Sunday, September 29, 2024

Liars & Invaders

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 1540...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 501 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagbabanta ng dating Pangulo laban sa isang Representative na nagsusuri ng mga kuwestiyonableng budget
  • yung binuking ng dating Pangulo na may katiwalian daw sa hanay ng mga Representative
  • yung verbal na pag-atake ng mag-amang Duterte laban sa kasalukuyang Pangulo
  • yung gustong kumalas ng Mindanao sa bayan
  • yung tinanggal na ang EDSA People Power Revolution sa mga declared na holiday
  • yung kalokohan nung bagong kanta at panata
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung pumalo na nga sa Php 14 Trillion ang mga utang ng bayan noon pa daw August 2023
  • yung pumalo na pala sa lagpas Php 15 Trillion ang utang ng bayan sa katapusan pa lamang ng April 2024
  • yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
  • noong 2022, yung pagpapasa daw ng Office of the President ng pondo para sa Office of the Vice President
  • yung naghahabol ng nasa Php 10 Billion daw na intelligence at confidential fund
  • yung nasa Php 4 Billion daw ang confidential fund ng Office of the President
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
  • yung kunwaring suspension ng Maharlika Investment Fund para daw muling pag-aralan, pero ang totoo ay gustung-gusto pa rin na ikasa iyon bago matapos ang taon
  • yung taon-taon na lumalaki ang budget ng Office of the President para sa travel
  • yung paggamit ng helicopter para lang makapunta sa concert ng Coldplay
  • kaninong pera kaya ang ginamit para pondohan ang kick-off rally ng kanilang Bagong Pilipinas' campaign
  • yung pagtutol sa Senate Resolution patungkol sa pagsuspinde muna sana sa PUV modernization
  • yung pahayag na hindi na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC para sa kapakanan ng mga kaalyado nila na dawit sa mga anomalya sa drug war
  • yung credit-grabbing, yung hinuli daw ng gobyerno ng Indonesia yung nagtatagong dating Mayor ng Bamban, Tarlac, dahil malaki daw ang naitulong ng mga pag-travel-travel niya sa iba't ibang mga bansa
  • yung terorista na ang turing nila sa mga rebelde, pero gagawaran naman nila ngayon ng amnesty yung mga dati nang nahuli
  • yung ni-red-tag ng mga kaalyado nila ang mga rebelde bilang mga terorista, pero ngayon eh nagsusulong na ulit sila ng peace talks
  • yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
  • yung lagpas 1 taon bago nagtalaga ng Secretary ng Department of Agriculture
  • yung binigyan ng katungkulan ang isang masamang halimbawa na abogado
  • yung na-disbar ng Supreme Court yung itinalaga na adviser dahil sa masamang asal

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Sandiganbayan, yung inabsuwelto yung isang Senador sa kasong Plunder kaugnay ng Pork Barrel Scam, pero guilty naman daw siya sa mga kasong direct at indirect Bribery
  • yung empleyado ng Philippine Navy na kabilang sa 3 hacker ng mga government website na naaresto ng NBI
  • sa isang mall, yung 2 pulis na nahuli daw ng mga asawa nilang pulis din na nagtatalik sa loob ng isang sasakyan
  • sa Bangko Sentral ng Pilipinas, yung nasa 4 daw na ghost employees na bahagi ng staff ng ilang Monetary Board member
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
  • sa Alabang, Muntinlupa, yung tauhan ng BFP na arestado dahil sa modus na Promotion for Sale
  • sa Regional Trial Court sa Pasay City, yung Clerk of Court na hinuli dahil sa pagpapabayad daw ng nasa Php 6 Million kapalit ng favorable decision para sa isang kaso
  • sa Cebu City, yung bentahan ng mga PWD ID para manakaw ang mga benepisyo nun
  • sa Cotabato City, yung pulis at nobyo niya na sundalo na nahuli dahil sa pagbebenta ng armas
  • yung mga nahuli ng Southern Police District dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, kung saan kabilang ang isang pulis
  • sa NAIA, yung babaeng Security Screening Officer na nakita sa CCTV na isinubo daw yung ninakaw nito mula sa biyaherong foreigner
  • sa Quezon City, yung kawani ng Quezon City Engineering Office na nahuli dahil sa pangingikil ng nasa halos Php 3 Million mula sa isang negosyante
  • sa Maynila, yung talamak daw na pangongotong ng MTPB laban sa mga trucker
  • sa Bacoor, Cavite, yung 2 pulis at 1 sibilyan na hinuli dahil daw sa pangongotong laban sa mga transport group doon
  • sa Biñan, Laguna, yung nahuling kandidato sa pagiging Barangay Kagawad na bahagi ng grupo na sangkot sa kidnapping at pangho-holdap
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung 2 pulis at 3 sibilyan na nahuli dahil daw sa extortion laban sa isang Egyptian patungkol sa pagsasampa ng kasong rape
  • sa isang hotel sa Pasay City, yung pulis at yung kapatid niya na nagpanggap na pulis, na naaresto matapos na mangikil laban sa isang babaeng Imperial citizen
  • yung 4 na intelligence officer ng NICA na inaresto matapos na mangikil ng nasa Php 2 Million laban sa isang Korean, para daw maareglo ang kaso nung banyaga
  • sa isang Barangay sa Imus, Cavite, yung Treasurer at Bookkeeper na nahuling nagbubulsa sa pondo ng Barangay nila
  • sa Sampaloc, Maynila, yung nasa 5 pulis na pinaghahanap na ngayon, na nagnakaw daw kasi at nangikil ng pera mula sa isang computer shop
  • sa Toledo City, sa Cebu, yung pulis na nanloob ng isang kooperatiba
  • sa Kawit, Cavite, yung 3 pulis na nadawit sa pagnanakaw sa 2 bahay ng mga Imperial citizen daw
  • sa Balagtas, Bulacan, yung nasa Php 30 Million daw na h-in-oldap mula sa isang negosyante kung saan 7 pulis daw ang suspek
  • sa planta daw ng LTO sa Quezon City, yung 3 empleyado daw ng LTO na sangkot sa nakawan ng mga plaka
  • sa Cebu City, yung nasa 5 kawani ng LGU na sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sila sa ilegal na droga
  • yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto dahil nagpositibo daw kasi sa surprise drug test
  • yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test
  • yung nasa 24 na pulis sa buong bansa na nagpositibo sa isinagawang random drug test
  • sa Manila City Jail, yung jail guard na nahuli dahil sa pagpupuslit ng marijuana oil
  • sa Quirino, yung kandidato sa pagka-Barangay Kagawad na naaresto matapos na pagbentahan ng ilegal na droga ang isang pulis sa buy-bust operation
  • sa Muntinlupa City, yung 1 aktibong pulis at 1 AWOL na naaresto sa drug buy-bust operation, bukod pa daw yung 2 aktibo din na pulis na kasabwat din nila
  • sa BARMM, yung nasa Php 4 Million na halaga ng ilegal na droga na nasabat mula sa 1 pulis at 2 pang suspek
  • sa Lanao del Sur, yung Barangay Chairman na napatay matapos na makipagbarilan sa isang buy-bust operation
  • sa San Juan, Batangas noong May, yung 2 pulis na umamin na tinaniman nila ng ilegal na droga ang isang suspek sa ginawa nilang buy-bust operation noon
  • sa Pasay City, yung 3 pulis na nahuli dahil sa kidnap for ransom modus kung saan naninita sila ng ng sasakyan ng mga Imperial citizen
  • sa Pangasinan, yung biktima ng pambubugbog na napag-trip-an lang daw, kung saan kabilang daw ang 1 pulis at 1 SK Chairman sa mga nambugbog
  • sa Cebu City yata iyon, yung pulis na namalo nang husto ng mga pasaway na estudyante
  • sa isang barangay sa San Juan City, yung outgoing na Sangguniang Kabataan Chairman na inireklamo ng pangmomolestiya ng isang bagong halal na SK Councilor
  • sa PNP-IAS, yung na-suspend na opisyales nila dahil sa patong-patong na kaso, kabilang na ang sexual harassment
  • sa Naic, Cavite, yung tauhan ng PCG na nag-amok at walang habas na nagpaputok ng kanyang baril
  • sa Las Piñas City, yung kakasalin na lasing na pulis na nagwala at nagpaputok nang nagpaputok ng kanyang baril
  • sa Leyte, yung mag-asawang pulis na sangkot daw sa tensyon at pagpapaputok ng baril laban sa ilang taga-media
  • sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
  • sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
  • yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati
  • sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari 
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima
  • yung Barangay Kagawad sa Malabon City, yung nanakot at nagpaputok ng baril para sa paninita niya ng mga nag-iinuman
  • yung video ng road rage sa Antipolo City, yung rider na pulis na naglabas ng kanyang baril at nag-confront sa driver daw ng truck
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nakunan ng video ng road rage laban sa isang siklista, kung saan nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung biktima
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima
  • sa Valenzuela City, yung Traffic Enforcer na sinuntok at pinalo ng baril ng 2 pulis Maynila, sinita daw sila dahil mga walang suot na helmet
  • sa isang bar sa Quezon City, yung pulis na nanutok ng baril at nagpaputok din daw matapos na may makaaway doon
  • sa Taguig City, yung empleyado ng Bureau of Immigration na nanuntok daw ng isang taxi driver na biglaang sumingit sa daan
  • sa Pandacan, Manila, yung inaawat sana na lalaki na napatay sa gulpi ng isang Barangay Tanod
  • yung 4 na Barangay Tanod na mula sa Las Piñas na suspek sa pag-salvage sa isang lalaki na natagpuan ang bangkay sa may creek sa C5
  • sa isang inuman sa Sta. Cruz, Maynila, yung 18 y/o na babae na aksidenteng nabaril ng isang pulis
  • sa Iloilo, yung 8 year old na aksidente daw na nabaril ng shotgun ng isang SK Kagawad
  • sa Ilocos Sur, yung 2 kapitbahay na namatay sa pamamaril ng isang retiradong pulis
  • yung 2 dating pulis ang suspek sa pagpatay dun sa Kapampangan beauty queen at sa kasintahan nito na Israeli
  • yung 2 dating pulis na suspek sa pagpatay dun sa Kapampangan beauty queen at sa kasintahan nito na Israeli, na nahulihan pa pala ng mga ilegal na armas
  • sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
  • sa Tondo, Manila, yung empleyado ng NBI na namaril at nakapatay sa kanyang nakaalitan na lalaki dahil daw sa bullying
  • sa Navotas City, yung 17 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga pulis dahil lang daw sa mistaken identity
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 15 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga naka-sibilyan lang na mga pulis, nadamay lang yung biktima sa pagtugis ng mga pulis sa kanyang kapatid na nasita ng mga ito
  • sa Malabon City, yung pulis na inaresto dahil sa pamamaril sa 3 biktima
  • sa Novaliches, Quezon City, yung pulis na inaresto matapos daw na mabaril at mapatay ang nakaalitan niyang lalaki sa isang bar
  • sa Pasay City, yung pulis na bumaril at nakapatay sa kapatid ng kanyang live-in partner
  • sa Lanao del Sur, yung 9 na pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kapwa nila pulis na natagpuan ang bangkay sa ilog
  • sa Taguig City, yung pulis na napatay sa pamamaril ng kapwa pulis sa loob mismo ng kanilang opisina na baka daw nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa ulam
  • sa Maguindanao del Norte, yung 2 pulis na namaril ng kapwa nila pulis

