Saturday, June 8, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of June 2024 (Mail Problem)

Loveless Story


June 1, 2024...

[Gadget-Related]

hindi 'to maganda..
power interruption kahit hindi naman sobrang lakas ng bagyo..
at power interruption din dahil sa nipis ng supply ng kuryente..
puros unannounced siyempre...

hindi pa man ako nakakabili ng bagong computer..
eh mukhang dudurugin na ulit ng FATE ang UPS ko...

is feeling , walang katapusan...

---o0o---


June 3, 2024...

[Manga Theory]

One Piece

pero hindi ko na gagawin na official theory...

una, baka si Admiral Kizaru ang tumulong kay Luffy na makakain bago pa ito maaresto ng mga Marines noon..
dahil may dati na ngang koneksyon ang Admiral at si Dr. Vegapunk..
dahil nakialam na ang Five Elders, baka inutusan siya ng Scientist noon pa man na bigyan ito ng critical blow para ma-trigger na yung broadcast..
pero posibleng temporary death lang ang nangyari kay Dr. Vegapunk, tulad ng mga nangyayari sa ilang palabas, parang may drug o device na kayang magresulta sa temporary death..
iyon siguro ang rason kung bakit parang tamad na tamad si Kizaru na makipaglaban...

mukhang hindi lang si Im ang nakagamit ng special effect ng Ope Ope no Mi..
kung buhay na rin kasi ang current Five Elders noong Void Century..?
edi ibig sabihin na bawat isa sa kanila ay nag-sacrifice na din ng mga host ng Ope Ope no Mi para lang maging imortal..
iyon din siguro ang dahilan kung bakit maliban sa Yokai property ng mga Mythical Devil Fruit nila, eh parang wala talagang tumatalab sa kanila...

is feeling , ano nga kaya...??

---o0o---


June 5, 2024...

yung mga lokal na mamamayan na galit na galit dahil sa adult content policy ng bagong pamunuan ng Twitter..
eh wala namang nagbago, dahil matagal na yung ina-allow sa dating Twitter...

mga bobo kayo..
gusto ninyo ng censorship..?
una, tiyakin ninyo na tamang birthday ang inilalagay ng mga anak ninyo sa social media, na hindi nila dinadaya yung year..
sunod, para mas makasigurado, eh i-disable ninyo ang visibility ng adult content para sa account nila...

pero kung talagang mas gusto ninyong makasigurado..?
huwag ninyong bigyan ng gadget ang mga anak ninyo habang menor de edad pa sila..
magaling iyon at makakabawas din sa maya't mayang paggamit ng kuryente na nakakasira naman sa mundo...

is feeling , mga put*ng ina ninyo.. reklamo kayo nang reklamo eh nanonood nga kayo ng bold sa cable channel at Netflix...

---o0o---


June 6, 2024...

hindi talaga nauubusan ng mga problema..
gusto ko muna sanang tumawag sa post office para i-check kung posibleng nasa kanila ang mga sulat ko from Google..
para hindi naman masayang ang oras ko at magulo ang schedule ko sa pagpunta kaagad sa kanila nang personal..
kaso ayun..
araw-araw busy yung telephone number na para bang hina-hang nila iyon...

is feeling , Google naman kasi.. ni isa sa mga number ko walang naka-attach dun sa sulat...

---o0o---


June 8, 2024...

alam mong tangang panatiko ang isang lokal na mamamayan kung...?

pinupuna niya ang biro ng iba bilang body shaming daw..
samantalang yung mga joke ng ipinagtatanggol niya na idol niya..
pati yung majority ng joke ng community na kinabibilangan nun..
eh panay nakasentro sa panlalait sa pisikal na katangian ng mga tao...

is feeling , walang body shaming.. mga tanga kayo.. huwag ninyong ipagbawal ang paggamit sa mga adjective...

-----o0o-----


June 3, 2024...

[Trade]

so itinaya ko nga dati yung halos USD 20 ko na USDC from Season 7 sa SLP..
kumita na sana ako ng USD 3 noon..
pero nabaliktad ang kapalaran at nauwi pa ako sa pagkalugi...

kanina, gumawa na ulit ng pump ang SLP..
pero kapos sa target ko na palitan..
ang ending eh kinailangan kong magpalugi ng USD 3 para lang mailapit yung value sa dati nung halaga, habang umiiwas na mabaon ulit sa mas malalim na pagkalugi...

is feeling , BTTC, gumaya ka naman sana...

---o0o---


[Trade]

day 177...

ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 29 ngayong araw..
total ng USD 29 din...

is feeling , sana...


No comments:

Post a Comment