Loveless Story
January 14, 2023...
so may natagusan ng COVID-19 virus sa amin..
at na-detect na yung sa kanya..
hindi kasi tumitigil ang ubo at nahirapan nang huminga..
nagkita-kita pa naman kami last week... 🙁
ibig sabihin na natatagusan nga ang mga booster shot.. 🙁
kaya patuloy sa pagkalat at pagmu-mutate ang Imperial bioweapon...
is feeling , teka.. ako kaya ang nakahawa sa kanila..? o ako ang nahawaan nila at na-extend lang lalo yung sa akin...??
---o0o---
January 16, 2023...
ano ba, Facebook...??
Reels na puros dibdib ng mga babae..
safe excerpt mula sa mga Hentai..
clean cut mula sa mga JAV..
tapos ngayon naman eh patalastas ng Vivamax...??
napaka-mapanghusga ninyo... XD
is feeling , hindi ako nanonood ng low level...
>
16 na..
ang sabi last December, January 15 daw magsisimula ulit ng paghuhulog..
pero heto at wala na naman...
October yung huling hulog..
napilitan lang noon kasi nasita ko..
ibig sabihin 3 buwan na siyang hindi nagbabayad ng utang...
is feeling , put*ng ina ninyo, puros kayo pasarap sa buhay.. habang yung taong kinasangkapan ninyo eh hirap na hirap bawiin ang kanyang pinaghirapang pera...
>
kahapon..
natapos ko na din lahat ng promotional items para sa project #23..
pero hindi pa ako makaka-proceed sa paggawa ng mga backup files..
dahil sa naipong requests mula December nung boss-boss-an kong kliyente..
mga 2 araw pa ng rendering... 🙁
is feeling , gusto ko nang dumiretso sa project #24...
---o0o---
January 17, 2023...
araw ng kontrata para sa pagbabayad..
3 buwan na siyang hindi naghuhulog..
nakapunta sa 2 malalayong isla, pero walang pambayad ng utang.. 🙁
kaya naman kinailangan ko pa tuloy siyang paalalahanan..
bagay na ni hindi ko na nga dapat ginagawa..
pero idinaan lang ako sa silent treatment..
hindi na ako magtataka kung gagawin niyang dahilan ang SIM card registration para kunwari eh mawawalan na ako ng communication sa kanya..
mga likas na mapanlamang at manloloko ng kapwa nila..
mga demonyo...
is feeling , para sa lahat ng biktima ng mga maluluhong mangungutang.. put*ng ina, darating din ang brutal na kamatayan para sa lahat ng mga tumarantado sa atin...
>
tapos na sa mga request..
ide-deliver na lang bukas..
handa na rin ang lahat ng templates for 2023..
pwede nang mag-proceed sa paggawa ng mga backup after ng delivery...
is feeling , trabaho lang.. madami pang kulang sa budget para sa Dream Date...
---o0o---
January 18, 2023...
may namatay sa naging kagrupo nina Attendant Ry..
binaril siya sa ulo..
actually kinabahan ako noong unang beses kong narinig yung balita kasi narinig ko kung taga-saan yung biktima..
biglang pumasok sa isip ko si Attendant Ry, at naisip ko na huwag naman sanang maging siya iyon...
lunch na noong napanood ko yung balita..
kasi naging usapan doon sa community..
at na-realize ko nga na hindi din pala nalalayo kay Attendant Ry yung naging biktima.. 🙁
kaagad akong nag-message kay Attendant Ry para paalalahanan siya..
hindi ko kasi maiwasan na mag-alala para sa kanya..
nalungkot nga daw sila dahil sa nangyari...
first time kong maranasan na may naging pamilyar sa akin sa loob ng industry..
na nakausap ko pa..
pero pinatay in a brutal way..
bakit siya..?
bakit hindi na lang yung totoong masasamang babae na kagaya nina Tabachoy ang mamatay sa ganung paraan...??
kawawa naman yung pamilya at mga anak niya.. 🙁
sana nga makuha kaagad nila ang hustisya...
is 💌 feeling , sana manatili lang na ligtas parati si Attendant Ry...
---o0o---
January 19, 2023...
nakatapos na sa paggawa ng mga backup files..
halos may backup na rin lahat ng mahahalaga sa tulong ng micro SD card na mula sa lumang phone..