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung dating Head of Procuring Entity ng DepEd na nagbunyag na binibigyan daw siya ng envelope na may laman na pera galing sa OVP
  • sa mga raid at paghahain ng warrant, yung laging walang nahuhuli na malalaking boss dahil mukhang laging merong nagtitimbre para sa mga kriminal
  • yung may tao na nagkokonekta sa mga POGO na may kinalaman sa kuwestiyonableng Mayor ng Bamban, Tarlac at sa sindikato ng Pharmally
  • yung kaso nung teacher na Beauty Queen na nawala sa Batangas, na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan, kung saan pulis ang isa sa mga suspek
  • yung pagpatay kaagad sa mga bagong halal pa lamang na opisyal ng mga barangay sa iba't ibang panig ng bayan
  • yung 2 babaeng environmental activist na napaulat na nawawala, na pinapalabas na mga rebelde, na dinukot daw ng mga militar para manipulahin

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
  • yung may nakapasok ng COVID-19 FLiRT variant sa loob ng bayan, yun daw KP.2 version na laganap na sa USA at Singapore
  • yung napasok na ang bayan ng Q Fever, sakit na posible daw na makahawa sa mga tao
  • yung may nakapasok na ulit na bagong kaso ng Monkeypox sa loob ng bayan para sa taong 2024
  • yung nadali ng Medusa ransomware ang PhilHealth
  • yung una nang naging claim ng PhilHealth na hindi daw nanakaw ang data ng mga member, tapos sasabihin ngayon na hindi nila ma-determine kung may nanakaw nga ba at anu-ano iyon
  • yung naikalat na daw sa Dark Web yung ibang mga nanakaw na impormasyon sa PhilHealth
  • yung nasa 13 Million na members daw ng PhilHealth ang nai-leak na ang information online
  • yung pang-abalang suggestion ng PhilHealth na magpalit daw ng e-mail address at mobile number matapos ang naging kapabayaan nila
  • yung ang kapal ng mukha ng PhilHealth na igiit ang paghingi nila ng increase sa contribution, samantalang na-hack nga ang sistema nila at nagkalat na yung mga data online
  • yung paniningil ng PhilHealth ng rate of contribution na proportional sa kinikita ng mga tao, na para bang ang rate ng pagkakaroon ng sakit ng mga tao eh proportional sa kanilang kinikita
  • yung nagsimula na daw talaga ang PhilHealth sa paniningil ng contribution na 5% ng halaga ng sahod ng mga manggagawa nitong 2024
  • yung sobra-sobra daw na pondo ng PhilHealth noong 2023 na umabot sa lagpas Php 200 Billion
  • yung kagustuhan na ilipat sa national government yung nakitang labis na pondo sa PhilHealth, para daw isama sa Unprogrammed Fund sa halip na ibalik sa mga member na sinisingil nila nang malaki
  • dahil sa pagbawi ng DOF sa labis daw na pondo sa PhilHealth ay parang lumalabas tuloy na yung pinalaking contribution na ng mga member ang sumasalo sa mga bayarin ng mga s-in-ubsidize ng gobyerno
  • yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
  • yung nauna nang kinuwestiyon ng mga taga-Kongreso yung panukalang wage hike ng Senado, tapos ngayon eh gumagawa sila ng panukala na may mas malalaking halaga
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung ibabalik na naman sa dati ang educational system
  • yung bukod sa malalakas na pag-ulan, eh nakakagulo na rin sa ngayon ang panahon ng tag-init sa sistema ng edukasyon sa bayan
  • yung utos ng DepEd, yung bawal na ang mga educational material na nakadikit sa pader
  • sa DepEd, yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, pero pwede ang Christmas decorations
  • yung hakbang ng DepEd, yung unti-unti nang binubura yung apelyido na related sa nakaraang diktadura
  • yung COA reports noon daw 2016 at 2018 patungkol sa E-GASTPE, kung saan lumalabas na maraming nakurakot na pondo dahil sa mga ghost students
  • sa Antipolo City, yung 14 y/o na lalaking Grade 5 student na namatay ilang araw matapos daw sampalin ng guro
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • noong nakaraang December daw, yung pinasok ng Department of Agriculture na overpriced deal para sa mga sibuyas na nasa Php 500 plus daw per kilo, na lumalabas na madaming ginawang manipulasyon sa data ng naka-deal na kooperatiba
  • yung plano na naman ng gobyerno na sabayan ng pag-aangkat ng sibuyas ang anihan ng mga magsasaka ng sibuyas dito sa bayan
  • sa Department of Agriculture, yung hinihiling nila na Php 50 Million daw na confidential fund samantalang sa dami na ng mga nasabat na smuggled agricultural products sa bansa ay wala naman silang binibitay na mga smuggler
  • sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
  • yung oversupply naman ng pinya sa Isabela at Cagayan
  • sa Nueva Vizcaya, yung napilitan na ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga cabbage sa minimum na Php 3 per kilo dahil din daw sa oversupply
  • sa Nueva Ejica, yung mga magsasaka na mismo ang nagbebenta ng mga naani nilang puting sibuyas sa may kalsada dahil bagsak-presyo na ang mga sibuyas dulot ng importation
  • sa Benguet ngayong January, yung bagsak-presyo na naman ang mga inaning gulay ng mga magsasaka
  • yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR
  • yung nasa Php 500 to 720 na ulit ang presyuhan ng kada kilo ng siling labuyo
  • yung planong alisan ng taripa ang mga imported na bigas na tiyak na kokompetensya sa mga lokal na magsasaka
  • sa NFA, yung nasa lagpas 130 na tauhan na sinuspinde dahil daw sa pagbebenta ng higit Php 90 Million na halaga ng rice buffer para sa 2 negosyante
  • yung mga consignee para sa mga imported na bigas, na binuking ng PPA na sinasadya daw na hindi muna kuhanin ang kanilang mga inangkat, at naghihintay pa na tumaas ang presyo ng bentahan
  • sa New Agrarian Emancipation Act, yung pwede kaagad na ibenta yung nakuhang lupa after 10 years lang
  • sa National Irrigation Administration, yung mga nasita nilang proyekto kung saan yung iba daw ay ilang dekada na pero hindi pa rin nakukumpleto
  • yung ayaw isuko ng DENR ang nasa Php 13 Million na confidential fund nila para next year samantalang hindi pa daw nila nagagamit yung confidential fund nila para sa kasalukuyang taon
  • sa Chocolate Hills sa Bohol, yung kuwestiyonable daw na paglusot sa LGU at DENR ng pagpapatayo at operasyon ng isang private resort doon sa mismong site
  • sa ni-raid na sobrang laking POGO hub sa Porac, Pampanga, yung obvious na kapabayaan ng mga lokal na awtoridad doon
  • yung gusto pa lalong palakasin ang batas para sa animal welfare, sa kabila ng pagiging abusado ng maraming pet owners
  • ang daming pinakakawalan na extra na pera na wala naman sa batas, tapos wala naman palang batas tungkol sa pensyon ng mga atleta
  • sa NEDA, yung hindi daw maituturing na mahirap ang isang tao kung may at least Php 21 na budget siya for every meal
  • yung bakit daw merong 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries ang DSWD
  • yung bibigyan na rin ng SSS insurance ang mga benepisyaryo ng 4Ps
  • yung handang magtapon ng nasa Php 500 Billion para sa libreng limos, pero walang pakialam kung mabubura sa bayan ang industriya ng mga traditional jeep na makaaapekto sa maraming mananakay
  • yung pag-apruba ng LTFRB sa Php 1.00 provisional increase sa pamasahe sa jeep
  • yung panay ang extension ng DOTr ng deadline para sa PUV consolidation, patunay na may duda sila sa sarili nilang mga plano
  • yung laging pagsisinungaling ng LTFRB tungkol sa lagay ng public transportation sa tuwing may protesta, kesyo wala daw epekto pero aminado naman sila na nagpo-provide sila ng mga libreng sakay at may mga lugar din na nagsu-suspend na lang ng mga klase
  • sa jeepney consolidation, yung may corporation daw na inagaw na ang mga jeep na pagmamay-ari mismo ng mga driver na nag-consolidate at nagpa-member sa kanila, bukod pa sa kinasuhan daw sila ng carnapping
  • yung mga grupo ng mga jeepney operator at driver na nag-consolidate, pero hindi din naman makabiyahe dahil ibinigay ang dati nilang ruta sa ibang nag-consolidate
  • yung mga transport cooperative na hirap daw maghulog sa kanilang utang para sa PUV modernization program
  • yung hirap nang makasakay ang ibang mananakay dahil sa kabobohan ng sapilitang jeepney consolidation, walang alternatibo na kasing-mura ang pamasahe kumpara sa mga jeep
  • sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
  • yung bombing sa NAIA, patunay na mahina ang seguridad doon
  • sa parking lot ng NAIA Terminal 3, yung 19 na sasakyan na nadamay sa sunog
  • sa NAIA ngayong early 2024, yung mga namataang iba't ibang klase ng peste
  • yung naka-motor na MMDA Traffic Aide na nahuling gumamit sa EDSA Busway
  • sa EDSA Busway, yung sundalo, pulis, at empleyado ng gobyerno na nahuling dumaan doon
  • sa EDSA Busway na naman, yung bagong batch ng mga nahuling dumaan doon kung saan kabilang ang isang Barangay Kagawad
  • yung 2 airport police na sinuspende sa serbisyo matapos na dumaan sa EDSA Bus Carousel
  • yung dating Governor na dumaan ang convoy sa EDSA Busway
  • yung nahuling dumaan sa EDSA Busway na may protocol plate na 7, bagay na naka-assign daw para sa mga Senador
  • sa EDSA Busway, yung bus na naaksidente matapos na umiwas dahil sa biglang pagpasok ng isang police car doon sa kanilang espesyal na lane
  • yung MMDA Traffic Aide na nahuling namamasada sa EDSA Busway, colorum daw yung van at nabisto na gumagamit ng pekeng sticker para makadaan doon sa busway
  • yung na-suspend na MMDA official, dahil daw sa isyu ng pagpapalagpas sa violation at sa pagpapadaan sa convoy kung saan inakala niya na kabilang ang sinasakyan ng isang Senador
  • sa SLEX, yung junior officer daw ng PCG na nagyabang at nag-drive ng klase ng motor na hindi pwede doon sa expressway
  • yung mga banyaga na nabisto na gumagamit ng mga lehitimong Philippine passport
  • sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
  • sa Davao City, yung under construction na tulay na nag-collapse kung saan 5 daw ang namatay habang 2 ang sugatan
  • yung lumobo na nang lumobo ang gastusin para sa ipinapagawang building ng Senado, kesyo DPWH daw ang laging nagre-request ng karagdagang budget
  • yung ang daming ipinagmalaki na flood control projects noong state of the nation address, pero lumalabas na puros palpak naman pala ang mga iyon
  • sa isa sa mga bagong EDSA Busway station, yung rampa sana para sa mga PWD pero hindi sumunod sa batas dahil matarik at labis-labis sa required na inclination
  • yung wala pang pondo para sa ipinangako nilang fuel subsidy
  • yung lumalabas sa isinagawang testing na kahit picture pala ng hayop ay tinatanggap sa SIM registration ng iba't ibang kompanya
  • yung mga nabisto na specialized na registered SIM cards, na blanko lahat ng details na kaugnay dapat nung mobile numbers
  • yung Senador na gustong pabayaran ang hihigit sa unang ire-register na SIM card, na para bang hindi paraan ang paggamit ng private at public SIM para malabanan ang mga hacker, at na para bang reliable ang SIM card registration na ipinagawa nila
  • yung TV Network ng mga kasinungalingan, na ngangayon lang bubusisiin dahil lang sa may nasagasaan na mataas ang katungkulan sa Kongreso
  • ang kabulukan ng sistema ng komunikasyon sa PHLPost
  • yung 3 buwan na na-stuck sa sistema ng PHLPost yung sulat na para sa akin, at ni walang attempt for delivery kahit na kailan
  • yung Presidential Assistant for Strategic Communications, yung nag-share sa social media ng FAKE document tungkol sa half-working day
  • yung banta ng SEC na pagpapa-block laban sa Binance, samantalang nag-uusap na sila dati
