Loveless Story
June 24, 2024...
malas talaga...
wala namang bagyo kahapon..
thunderstorm lang nang ilang oras noong hapon..
pero talagang may nawasak pa ang kidlat sa kalye namin, dahilan kaya nawalan kami ng kuryente for more than 12 hours...
is feeling , iba na talaga ang kalidad ng mga thunderstorm sa panahon ng Climate Change...
>
[Gadget-Related]
malas talaga...
bukod sa wala ng kuryente pagkagising ko kahapon ng hapon..
eh sumabay pa na nasira yung padalawa kong gaming phone..
sayang..
tumatagal pa naman kasi ang battery nun ng maraming araw..
kaso simula kahapon eh gumagalaw na yung phone nang mag-isa, kung anu-ano ang pinipindot...
iyon pa naman sanang Google nun ang gagamitin ko para sa paniningil ko ng pautang..
pero iyon pa talaga ang nasira...
is feeling , uubusin ng level ng kamalasan ko lahat ng options ko sa buhay...
>
[Gadget-Related]
malas talaga...
kahapon, bumigay na nga yung gaming phone na gamit ko sa paglalaro ng mga peste..
kanina namang tanghali, eh pati yung version sa computer eh nagloko na rin...
is feeling , naka-focus talaga ang FATE sa pagtapos sa buhay ko nang mas maaga kesa sa katapusan ng One Piece...
>
kapag malas ka, eh malas ka talaga..
hindi mahalaga ang opinyon ng ibang tao..
dahil hindi naman mabubura ng mga pinagsasasabi nila ang kamalasan na taglay mo..
hindi nila maiintindihan kung hindi naman sila ang nakaka-experience..
hindi nila alam ang pakiramdam ng naliligo sa kamalasan, yung lahat ng ginagawa mo eh nagkakaroon ng kapalpakan...
is 💀 feeling , walang tamang desisyon, dahil automatic na magiging mali lahat ng mga desisyon ko...
>
magiging perpekto ang pagiging talunan ko sa buhay kung bibigay ang katawan ko sa depression bago pa man matapos ang istorya ng One Piece...
is ⚠ feeling , nakakapagod kalaban ang malalakas na entity...
>
nakabalik na pala si Attendant Ry kahapon mula sa birthday break niya..
nakapagpaalam na ulit siguro sa boyfriend niya para makapagtrabaho siya...
is feeling , kumusta ka na ba...??
>
mukhang nagpa-enhance si Attendant Ry..
ayon sa isang latest review..
tama nga kaya ang hinala ko noon..?
na enhanced na siya dati at nagkaroon lang ng pagkakamali sa enhancement niya kaya niya iyon ipinatanggal...??
saw some videos of her..
at mukhang lumaki nga ang mga iyon..
parang kasing-laki na ng kay Attendant Jn...
hindi naman siguro siya ginaya ni Attendant Y during her long break..?
sana naman ay hindi nga, dahil maganda na yung sa kanya sa current natural state nila...
is 💘 feeling , perky and puffy...
---o0o---
June 25, 2024...
so nag-check ako ng mga pondo..
hindi na muna kasali yung nasa Coins at yung ilang taon nang naka-stuck sa Binance...
main budget - 13,500
support fund - 7,600
total available - 21,100 only
unavailable - 26,800 (dahil hindi on hand)
unusable - 41,300 (on hand pero may ibang paggagamitan)
total - 68,100
mas madami pa yung hindi pwedeng gamitin kumpara dun sa pwede..
at nasa Php 30,000 ang kailangan kong budget para lang makapagbukas ng dollar account..
at required yung halaga na 'yon na ma-stuck na lang sa bangko...
is feeling , mas sapat yung unavailable para sa kailangan kong 2 magkaibang budget...
---o0o---
June 27, 2024...
sumubok ng mga AI text-to-image generator..
mabilis nga pala silang mag-render..
walang sinabi yung 2 hours or more ko sa 3D rendering..
dahil mostly online, eh halos walang computer requirement, yung mga website ang gumagawa ng lahat ng processing...
yun nga lang..
dahil nga online, eh kontrolado nila ang bayaran..
parang scam lang ang free mode dahil low quality..
parang sa paid version lang makakapag-train ng mas mataas na level ng AI...
is ⚠ feeling , malulugi ako sa monthly subscription kung hindi ako magkakaroon ng fan...
---o0o---
June 28, 2024...
grabe yung model na babae na 19 y/o lang pala sa ngayon..
naging batang ina..
pero ang dalas mag-post ng paghahangad sa tutut sa social media...
is feeling , akala ko 20 plus na dahil mahilig...
>
nakakita ng totoong libre na AI text-to-image generator..
as in libre, pero hindi tinipid..
hindi ko magagawa yung totoong gusto kong gawin, dahil hindi ako pwedeng mag-train ng sarili kong AI..
pero at least may quality ang mga output niya..
baka pwede kong mapakinabangan for promotion habang nag-iipon pa ako ng pondo...
is feeling , sana umubra...
-----o0o-----
June 24, 2024...
[Trade]
day 195...
ang mga posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 22 noong Thursday..
USD 33 noong Saturday..
total ng USD 55...
is feeling , sana...
---o0o---
June 27, 2024...
[Trade]
day 198...
ang posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 34 kahapon...
na-scam ng Bitcoin ETF, walang nangyaring pump..
iniwanan ng Imperial New Year pump..
na-scam ng Bitcoin Halving, walang nangyaring pump..
puros mga pagkakamali..
yung susunod na Imperial New Year na lang yata ang maaasahan ko nito... 🙁
is feeling , sana...
No comments:
Post a Comment