Saturday, January 14, 2023

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2023 (Curse Release)

Loveless Story


January 8, 2023...

[Lottery]

nakakapagduda na talaga ang mga laro.. 🙁
masyadong dikit-dikit ang mga panahon na natatamaan sila..
nalagas lahat ng jackpot prizes, back to zero, from December to early January lang...

is feeling , naging Jueteng na rin ba sila..? nako-control...??


>
December 2020..
yun yung panahon na huling beses akong nakainom ng alcohol..
ibig sabihin..
lagpas 2 years na pala akong hindi umiinom ng alak...

is feeling , sobrang bilis lumipas ng panahon...

---o0o---


January 11, 2023...

5 na yung naiipon kong shirt dahil sa mga holiday..
kaso wala talagang silbi para sa akin..
wala naman akong panahon at venue para magbenta...

yung kasama ko naman sa bahay..
huwag ko daw ibenta..
ipamigay ko na lang daw...

is feeling , dagdag kalat lang sa mundo...


>
late na naman ng tulog..
nakahanap na naman kasi ako ng mga butas..
hunting mode..
9 kaagad sa isang pasada...

may magaganda..
may mga sexy..
kaso walang silbi para sa akin..
hindi sila ang mga totoong hinahanap ko..
hanggang network expansion lang talaga ang kontribusyon nila...

is feeling , nakakatuwa din naman nga ang butas nitong Imperial app...

-----o0o-----


January 11, 2023...

[Trade]

yung FET pala ang magandang opportunity na nakalagpas..
374% na paglobo..
nasa USD 511 na sana ako nun... 🙁

kahit yung GMT..
bukod sa savings niya..
eh nakagawa siya ng 35% increase noong isang araw..
USD 48 din sana iyon...

ang anomaly dito..?
parehas na mas malalaki ang supply nila kumpara sa ATA..
pero mas matataas ang halaga nila ngayon...

ang isa pang anomaly..?
maganda naman ang level ng Bitcoin..
mas mataas pa rin nga kumpara sa mga nakaraang araw..
pero sa halip na sumabay ang ATA..
eh bumaba muna siya, kaya bumalik lang siya sa dati niyang level noong umangat ang Bitcoin..
tapos ngayon eh pababa na ulit siya...

is feeling , highly manipulated talaga ng FATE...

---o0o---


January 12, 2023...

[Game / Scam]

sobrang sama talaga ng management ng Axie..
sa 17 cards na ginagamit ko..
9 cards naman ang pinahina nila ngayong Season 2... 🙁

mga put*ng ina..
laging malakas ang mga Beast at Reptile..
samantalang yung team ko ginawa na nang ginawang basura sa bawat update... 🙁

is feeling , mamamatay din kayong lahat dyan...


>
[Trade]

sablay na naman ako..
so nagbenta nga ako kahapon with the intention na bumalik din kaagad..
kaso kinapos lang ako nang konti kaya hindi na-activate yung auto-buy..
tapos ayun..
nangyari na nga ang itinakda para sa akin..
nag-pump na ulit ang Bitcoin, dahil napatalsik na ulit ako palabas ng trading..
hindi pa rin sumisipa yung ATA, pero sayang pa rin yung USD 7 na kailangan ko sa recovery..
since nasa USD 132 yung nawala sa akin dahil lang sa mga latest kong pagkalugi...

ang Curse Release ko..
ako ang nagdadala ng kamalasan..
at ako din ang nagpapalaya mula sa mga kamalasan na idinulot ko..
provided na magpapalugi ako... 🙁

is 💀 feeling , sobrang sakit ng basurang buhay ko...

---o0o---


January 13, 2023...

[Trade]

nasa tama akong asset kanina..
nagma-micro-trading..
hanggang sa iniwan na naman ako sa ere..
nang harap-harapan ulit..
USD 0.113 na entry point sana, pero kinapos na naman ang buying price ko sa 0.112 lang...

sa AGIX, habang nakapag-pump na siya nang husto..
USD 23 yung una kong napakawalan..
tapos USD 30 na yung sumunod..
nabawi ko na sana yung 2 kong huling pagkalugi..
pero wala eh... 🙁

is 💀 feeling , Curse Release...


No comments:

Post a Comment