  • patapos na at lahat ang February, pero wala pa ring ibinibigay na exact date ang SEC para sa pagpapa-block nila sa Binance
  • yung pag-amin ng PSA na nagkaroon din ng data breach sa kanilang sistema
  • yung nadali din daw ng data leak noong August pa yung isang portal ng DOST
  • nitong April 2024, yung latest na hacking daw laban sa computer system at websites ng DOST
  • bago matapos ang April 2024, yung na-hack na naman daw ang website ng DOST
  • yung na-hack na din ang website ng House of Representatives
  • sa Facebook page ng PCSO, yung may nag-post daw ng nude photos
  • yung Facebook page naman daw ng PCG ang na-hack, iyon ay matapos na ma-hack din ang kanilang Twitter account at mismong website
  • yung na-hack na din ang sistema ng BOC, kung saan information daw ng libu-libong mga empleyado at customer ang nakuha
  • yung na-hack na unit daw ng DICT, para lang paalalahanan na palakasin ang data security sa bayan
  • sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
  • yung nasita ng COA ang OVP, dahil daw sa pagbili ng mga equipment para sa kanilang mga satellite office nang hindi sumusunod sa procurement laws
  • yung ayon sa COA ay ginastos ng OVP ang ginawa nilang confidential fund na Php 125 Million in just 11 days daw
  • yung nasilip ng COA sa DepEd, yung hindi daw pagre-remit ng premiums at contributions sa GSIS at iba pang ahensya, kahit pa nakaltas na daw ang mga iyon sa sahod ng mga manggagawa
  • yung nasilip ng COA sa dating DepEd, yung nasa Php 5.69 Billion daw na halaga ng school-based feeding program kung saan madaming naging problema sa mga gatas at nutribun
  • yung nasilip ng COA sa Presidential Communications Office, yung nasa Php 26 Million daw na halaga ng terminal leave benefits na walang documents o hindi ginawan ng tamang deductions
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Customs, yung pagri-release daw ng nasa Php 3.558 Billion na halaga ng mga shipment na dapat sana ay idinaan sa 100% physical inspection pero hindi ginawa
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung nasa Php 9.868 Million daw na halaga ng undocumented tokens o giveaways
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung 48 na unutilized Dalian trains ng MRT-3 na ayaw pa ring gamitin hanggang ngayon kahit na may nakalatag naman palang plano para magamit ang mga iyon
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung pagdaan daw nila sa supplier na wala namang kinalaman sa food business para daw sa pagsu-supply ng relief goods, nasa Php 173 Million yung pinag-uusapan na halaga
  • yung hindi certified Halal yung ipinamahagi ng DSWD na relief goods para sa Muslim region
  • yung lumalabas na may immitation daw sa mga canned tuna na ipinamahagi ng DSWD
  • yung nasilip pa rin ng COA sa DSWD, yung lagpas Php 3 Million daw na ginastos nila para sa meals at hotel accommodations ng kanilang mga tauhan, bagay na irregular at unnecessary dahil may mas mura naman daw na alternatives
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 92 Billion daw ang hindi nila nakokolektang kontribusyon mula sa mga pasaway na employers
  • yung nasita ng COA sa Department of Health, yung umaabot sa Php 7.4 Billion na halaga ng mga gamot at bakuna na nasayang lang noong 2022
  • yung nasilip ng COA sa PhilHealth, yung halos nag-triple na daw ang paglaki ng suweldo ng mga executives doon para sa year 2022
  • para sa Department of Tourism, yung video para sa pagpo-promote ng bayan pero gumamit pala ng stock footage na mula sa iba't ibang bansa
  • sa Department of Tourism, yung poster kung saan mali ang information tungkol sa Banaue Rice Terraces
  • sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
  • yung nasa 26 daw na tauhan ng BIR na s-in-uspend dahil sa mga violation
  • yung napepeke na din daw kaagad ngayon yung bagong Php 1,000 bill
  • yung mga magtitinda na hindi tumatanggap ng mga natupi o nalukot na polymer bill, dahil natatakot sa mga babala patungkol sa ganung klase ng pera
  • sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
  • sa PCSO, yung madalas na mapanalunan ang mga jackpot prize simula noong nagpalit ang administrasyon, pero talagang ginawa pa nilang Php 500 Million ang starting jackpot para sa ilang lotto games
  • sa Lotto ng PCSO, yung halos ilang araw pa lang ang nakalilipas matapos na gawin na Php 500 Million ang minumum jackpot price para sa 6/55 at 6/58, pero ayun at napanalunan na kaagad yung 6/58
  • sa PCSO, yung sa huling 5 draw sa 6/42 eh 4 na beses na kaagad na napapanalunan ang jackpot nila
  • sa 6/42 ng PCSO, yung sa huling 10 magkakasunod na bola nila eh 6 na kaagad na jackpot ang napapanalunan
  • sa PCSO, yung nabuking sila sa Facebook at inamin din nila yung tungkol dun sa edited na picture ng isang lotto winner
  • sa PCSO, yung ipinakita daw nila na listahan sa isang Senador kung saan 20 beses nang nanalo ang 1 mananaya sa loob lamang ng 1 buwan
  • ang kagustuhan ng PCSO na burahin ang mga franchise at outlet nila, in favor sa e-lotto
  • yung bagong logo ng PAGCOR na nasa Php 3 Million daw ang halaga
  • yung nasa Php 4 Billion daw na gagawin na estimated na arawang pangungutang para sa taong 2024 para lang ma-meet yung panukalang national budget
  • yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
  • yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
  • yung binago ang implementing rules and regulations para sa pagpili ng mga magha-handle ng Maharlika Investment Fund, pinababa yung qualifications para may mga maipasok sila
  • yung kagustuhan ng Maharlika Investment Corporation na mag-invest sa NGCP, samantalang lahat daw ng investment ng NGCP eh eventually sinisingil naman sa mga consumer kahit hindi pa naman natatapos ang mga project
  • sa Maharlika Investment Corporation, yung pinuno na humihingi daw ng nasa Php 2.5 Million na monthly salary na para bang kaya yung kitain nung investment fund buwan-buwan
  • yung ayaw i-suspend ang excise tax at value added tax sa petrolyo dahil mas makikinabang daw ang mga may-ari ng private vehicles, na para bang walang paraan para mag-concentrate lang sa mga mass transport PUV na dapat makinabang
  • sa Department of Finance, yung opisyal na pinag-resign daw dahil sa pagiging makatwiran
  • yung pagbasura ng Ombudsman sa mga kaso ng red-tagging na kinasasangkutan ng mga opisyales ng dating pinuno, dahil wala daw batas laban sa mapanirang paraan ng red-tagging
  • yung kagustuhan ng Ombudsman na hindi na ilabas sa publiko ang findings ng Commission on Audit
  • yung Senadora na tutol sa pakikipagtulungan sa ICC, kesyo gumagana naman daw ang sistema ng hustisya sa bayan, pero ang totoo ay hindi naman
  • yung Senadora na nagparatang na paghahanap daw ng gulo ang pagpayag sa ICC na imbestigahan ang mga iregularidad sa ipinatupad ng dating administrasyon na drug war
  • yung Senadora na tutol din sa peace talks, dahil tutol ang mga kaalyado niya, dahil hindi nga naman nila mapapakinabangan ang mga benepisyo ng red-tagging kung magkakaisa ang lahat
  • yung Senadora na magnanakaw ng credit para sa Nutribun project ng USA pero tutol sa pakikipagtulungan sa USA upang maipagtanggol ang mga teritoryo ng bayan
  • ngayong 2024, yung premature campaigning gamit ang TV commercials
  • yung panggagamit sa LGBT+ community para sa premature campaigning
  • yung mga kaso na natakasan na naman ni Napoles dahil sa right to a speedy trial
  • yung 1 taon na pero wala pa ring hustisya para kay Percy Lapid, dahil hindi naman nahuhuli ang mga akusado
  • yung mga criminal witness na gusto na ding bawiin ang testimonya nila noon laban sa isang dating Senadora
  • yung dating pulis na gusto na ring bawiin ang kanyang ginawang testimonya noon laban sa isang dating Senadora
  • sa Port Management Office sa Bohol, yung 8 opisyales na nahuling nag-iinuman sa mismong opisina
  • yung lasing daw na rider na nakasagi ng mga pasahero sa EDSA Busway, na nakumpirma na tauhan pala ng MMDA
  • yung miyembro ng PNP-HPG at isang dating sundalo na nahuli na nag-e-escort sa isang pribadong sasakyan
  • yung 2 MMDA personnel na nag-escort sa isang Senador, na gumamit ng mga motor na may PNP markings
  • sa command conference ng NBI, yung sexy dance performance daw
  • sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
  • yung inamin ng PDEA na wala yung pangalan ng dating Mayor ng Iloilo sa initial nilang narcolist noon, at na pinadagdag lang iyon
  • sa Morong, Rizal, yung police mobile na naagaw ng isang may problema daw sa pag-iisip na suspek, dahilan kung bakit nakapang-araro siya, nakasira ng mga bagay-bagay, nakapatay ng 3 katao, at nakasugat ng 6 na iba pa
  • yung mga lalahok sana sa selebrasyon ng EDSA People Power ngayong taong 2024 na hinarang ng mga pulis
  • yung panghuhuli ng mga pulis ng mga jeepney driver na sasali sana sa rally, kesyo out of line daw samantalang hindi naman sila papasada
  • sa kaso ng panununog sa isang modern jeep sa Catanauan, Quezon, yung basta na lang pagkulong sa 4 na suspect na pawang mga professional, kahit pa may mga CCTV footage at mga witness na nagsasabi na malayo sila sa lugar na pinangyarihan noong naganap yung krimen
  • sa Lucena City, yung 12 pulis na nang-raid daw ng maling bahay para sa kanilang drug buy-bust operation
  • yung rescue mission na ginawa sa Angeles, Pampanga laban sa mga kidnapper na Imperial citizen, yung lumalabas na friendly-fire pala ng kapwa pulis ang nakasugat at nakapatay sa mga kasamahan nilang pulis
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril, yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo dati yung retiradong pulis
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung lumalabas na nakatanggap nga ng kanyang retirement benefits yung pulis, kahit pa na-dismiss naman siya dapat sa serbisyo
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung ngangayon lang binabawi yung retirement benefits na natanggap nung pulis puwerket naging public ang istorya niya
  • sa kaso nung mistaken identity sa Navotas, yung lumalabas na may pending dismissal order noon pa daw taong 2020 laban doon sa pulis na itinuturong unang nagpaputok ng kanyang baril laban sa mga biktima
  • yung December 25 pa lang, pero may mga nahuli ng pasaway dahil sa illegal discharge of firearms, kung saan 2 daw ang pulis at 2 ang sundalo
  • hanggang nitong January 2, yung nadagdagan pa ang mga kaso ng illegal discharge ng baril, 1 pulis at 1 Barangay Kagawad ang ilan sa mga nadagdag sa listahan
  • yung matagal nang napatunayan sa mga balita na madaming gun owners dito sa bayan ang saltikin, pero talagang papayagan pa ang mga mamamayan na magmay-ari na din ng mga semi-automatic rifle
  • sa PNP, yung pagkawala daw ng ilang case folder ng mga pulis sa NCRPO na may kinakaharap pang mga kaso
  • sa hearing tungkol sa mga Drug War victim, yung may mga pulis daw na kinukunan ng picture yung mga kaanak ng mga biktima
  • sa Quezon City, yung bahay ng OFW na nanakawan ng grupo ng mga kabataan na paulit-ulit na daw na nahuhuli at nakakalaya
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung 2 menor de edad na babae na agaw-buhay na natagpuan sa isang bakanteng lote, na biktima ng rape, kung saan dati nang may mga kaso ang mga suspek
  • yung pag-amin ng Chief ng Bureau of Corrections na hinahayaan talaga ng ibang tauhan ng BuCor ang pagpapapasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan
