Saturday, September 14, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of September 2024 (Evolution)

Loveless Story


September 7, 2024...

[Game]

pumatol na sa Evolution Quest ngayong araw..
kahit hindi naman Master Quest, wala na akong matanggap na Master level eh..
at nagawa kong kumpletuhin lahat ng 5 Quests para sa araw na ito...

nakatipid naman ako sa materials..
sa halip na USD 2, eh napababa ng market crash hanggang USD 1.78...

kaso sa Ascension at Evolution ako nalugi..
dahil nga bagsak ang market, eh mas malaking portion ng AXS ang kinailangan para matumbasan yung dollar fees..
umabot sa 0.601 AXS ang gastos, bukod pa yung RON fees..
around USD 2.50 yung value sa ngayon, pero technically ay pumapalo iyon sa USD 3.61 sa USD 6 na palitan...

yung USD 4 ko tuloy na latest na peste eh umaabot na sa lagpas USD 8 ang value...

is feeling , lumakas ka naman.. pwera nerf...

---o0o---


September 10, 2024...

[Game]

nalaglag mula sa top 10,000..
konti lang naman, pero sa top 15,000 na ang bracket ko..
at sa ngayon ay hanggang doon na lang yung may reward...

halos nabawi din naman sa kinita kong assets from last week yung mga nagastos ko para sa Evolution..
nasa 601 mAXS yung nagamit ko..
nasa 726 mAXS naman yung naging reward ko para sa paggawa nung mga task..
hindi pa nga lang kasama sa kuwentahan yung halos USD 2 na materials...

is feeling , magagamit ko na bukas yung Evolved form...

---o0o---


September 13, 2024...

[Medical Condition]

kung tama ang tanda ko, 4 na beses na akong nagbi-bleeding simula noong 2014.. 🙁
2 yung sigurado ako dahil intense yung mga iyon...

is feeling , may biyaya nga yata ako ng Cancer mula sa makapangyarihang will...??


>
according sa isang source na mukhang maraming alam..
may day job na daw si Attendant Y..
so baka hindi na niya maisipan na bumalik sa industriya...

is 💌 feeling , mami-miss ko yung klase ng service niya.. pero ganun talaga.. may katapusan ang lahat...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Invitational Conference 2024


September 8, 2024...

Creamline versus Kurashiki Ablaze..
Ice versus Fire..
Malaysian pala ang Import ng Kurashiki..
pero mas gusto ko sanang puros locals lang ulit, para talagang masukat ang kalidad ng team laban sa isang Japanese team..
although hindi din naman nga kumpleto ang Creamline this time, di tulad noong nagharap sila dati...

Set 1, habol nang habol ang Kurashiki sa tuwing nakakaagwat ang Creamline, may mga palitan ng kalamangan, pero nagawang manaig ng Creamline dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 2, maagang nakalamang ang Creamline, habol na naman nang habol ang Kurashiki, naging palitan ng kalamangan sa kalagitnaan ng set, pero nanaig ulit ang Creamline dahil sa kanilang 5 service aces plus 8 big errors ng Kurashiki..
Set 3, palitan kaagad ng kalamangan, sobrang dikitan na laban, na-extend yung set pero mas nanaig ang Kurashiki dahil sa kanilang 22 attacks..
Set 4, dikitan na palitan na naman ng kalamangan, nagawang makaagwat ng Creamline sa bandang kalagitnaan, at hindi na nagawa pang makadikit ng Kurashiki simula sa puntong iyon...

3-1, panalo ang Creamline..
at nagawa na nga nilang manalo laban sa Kurashiki Ablaze, pero nang may Import..
kaso Cignal na kaagad ang kalaban bukas...

floor defense at mabilisang attacks talaga ang strength ng mga Japanese team...

is  feeling , salamat mga Kakampink.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


September 9, 2024...

Creamline versus Cignal..
kaso walang pahinga ang parehas na team mula kahapon..
ginabi na naman ang laban dahil 5-setter yung sinundan na match...

