Loveless Story
August 31, 2024...
ilang buwan nang walang pumapasok na kita para sa akin..
puros malalayo pa sa quota..
May pa yung huli kong kubra mula doon sa platform..
February naman yung mula sa alin mang store...
is feeling , yung Light Blog na lang ang pag-asa ko sa ngayon, habang wasak pa ang computer ko...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Reinforced Conference 2024 (Semifinals)
August 31, 2024...
Creamline versus Cignal..
wala pala si Gonzaga sa Cignal for this conference dahil sa Army..
nag-reschedule at lumipat din ng venue..
nagkaroon daw kasi ng problema sa supply ng kuryente sa original na venue..
late na naman ang start dahil 5-setter ang sinundan na match...
Set 1, hirap ang Creamline sa depensa ni Abil at activated din kaagad ang Import nila, habol sila nang habol sa Cignal, nanaig ang Cignal dahil sa kanilang 5 kill blocks plus 6 errors ng Creamline..
Set 2, dikitan ang laban dahil sa palitan ng mga service error, kaso naiwan na naman ang Creamline sa bandang 20 pero nagawa naman nilang i-extend yung set, nasayang ang 21 attacks ng Creamline dahil sa kanilang 10 huge errors..
Set 3, Sato for BDL, unang nakaagwat ang Creamline, pero habol nang habol ang Cignal, nairaos naman ng Creamline ang set dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 4, palitan ng kalamangan hanggang sa nakaagwat na ang Cignal, pero naagaw pa ng Creamline ang extended set dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 5, halos dikitan na laban, activated na ang laro ni Gumabao, at napanindigan naman nila ang kanilang kalamangan hanggang sa dulo...
3-2, panalo ang Creamline..
reverse sweep laban sa Cignal, especially yung ginawa nila sa Set 4..
Creamline talaga yung team na kahit na ang laki na ng lamang ng kalaban eh nakakagawa pa rin ng milagro..
one point at a time ang focus nila...
dahil sa nangyari eh magkakaharap na nga ang Creamline at si Domeng sa Finals..
though hindi pa sigurado kung makakalaro si Domeng dahil sa natamo niyang injury mula sa Semifinals match nila...
is feeling , salamat mga Kakampink.. mga halimaw talaga kayo.. Heart of a Champion.. para kina Morado at Galanza...
---o0o---
PVL Reinforced Conference 2024 (Championship)
September 4, 2024...
Creamline versus Akari..
rescheduled game na naman dahil sa masamang panahon..
laban sa undefeated team mula sa Pool B, na technically ay tinalo ng nadaya lang na PLDT..
dahil sa nangyari na iyon ay hindi na mababawian pa ng Creamline ang PLDT...
hindi mahaharap ni Domeng ang dati niyang team dahil sa injury...
Set 1, activated kaagad si BDL, nagawang makaagwat ng Creamline, hindi na nakahabol pa ang Akari dahil sa 14 attacks and 3 service aces ng Creamline..
Set 2, una nang nakalayo ang Creamline, nakahabol ang Akari sa bandang dulo, pero nanaig pa rin ang Creamline dahil sa kanilang 13 attacks and 3 service aces..
Set 3, maaga ulit nakalamang ang Creamline, ang dami nilang sabit sa net na service aces, at wala na ngang nagawa pa ang Akari...
3-0, panalo ang Creamline..
ngayon na lang ulit sila naging champion sa Reinforced Conference..
2nd pa lang daw nila..
justice na rin for PLDT...
- Conference MVP - Pons
- Finals MVP - Pons
sa tingin ko mas bagay kay Staunton yung Conference MVP since mas madalas na mataas ang puntos niya kumpara kina Pons..
sayang tuloy na wala siyang nakuhang individual award...
ang listahan ng mga MVP ng Creamline:
- Baldo
- Morado (Setter)
- Galanza
- Caloy
- Domeng (Middle Blocker)
- Pons
is feeling , salamat mga Kakampink.. para kina Morado at Galanza...
---o0o---
PVL Invitational Conference 2024
September 6, 2024...
kung may shortcut ang Reinforced Conference..
eh mas lalong minadali naman ang Invitational Conference..
6 teams dapat, pero naging 5 na lang dahil sa pag-atras din ng Akari, tulad ng ginawa ng PLDT..
bale 9 local teams ang hindi nag-participate..
masyado ring dikit-dikit ang araw ng mga laban this time...
Creamline versus Est Cola ng Thailand..
pero under 20 na team lang sila..
pinayagan pa ring maglaro ang mga Import, kaya naman nanatili pa si Staunton sa Creamline...
