Saturday, July 13, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of July 2024 (Dollar Savings Account)

Loveless Story


July 9, 2024...

pinakitaan na naman ako ni Attendant Ry kung paano ang ayos niya sa tuwing nasa outing siya..
bikini mode na naman..
proud na proud sa bago niyang dibdib..
nagpo-post na din siya ngayon ng picture niya, kasama ng thank you message doon sa review section...

is 💘 feeling , ayos lang.. si Attendant Y naman ang nakasama at nakita ko na naka-bikini...

---o0o---


July 11, 2024...

kanina..
ni-link ko na yung USD account ko sa Peso savings account ko..
USD 2.50 yung nakaltas..
yun ang tugma sa fee para sa USD check clearing, base sa website nung bangko ko...

sana nga lang ay hanggang dun na lang yung bayarin..
at sana ma-process nang matagumpay yung tseke..
delikadong pumalpak yung clearing..
kasi bukod sa malaking penalty, na USD 22.50..
eh bababa sa Average Daily Balance ang laman ng account ko, at may sariling penalty din iyon na USD 10 naman...

is feeling , ma-process ka lang nang tama...

-----o0o-----


July 7, 2024...

[Pests]

so nadiskubre ko noong isang araw na hindi lang pala sa labas ng bahay merong kalaban..
kundi pati na rin sa loob, ulit...

kagabi, sa loob ng bahay..
nahuli na namin yung 1 maliit dahil nanghihina at mabagal na siyang kumilos gawa ng Racumin..
f-in-lush na lang namin sa toilet bowl..
kaso matapos iyon ay nadiskubre namin na may iba pa palang maliit na daga bukod dun..
hindi pa namin matukoy kung ilan pa ang natitirang buhay sa kanilang panig...

ngayong umaga naman..
naamoy ko na parang may bangkay sa may likuran..
nahanap iyon ng biological mother ko, at 1 pala iyon dun sa 3 malalaking gumagala sa gilid ng bahay namin..
hindi ko naman alam kung ano na ang sitwasyon nung 2 pang malalaki..
naputol kasi ang pagkakain ko sa kanila ng Racumin dahil ginulo ng biological mother ko yung dati nilang ruta..
sana lang ay hindi sila maka-survive at maka-develop ng immunity laban sa Racumin...

is feeling , hindi na natapos ang digmaan laban sa mga peste...


>
[Trade]

day 208...

ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 46...

is feeling , sana...

---o0o---


July 8, 2024...

[Pests]

10 days nang magsimula ang lasunan..
ngayong araw ko na lang ulit nakita yung 1 pang malaki na kumikilos sa gilid ng bahay namin..
siguro na-disrupt yung pagpapakain ko sa kanila after 3 o 4 days lang..
pero kahit papaano eh parang tinatablan na din siya nung Racumin..
hindi na siya alerto laban sa mga kumikilos sa paligid niya..
at may kabagalan na din siyang kumilos...

sana lang talaga ay hindi siya maka-develop ng immunity..
sana matapos na ang buhay niya...

is feeling , ang hirap ninyong ubusin...

---o0o---


July 9, 2024...

[Trade]

day 210...

ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 25...

is feeling , sana...

---o0o---


July 11, 2024...

[Pests]

after 12 days..
may nakita kaming nanghihina na malaking daga sa may sidewalk malapit sa tapat namin..
posibleng 1 iyon sa mga madalas dumadaan sa gilid ng aming bahay..
kaya naman inilibing na lang namin siya ng buhay sa lupa...

mukhang kahit naudlot ang pagpapakain ng lason ay patuloy pa rin naman sa paggana yung Racumin..
mas mabagal na nga lang ang nagiging epekto nito...

is  feeling , thank you, Racumin...

---o0o---


July 12, 2024...

[Trade]

day 213...

ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 31 kagabi...

4 na buwan na ulit akong naka-stuck..
at dahil lang 'yon sa nagbantay ako ng pasyente sa ospital, the same day na nakawala yung tsansa ko na maka-exit nang may kita... 🙁

is feeling , sana...


No comments:

Post a Comment