Loveless Story
June 29, 2024...
[Medical Condition]
napansin ko ngayong araw na wala na yung medyo masakit na paninikip sa dibdib ko sa tuwing itinotodo ko ang aking pag-inhale...
is feeling , nawala na ba yung bara sa puso ko...??
---o0o---
July 2, 2024...
kahapon, tumagos na ang tawag ko sa call center ng PHLPost..
in-advice lang ako na yung postman daw para sa barangay namin ang kailangan kong ma-contact, dahil iyon na lang daw ang may record tungkol doon sa sulat..
ganun ang sistema, since ordinary mail lang naman siya at wala ngang tracking number..
kahit yung local post office daw ay walang record nung sulat...
kanina, tinawagan na ulit yung local post office ng biological mother ko..
maaga, para makausap niya mismo yung postman..
pero lumalabas na may kababalaghan talaga na nangyayari sa post office ng [Name of City]..
since March kasi (base na rin sa mga stamp sa latest na natanggap kong sulat), eh nagpapalusot yung postman na hindi daw niya na-deliver yung sulat dahil masakit ang kanyang likod..
na obvious na isang malaking kasinungalingan..
kung hindi pa nagpakilala ang biological mother ko na hipag ng isang dating postman..
at na pamilyar kami sa mga date doon sa sulat..
eh mukhang iho-hostage talaga nung demonyong postman yung sulat ko...
bakit ba lagi akong napapaligiran ng masasamang tao..?
lalo na pagdating sa pananalapi..
parang ang mensahe lang talaga palagi ay tungkol sa pagtapos ko sa sarili kong buhay...
is 💀 feeling , demonyo lahat sa buhay ko.. sana maging demonyo na rin ako para magawa ko nang tapusin ang lahat ng masasama sa mundo...
>
ayun..
dahil sa pangungulit ng biological mother ko ngayong araw, eh bumigay na din yung postman..
3 beses niyang tinawagan para konsensiyahin tungkol doon sa sulat...
lumalabas na around June 7 o 17 ay nasa local post office na pala yung sulat ko..
ibig sabihin na nasa kanila na iyon bago pa nakuha ng biological mother ko yung v-in-oid kong tseke...
ano kaagad ang tanong niya sa akin pagkakuha ko nung sulat..?
kung vlogger daw ako..?
ibig sabihin na alam talaga nila na tseke ang laman nung sobre..
at na pinag-iinteresan nila iyon sa kung paanong paraan..
akala siguro nila na vlogger ako na kumikita ng nasa 6 to 7 digits monthly..
samantalang blogger lang naman ako, na more than a year bago makapag-monetize..
nagbilin pa sa akin na sabihan ko daw siya kapag may paparating na ulit akong tseke..
para saan..?
eh trabaho niya na kusa dapat mag-deliver ng mga sulat at parcel..
ano iho-hostage nila yung tseke para ipatubos sa akin...??
is feeling , hindi pala mabagal ang sistema sa loob ng bansa.. pero may mga demonyong tiwali lang talaga sa kung saan-saang panig...
---o0o---
July 3, 2024...
mukhang wala na lahat ng mga dating account ni Attendant Ry..
itinago o binura na siguro...
tapos gumawa yata siya ng panibago doon sa Imperial platform..
kaso ginawa na naman niya yung usual niyang pagkakamali..
ginamit na ulit niya ang buong tunay na pangalan niya..
meaning, madali na naman siyang mahahanap ng mga stalker niya...
is 💘 feeling , grabe, sobrang firm na ng dibdib niya...
---o0o---
July 4, 2024...
nakakatawa lang yung ginawa ko ngayong hapon..
nag-withdraw ako ng pera..
para lang magpapalit sa iba at malayong establishment..
pero ibabalik ko din naman yung perang iyon doon sa bangko ko..
in the form of dollars nga lang..
eh sa hindi daw nagbebenta ng US dollars yung bangko ko eh... 🙁
so sa M Lhuillier ako nakakita ng nagbebenta ng dollars..
Php 58.58 per USD 1.00 ang palitan ngayong araw according sa internet..
Php 58.59 doon sa pawn shop..
kaso eh Php 59.44 ang benta nila..
nasa Php 0.85 ang patubo nila para sa bawat dolyar, so parang umabot sa Php 442 ang naging charge sa akin nung pawn shop... 🙁
Php 1,560 na kaagad ang talo ko sa pagbili ng dolyar dahil pa lang doon sa Php 55 to 58 na increase sa palitan..
plus yung patubo nung pawn shop na Php 442..
ibig sabihin na nasa Php 2,002 na kaagad ang inilabis ko sa actual budget...
is feeling , nakaka-miss ang Western Union.. sobrang sama ng Google...
>
[Lottery]
testing lang..
kahit yung sa draw lang sa Saturday..
kahit 2nd prize lang..
pero mas mabuti kung jackpot...
lahat ng ginagawa ko, sa papalugi lang parati ang mga pera ko..
kailangan ko naman na medyo umangat...
is feeling , kung pupuwede lang naman...
---o0o---
July 5, 2024...
ayun..
natalo nga kaagad ako sa M Lhuillier..
according sa website ng BDO..
Php 30,561 lang sana ang kailangan ko para makabili ng mga dolyares..
Php 30,908 naman nga ang benta sa akin doon sa pawn shop..
so natalo na kaagad ako ng Php 347... 🙁
kaso alanganing oras na ako nakapunta sa bayan kahapon..
nasa 4:00 PM na rin, kaya hindi ko na sinubukan sa BDO..
bukod pa sa ilang beses na nila akong pinagtabuyan noon...
is feeling , lugi na kaagad...
>
nakatapos naman na sa paggawa ng USD bank account kanina..
simula pa sa Monday mapa-process yung Google check..
tapos nasa 45 days daw bago lumabas ang resulta..
Google, please lang, huwag ninyong patatalbugin iyon...
dahil nasa Php 31,000 yung panibagong nakulong kong pera..
at kapos na sa maintaining balance na Php 10,000 yung sarili kong pera sa Peso account ko..
ibig sabihin na kailangan kong makapag-produce ng panibagong USD 500 para ipalit sa contribution ng mga supporter ko para sa pambili ng panibagong computer...
is feeling , ulitan.. kailangan na ulit makapag-ipon kaagad ng USD 500...
---o0o---
July 6, 2024...
kulang nga pala yung USD 500 lang...
bale kailangan ko din pala ng additional na Php 6,000..
in case na hindi na talaga ipatigil ng basurang pinuno ng bayan na ito ang increase sa kotongan sa PhilHealth... :(
ang laki-laki ng singil..
paulit-ulit na ipinapagamot yung mga sakitin na hindi naman naghuhulog..
samantalang yung mga nagbabayad eh ni wala man lamang regular na annual benefit... :(
is feeling , vote-buying...
-----o0o-----
June 30, 2024...
[Pests]
2nd day ng pagpapakain sa mga kalaban..
gamit yung natirang Racumin noon..
ang estimated na bilang nila sa ngayon ay 3..
pero nasa 2 pa lang yung maximum na nakikita kong magkasama...
bandang hapon nang ma-confirm ko na at least 3 ang kalaban namin na mga halimaw this time...
is feeling , maubos na kayo...
---o0o---
July 4, 2024...
[TV Series]
inayawan na ni Tanggol ang Nazareno..
maya't maya kasi ang kamalasan niya sa buhay...
pero mabuti pa siya..
istorya lang yung sa kanya..
samantalang ako eh realidad ko ang kamalasan sa halos araw-araw...
is feeling , ayaw na...
No comments:
Post a Comment