Set 1, unang nakaagwat ang Creamline hanggang sa nakalayo, ginamit tuloy nila ang kanilang bench, nakuha nila lahat ng scoring stats para sa unang set..
Set 2, una ulit nakaagwat ang Creamline, muli nilang ginamit ang kanilang bench nang nakalayo na sila, nanaig sila dahil sa kanilang 12 attacks plus 11 huge errors ng Est Cola..
Set 3, maaga nang nakalayo ang Creamline, Sato for BDL, at nagamit ulit nila ang kanilang bench sa bandang dulo ng laban...
3-0, panalo ang Creamline..
mabuti naman at may pahinga sa game ang lahat ng players nila...
si Asaka Tamaru naman ay bigla na lang nag-Import para sa Farm Fresh at hinarap na kahapon ang dati niyang team na Kurashiki Ablaze...
is feeling , salamat mga Kakampink.. para kina Morado at Galanza...
-----o0o-----
August 31, 2024...
[Trade]
day 263...
na-force sign out na ulit ako sa Binance..
ayoko na munang mag-log in..
nakakapagod na..
ngayon ko lang naranasan na kahit na mag-green pa ang market eh puros mali ang entry point ko.. 🙁
at nasa red na nga ang karamihan sa ngayon...
is feeling , USD 0.60, pwede bang mangyari ka na lang basta-basta kahit na offline pa ako...
---o0o---
September 1, 2024...
[Trade]
day 264...
multiple Bitcoin dip..
panay ang crash ng NULS..
more than 50% na tuloy ang requirement ko sa kanila para makatakas pa ako... 🙁
gumagawa ng ilang pump ang NULS..
USD 24 at 28 kagabi..
USD 30 at 16 naman ngayong araw..
total ng USD 98...
habang nananatiling matatag naman ang DOGS..
USD 36 yung ginawa nilang pump kagabi...
is feeling , NULS, pausap na, may perpetual contract kayo, gawin nyo na 'yang USD 0.60 pump...
---o0o---
September 2, 2024...
[Trade]
day 265...
USD 30 yung additional na nagawa ng NULS kaninang madaling araw..
USD 14 naman yung ginawa nila kanina na pump..
so total ng USD 44... 🙁
nagtapon na ulit ng USD 53..
pababa ang Bitcoin eh..
USD 90 na kaagad lahat ng napapakawalan kong pondo simula lang noong August.. 🙁
kasumpa-sumpang USD 90 sa panahon na green naman ang market..
so yung ibinagsak ko sa BTTC na USD 237, eh lumala pa ngayon hanggang USD 327..
hanggang saang kamalasan ang pwede pang maranasan ng isang taong ubod ng malas...??
is feeling , 1000SATS, mag-crash ka na hanggang USD 0.0001.. ikaw na lang ang pag-asa ko...
---o0o---
September 3, 2024...
[Trade]
day 266...
sa halip na bumaba pa ang Bitcoin, eh medyo umangat na sila..
naging green ulit ang market matapos akong mag-exit..
naka-recover din tuloy ang NULS..
USD 35 sana iyon para sa akin... 🙁
USD 39 naman ang nagawang recovery ng 1000SATS... 🙁
ang hirap nito..
wala akong mapasukan na safe..
1000SATS..
BTTC..
AST..
puros malalayo sa safe na entry point...
is feeling , 1000SATS, bumagsak na kayo hanggang 0.0001...
---o0o---
September 4, 2024...
[Trade]
day 267...
Bitcoin crash..
nakailag naman sa maling buying point..
ngayon ninyo tuparin 'yang USD 40,000 crash na 'yan...
USD 11 yung nagawang recovery ng NULS kanina, bago sila muling bumaba...
is feeling , 1000SATS, 0.0001 crash naman, please lang...
---o0o---
September 5, 2024...
[Trade]
day 268...
umangat kaagad ang 1000SATS..
USD 31 sana iyon para sa akin...
USD 21 naman para sa DOGS..
gumawa din sila ng pump ngayong araw dahil sa panibagong perpetual contract na nakuha nila..
USD 28 ang nakawala sa akin dahil dun...
kaso kahit pababa nang pababa ang Bitcoin..
hindi naman na sumusunod sa lalim ng galaw nila ang 1000SATS.. 🙁
kaya mukhang mahihirapan akong makapasok sa USD 0.0001...
is feeling , ano ba..? nakakalito na 'to...
No comments:
Post a Comment