Saturday, January 28, 2023

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of January 2023 (Charger Down)

Loveless Story


January 20, 2023...

[Medical Condition]

ginamitan ko na ng konting puwersa para tuluyan nang matanggal yung mass sa cyst spot ko..
may uka..
dumugo din nang konti...

is feeling , pero sana hindi na talaga umulit pa...

---o0o---


January 24, 2023...

nagsimula na sa project #24...

madaming oras ang nawawala sa akin lately..
hindi na makapagsimula ng 5:00 AM sa trabaho..
tapos tadtad pa ng masasamang thoughts bago matapos ang araw...

is feeling , kailangan kong maibalik yung dati...

---o0o---


January 25, 2023...

[Medical Condition]

6 years na din pala simula noong nag-pop yung cyst ko..
pero hinding-hindi na siya naka-recover simula noon...

is 💀 feeling , ubod ng malas...

---o0o---


January 27, 2023...

[Gadget-Related]

unang bad news...

buhay pa hanggang ngayon yung Nokia 2730c ko..
lagpas 11 years na siya in service..
kahit na ganun tumatagal pa rin ng 5 days ang kanyang battery..
kaso nauna nang sumuko yung charger niya...

problema na wala ng katulad dito sa bahay yung charger nun..
puros USB charger na kasi yung stock dito sa bahay..
wala na akong pamalit..
kaya kailangan ko nang i-retire yung phone..
binura ko na rin lahat ng laman niya habang may natitira pa siyang battery...

pero ang totoong problema ay yung lumang SIM ko..
lahat ng access code ko doon pinapadala..
kahit yung sa PayPal doon pa rin, kahit na nag-update na ako ng number..
isang phone na lang dito sa bahay ang natitira na kayang magkarga ng standard na SIM..
kaso delikado na ring mawasak 'yon...

is feeling , paalam.. kahit na ayaw mo pa...

-----o0o-----


January 22, 2023...

[Trade]

ilang araw na akong naiwan ng market..
nasa USD 20,000 plus lang ang dinidikitan ko noon..
pero nasa USD 22,000 to 23,000 na kaagad siya ngayon..
kaya naman nakulong na ako sa savings...

yung dip na kailangan ko noon para makabawi..
hindi ko napakinabangan dahil nakasama ako sa pagbagsak ng lahat...

ang dami ko ding nasayang na pagkakataon sa AGIX..
mga dagdag na USD 9 to 18 na opportunities..
pero wala man lamang akong nasakyan sa kanilang lahat...

is feeling , kusang umiiwas ang mga numero...

---o0o---


January 23, 2023...

[Trade]

bigo na naman ako..
maganda yung dip kaninang umaga, before 5:00..
kaso hindi pa ako gising noon...

GMT pump..
AXS pump..
SLP pump..
RON pump..
bukod pa sa SNM pump na meron kanina..
ang daming nakaka-recover, pero hindi yung mga asset na meron ako...

is feeling , hindi ako makabawi...

---o0o---


January 25, 2023...

[Trade]

wasted opportunity pa rin..
kagabi, ginawa na ng DREP yung matagal ko nang hinihintay sa kanya..
at USD 20 din yung nakawala sa akin dahil dun...

paggising ko ng umaga..
bumagsak na ang Bitcoin, hila-hila ang DREP, at nagbabawas na din nga ng trading volume..
pero anong ginawa nila ngayong hapon..
may nagbalik ng trading volume sa DREP para ma-pump siya..
at nasa USD 36 naman yung nakawala sa akin...

is feeling , wala na akong nagawang tama sa buhay ko...

---o0o---


January 27, 2023...

[Trade]

ang mas malalang bad news...??

wasak na ulit ako.. 🙁
nadamay na naman sa trap pump..
kunwari nagpa-pump, pero noong nakabili na ako eh biglang zero recovery dip...

sobrang sakit..
sa lahat ng panahon na sumablay ako na kumita..
lahat ng USD 9, USD 18, at USD 5 na napakawalan ko..
yung nag-300% ang GMT..
gusto ko lang mabawi lahat ng nawala kong pera..
tapos ngayon may panibagong dagok na naman sa akin..?
habang nakaka-recover naman nang tama ang iba... 🙁

is 💀 feeling , pagod na pagod na ako sa depression na ito...


No comments:

Post a Comment