Set 1, unang nakalamang ang Creamline, pero habol nang habol si Perez, binigyan ng playing time si Torres, nakalayo ang Creamline dahil sa kanilang 16 attacks and 2 service aces plus 5 errors ng Cignal..
Set 2, una ulit nakaagwat ang Creamline, ipinasok na si Macandili, dikit nang dikit ang Cignal dahil activated na si Molina, na-extend yung set, pero mas nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 23 attacks..
Set 3, dikitan na laban, nagawang kumalas ng Cignal sa bandang kalagitnaan, naiwanan nila ang Creamline dahil sa nakuha nila lahat ng scoring stats..
Set 4, Galanza for Negrito at nagawa naman nilang makaagwat, tapos ibinalik na si Negrito matapos mag-observe, ipinasok ng Cignal si Gandler, pero naprotektahan ng Creamline ang kanilang kalamangan hanggang sa dulo...

3-1, panalo ang Creamline..
hindi talaga madaling kalaban si Macandili...

is  feeling , salamat mga Kakampink.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


September 11, 2024...

Creamline versus Farm Fresh..
last day ng mga ranking match...

Set 1, dikit nang dikit ang Farm Fresh sa simula, naipasok pa ng Creamline ang bench nila, nakalayo sila dahil nakuha nila ang lahat ng scoring stats plus 7 big errors ng Farm Fresh..
Set 2, maagang nakalayo ang Creamline, Galanza for Staunton, Sato for BDL, maaga ding pinapasok ang iba pa nilang bench, nakalayo sila dahil sa kanilang 18 attacks plus 6 big errors ng kalaban..
Set 3, maagang bench time para sa Creamline, nagawang makalamang ng Farm Fresh, pero binaliktad ng Creamline ang takbo ng laban at muling kinuha ang set...

3-0, panalo ang Creamline..
ginamit nila yung pagkakataon para makapag-practice ang kanilang bench at para makapagpahinga para bukas ang kanilang mga starter..
Player of the Game si Galanza with 13 points from 11 attacks and 2 kill blocks...

is  feeling , salamat ulit mga Kakampink.. salamat din sa pagbabalik Galanza.. para rin kay Morado...

---o0o---


PVL Invitational Conference 2024 (Championship)

The Grand Slam Finish


September 12, 2024...

Creamline versus Cignal..
wala silang pahinga mula sa games kahapon..
napagod pa ang Cignal para lang malagpasan ang Kurashiki Ablaze..
sobrang laking banta talaga ni Macandili...

Set 1, Gandler starts for Cignal, maaga nilang nahabol ang Creamline, double substitution ng magkapatid na Galanza, nakaagwat ang Cignal, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 2, palitan ng kalamangan sa simula, activated na si Gandler, Galanza serves for Staunton at nagawang makaagwat ng Creamline, nanaig sila dahil nakuha nila lahat ng scoring stats..
Set 3, maagang nakalayo ang Cignal, Galanza for Pons, double substitution nina Mafe at Bernardo, hindi na nakadikit pa ang Creamline dahil sa sarili nilang 6 big errors..
Set 4, Pons back, Galanza for Staunton, unang nakalamang ang Creamline, Sato for BDL, Staunton for Binibining Gumabao, kaso nakahabol ang Cignal sa bandang dulo, nanaig ang Creamline sa extended set dahil sa kanilang 20 attacks..
Set 5, unang nakalamang ang Creamline, kalas sila nang kalas sa Cignal, hanggang sa tinapos na ni Galanza ang laban...

3-2, panalo pa rin ang Creamline..
nilagpasan nila ang challenge ni Macandili..
nilagpasan nila ang challenge ni Perez..
at nakumpleto na nila ang Grand Slam goal nila sa wakas...

