Saturday, June 22, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of June 2024 (Disposing of Rationality)

Loveless Story


June 16, 2024...

naiisip mo na unfair ang buhay, kasi sinusubukan mo pa ring lumaban..
nararamdaman mo na malas ka palagi, kasi umaasa ka na magiging patas at tama man lamang ang mga bagay-bagay...

kalimutan mo na ang lahat..
hindi mo kailangang mahiya dahil mahirap ka lang..
hindi mo kailangang mahiya dahil talunan ka..
hindi mo kailangang mahiya dahil wala kang silbi..
hindi mo kailangang mahiya dahil pabigat ka sa iba..
nakalaan ka para maging pataba sa lupa..
iyon ang purpose mo..
1 year at less than 6 months na lang ang natitira..
hindi na kailangang lumaban..
kailangan mo na lang maghintay...

yung mga demonyong tumarantado sa'yo..
yung demonyong mangungutang na ginamit ka lang dahil batugan at gusto pala ng libreng utang..
yung mga demonyong developer ng Axie Infinity na sa kung paanong paraan eh alam lahat ng cards na meron ang mga peste mo, kaya nagawa nilang bulok lahat ng skills na meron ka..
yung mga demonyong traders ng cryptocurrency na nilulugi ka sa tuwing tumataya ka at iniiwanan ka naman sa tuwing hindi ka tumataya..
pati lahat ng demonyo sa gobyerno na hindi sumasagot sa mga mode of communication na pino-provide nila..
lahat sila matatamo ang pinaka-brutal na klase ng katapusan ng buhay sa mundo..
ipaubaya mo na sila sa Karma...

is 💀 feeling , hindi ko mabawi lahat ng sa akin dapat.. dahil masasama silang lahat...

---o0o---


June 18, 2024...

kahapon..
araw na naman ng singilan..
hindi ko alam kung nagkataon lang..
pero mukhang nag-reactivate na ulit ng messaging app yung kapatid niya kahapon..
kaya naman sinubukan ko na sa kanya na muna ulit magpadaan ng reminder..
noong last May ay hindi talaga nakapasok yung message sa kanya..
titingnan ko pa this time kung anong mangyayari...

ewan ko..
pero parang gumagawa sila ng paraan para magkaroon ng palusot na kesyo hindi nila nare-receive yung mga reminder..
kapag hindi pa rin gumana this June, eh kailangan ko na talagang dumaan sa kapatid nila na nasa entertainment industry...

20 months nang hindi naghuhulog yung p*ta..
sa kabila ng Austria scam niya..
at sa paulit-ulit niyang pagsisinungaling kung kailan siya magsisimula na maghulog...

is feeling , utak-demonyo talaga...


>
[Gadget-Related]

malas talaga...

kagabi, nawalan ako ng access sa Facebook ko..
mali daw yung password na ginagamit ko, kahit na ang totoo ay tama naman..
mukha namang naka-link pa rin siya sa e-mail address ko..
yung change password naman, hindi natatapos nang maayos, pero nai-implement..
kaso kahit yung binagong password ang gamitin, eh kini-claim pa rin ng sistema ng Facebook na mali yung input ko...

is feeling , anong demonyo ng kamalasan na naman ba ang nakasanib sa akin...??

---o0o---


June 19, 2024...

wala talaga..
malakas ang demonyo ng kamalasan sa buhay ko... 🙁

June 3 pa ako nagtatanong, pero June 19 na ngayon..
sa Facebook, walang reply..
sa mga e-mail, walang reply..
sa local contact number, palaging busy..
sa national contact number naman, kung hindi busy eh no agent available...

5 years na inipon yung pera na 'yon..
pero parang nag-decide na lang din ang may control sa FATE ng buong universe na hindi ko dapat makuha yung pera.. 🙁
kaparehas din sa kaso nung hindi nagbabayad sa akin ng utang..
at sa pondo na paulit-ulit na lang na nalulugi sa loob ng Binance..
basta ganun na lang, itapon ko na lang ulit yung mga pera... 🙁

tapos anong mangyayari kung magsasayang ako ng oras sa pagpunta sa mga opisina nila..?
sisingilin ako ng Php 10,000, samantalang nasa Php 5,000 lang yung laman nung sulat...??

is feeling , mga kriminal ang nasa gobyerno ng bayan na 'to.. puros mga basura...

---o0o---


June 21, 2024...

so nakuha na yung luma at void ko na Google check kanina..
may nausap ako para mag-check doon sa post office..
ewan ko kung saan nanggaling, may Sweden at New York kasi doon sa sobre..
hindi yata sa Singapore..
basta confirmed na na sa PHLPost nga siya idinadaan, gaya din ng dati...

ipinadala noong February 23..
nakapasok dito sa bayan noong March 19..
pero May 20 daw na-receive sa post office ng [Name of City]..
ano yun, 2 buwan na natulog doon sa pinagbagsakan nung sulat..?
may delivery pa rin naman daw sila, pero more than a month na eh wala namang nag-a-attempt na mag-deliver dito sa bahay..
so ayun, lagpas 3 buwan siya na nai-stuck sa bulok na sistema nitong bayan... 🙁

ang pakunswelo ko lang..?
wala naman siyang bayad..
at nakakuha na rin ako ng gumagana daw na contact number nila, na iba nga dun sa local telephone number na palaging busy...

is feeling , ano 'to..? testing stage..? 4 na buwan ang nasunog...


>
[Gadget-Related]

ganito na lang ba talaga dapat palagi ang buhay ko..?
dapat laging may mali..?
dapat laging may problema...??

na-realize ko kasi na kahit na tama naman ang naka-declare kong mailing address sa Google..
eh mali naman ang pini-print nila doon sa sulat..
ganun din doon sa tseke..
akala siguro ng mga foreigner na may redundant akong isinulat puwerket may parehas na term doon sa magkaibang portion nung address..
parang tanga lang na ayaw na lang nilang sundin kung ano man yung exact entry doon sa Google...

is feeling , wala na bang tao na gagawa ng tama para sa akin...??


>
problema pa..
mukhang USD 500 ang required para makapag-open ng dollar account sa bangko ko..
at yun din ang maintaining balance para hindi ma-penalty...

ang taas pa naman ng palitan ng dolyar ngayon..
automatic na matatalo ako kapag bumaba ang palitan ng piso kontra dolyar..
posibleng umabot sa Php 30,000 ang kailangan kong pondo nito..
Php 30,000 ang kailangan kong i-stuck na pera para lang mabigyan ng madadaanan yung mga pera na manggagaling sa Google...

kundangan naman talaga, Google..
ang ganda-ganda ng serbisyo ng PayPal..
kaso naging karibal ang tingin ninyo sa kanila... 🙁

is feeling , majority ng pera sa bangko ko ngayon eh contribution ng mga supporter ko...

-----o0o-----


June 16, 2024...

[Trade]

day 187..
patuloy lang sa pagbagsak ang BTTC..
lagpas 1 buwan na kumpara noong huling beses nilang magawa na umabot sa 160 plus na level...

ang mga posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 23 noong Wednesday..
USD 19 ngayong araw..
total ng USD 42...

is feeling , sana...


No comments:

Post a Comment