Loveless Story
July 21, 2024...
[Game]
ay medyo naglalaro na ulit ng Classic peste game..
maghahabol lang ng 1 win per day..
para sa mAXS..
hopefully nasa at least Php 25 per week..
para makaipon ako ng pondo pampa-level up ko sa ilang peste ko..
ang mahal kasi ng USD 4 na gastos kung sa bulsa na naman kukunin...
is feeling , sana naman laging suwertehin sa unang match...
>
[Online Marketing]
parang tanga yung 2nd store..
may Google-related service sila na ginagamit..
pero hindi gumagana yung product submission platform nila sa Google Chrome...
anyway..
matapos sa 3rd store, eh nakapag-submit na rin nga ako ng pambenta kong content sa 2nd store..
sana lang eh tanggapin nila at hindi i-reject...
is feeling , tama na ang mga kapalpakan ko sana...
>
nag-reply pala yung c-in-ontact ko na kaibigan nung p*ta noong araw ng paniningil..
the following day, nag-send siya ng mobile number na supposedly ay galing dun sa p*ta...
after checking..
lumalabas na walang kadikit na messaging app yung mobile number na iyon..
t*ng ina, may Imperial app, pero walang messaging app..
pagagastusin na nga ako ng load sa pagre-remind sa kanya tungkol sa mga utang niya..
tapos wala namang seen feature sa SMS...
is feeling , siya na nga yung may utang, siya pa yung senyorita...
---o0o---
July 24, 2024...
[Climate Change / Natural Calamities]
akala ko ba CAMANAVA area lang ang delikadong mabura sa mapa ng Capital...??
noong bata pa ako, hindi ako kailan man nakaranas ng baha sa madaming beses na nagbakasyon ako sa bahay ng blood aunt ko sa Manila..
kahit noong panahon na tumira ako sa kanila..
nakailan akong suspended na klase noon dahil may signal ang bagyo, pero hindi din naman kami binabaha noon..
sa may UST lang bumabaha...
pero 2 decades lang simula noon..
ganito na..
elevated ang pundasyon ng bahay nila, pero nakakapasok na ang baha hanggang sa loob...
buong Capital pa yata ang totoong lulubog..
magdidikit na yata ang Manila Bay ay Laguna de Bay..
tapos hindi naman sila pwedeng magsilipat paitaas..
dahil mukhang lulubog din ang mga bahagi ng Bulacan at Pampanga...
is feeling , worst generation...
>
[Climate Change]
tapos ang mga kabataan sa panahon ngayon, puros sugapa sa paggamit ng kuryente..
mga baby pa lang pero pinapagamit at gumagamit na ng mga gadget..
demanding pa sa air conditioner...
huwag na kayong umasa na maaayos pa ang mundo..
dahil the more na naghahanap kayo ng comfort at convenience, the more din ang natatamong pinsala ng kalikasan..
kinokontra ninyo ang climate change sa pamamagitan nang lalong pagsasayang ng kuryente at petrolyo..
at the same time, nawawalan kayo ng kakayahan na mag-adapt para sa klase ng environment na kapos na sa energy source..
sa loob lamang ng lagpas 100 years, sobra-sobra na ang nagawang pinsala ng sangkatauhan laban sa kalikasan...
is feeling , worst generation...
>
[Game]
nakapasok ako sa below 10,000 rank noong isang araw..
kaso 2 days pa iyon bago ang snapshot, kaya hindi magagamit para sa parking..
sunud-sunod pa ang mga luto kong laro for 2 days, kaya hindi na talaga nakapuwesto nang maganda...
kahit 1 Master Quest lang bukas na may AXS prize..
kahit evolve a Plant part..
o mas simple kung use AXP Booster and gain 2000 AXP na lang...
is feeling , sana bukas...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Reinforced Conference 2024
July 20, 2024...
Creamline versus Farm Fresh..
wala pa rin sa lineup sina Baldo at Caloy..
may injury daw si Baldo, kaya si Binibining Gumabao muna ang Team Captain sa ngayon..
ibig sabihin nito na mabababad sa laro ang key players nila, di gaya ng usual na may malalakas na substitution..
hindi na rin kagandahan ang double substitution nila...
Set 1, unang nakaagwat ang Creamline, pero humabol ang import ng Farm Fresh sa dulo at naagaw pa nga yung set, nanaig sila dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 2, maagang nabaliktad ng Farm Fresh ang takbo ng laban at lumayo pa nga sila sa Creamline, pero Creamline naman ang naghabol at umagaw ng set this time sa tulong ng kanilang 19 attacks..
Set 3, una na ulit nakaagwat ang Creamline, nagkaroon ulit ng banta ang Farm Fresh malapit sa dulo, pero na-activate na ang import ng Creamline, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 15 attacks plus 4 kill blocks..
Set 4, maaga nang nakalayo ang Creamline this time at naitawid nila iyon hanggang sa dulo...
3-1, panalo ang Creamline..
Player of the Game si Staunton with 26 points from 23 attacks and 3 kill blocks...
unang international stint pa lang pala ng import ng Creamline, meaning wala pa talaga siyang proven na import quality..
malaking tulong naman ang pagiging Service Specialist ni de Jesus para na rin sa floor defense, bale may Double Libero technique pa rin sila...
is feeling , thank you, Creamline.. para kina Morado at Galanza...
-----o0o-----
July 21, 2024...
[Pests]
buong Friday hanggang halos buong araw kahapon..
walang gumalaw sa hindi nakain na Racumin nung mga nahuli namin last Thursday night..
pero kaninang tanghali, napansin ko na wala na ulit natitirang lason...
kaya naman nag-set up na ulit ako ng mga glue trap at lason..
at ayun nga, nahuli na ngayong gabi yung pang-4 sa hanay ng mga maliliit..
bukas na ulit ang libing...
is feeling , gaano ba talaga kayo karami na nasa loob ng bahay namin...??
---o0o---
July 22, 2024...
[Pests]
at may dumagdag nga ulit sa nahuli namin kagabi...
bale umaakyat na sa 5 ang nahuhuli namin na maliliit sa loob ng bahay..
at 2 naman na malalaki sa labas...
more than a decade ago..
nakapagtala ako ng nasa 47 na huli..
kaya ng ganung kadaming peste na manatili sa loob ng bahay nang hindi namamalayan ang pagkilos ng malaki nilang bilang...
is feeling , maubos na kayo...
>
[Trade]
day 223...
ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 27...
mag-100% increase ka na lang kasi kaagad...
is feeling , sana...
---o0o---
July 23, 2024...
[Pests]
after 24 days..
meron pa ring nahuli kagabi..
nire-reuse ko na lang yung pinakahuling nagamit sa 4 na glue trap since iyon na lang yung malinis-linis pa...
bale..
6 na maliliit sa loob ng bahay..
2 na malalaki sa labas ng bahay...
is feeling , nakakagimbal na bilang yung dating 47.. ilan nga ba ang mga kalaban namin sa panahon ngayon...??
No comments:
Post a Comment