Saturday, September 17, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of September 2022 (Assets Pump & the Gold from Singapore)

Loveless Story


September 10, 2022...

more than 3 years left para sa basura kong buhay..
sobrang haba pang panahon ng mga pagdurusa..
napakatagal pa para maranasan ko ang araw-araw na mga paparating na kamalasan..
napakalaking kapalit para sa kagustuhan ko na matapos ang istorya ng One Piece, at ang makita ulit si Ippo na gamitin ang perfected Dempsey Roll..
kailan nga ba ako titigilan ng mga kumukontrol sa FATE...?? 🙁

is feeling , daily depression...

---o0o---


September 14, 2022...

[Strange Dream]

isang bangungot..
nasa isang lugar daw kami, na unfamiliar sa realidad..
parang ang idea ay dinalaw daw namin yung mangungutang..
hanggang sa parang wala naman daw nangyayari..
kagaya din ng na-experience ko noon..
ang majority lang ay pagsasayang daw ng oras..
kaya naman niyaya ko na lang daw yung kasama ko na umalis na lang...

is feeling , huwag ninyong ibalik sa akin yung masasamang alaala ng scam...

---o0o---


September 16, 2022...

ang daming nangyari ngayong araw...

doon muna tayo sa masama... 🙁

so nadamay ang community account ko sa isang iskandalo..
mga demonyo na naglalabas ng mga personal information at pictures ng ibang tao ang salarin..
lumalabas na basta-basta na lang pinagbintangan yung account ko bilang account daw ng isang tao na matagal na nilang sinisiraan doon sa community... 🙁

sa ngayon nag-request na muna ako na linisin yung reputasyon ng account ko..
nga pala, may asawa ako base sa istorya nila...

is feeling , mga bobo.. basta-basta lang nambibintang nang wala naman palang basehan...


>
finally got my Produits Artistiques Métaux Précieux Suisse Gold Lady Fortuna..
kaso nasa Singapore pa..
sa tulong ng isang kaibigan..
1 gram lang ang kinaya ko..
Fine gold na may 999.9 purity..
nasa SGD 110.80...

is  feeling , sa wakas.. may matatawag na akong asset ko...

---o0o---


September 17, 2022...

ayoko ng gulo..
pero bakit talagang ang gulo pa mismo ang lumalapit sa akin..??
FATE...

so lumalabas na inatake ang account ko dahil may ginamit ako na isang partikular na English equivalent word..
sabihin na natin na more on scientific na term, kesa naman explicit language yung ginamit ko..
pero hindi exclusive yung word na 'yon..
hindi property nung mismong taong kaaway nila..
pero ginawa ko lang naman iyon para sumunod sa censorship doon sa community...

sobrang bobo na tanga..
basta-basta niya ako pinagbintangan bilang yung kaaway nila dahil lang sa isang English term..
hayop na demonyo 'yon..
sana mamatay na siya..
tutal wala naman silang ginagawa doon araw-araw kundi makipag-away lang...

is 💀 feeling , so ano..? ang magiging ending ko ba eh mata-track ako ng mga demonyong iyon at bayolenteng papatayin...??

-----o0o-----


September 10, 2022...

[Trade]

sumablay nga ako sa LUNC..
sa halip na makapagpadami ng bilang ng assets, eh pababa na ulit siya..
worst case eh kung ginamit lang ng mga whale yung paparating na okasyon, kagaya ng ginawa dati sa SLP noong iri-release na ang Origin..
p-in-ump ng mga whale days before the event, pero biglang nag-alisan a few days ahead doon sa okasyon...

tapos sumablay din ako sa GMT..
nakagawa siya ng 32% recovery, mula doon sa pinakabagsak niyang punto noong isang araw..
USD 59 sana iyon para sa akin..
pero wala eh, mali na naman yung tantsa ko..
hindi na bumalik sa ibaba, at dumiretso lang sa itaas, at saka lang bumaba noong medyo malayo na ang narating...

at hindi pa doon natatapos ang mga kamalasan ko..
nagbaba na rin ng interes yung mga stablecoin sa Binance..
8% na lang ang APY..
siguro dahil sa dollar inflation...

is feeling , yung kakayahan na magising sa isang medyo magandang umaga.. napalagpas ko pa...