  • sa New Bilibid Prison, yung panibagong kumpiskahan kung saan may mga nakuha na granada, mga sumpak, at mga ice pick
  • sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, yung 9 daw na sugatan na preso matapos ang pamamaril ng 1 ding bilanggo at may ulat din na may napatay daw dahil naman sa pananaksak ng ice pick habang may komosyon nga
  • sa New Bilibid Prison, yung panibago na namang kaso ng preso na napatay sa pananaksak ng kapwa niya preso
  • yung 2,000 pulis na ang kailangan para lang maghain ng arrest warrant laban sa pinuno ng isang kulto
  • yung bombing sa Mindanao State University sa Marawi, yung lumalabas na may kumalat na palang text messages patungkol sa posibleng pag-atake, pero nalusutan pa din sila
  • yung ayaw makipagtulungan sa ICC, pero ang kakapal ng mukha na iasa sa ibang bansa ang kapabayaan na ginawa nila na dahilan para makatakas yung kuwestiyonableng dating Mayor ng Bamban, Tarlac
  • yung matapos ang effort ng gobyerno ng Indonesia para linisin ang kapalpakan na ginawa ng bayan na ito eh celebrity pa ngayon ang trato ng mga lokal na awtoridad doon sa nagtagong dating Mayor ng Bamban, Tarlac
  • yung mga ahensya ng gobyerno na may alam palang impormasyon, tulad na lang ng DOJ at PAGCOR, pero wala namang aksyon laban sa kriminalidad at katiwalian
  • yung kaduda-dudang dami ng intelligence fund sa gobyerno
  • yung branding laban sa mga nagbabantay sa pondo ng bayan, na pinaratangan sila bilang kalaban ng kapayapaan at ng bayan dahil sa pagsusuri nila sa mga kaduda-dudang confidential fund
  • yung palabas na kesyo pamumulitika daw ang pagsusuri sa national budget lalo na yung mga confidential
  • yung tutol sa peace talks dahil mawawala ang nakukuha nilang benepisyo mula sa red-tagging at confidential fund
  • yung madami palang local government unit ang nag-a-allocate na din ng confidential fund
  • yung may confidential fund na din pala ang PCSO
  • yung nasa Php 21 Million na intelligence fund na nire-request naman ng MMDA
  • sa Department of Migrant Workers, yung nagre-request na din sila ng confidential fund para DAW labanan ang mga illegal recruiters at scammers
  • yung confidential fund ang idinadaing ng DICT, samantalang technology at technical knowledge ang kailangan para sa cyber security
  • yung mga ahensya na tinanggalan ng confidential fund para sa taong 2024, pero pinalitan lang naman ng ibang item yung confidential fund, kaya ibig sabihin na hindi talaga kailangan na maging confidential ang category ng mga pondo na iyon
  • sa Kongreso, yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami
  • sa Kongreso, yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative na gustong magsuri ng minamadaling budget
  • yung Senador na nagsabi na dapat i-consider ang role ng Vice President sa NTF-ELCAC para sa panghihingi nila ng confidential fund, samantalang may kanya namang budget ang NTF-ELCAC, at iba ang purpose ng OVP at DepEd
  • yung mga Senador na nagsasabi na hindi daw dapat tapyasin ang budget ng Office of the Vice President base sa tradisyon, kahit pa kuwestiyonable ang paggastos ng mga ito sa pera ng taong-bayan
  • yung Senador na nag-red-tag ng opposition, na kesyo recruitment daw ng mga rebelde ang dahilan kung bakit sinusuri ng mga ito ang kaduda-dudang paggastos ng pondo ng bayan
  • yung Senador na protektor ng SMNI dahil sa gawain nila ng red-tagging
  • yung Senador na gustong ipa-deport ang mga investigator ng ICC kung sakali daw na nakapasok na sila sa bayan
  • yung Senador na nagsabi na ang pagsuporta daw sa imbestigasyon ng ICC tungkol sa mga iregularidad sa drug war ay nangangahulugan ng hindi daw pagmamahal sa bayan
  • yung Senador na ang lakas ng loob na magsalita ng tungkol sa hindi pagmamahal sa bayan, samantalang ni hindi niya alam ang titulo ng National Anthem
  • yung Senador na nagsabi na gantihan daw ng water cannon ang mga taga-Imperyo, na malamang na hinihintay ng mga iyon para makapagsimula na ng totoong digmaan
  • yung mga Senador na protektor ng pinuno ng isang religious group na may mga kaso dito sa bayan at maging sa ibang bansa
  • yung Senador na gustong magsagawa ng sariling imbestigasyon tungkol sa drug smuggling para maprotektahan ang kanyang mga kaalyado
  • yung ginawang opisyal ng gobyerno na ini-enjoy ang pagre-red-tag sa isang biktima ng unsolved assassination crime
  • yung Presidential Adviser for Poverty Alleviation, na nagsabi na haka-haka lang daw ng mga mamamayan ang tungkol sa kahirapan ng buhay sa panahon ngayon base lang sa observation niya sa mga mall at fast-food restaurant
  • yung Representative na nagsasabi na huwag na daw kasuhan ang tatay nila dahil sa death threat at huwag na din daw dumaan sa media
  • yung d-in-ismiss ng Quezon City Prosecutor's Office yung grave threats complaint laban sa dating Pangulo
  • yung palitan sa liderato ng Senado, dahil lumalabas na hindi mamanipula ang nakaraang Senate President
  • yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
  • yung asawa ng isang Senador, yung nagpa-glutathione drip session daw sa opisina sa Senado ng kanyang mister
  • yung Senador na parausan lang ang tingin sa mga babae
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
  • yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
  • yung Senador na tumutol sa contempt citation laban sa pinuno ng isang kulto
  • yung kaalyado din nila na Senador na protektor na din nung TV Network para sa red-tagging
  • yung Senador na ang habol sa Charter Change ay ang pagpaparami ng pinagbobotohan na mga katungkulan at ang pagpapadami sa posibleng termino ng elected officials
  • yung pagpapapirma daw sa mga mamamayan kapalit ng Php 100 lamang para sa pagsusulong ng People's Initiative para lang mabago na ang konstitusyon
  • yung paggamit daw ng mga ayuda bilang pangako, bilang kapalit ng pagsuporta ng mga mamamayan sa People's Initiative na magsusulong sa pagbabago ng konstitusyon
  • yung mga bumawi na sa pirma nila mula sa People's Initiative, kesyo nalinlang daw sila na para sa pagtanggap ng mga ayuda yung pinirmahan nila
  • yung commercial tungkol sa pagbabago ng konstitusyon, yung may halong paninira sa 1987 Constitution at mga pahaging din laban sa EDSA People Power
  • yung commercial tungkol sa pagbabago ng konstitusyon, na gustong ibugaw ang mga lupain ng bayan sa mga banyaga
  • hindi nga nila mapigilan ang sistema ng permanenteng contractualization dito sa bayan, tapos uunahin pa nila ang pagbibigay ng dagdag na kalayaan sa mga foreign investors
  • yung opisyal ng COMELEC na umamin na hindi sila naging transparent noong nakaraang 2022 election
  • sa nakaraang eleksyon, yung sinasabi na mga transmitted results daw na isang common IP address lang ang pinanggalingan, bagay na imposible dapat mangyari dahil galing dapat ang mga transmission sa iba't ibang lugar sa bayan
  • sa 2023 Barangay Elections, yung mga pumalpak na vote counting machine samantalang konti na nga lang ang ginamit
  • sa 2023 Barangay Election, yung mga botante na wala na sa voter's list ng COMELEC
  • yung mga bilanggo na nanalo sa 2023 Barangay Elections, na para bang hindi nag-iisip kung paano gagampanan ng mga taong iyon ang kanilang mga tungkulin habang nasa kulungan sila
  • yung babaeng Mayor ng Bamban, Tarlac, na naging Mayor kahit na wala palang certificate of live birth, at wala ding record para sa kanyang educational background
  • yung ni-raid na POGO sa Bamban, Tarlac, na malapit lang pala sa mismong munisipyo
  • yung ayon sa record ng NBI ay may kapangalan at ka-birthday na lokal na mamamayan yung kuwestiyonableng Mayor ng Bamban, Tarlac
  • yung ayon sa NBI ay nagtugma ang fingerprints nung kuwestiyonableng Mayor ng Bamban, Tarlac doon sa record nung Imperial citizen na si Guo Hua Ping
  • yung reconfirmation sa COMELEC, na match nga ang fingerprints nung Guo Hua Ping dun sa kuwestiyonableng Mayor ng Bamban, Tarlac
  • yung ayon sa record ng AMLC, na yung Imperial citizen daw na si Wen Yi Lin Leal ang ini-register nung kuwestiyonableng Mayor ng Bamban, Tarlac bilang kanyang ina
  • yung lumalabas na nakaalis na daw pala ng bayan yung kuwestiyonableng suspended Mayor ng Bamban, Tarlac
  • yung mga abogado na nagsasagawa ng drive-through notary service, siguro para hindi makuhanan ng CCTV camera yung mga totoong ka-deal nila
  • yung naharang ng Bureau of Immigration na 2 babaeng Imperial citizen na nagpanggap bilang mga lokal na mamamayan, nabuking dahil hindi daw sila marunong magsalita ng Tagalog
  • sa Davao del Sur, yung nasa 200 daw na Imperial citizen na nagkaroon ng mga pekeng birth certificate dito sa bayan
  • yung umaabot daw sa nasa 1,200 na mga dayuhan ang nakinabang na sa late registration ng birth certificate dito sa bayan
  • yung ang dating Presidential Spokesperson daw ang naglalakad sa PAGCOR para sa mga naging ilegal na POGO, legal head din daw ito ng isa sa mga na-raid na POGO
  • yung lumalabas na may koneksyon dun sa dating Presidential Spokesperson yung bahay sa Benguet kung saan may nahuli na 2 Imperial citizen na konektado daw sa POGO
  • yung dating Presidential Spokesperson na nagsisinungaling tungkol sa kanyang schedule para lang hindi dumalo sa pagdinig kaya siya napatawan ng contempt
  • yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
  • yung pinuno na umamin nang ginamit lang dati ang konsepto ng pagkakaisa para sa panahon ng kampanya
  • yung humingi ng tawad sa mga botante dahil sa pag-endorse sa dati niyang kaalyado puwerket hindi mapagtakpan ang kanilang grupo
  • yung pinuno na ang lakas ng loob na bumisita sa taong nire-red-tag nila noon
  • yung nasa 400 pala na sundalo ang nagbabantay sa Vice President, pero talagang nagrereklamo pa siya
  • yung nasa Php 10 Million ang hinihinging halaga para sa pamamahagi ng ginawa niyang children's book
  • yung Congressman na nanghihimok na huwag nang suportahan ang Pangulo, kesyo takot daw siya kung sakaling mangyari ang digmaan sa pagitan ng USA at Imperyo
  • ang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagbasura sa mga kaso laban sa pamilya ng Diktador
  • yung kaso ng pamilya ng Diktador na ibinasura na naman ng Supreme Court, nakaw na yaman na may naging kaugnayan daw sa negosyo ni Lucio Tan
  • yung Senador na nagkukunwari na hindi daw nangha-harass sa pinag-aagawan na karagatan ang mga taga-Imperyo sa panahon ng kanyang dating amo
  • yung POGO daw na nakalabas ng bayan nang hindi nagbabayad ng Php 2.2 Billion sa gobyerno
  • yung Imperial citizen na pugante sa ibang bansa, na na-issue-han ng Bureau of Immigration ng Special Resident Retiree's Visa
  • sa PCG, yung tinanggap daw nila na nasa lagpas 30 na Imperial citizen para sa kanilang Auxiliary
  • sa mga website ng pamunuan ng bayan, yung tangka daw na pangha-hack ng mga hacker na na-detect mula sa state-owned telecommunications company ng Imperyo
  • yung pagbabago ng pahayag ng mga nasa pamunuan tungkol sa recent na armed harassment na isinagawa ng Imperial Coast Guard, misunderstanding lang noon pero sinadya na daw ngayon
  • yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
  • yung may nangako daw sa Imperyo na tatanggalin yung BRP Sierra Madre mula sa may Ayungin Shoal
  • ang paghahabol ng Imperyo sa kasunduan sa dating pamunuan na wala naman palang kasulatan
  • yung ipinagyayabang ng Imperyo na new model DAW ng kasunduan patungkol sa West Philippine Sea