32 GB..
pinakamalaki pa siya ngayon sa lahat ng hawak ko na storage device...
is feeling , ibang trabaho muna bukas at sa Saturday...
---o0o---
January 20, 2023...
[Strange Dream]
may usapan daw kami ni Miss C..
noong una akala ko na kami lang 2..
pero unti-unti kong na-realize na malaki pala yung room..
parang suite..
may living room, bedroom, at iba pang mga silid..
na-realize ko din na may mga kasama pala kami doon..
mga kasama ko kahit na may usapan kami ni Miss C..
ilang classmates ko na lalaki from elementary..
siguro nakaramdam din sila na kailangan namin ng privacy..
kaya naman nagpaalam sila na lalabas, kaso nagdala sila ng susi nung room..
sa isip-isip ko nun eh bakit sila magdadala ng susi, eh paano kung maabutan nila kami na may ginagawa...?
anyway, bago yung eksena kung saan umalis yung mga kasama ko..
madami kaming pinagkukuwentuhan ni Miss C..
kaso wala na akong naaalala sa mga 'yon..
hindi ko na rin maalala yung dress na suot niya..
basta yung buhok niya eh kagaya nung sa clear photo niya na meron akong kopya..
sa sobrang haba ng usapan namin, 1 round na lang daw yung natitira sa akin noong nagyaya na siya..
at doon na sa paghahanda para sa round 1 naputol yung panaginip ko..
ni hindi na ako nakaisa...
mahaba yung panaginip, kaso madami akong nakalimutan..
may isa pa kasi akong napanaginipan kaya nag-overlap yung mga detalye bago ko pa man sila nai-record...
is feeling , yung tipo ng alaala kung saan bigo ka.. pero hindi masakit alalahanin...
---o0o---
January 21, 2023...
pamura muna ako..
sayang ang panahon..
halos 1 oras na power interruption..
wasak na naman ang schedule ko... 🙁
is feeling , nasa 20 plus na ang January...
>
[Lottery]
hindi na 'to maganda..
sobrang dalas na napapanalunan ang lahat ng games..
ultimo yung mahirap na 6/58 parang mani-mani na lang simula pa noong December...
is feeling , ano bang nangyayari..? kagaya na ba 'to ng Jueteng game-fixing...??
-----o0o-----
January 14, 2023...
[Game]
s-in-alvage ko na muna yung dati kong RON mula sa staking..
USD 4.33 lumaki hanggang USD 5.31, pero may kasamang 1 RON na na-farm..
hindi na masama, considering na malaki ang nawala sa value ng ETH at lumaki naman ang value ng RON...
pero ang laki din talaga ng inilobo ng RON fees..
grabe ang times 10..
USD 0.0127 din yung madami kong transactions kanina...
is feeling , mabuti na yung may plus USD 1, kesa naman dati na naging below USD 3 ang value...
>
[Trade]
sobrang lakas lang ng Curse Release ko.. 🙁
from USD 16,000 plus na Bitcoin, napalaya ko hanggang USD 21,000 plus...
magkano ang napalagpas kong mga kita ngayong araw..
hindi ko na binilang lahat..
basta lagpas USD 145... 🙁
ganun din sa GMT..
nakagawa na siya ng nasa 100% na recovery..
at bukod pa yung malaking savings sana mula doon sa asset... 🙁
matapang akong mga-trade lately dahil may USD 20 rebate ako..
hindi ko lang mapakinabangan nang husto dahil mas madalas na 0 BNB ang trading fees ko..
siguro dahil BNB user ako...
pero ang totoong masama nito..?
sa tuwing nakakabili ako ng asset ay biglang bumabagsak ang palitan nun..
kaya naman nako-convince ako na hindi masyadong tataas ang palitan..
pero sa tuwing nakakabenta na ako nang konti ang tubo, eh saka naman bumubulusok ang palitan pataas sa langit... 🙁
is feeling , sinusuwerte na ang lahat, pero naliligo pa rin ako ng mga kamalasan...
---o0o---
January 15, 2023...
