 8 naman...

is feeling , NEIRO, pump na, hanggang 120000...


>
[Trade]

pumasok nga ako sa NEIRO sa mataas na level..
sa pag-asa na papalo sila hanggang 150000..
kaso pababa na naman kaagad ang naging trend nila dahil sa akin... 🙁

short lahat ang angat nila mula sa entry point ko..
at tuwing magbebenta na dapat ako, sobrang bilis naman nilang bumababa..
ang na-miss ko sa NEIRO..?
USD 3..
USD 10..
USD 7..
USD 6..
USD 4..
total ng USD 30... 🙁

3 chance para maka-exit yung dumaan..
pero wala akong nagamit..
parang alam nila kung kailan ako nakatingin sa chart..
at ngayon nga eh nasa pagkalugi na ulit ako...

tapos sumalungat pa sila sa direksyon ng Bitcoin ngayong hapon... 🙁

is feeling , please naman, NEIRO, level 120000...

---o0o---


September 20, 2024...

[Trade]

sumabog ang FIDA kagabi dahil sa perpetual contract nila..
kaso nakakulong pa ako sa NEIRO noong mga oras na iyon..
nasa 100% din ang itinaas nila..
USD 231 sana iyon para sa akin... 🙁

sa unang pag-akyat naman ng AST ay nasa USD 34 ang napakawalan ko... 🙁

is feeling , proven na yung nagawa ng FIDA...


>
[Trade]

day 283...

nag-exit ako sa NEIRO kagabi nang may USD 7..
tapos pumasok ulit sa mas mababang level..
tumama naman ang midnight projection ko sa wakas, after so many months since last year pa..
naka-exit naman nang may USD 23 na recovery..
though na-short iyon by USD 10...

ang mga na-miss ko naman sa NEIRO ngayong araw..?
USD 15 noong umaga..
USD 10 sa ikalawa..
USD 20 sa ikatlo dahil sa naging hila paitaas ng Bitcoin..
USD 10 sa ikaapat kung saan kinapos na naman ang baba nila kumpara sa buying point ko..
total ng USD 55... 🙁

is feeling , umaabot na sa USD 4,000 ang mga na-miss kong chance simula lang noong Imperial New Year.. may mga pambayad na sana ako para sa SSS at PhilHealth ko...


>
[Trade]

around the 25th day muling babagsak ang buong market..
around the 5th day naman eh saka ulit sila magpa-pump nang husto...

is feeling , kailangan lang maulit yung trend para mabawi ko na lahat ng value ng assets ko...


No comments:

Post a Comment