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • kung dati kapag kilalang tao ang naging wanted ay automatic na nagkakaroon sila ng sakit, ngayon naman eh automatic na nagkakaroon sila ng mga death threat daw para lang makaiwas sila sa batas
  • yung maluluho daw na demands ng pinuno ng isang kulto bilang kapalit ng kanyang appearance
  • sa Davao City, yung mga miyembro ng kulto na hinarangan ang highway para maging perwisyo ang protesta nila laban sa ibang mamamayan
  • yung nagsisimula na ngang lumaganap ang Deepfake news sa bayan, mga mukha na ng mga lehitimong newscaster ang ginagamit nila
  • yung mga mamamahayag na nagsasabi na kapag daw history ay hindi na makakalimutan, samantalang madami nang patunay na madami ng mga personalidad sa kasaysayan ang hindi na kilala ng maraming mga mamamayan
  • yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
  • yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
  • sa Quezon City, yung ipinasarang club dahil ayaw makipagtulungan para sa contact tracing dahil sa pagkalat ng Monkeypox
  • yung gustong humiling ng mga jeepney transport leaders ng Php 2 to 5 na taas-pasahe, na para bang yumayaman ang mga mananakay sa malagim na panahon ngayon
  • yung nasa 147 na baboy na naharang sa checkpoint sa may Mindanao Avenue yata iyon, na nagpositibo pala sa ASF at pineke lang nung mga biyeharo ang mga dokumento
  • yung mga baboy na galing sa Batangas na pilit ibinabiyahe sa ibang mga lugar kahit pa may mga checkpoint na laban sa ASF
  • sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
  • sa Cebu, yung bata na kinagat sa mukha ng aso na wala daw bakuna kontra sa Rabies, tapos nasugatan pa yung bata sa kanyang mata
  • sa Talisay City, Cebu, yung 68 y/o na lolo na natagpuang patay sa loob ng banyo na mukha daw nilapa ng mga alaga niyang aso
  • yung pinaslang na aso sa Camarines Sur, na lumalabas na nagpositibo pala sa Rabies
  • yung hirap ang mga kabataang mag-aaral ngayon sa Mathematics, Science, at Reading
  • sa isang mall sa Lapu-Lapu City, Cebu, yung 2 grupo ng mga kabataan na nagrambulan doon
  • sa Caloocan City, yung riot ng mga basurang kabataan na may batuhan pa ng Molotov bomb
  • sa Paombong, Bulacan, yung madalas na rambol ng mga kabataan tuwing gabi, kung saan may gumagamit pa ng itak, at naglalaban-laban sila kahit baha sa kanilang lugar
  • sa Tondo, Manila, yung estudyanteng lalaki na pinaslang sa gulpi ng grupo ng mga kalalakihan dahil lang daw nagkasagian sa bar
  • sa Quezon City, yung Criminology student na pinatay sa hazing
  • sa basurang Imperial app, yung nabisto na bayad na demolition job by social media influencers, laban sa isang babaeng celebrity at sa kompanya nila, kung saan Php 8,000 daw ang bayad per influencer
  • yung mga nakawan sa e-wallet ng Maya, kung saan ni wala daw SMS notification o OTP na s-in-end sa may-ari ng account para ma-authorize yung transaction
  • yung mga nakawan sa e-wallet naman ng GCash, ipinadala daw ang lahat ng nawalang pera ng ilang account sa iisang merchant lamang
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
  • yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
  • yung bentahan daw ng mga government ID ng bayan para sa mga foreign POGO workers
  • yung sabwatan ng mga courier at ng mga sindikato na nangongopya ng mga credit card para mapagnakawan yung totoong holder
  • sa Manila, yung Australian Vlogger na pinasakay ng tricycle at saka sinubukang singilin ng daan-daang piso kahit wala namang license yung mapagsamantalang  driver
  • sa Bacolod City, yung mga nagnanakaw ng sobrang mamahalin na telco cell site batteries
  • sa Bulacan, yung mga bodega kung saan nagre-repack daw ng mga imported na bigas para gawin na mas mahal na lokal na bigas
  • yung rank 2 na daw ang bayan pagdating sa pagpo-provide ng child pornography online para sa buong mundo
  • yung banta ng FLiRT strains ng COVID-19
  • yung banta ng panibagong flu-like illness na nauuso ngayon sa Imperyo
  • yung banta ng Mpox o Monkeypox na lumalaganap ngayon sa Africa
  • yung paulit-ulit na pagpapakawala ng Half Empire ng trash balloons sa kalangitan na nagko-cause na din daw ng mga sunog ngayon
  • yung banta ng mga Houthi rebel laban sa mga inosente at pati na rin sa ekonomiya ng mundo, mga tutol daw sa digmaan pero pasimuno ng mga pag-atake laban sa mga inosente
  • ang patuloy na pagtulong ng mga lokal na mamamayan sa pagpapasok ng kita at buwis para sa Imperyo
  • sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
  • sa Pasay City, yung nasabat na nasa Php 2 Million na halaga ng smuggled meat daw na mukhang galing sa Imperyo
  • sa Parañaque City, yung nasabat ng Department of Agriculture na nasa 600 kilos ng smuggled meat na suspected na galing sa Imperyo
  • sa isang cold storage facility sa Navotas City, yung nasabat na nasa Php 40 Million na halaga ng mga smuggled na karne, na ang iba ay galing sa Imperyo
  • sa Kawit, Cavite, yung warehouse na ni-raid dahil sa nasa Php 100 Million na halaga ng smuggled meat products na posibleng galing daw sa Imperyo
  • sa Bulacan, yung nakumpiska mula sa isang warehouse na nasa Php 200 Million na halaga ng hinihinalang smuggled na mga karne mula sa Imperyo
  • sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
  • yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
  • sa Agoncillo, Batangas, yung na-raid na dating resort-spa, na ginawang pagawaan ng pekeng brand ng sigarilyo, kung saan 6 na Imperial citizen ang kasama sa mga nahuli
  • sa San Pablo City, Laguna, yung nasamsam na nasa Php 2 Million na halaga ng mga pekeng sigarilyo, kung saan Imperial citizen daw ang supplier
  • sa isang expo, yung Imperial company na inireklamo dahil sa pagbebenta ng pekeng parts ng sasakyan, bukod doon ay may iba pa daw Imperial company na nabuking sa kaparehas na modus
  • sa 3 magkakaibang warehouse, yung nasabat ng BOC na halos Php 4 Billion na halaga ng mga smuggled na e-cigarettes at vape products na galing daw sa Imperyo
  • sa Caloocan at Quezon City, yung nasamsam na nasa Php 200 Million na halaga ng mga ipinuslit at pekeng sigarilyo, kung saan 1 Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan ang nahuli sa isa sa mga warehouse
  • yung hinuli ng NBI na Imperial citizen na nagpapatakbo ng online lending scam
  • sa Maynila, yung nahuli ng NBI na nasa 12 Imperial citizen na sangkot sa love scam
  • yung Imperial citizen na naaresto matapos daw na mabisto na nagnanakaw ng bag sa eroplano
  • yung Imperial citizen na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento para sa pag-a-apply upang makakuha ng passport
  • sa isang exclusive village sa Parañaque City, yung nasa 37 na Imperial citizen na nahuling nagtatrabaho dito sa bayan nang walang kaukulang mga dokumento
  • sa pagawaan daw ng tubo sa San Jose del Monte, Bulacan, yung nahuli na nasa 79 na Imperial citizen na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan
  • sa Parañaque City, yung salon na may lihim na ilegal na pasugalan kung saan nahuli ang 11 na Imperial citizen at 3 lokal na mamamayan
  • sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
  • sa Taguig City, yung paghahain sana ng warrant of arrest laban sa isang Imperial citizen, pero nauwi naman sa engkuwentro na may barilan at banggaan
  • sa Parañaque City, yung naaresto na Imperial citizen na nagpanggap bilang doktor para sa kanyang mga kababayan
  • sa Parañaque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
  • sa Pasay City, yung Imperial citizen na nahuli matapos na magpa-deliver ng pagkain na may kasamang ilegal na droga
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 3 Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 3.4 Million na halaga ng shabu sa buy-bust operation na isinagawa ng PDEA, undocumented din daw yung mga kriminal na iyon
  • yung naaresto ng Bureau of Immigration na nasa 5 Imperial citizen at Taiwanese na wanted sa kanila-kanilang mga bansa
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nasa blacklist daw ng Bureau of Immigration, na hinuli dahil daw sa pagpapatakbo ng prostitution den dito sa bayan
  • sa Parañaque City, yung 11 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan na inaresto at nabuking pa sa kasong human trafficking, mga babaeng Imperial citizen daw ang kanilang ibinubugaw sa mga high-end na kliyente
  • sa Pasay City, yung POGO hub na natanggalan na ng lisensya, na nahuli sa raid dahil sa prostitution
  • sa Parañaque City, yung isa pang POGO hub na ni-raid dahil sa prostitution, kung saan 2 Imperial citizen ang inaresto
  • sa Iloilo City, yung nasa 17 na Imperial citizen na nahuli sa kanilang cybersex den
