Loveless Story
July 15, 2024...
ayun..
injured na naman kahapon..
namaga na ulit yung ilang araw ko nang nananakit na daliri..
at talagang bumanat kaagad after kong um-attend sa isang clan event...
is feeling , masaya naman...
---o0o---
July 16, 2024...
[Online Marketing]
nagsimula nang magbenta ng AI-generated images..
no choice na ako..
wasak ang motherboard ko..
wala nang pumapasok na pera..
lahat ng available sana na pondo, eh puros nasa pagkalugi na state...
kapit na sa patalim..
masamang technology ang AI..
pero kailangan ko pang maka-survive nang lagpas sa 1 taon...
is feeling , interesanteng teknolohiya, pero masama pa rin...
---o0o---
July 17, 2024...
araw na naman ng paniningil..
wala na ulit messaging app ang kapatid niya since last month..
wala pa din naman akong nakahanda na Gmail para sa paniningil..
kaya naman dumaan na muna ako sa kaibigan niya sa social media...
39 months na yung pinakauna niyang utang..
21 months na siyang walang inihuhulog..
at 7 months ko na siyang hindi mahagilap...
titingnan ko pa kung magre-reply ang kaibigan niya, o kung iba-block lang ako..
saka ako magde-decide ng sunod kong hakbang...
is 💀 feeling , bakit may mga tao, este demonyo, na walang konsensya...??
---o0o---
July 18, 2024...
mukhang nasa critical level na talaga ang industry ngayong lean season..
para umabot si Attendant Nc sa punto na nagpo-post na din siya ng mga picture kung saan naka-underwear na lang siya..
hindi na biro ang sitwasyon..
bukod pa sa masyadong risky iyon para sa kanila, dahil hindi naman totoong inaccessible yung sensitive files nila para sa mga viewer...
baka bandang September pa ulit bumuti ang sitwasyon...
is ⚠ feeling , Aika Yumeno...
---o0o---
July 20, 2024...
[Arts]
first time kong gumamit ng acrylic paint para sa maramihang pagpipinta..
first time ko din magpinta sa katsa..
nice experience..
yung pag-control sa malaking brush para sa pagpinta ng maliliit lang na detalye..
yung pagpapantay ng kapal ng kulay, bagay na mahirap gawin sa crayons, o colored pencils, o colored pens..
at pinaka-interesante yung meron ka lang primary colors at ikaw pa ang magtitimpla para sa iba pang mga kulay...
is feeling , nakakalibang naman...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Reinforced Conference 2024
July 16, 2024...
12 teams, pool system..
patas naman ang distribution ng mga team base sa rankings nila sa huling conference...
Creamline versus PLDT..
grabe, very late game..
6:00 PM na kasi nagsimula yung 2nd match.. 🙁
hindi ko na tuloy napanood...
bale..
wala si Morado..
present si Galanza na part ng national team, pero hindi naka-uniform..
samantalang ganun din sina Baldo at Caloy..
so 2 lang sa 5 main Wing Spikers ng Creamline ang natira sa team...
halos patas naman ang handicap ng 2 team..
wala si Davison para sa PLDT dahil daw sa injury..
tapos wala din si Kim Dy...
3-2, panalo ang PLDT..
wala, mahina na naman ang nakuhang import ng Creamline..
hindi din sobrang tangkad..
mukhang malalakas ang palo niya, kaso nadi-dig pa rin ng mga local player..
hindi tulad ng ibang import na kayang magbuhat ng buong team..
at siyempre magiging malaking bagay ang kawalan ng floor defense ni Galanza laban sa mga kalabang import...
is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. wala kasi kayo eh...
-----o0o-----
July 16, 2024...
[Trade]
day 217...
ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 85...
pero heto at tumigil na ulit sa pagtaas ang BTTC..
samantalang 100% pa ang kailangan ko para lang mabawi ko yung pondo ko... 🙁
is feeling , sana...
---o0o---
July 18, 2024...
[Pests]
after 19 days...
sa kung anong dahilan eh hindi napapatay ng Racumin yung kumakain nun sa dating kuwarto ng yumao kong blood uncle..
yung malalaki eh tinablan kaagad..
samantalang siya na mas maliit eh lagpas 1 week na ay patuloy pa rin sa pagkain ng Racumin...
kaya naman ginamitan na namin siya ng glue trap ngayong araw..
at nakahuli nga iyon ng 1 maliit bandang gabi..
ililibing na lang ulit namin nang buhay bukas kasama nung glue trap...
bale..
naka-2 na kaming maliit sa loob ng bahay..
at 2 malaki sa labas ng bahay...
is feeling , sana tapos na...
>
[Trade]
day 219...
ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 27 kahapon..
is feeling , sana...
---o0o---
July 19, 2024...
[Pests]
Friday..
busy day..
pero ang dami kaagad abala..
may art project para sa biological brother..
kaya naman ililipat ang ibang tasks sa Sunday..
pero tinamaan kaagad ng power interruption ngayong umaga..
tapos naglibing pa ng 2 buhay na daga..
ayun nga, nadagdagan pa ng 1 yung nahuli namin kagabi...
bale..
2 na ang napatay namin na malalaki sa labas ng bahay..
at 3 naman na maliliit sa loob ng bahay...
is feeling , sinabi ko nang maubos na sana kayo.. tama na...
No comments:
Post a Comment