Saturday, January 7, 2023

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of January 2023 (The 4th Fund)

Loveless Story


December 31, 2022...

matatapos ang 2022 na basura pa rin ako..
yung ubo ko hindi gumagaling kahit na kamamahal pa ng mga put*ng inang gamot..
ang sakit na ng lalamunan ko..
patuloy din ang dati kong cyst sa pag-e-eject ng mass..
hanggang ngayon hindi pa rin matapos-tapos...

meron na lang akong 3 more years to live..
at mukhang mas magiging miserable pa ang lahat ng mga susunod na araw hanggang sa tuluyan na akong tapusin ng basurang FATE...

is 💀 feeling , hindi natatakasan ang kamalasan.. walang choice kundi ang mamatay na kabuntot siya...

---o0o---


January 1, 2023...

ngayong araw lang ako nakatapos sa project #23, pero dinaya ko na yung bilangan..
ginawa ko na lang na kahapon, para sagad sa 2022...

lagpas 3 months ang inabot ko..
40 days para sa scene building at sa mga render..
13 days para sa postwork..
at tumataginting na 59 days na wala akong nagawang trabaho..
so parang 2 months akong walang ginawa...

is feeling , kailangang mawala ang mga masasamang bagay sa buhay ko...


>
[Online Marketing]

wala..
inabot lang ako ng nasa Php 78,000 para sa buong 2022.. 🙁
mas konti kumpara sa performance ko noong 2021..
although matatandaan na pinatay ang 2nd store ko para sa buong taon na nagdaan..
nakaka-miss yung 2018 kung saan kinaya kong maka-6 digits naman kahit pa lumalaban na ako sa online piracy sa kalahati ng taon na iyon...

hindi din nakatulong na yung USD 858 na kinita ko mula sa sideline ko ng paglalaro..
eh nilamon din lang ng kamalasan..
at halos wala na nga sa ngayon... 🙁

hindi feasible ang klase ng buhay na pinili ko..
hindi ko maintindihan kung bakit pwede sa iba, pero pagdating sa akin eh nilalapa lang ako ng online piracy..
may mali sa akin..
mali ang buong pagka-nilalang ko..
ako mismo ang hindi feasible...

imagine, isang buong taon pala ang kailangan ko para makapag-produce ng pondo para sa Dream Date..
tapos ginagawa lang scam ng iba para lang makuha nila yung pera... 🙁

is 💀 feeling , basura ang level ko...

---o0o---


January 2, 2023...

[Online Marketing] 

2022..
na-record yung lowest royalty ko from sales after more than 5 years.. 🙁
sobrang sakit..
mas konting projects lang ang nai-release..
tapos ay pinatay pa nga ng sistema ang 2nd store ko... 🙁

is 💀 feeling , lahat kukunin nila mula sa akin.. hanggang sa makumbinsi na nila ako na tapusin na lang ang basurang sarili ko...

---o0o---


January 6, 2023...

so nakumpleto ko na ulit yung base budget na Php 60,000..
pero kailangan ko pa ng para sa chaperone..
siguro mga Php 12,000, Php 15,000 sagad..
grabe yung Php 15,000 na para lang sa sabit..
pero wala eh, kailangan ng alibi laban doon sa boyfriend nung prospect..
baka kailangan din ng mas malaking pera para sa sita na sasakyan, baka lagpas Php 5,000 pa...

Php 16,000..
kung ibinabalik lang sana nung demonyong babae na iyon yung pera ko..
edi sana hindi na ako nakikipaghabulan sa Cancer..
kaso wala eh..
sugo siya ng FATE..
kaya naman tinuturing na niyang kanya yung perang ni hindi na nga niya pinaghirapan..
eh ginamit pa niya para maka-survive sila ng boyfriend at ng pamilya ng boyfriend niya...

is feeling , sa bagay.. hindi pa rin naman ako pwedeng kumilos dahil hindi pa natatanggal ang mass sa hita ko...

-----o0o-----


December 31, 2022...

[Trade]

USD 637 na pondo ko ibinagsak nila hanggang USD 137..
USD 20 ko na LUNC ibinagsak nila sa USD 6 na lang..
USD 12 ko na BNB hinihila lang nila sa USD 8..
yung bago kong USD 30 na SLP ibinagsak nila sa USD 16 na lang...

bukod pa sa walang maibenta na Axie dahil ginawa na nilang basura lahat ng mga hawak ko..
pinahina na nila nang pinahina para lang mas lumakas pa yung iba...

lahat ng klase ng depression handa nilang iparamdam sa akin..
giyera na lang ang natitirang hindi ko pa nararanasan...

is 💀 feeling , put*ng ina.. absolute garbage...

---o0o---


January 6, 2023...

[Trade]

wala..
lahat ng recovery na nagawa niya sa mga nakaraang oras eh naglaho na ulit..
puros sayang na pagkakataon...

is feeling , wala na yata talaga 'to...

---o0o---


January 7, 2023...

[Game / Scam]

desperado na..
pinapahiram na ng management ng mga land ang streamers nila..
hoping na may maloloko ulit sila na bumili ng mga mamahaling land plot...

lumalabas din na ang mga nagiging winner sa mga nagdaan nilang pa-contest kung saan AXS ang reward ay puros mga kakilala din lang nila...

bogus din ang mga transaction na ipinapakita nila sa marketplace..
may mga bumibili pa rin ng mga expired na equipment kahit na hindi na nga nagana ang mga iyon doon sa laro, dahil nag-distribute na ulit ng mga bagong equipment for evaluation purposes...

basically..
gumagamit sila ng mga influencer na streamer..
at manipulado din nila ang mga stats sa kanilang marketplace..
lahat ng iyon bilang bahagi ng kanilang scam...

is feeling , mga demonyong scammers...


No comments:

Post a Comment