  • sa isang subdivision sa Pasig City, yung 2 Imperial citizen na naaresto ng NBI dahil sa pagkakaroon ng mga baril
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil daw sa pagtatago ng 2 bala ng baril at sachet ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng kanyang sapatos
  • yung Imperial citizen na nahuli matapos na manutok ng baril sa Makati City, bukod doon ay nadiskubre din na madami siyang gadget para sa hacking at cellular interceptor
  • sa Parañaque City, yung mga Imperial citizen na naaresto dahil sangkot sa pamamaril na nag-ugat lang daw sa aberya sa daan
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung 3 Imperial citizen na arestado dahil sa pagdukot sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung Vietnamese na dinukot daw ng 2 kapwa niya Vietnamese at ng 1 Imperial citizen kapalit ng ransom
  • sa Biñan City, Laguna, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap sa isang babaeng Imperial citizen din
  • sa Meycauayan, Bulacan, yung 3 Imperial citizen na nasagip mula sa pagdukot sa kanila, kung saan mga kapwa nila Imperial citizen ang suspek
  • sa Parañaque City, yung Malaysian na nasagip mula sa dumukot sa kanya na 3 Imperial citizen
  • sa Bohol, yung 4 na Imperial citizen na naaresto dahil sa kasong kidnapping, may kaso din sila na illegal possession of firearms
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na dumukot at pinagnakawan din ang isang babaeng Vietnamese
  • sa Malabon City, yung babaeng Taiwanese na dinukot ng isang grupo at sinasabing ginahasa din daw, kung saan 2 Imperial citizen na suspek ang nadakip
  • yung babaeng Taiwanese na wanted daw sa Taiwan dahil sa kasong large-scale fraud, na nasagip sa Malabon mula daw sa pang-aabuso at panggagahasa ng grupo ng mga Imperial citizen
  • sa Angeles City, Pampanga, yung naging engkuwentro laban sa mga kidnapper na Imperial citizen na dumukot ng mga babaeng kababayan nila, kung saan isang lokal na pulis ang napatay
  • sa Porac, Pampanga, yung ni-raid na POGO hub dahil sa mga insidente ng torture, sex trafficking, at pagtuturo daw sa mga empleyado nila kung paano mang-scam
  • yung nabisto na ilegal na water pumping stations sa POGO hub sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, wala daw permit at environmental compliance certificate
  • yung nagalit ang Eastern Empire sa mga bansa na bumati para sa resulta ng eleksyon sa Taiwan
  • yung gustong ipaalis ng Imperyo ang missile system ng USA dito sa bayan, para mawalan ng depensa ang bayan sa gagawin nilang pananakop
  • yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire
  • yung naghain ng diplomatic protest ang Imperyo laban daw sa pamamalagi ng BRP Teresa Magbanua sa West Philippine Sea
  • yung wala na daw corals sa may Rozul Reef, mukhang inubos na daw ng Imperyo
  • yung nawawasak na daw ang Bajo de Masinloc ng cyanide fishing, na mga banyaga daw ang may kagagawan, kabilang na ang mga Imperial citizen
  • yung pahayag ng Imperyo na drama lang daw ang pagmamalasakit para sa kalikasan, sa yamang tubig
  • yung pahayag ng Imperyo na nakakasira daw ng karagatan ang stranded na sirang barko, samantalang madami ng mga barko ang lumubog sa ilalim ng mga karagatan
  • yung nasa 135 daw na Imperial militia vessel na nag-okupa na sa Julian Felipe Reef
  • yung 2 Imperial research vessel daw na namataan sa may Philippine Rise o yung dating Benham Rise
  • yung research vessel ng Imperyo na namataan sa may karagatan sa Catanduanes
  • yung Imperial research vessel na naglilibot na naman sa mga shoal ng bayan
  • yung 4 na barko ng Imperial Navy na namataan sa may Tawi-Tawi
  • sa Bajo de Masinloc, yung harassment daw ng Imperial coast guard laban sa mga lokal na mangingisda, pinabalik daw sa dagat yung mga sea shell na nakolekta nila bago sila itinaboy mula doon sa area
  • sa may Occidental Mindoro, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na binangga daw ng Imperial bulk carrier
  • sa may malapit sa Subic, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na binangga daw ng Imperial vessel, kung saan 1 sa mga mangingisda ang hinahanap pa hanggang sa ngayon
  • yung naglatag na ang Imperyo ng floating barriers sa may Bajo de Masinloc
  • sa may Bajo de Masinloc, yung may mga nakalatag na daw ulit na floating barriers na malamang ay kagagawan pa din ng Imperyo
  • sa may Ayungin Shoal, yung pagharang ng Imperial Coast Guard sa mga barko ng bayan na papunta doon sa area
  • sa West Philippine Sea, yung paggamit ng water cannon ng Imperial coast guard laban sa mga sasakyan ng PCG
  • yung muling paggamit ng barko ng Imperyo ng water cannon laban sa mga barko ng bayan na nasa resupply mission para sa BRP Sierra Madre
  • sa may Bajo de Masinloc, yung 3 resupply boats daw ng BFAR na binomba ng water cannon ng mga Imperial vessel
  • sa Bajo de Masinloc, yung barko daw ng BFAR na dinikitan na nang husto ng mga barko ng Imperyo at tinira pa ng water cannon ang navigational equipment daw
  • sa may Ayungin Shoal, yung engine ng isang barko para sa resupply mission ng bayan na nasira daw matapos na bombahin ng water cannon ng Imperial vessel, may nangyari din daw na banggaan
  • sa Ayungin Shoal, yung lagi nang hinaharang ng Imperial coast guard ang resupply mission ng bayan doon
  • sa may Bajo de Masinloc, yung muling panghaharang ng mga barko ng Imperyo sa mga sasakyan na ipinadala ng BFAR
  • sa may Ayungin Shoal, yung mga barko ng bayan na magdadala ng supply na binangga ng mga barko ng Imperyo
  • sa Bajo de Masinloc, yung pagharang at masyadong paglapit ng mga barko ng Imperyo sa barko ng Philippine Coast Guard
  • sa may Bajo de Masinloc, yung sumabog na bangka ng mga lokal na mangingisda, kung saan may mga nasugatan, pero hinarangan pa daw ng Imperial Coast Guard ang magre-rescue sana na PCG
  • yung FAKE international news na tinulungan daw ng Imperial Coast Guard yung mga lokal na mangingisda na nasabugan ng makina ang bangka
  • yung emergency medical evacuation para sa isang may sakit na sundalo sa BRP Sierra Madre na muli na naman daw hinarang ng mga tauhan ng Imperyo
  • noong May sa may BRP Sierra Madre, yung video ng pakikipag-agawan ng Imperial Coast Guard sa mga sundalo ng bayan ng mga in-airdrop na supply na di kalaunan ay itinapon na lang nung mga demonyo sa tubig
  • sa resupply mission sa may Ayungin Shoal, yung bombahan ng tubig at banggaan ng mga barko, kung saan may mga sugatan na lokal na mamamayan dahil daw sa pagkabasag ng windshield
  • sa may Ayungin Shoal, yung resupply boat ng bayan na binomba ng water cannon ng mga barko ng Imperyo, kung saan madami ang nasugatan
  • sa may Pag-asa Island, yung dangerous maneuvers daw ng barko ng Imperial Navy laban sa barko ng Philippine Navy
  • sa Escoda Shoal, yung mga Scientist mula sa UP Marine Science Institute na hinarang at hinabol at pinagbabangga pa ang mga rubber boat ng mga demonyong miyembro ng Imperial Coast Guard
  • sa may Pag-asa Island, sa may Sandy Cay 3 daw, yung mga lokal na scienstist na h-in-arass ng Imperial helicopter
  • sa West Philippine Sea, sa joint patrol ng bayan katulong ang Australia, yung aircraft ng bayan na inikutan ng 2 fighter jet ng Imperyo
  • sa may Bajo de Masinloc, yung eroplano ng BFAR na dinikitan daw nang husto ng helicopter ng Imperyo na as low as 6 meters na lang
  • sa may Bajo de Masinloc, yung paggamit daw ng Imperial Air Force ng flare sa dadaanan ng eroplano ng Philippine Air Force
  • yung paulit-ulit na ang pagpapakawala ng flare ng mga eroplano ng Imperyo laban sa mga sasakyan ng bayan
  • yung barko ng Imperyo na bumubuntot sa mga barko ng bayan, USA, at France sa isinasagawa nilang joint naval exercise
  • sa may Escoda Shoal, yung barko ng BFAR na binangga at ginamitan ng water cannon ng mga barko ng Imperyo
  • sa resupply mission sa may Ayungin Shoal, yung insidente ng banggaan at sumasampa na rin daw ang Imperial Coast Guard sa mga sasakyan ng bayan
  • sa latest na h-in-arass na resupply mission sa may Ayungin Shoal, yung may naputulan daw ng daliri, may nangyaring agawan ng mga baril, at meron din daw nangyaring pagbubutas ng rubber boat
  • sa may Escoda Shoal, yung banggaan ng mga barko ng PCG at Imperial Coast Guard
  • sa may Escoda Shoal, yung pambabangga ng barko ng Imperyo sa BRP Teresa Magbanua
  • sa may Sabina Shoal na malapit sa Palawan, yung tambak daw ng mga dinurog na coral na posibleng paghahanda para sa panibagong reclamation ng Imperyo
  • yung mga extremists na supporters ng mga terorista, na walang respeto sa mga cultural at historical sites sa iba't ibang panig ng mundo, at nang-aabala na din ng mga inosenteng buhay sa mga bansang iyon
-----o0o-----