10 Championships para sa Creamline..
at sila din ang kauna-unahang naka-achieve ng Grand Slam sa PVL...
  • Best Setter - Negrito
  • 2nd Best Outside Spiker - Staunton
  • Conference MVP - Binibining Gumabao
  • Finals MVP - Negrito

ang listahan ng mga MVP ng Creamline (hindi ko in-expect na magkakaroon kaagad ng update):
  • Baldo
  • Morado (Setter)
  • Galanza
  • Caloy
  • Domeng (Middle Blocker)
  • Pons
  • Gumabao
  • Negrito (Setter)

is  feeling , salamat mga Kakampink.. salamat, Galanza.. para rin kay Morado.. isang 2024 na puno ng Creamline...

-----o0o-----


September 7, 2024...

[Trade]

ang layo na ng AXS at RON sa mga dati nilang value..
malaking pagkakamali na naman para sa akin.. 🙁
hindi nagpapalit noong nasa USD 6 pa ang AXS, dahil sa kahihintay sa USD 8..
hindi nagpapalit noong nasa USD 2 pa ang RON, dahil sa kahihintay sa USD 3...

mas tama sana na nagpapalit na ako dati para naka-secure ako ng mas mataas na halaga ng stable na USDC..
tapos ay saka ulit bumili ng assets sa mababang palitan nila, para mapakinabangan na sa mga darating na pump...

yung USDC ko na lang tuloy ang magagamit kong asset para magpatubo...

is feeling , US Election na lang ang pag-asa ko...


>
[Trade]

day 270...

hindi nakasakay sa mga pump ng perpetual contract ng QUICK kahapon..
iba na naman ang nangyaring trend..
hindi gaya ng mga napasukan ko na nagpalugi sa akin, eh umakyat sila nang umakyat matapos ang mga pagbaba..
ang mga napakawalan ko sa kanila..?
USD 77 sa major pump..
USD 17 sa unang recovery..
may USD 32 pang sumunod..
total ng USD 126...

tapos panibagong Bitcoin crash na naman..
kaso matatag ang BTTC at AST..
ang 1000SATS naman eh umiiba na ng trend kumpara sa Bitcoin..
USD 25 yung nagawa nilang pump kagabi..
USD 23 naman kaagad yung nagawa nilang recovery kaninang umaga hanggang sa mga oras na ito..
total ng USD 48...

is feeling , mag-crash na kayong lahat...

---o0o---


September 8, 2024...

[Trade]

day 271...

gumawa ng pump ang BTTC ngayong araw..
USD 29 sana iyon para sa akin..
pero hindi ko na naman napakinabangan... 🙁

is feeling , ano ba..? mag-crash na kayong lahat hanggang sa USD 40,000 level ng Bitcoin...

---o0o---


September 9, 2024...

[Trade]

day 272...

ilang beses pa ngang nag-pump ang BTTC kagabi..
ang mga napakawalan ko sa kanila..?
USD 19..
USD 16..
total ng USD 35... 🙁

hindi 'to maganda dahil umaakyat sila habang bagsak pa ang market..
hindi ko na naman sila mapapakinabangan kung palagi silang lalayo mula sa 70 o 60 na level...

is feeling , laging mali ang lahat para sa akin...


>
[Trade]

malas talaga..
maysa-demonyo ang buong buhay ko..
maysa-demonyo, as in yung alter ego ng mga makapangyarihan...

so sumugal ako sa 1000SATS..
maganda kasi ang direksyon ng Bitcoin..
at maganda din ang graph nila...

pero nawasak ko ang 1000SATS matapos akong pumasok sa kanila..
paulit-ulit sa pagtaas ang Bitcoin, pero ayaw nang sumunod ng 1000SATS..
bigla ngang naging pababa ang direksyon nila matapos kong mag-invest..
hindi na sila sumasabay sa tuwing umaakyat ang Bitcoin..
pero sumasabay sila kapag bumababa naman ito..
dahil sa kamalasan na dala-dala ko..
2 level kaagad ang ibinaba ng 1000SATS.. 🙁
samantalang ang BTTC, AST, at maging ang NULS eh puros sumusunod sa Bitcoin...

is feeling , sobrang hirap ng maysa-demonyong malas na buhay...