[Trade]
sablay na naman ako sa FIDA..
paggising ko kaninang umaga, nakasipa na siya hanggang USD 0.47 plus..
kaso USD 0.48 ang selling price ko, kaya hindi na-activate..
nagpalipas ako ng oras, pero hindi na siya makaangat, at may banta pa nga ng pagbaba..
dahil doon ay nag-decide ako na magbenta na lang sa USD 0.444...
pero anong nangyari after that..?
na-trigger yung auto-sell..
na-activate ang Curse Release ko sa FIDA..
at bumulusok na siya hanggang lagpas USD 0.5 plus..
2nd time nang ginawa sa akin iyon ng FIDA... 🙁
kinapos ang kita ko mula sa FIDA by USD 24..
tapos ganun din ang nangyari paglipat ko sa GMT..
kinapos din lang ng konti para sa buying price ko..
kaya USD 22 naman yung nakawala sa akin dun... 🙁
is feeling , put*ng inang maysa-demonyong kakayahan 'to.. pumapaltok lahat ng asset basta lumabas na ako mula sa kanila...
>
[Trade]
ito ang dahilan kung bakit nalugi ako nang nalugi simula March 2022..
maysa-demonyo ang kapalaran ko..
sinasabotahe ako ng FATE sa lahat ng ginagawa ko... 🙁
kitang-kita kung paano nila ako ipagtabuyan mula sa magandang kapalaran..
kung paanong ayaw bumaba ng palitan sa tuwing may buying price na ako..
kung paanong ayaw bumulusok paitaas ng palitan sa tuwing may selling price na ako..
kung paanong parating nagbabanta ng pag-crash kapag may selling price na ako..
at kung paanong saka sila nagpa-pump kapag nagbenta na ako nang konti lang ang tubo...
ipinapakita lang ng FATE kung bakit hinding-hindi na ako makakabawi pa sa buhay..
wala na akong magagawa..
dahil lahat ng desisyon ko, automatic lang na magiging mali... 🙁
sa ngayon, na-trap na ulit ako..
sa DREP..
basta nasa loob ako nung asset, hindi na siya makaangat..
tumigil na rin ang pagpasok ng mga bagong investment kanina after kong bumili..
yung selling price ko kanina, hinding-hindi maabot..
ang anomaly..?
halos stable ang Bitcoin sa USD 20,000 plus..
pero ang DREP eh bumalik na sa level niya noong nasa USD 18,000 plus lang ang Bitcoin..
lahat ng iyon, para lang ma-stuck na ako ulit..
at mukhang may mas malagim pang binabalak ang put*ng inang FATE laban sa akin...
is feeling , wala na.. sayang na yung USD 20 na trading fee rebate...
---o0o---
January 16, 2023...
[Trade]
as expected..
nag-pump na ulit ang Bitcoin pataas, then pabalik sa dati niyang level..
dumalawa pa nga today eh..
pero dahil mas malakas ang naging hila niya pababa sa DREP, eh hindi din naka-recover yung asset para sa akin.. 🙁
bukod dun eh nasa kalahati na rin ang nawala sa trading volume ng DREP...
kaya no choice..
pasok muna ako sa savings...
is feeling , may na-recover nga.. pero talo na ulit kaagad...
---o0o---
January 17, 2023...
[Trade]
nagawa ng Bitcoin ang 3rd pump ngayong araw..
pero kapos pa rin para sa DREP..
sumadsad na kasi ang trading volume niya..
kaya naman nag-decide na lang ako na magpalugi by USD 5..
hoping na may mapapasukan akong mga quick and easy pump sa mga susunod na araw...
is feeling , paano ako iiwas, kung ako mismo ang target...??
---o0o---
January 18, 2023...
[Game]
first time kong may makuhang kakaibang award mula sa contest..
nakapasok pa rin ako sa top 10,000 sa tulong ng pagsasagot sa survey, kahit na untikan na akong mapatalsik..
first time ko ding makapasok sa top 20,000 na may reward na AXS...
hindi ako magaling kaya nangyari ito..
in fact, hindi na ako naglalaro na gaya nang dati na paguran at puyatan..
mukhang nalalagas na nang husto ang mga players nung game..
hindi na masama na kumita nang halos hindi ako naglalaro...
is feeling , relax to earn..? tingnan natin...
No comments:
Post a Comment