September 21, 2024...

sa Parañaque City..
yung mga Imperial citizen na naaresto dahil sangkot sa pamamaril na nag-ugat lang daw sa aberya sa daan...

is feeling , armadong mga banyaga...


>
yung pinuno na ang lakas ng loob na bumisita sa taong nire-red-tag nila noon...

is feeling , ibig sabihin lang na mabuting tao yung binisita.. samantalang wala talagang isang salita at puros FAKE lang ang lumalabas sa bunganga nung tiwaling bisita...

---o0o---


September 24, 2024...

sa may Bajo de Masinloc..
yung eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na dinikitan daw nang husto ng helicopter ng Imperyo..
dumikit daw below 50 feet, as low as 6 meters na lang... 🙁

is feeling , naghahanap talaga sila ng maitutumba na mga lokal na mamamayan, at ng disgrasya na isisisi nila sa bayan...

---o0o---


September 25, 2024...

yung dating Head of Procuring Entity ng Department of Education (DepEd)..
na nagbunyag na binibigyan daw siya ng envelope na may laman na pera galing sa Office of the Vice President (OVP)..
nasa Php 50,000 daw kada buwan noong 2023...

is feeling , ano nga kaya ang totoo...??


>
yung laging pagsisinungaling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tungkol sa lagay ng public transportation sa tuwing may protesta..
kesyo wala daw epekto..
pero aminado naman sila na nagpo-provide sila ng mga libreng sakay..
at may mga lugar din na nagsu-suspend na lang ng mga klase...

is feeling , hindi apektado, pero may palibreng sakay...??

---o0o---


September 27, 2024...

sa Bulacan..
yung nakumpiska mula sa isang warehouse na nasa Php 200 Million na halaga ng hinihinalang smuggled na mga karne mula sa Imperyo..
wala daw silang permit para magbenta ng mga ganun...

is feeling , sino na naman kaya ang nag-timbre sa mga tauhan doon...??


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of September 2024 (The Perfect Depression)

Loveless Story


September 23, 2024...

sobrang lalakas ng mga makapangyarihan..
hindi na ako nagtataka kung bakit maraming tao ang hinahayaan nilang mabiktima ng mga extremist..
na mabiktima ng mga Imperyalista..
kung bakit may mga tao na sinasaktan ng iba..
kung bakit may mga taong hinahayaan nila na magahasa at gawing parausan lamang, regardless kung babae man o lalaki..
kung bakit may mga taong hinayaan na nga nilang magahasa, eh hinayaan pa nilang tapusin ang buhay..
at kung bakit may mga inosenteng tao na hinahayaan lang nila na itumba ng iba...

laruan lang talaga ang tingin nila sa buhay.. 🙁
sa buhay in general..
paglalaruan nila lahat ng gusto nilang paglaruan..
dahil iyon nga naman ang silbi ng kapangyarihan nila...

mabagal na katapusan ng buhay sa pamamagitan ng depression.. 🙁
iyon ang d*e will be done na inilaan para sa akin..
isang basurang biyaya ng atensyon mula sa mga makapangyarihan...

is feeling , sana mawasak na ang buong universe.. magsama-sama na tayong lahat na mabura ang existence.. mga put*ng ina ninyo...


>
malas talaga..
so lumalabas na nakipagtrabaho na si Attendant Ry doon sa taong pinaghihinalaan niya na stalker at hacker niya..
according doon sa kliyente eh inabot ng 1 taon ba siya ulit makakuha ng booking..
what's even more surprising..?
nag-uusap na daw silang 2 tungkol sa out of town trip nila for November...

kapag ako hindi pwede.. 🙁
pero kapag yung stalker niya eh kaagad-agad na pwede...

is feeling , ang buhay talaga ng malas ay masayang tunay...

---o0o---


September 26, 2024...

[Online Marketing]

limpak-limpak pa ang kulang ko sa mga quota ko..
USD 10 para sa 1st store..
USD 15 para sa 2nd store..
USD 63 doon sa subscription platform..
at USD 62 naman para sa Google... 🙁

sinilip ko yung record kamakailan..
at na-realize ko na ito na pala yung worst year para sa akin magmula noong pumasok ako sa 3D graphics noong 2017..
akala ko kakayanin ko ang 2024, since nakalaban naman yung 2023 kahit wasak na ang computer ko halos noong buong taon na iyon, meaning wala akong nagawang project..
kaso delubyo pala itong 2024..
ultimo ang mga kamalasan ko sa Binance eh parang nakasagad na ang level..
kaya naman lalabas na lugi pa ako ngayon dahil sa sobrang mamahal ng SSS at PhilHealth ko... 🙁

is feeling , kailangan ko pa ng Php 8,000 in case hindi talaga pakawalan ng PhilHealth yung labis-labis na singil nila...

---o0o---


September 28, 2024...

[Online Marketing]

nag-submit na ng project #21 noong isang araw..
kasi noon lang naabot yung quota nung project #20..
pero after 20 projects sa 1st store, eh na-reject na yung latest kong release... 🙁

gaya ng nangyari sa 2nd store, nagkaroon ng bagong patakaran..
bawal na daw ang CBR, na mismong comic book format..
PDF na lang daw ang pwede..
ni wala nga akong PDF creator..
tsaka winawasak ng PDF format ang image quality..
tapos pupuwersahin nila akong mag-convert sa PDF after 20 releases na nasa CBR format... 🙁

una ngang naghigpit sa 2nd store..
kesyo ayaw na daw ng mga payment processor sa mga plot na may kinalaman sa instinct..
kesyo ultimo mga monster daw ay kailangang magsalita at humingi ng consent at magbigay din ng consent nila..
at ngayon nga eh katapusan ko na rin sa 1st store.. 🙁
sa 3rd store naman eh halos wala talagang suporta ever since..
at halos nagwakas na rin nga yung platform ko simula noong nasira yung nag-iisang graphics card slot ko...

mga demonyo talaga silang lahat..
uubusin nila lahat ng pag-asa ko sa buhay..
wawasakin nila lahat ng paraan na meron ako para maka-survive sa huling 1 taon at 3 buwan ng buhay ko dito sa mundo..
gigipitin nila ako sa lahat ng paraan na alam nila..
para lang tuparin ko ang d*e will be done nila para sa akin.. 🙁
ang put*ng inang kapalaran ko na wakasan ang sarili kong existence...

is feeling , mahalaga para sa mga diyos na mabura ang basura kong existence...

-----o0o-----


September 21, 2024...