---o0o---


September 10, 2024...

[Trade]

day 273...

kahapon, lagpas USD 2,000 na ang naakyat ng Bitcoin..
pero yung 1000SATS eh hindi na gumagalaw mula sa binagsakan nilang level... 🙁

ngayong araw, umakyat na hanggang sa USD 4,000 ang iniaangat ng Bitcoin..
pero nabalewala iyon dahil nag-crash ang 1000SATS sa konting dip na ginawa ng Bitcoin bago ulit mag-pump..
USD 14 yung hindi ko napakinabangan na recovery nila..
dahil as usual, pwedeng mag-recover ang lahat ng asset kung nasaan man ako, basta ba laging below lang sa entry point ko... 🙁

umangat na din ulit ang DOGS..
USD 30 ang napakawalan ko sa kanila...

is feeling , lagpas USD 6,000 na lahat-lahat ng napapakawalan kong pagkakataon.. nasa USD 3,000 mula lang noong February...

---o0o---


September 11, 2024...

[Trade]

day 274...

perpetual contract naman ng AERGO kagabi..
USD 62 yung napakawalan ko..
wala talaga akong maabutan na perpetual contract... 🙁

is feeling , hindi ko na matatakasan 'to...


>
[Trade]

kinapos ng angat ang 1000SATS..
lagpas naman sa entry point ko noong mga oras na tulog pa ako, kaso walang kita..
tapos hinila na ulit sila ng Bitcoin pabalik sa Impiyerno..
bumagsak na naman below level 30..
USD 10 yung napakawalan ko sa recovery na nagawa nila... 🙁

mas higit ang kamalasan kesa sa pagiging bobo..
ang tanga, baka pwede pang suwertehin sa buhay kahit papaano..
pero ang malas dahil sa will ng mga makapangyarihan, eh walang chance para makatakas mula sa mga masasamang pangyayari sa buhay..
maysa-demonyo ang buhay ko..
at magwawakas ang lahat sa maysa-demonyo na pamamaraan ng mga makapangyarihan... 🙁

is feeling , perpekto ang taglay kong kamalasan...

---o0o---


September 12, 2024...

[Trade]

day 275...

gumawa naman kaagad ng recovery ang Bitcoin..
halos parehas na amount..
pero nanatili lang na wasak ang 1000SATS sa level below 30.. 🙁
halos bumaba pa nga below 29 dahil lang sa kamalasan na taglay ko...

mabuti pa ang NULS..
nakagawa ng USD 23 na recovery sa initial pump nila... 🙁

is feeling , yung USD 487 kong simula, tuluy-tuloy lang na bumagsak hanggang below USD 200.. kahit pa kapag green ang market...

---o0o---


September 13, 2024...

[Trade]

day 276...

nakaka-4 ng pump then dump ang 1000SATS simula noong na-stuck ako sa kanila..
lahat below sa selling point ko.. 🙁
at laging below din sa entry point ko nananatili...

lagi na lang ganito..
ibig sabihin na kung nagpalugi sana ako sa simula..
at saka ko sinakyan yung 4 na pump..
edi kumita na sana ako...

pero hindi..
dahil ako nga ang involved..
sigurado ako na kung magpapalugi man muna ako at papasok sa mas mababang level..
eh tiyak na mas ibababa lang ng will ng mga makapangyarihan yung level ng palitan, para tiyakin parati ang pagkalugi ko..
ang pagkalugmok ko sa biyaya ng depression... 🙁

is feeling , uubusin nila yung USD 487 ko, habang wasak ang computer ko, habang hindi ako binabayaran ng may utang sa akin, para lang siguraduhin ang malagim kong katapusan...


No comments:

Post a Comment