---o0o---


September 11, 2022...

[Trade]

sumabog na yung watchlist ko... 🙁

VGX na naman..
nasa 22% pump..
USD 42 sana iyon para sa akin...

FIDA..
nasa 40% recovery..
USD 76 sana iyon para sa akin...

UFT..
na nasa 24% ang recovery..
USD 45 sana iyon para sa akin...

WRX..
nasa 61% increase..
USD 116 sana iyon para iyon sa akin...

maging sa maliitang galaw ng GMT..
nasa USD 23 din yung napakawalan ko..
pero wala akong matayaan ngayon dahil nasa mataas na level ang Bitcoin, dahil daw sa bagsak ang halaga ng dollar..
pero sa kabila naman ng banta ng pag-ban sa Bitcoin mining sa USA...

sa daming beses kong tumaya..
anomaly na ni minsan eh hindi ako nagising na malaki ang kita... 🙁

is feeling , mga bagay na pwede ko lang makita.. pero hinding-hindi ko naman pwedeng maranasan...

---o0o---


September 12, 2022...

[Trade]

may pahabol pa pala mula kagabi..
POND..
nasa 40% increase..
so USD 76 sana iyon para sa akin...

may additional din yung UFT..
22% recovery..
USD 42 sana para sa akin...

tapos yung BNB naman kung nasaan ako..
bumaba na naman..
nasa 7.59% APY na lang siya ngayong araw..
hindi ko na tanda, pero at least patatlo na 'tong pagbaba ng APY niya sa loob lamang ng ilang linggo...

dahil wala ako sa loob ng kahit na anong market, panay akyat lang nang akyat ang maraming mga assets...

is feeling , ang kalayaan nila mula sa matinding sumpa ng kamalasan na dala-dala ko...

---o0o---


September 13, 2022...

[Game]

ayun..
pinaikli na nga yung haba nung contest..
tapos talo na naman ako...

Php 40,000 plus sana iyon eh..
pero hindi na naman nga ako napili...

is feeling , kailan ba papabor sa akin ang laro na 'to...??


>
[Game]

sa sobrang buwisit ko doon sa laro..
dahil sa malinaw na imbalance na ipinapatupad nila..
dahil sa pagpabor nila sa mga piling Class..
napilitan na akong bumili ng 2 bagong Axie, para magkaroon ang team ko ng Area of Effect...

less than Php 1,400 ang bili ko..
parang tanga lang talaga..
Php 23,000 plus ang bili ko sa mga una kong Axie..
tapos ngayon eh may less than Php 200 na lang..
habang wala namang kabenta-benta sa mga hawak kong Axie... 🙁

ano ba 'tong kalokohan na napasok ko...??

is feeling , last try...

---o0o---


September 14, 2022...

[Manga]

biglang lumalim ang plot ng Tokyo Revengers..
ang original timeline kung saan naaksidente at naging lantang gulay lang si Mikey..
sa halip na yung version niya na malakas, bayolente, at may Dark Impulse...

is feeling , sino ang totoong nakawasak sa timeline...??

---o0o---


September 15, 2022...

[Trade]

pinabagsak ng arrest warrant laban kay Do Kwon ang Terra family of cryptocurrencies..
hindi 'to maganda..
ang lokong 'yon..
sisirain niya yung momentum na nalikha nung tax burn...

is feeling , nagkamali na naman ako...

---o0o---


September 17, 2022...

[Trade]

VGX..
na naman..
nasa 35% recovery..
USD 57 sana din iyon para sa adjusted kong pondo...

is feeling , ang lakas ng token na 'to.. balik nang balik kahit may issue ng bankruptcy...


No comments:

Post a Comment