[Trade]

day 284...

Binance listing ng CATI ng Telegram..
USD 27 kaagad yung na-miss ko sa initial pump nila..
USD 53 sa ikalawang pump...

madaling araw na ako nakapasok sa kanila..
kaso after nun eh naging mas madalas nang nasa below ng entry point ko ang palitan...

ang mga karagdagang misses ko sa CATI ngayong araw..?
USD 8..
USD 8..
USD 7..
USD 33..
USD 18..
total ng USD 154 simula kagabi... 🙁

at naulit nga kaagad ang sumpa ko sa loob ng CATI..
sa kung anong dahilan, sa tuwing visible na sa akin yung chart eh laging pababa na ang galaw nila..
4 na chance ang dumaan para kumita nang kaunti at maka-exit..
pero wala akong napakinabangan dahil hindi ko ma-predict na lagi lang short ang mga iyon..
nag-dip sila after lunch..
at nagawa lang nilang mag-pump noong nawala na ako sa poder nila... 🙁

USD 3 lang ang kinita ko sa loob ng CATI...

is feeling , sobra-sobrang anomaly...


>
[Trade]

USD 24 na ang na-recover ng AST..
USD 23 naman para sa BTTC...

umalis ako sa NEIRO pero nanatiling mas maganda ang galaw nila kumpara sa CATI..
ang mga na-miss ko sa kanila dahil sa kahihintay ko sa CATI..?
USD 29..
USD 11..
USD 18..
USD 18..
total ng USD 76... 🙁

bumalik ako sa NEIRO dahil wala akong napala sa CATI, iyon ay bago sila nag-pump ulit..
nakabenta ako ng USD 4..
tapos napilitan akong bumili sa mataas na level dahil hindi sila bumababa kahit na bumababa naman ang Bitcoin..
at noong nasa loob na ako eh saka ulit sila kumilos pababa... 🙁

pausap na, level 10000 ulit...

is feeling , ano na naman ba 'to..? na-detect na naman ako ng will...??

---o0o---


September 22, 2024...

[Trade]

nag-pump ang ARDR kahapon..
USD 101 yung una..
USD 134 yung ikalawa..
USD 85 yung ikatlo..
total ng USD 320 sa loob lamang ng isang araw... 🙁

USD 16 naman para sa quick pump ng BTTC kaninang umaga...

is feeling , puros tamang asset, pero ayaw namang mag-pump kapag nasa kanila ako...


>
[Trade]

nasaksihan ko na naman nang husto kung paano gumana ang Curse Release ko..
kagayang-kagaya ng naranasan ko sa BTTC at CATI recently..
2 pagkakataon na yung dumaan para maka-exit ako sa NEIRO, pero lahat ng iyon ay hindi ko nagamit..
sa ikatlo naman ay biglang bumaba kaagad, sa takot ko na mag-dip ulit sila eh napilitan akong mag-exit ng USD 1 lang ang kita, sa halip na USD 3 kahit papaano..
pero anong nangyari pagkatapos na mawala ako sa poder nila..??
gumawa ng sudden pump ang NEIRO..
mula 82400 biglang napunta kaagad sila sa 83000 sa isang iglap dahil lang sa pagkawala ko sa kanila.. 🙁
ni walang transition..
bigla na lang nagkaroon ng mahabang candlestick..
ang sobrang nakakapagtaka pa dun eh million dollars yung nakaabang doon sa sumunod na trading level..
at mula nga noon eh nag-pump na nang nag-pump ang NEIRO sa ibabaw ng naging exit point ko...

parang manipuladong-manipulado ng mga makapangyarihan..
parang sinasabi nila sa mga trader na, bilis mag-trade na kayo dahil nagpalugi na ulit yung malas na tao...

is feeling , paano ba ako makakabawi nito..? eh pinaglalaruan ako ng mga makapangyarihan...


>
[Trade]

day 285...

USD 7 yung na-miss kong exit chance sa NEIRO kagabi.. 🙁
konting galaw ng Bitcoin, pero nagdi-dip kaagad sila..
kahit ang CATI eh pataas naman noong mga oras na iyon..
parang yung kamalasan na nadala ko sa CATI, eh biglang nalipat sa NEIRO kasabay ng paglipat ko sa poder nila...

USD 257 ang original fund ko, na dinagdagan ko ng USD 14 na USDT savings ko..
so bale USD 271 ang total..
parang laging nilulugi ako sa tuwing nakakalapit na ako sa starting fund ko... 🙁

ang mga na-miss ko sa NEIRO ngayong araw..?
USD 10, 12, 3, 18, 3..
USD 14, kung saan may USD 4 na sana akong tubo, pero hindi nangyari habang hindi na naman ako nakatingin sa chart dahil lunch time..
USD 11, kung saan USD 1 na lang ang napakinabangan ko..
USD 3..
USD 14, kahit pa pababa naman noon ang Bitcoin..
USD 11, 9, 3..
USD 9, kahit pababa na ulit noon ang Bitcoin at CATI simula noong mga oras na iyon..
USD 3, 3, 5.. 
total ng USD 131 hanggang sa mga oras na ito... 🙁

is feeling , limpak-limpak.. pero USD 1 lang ang napakinabangan ko...

---o0o---


September 23, 2024...

[Trade]

day 286...

pumasok sa CATI kagabi sa pag-asa na kikita nang kaunti dahil bumaba na sila noon..
pero mabilis at paulit-ulit na nanghila ang Bitcoin paibaba..
habang wala namang epekto sa NEIRO ang hila nila...

lagpas 7:00 PM nang magsimula na ulit umakyat ang Bitcoin..
bumaliktad naman noon ang direksyon ng NEIRO..
pero ang CATI ay lalo pang bumaba, taliwas din sa direksyon ng Bitcoin...

bandang 3:00 AM, nakita ko pa na nasa level 80 kahit papaano ang CATI..
pero dahil sa kamalasan na dala-dala ko eh noon na rin pala sila nagsimulang mag-crash..
level 80 bumulusok hanggang sa Impiyerno sa level 73.. 🙁
again, kontrang-kontra sila sa direksyon ng Bitcoin..
yung pondo na pinaghirapan kong mabawi nang paunti-unti sa mga nakaraang araw, muli na namang nalagasan nang lagpas sa USD 30 sa isang iglap lamang... 🙁

nag-sacrifice na ulit ng USD 26 para lang makatakas na sa maysa-demonyong crash na idinulot ko... 🙁

is feeling , perfect depression...


>
[Trade]

nanatili ngang malakas ang NEIRO sa gitna ng mga kapalpakan ng CATI dahil sa dala-dala kong kamalasan..
ang mga na-miss ko sa NEIRO..?
USD 8, 12, 11..
USD 29 sa big pump na ginawa nila, nakabawi na sana ako kung hinayaan lang nila akong makapasok..
USD 7..
USD 83 sa sumunod nilang big pump..
USD 26..
USD 26 hanggang sa maysa-demonyong oras na ito..
total ng USD 202... 🙁

matapos ang palugi kong exit sa CATI..
sa unang dip ng Bitcoin at NEIRO eh kinapos naman ang NEIRO sa buying point ko, 80600 kumpara sa 80000..
after that bigla na lang sumabog ang NEIRO para ipamukha sa akin kung gaano talaga ako kamalas sa buhay.. 🙁
hindi na nga pinapasok, tapos iniwanan pa nang husto..
inilayo nila ako doon sa asset, para hindi ko na talaga mapakinabangan iyon...

is feeling , at ganun lang kadali.. pumalo kaagad sa USD 5,000 ang napapakawalan kong posibleng kita simula lang noong February 2024...

---o0o---


September 24, 2024...

[Trade]

umakyat na naman ang FIDA..
kaagad..
ang na-miss ko sa kanila..?
USD 73..
USD 31..
total ng USD 104 sa loob lamang ng isang araw... 🙁

is feeling , lahat ng assets na binabantayan ko, ipinamumukha sa akin kung gaano ako kamalas sa lahat ng bagay...


>
[Trade]

day 287...

gumana nga yung CATI scam..
nalugi lang sila dahil sa akin..
pero dahil nagpalugi ako, eh naka-recover na din kaagad sila kagabi..
naglabas pala kasi ng event para sa kanila..
kabaliktaran sa direksyon ng Bitcoin..
USD 35 na recovery dahil lang sa Curse Release ko... 🙁

patuloy naman sa pagyaman ang mga nasa NEIRO..
ang mga na-miss ko sa kanila..?
USD 35..
USD 31..
USD 12..
USD 20..
total ng USD 98... 🙁

is feeling , ni wala talaga akong masakyan na perpetual contract...


>
[Trade]

wala..
hindi ko nga napataas ang pondo ko..
from USD 271..
sa halip na madagdagan eh nalugi pa hanggang USD 228... 🙁

pero wala na akong magagawa..
delikado nang mag-trade simula bukas..
kailangan nang malugi ang buong market..
from the 25th hanggang sa 5th..
tapos saka sasakyan ang recovery...

is feeling , pagod na pagod na akong maging malas...

---o0o---


September 25, 2024...

[Trade]

day 288...

gumawa ng quick pump ang ARDR noong madaling araw..
USD 25 sana iyon para sa akin... 🙁

sa NEIRO naman..
USD 24 yung additional pump na nagawa nila...

is feeling , market crash na, please.. level 10 ng 1000SATS, level 4 ng NEIRO, o level 4 ng ARDR...

---o0o---


September 26, 2024...

[Trade]

gago talaga ang FATE..
naghintay ako ng paglabas ng perpetual contract kahapon..
kaya ayun..
wala tuloy lumabas... 🙁

ang karagdagang miss ko sa mataas na level ng NEIRO..?
USD 44... 🙁

problema pa dahil umaakyat pa rin hanggang ngayon ang Bitcoin.. 🙁
sa halip na mag-crash na muna ulit...

is feeling , lalo akong walang mare-recover kung ang gagawin nilang trend ay yung green na October, November, at December...

---o0o---


September 27, 2024...

[Trade]

day 290...

1000SATS pump noong madaling araw..
nasa USD 46 yung napakawalan ko..
USD 19 yung ikalawa..
total ng USD 65... 🙁

sa BTTC naman ngayong araw..
USD 42... 🙁

sa NEIRO..
USD 17 yung una..
USD 34 yung ikalawa..
total ng USD 51... 🙁

is feeling , put*ng ina, alam din ng mga perpetual contract kung kailan ako nag-aabang o hindi alerto dahil busy...