Saturday, June 25, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of June 2022 (Struggling with Reverse Midas)

Loveless Story


June 20, 2022...

[Manga]

One Piece

anak ng..
lugi si Luffy sa distribution ng bounty..
1.5 Billion Belly lang ang itinaas ng sa kanya..
samantalang tig-2.5 Billion Belly sina Law at Kid na pinagtulungan pa hanggang dulo si Big Mom..
naka-survive pala mula sa assassination nang panglalason si Kozuki Sukiyaki, ang tatay ni Oden, bilang si Tenguyama Hitetsu..
ibig sabihin..?
posible na ulit maipasa ang kaalaman at sining ng pag-uukit at pagbabasa ng mga Poneglyph kina Momonosuke at/o Hiyori...

lumalabas din na nasa Wano Country pala ang ancient weapon na battleship na Pluton..
kaya Uranus na lang ang kulang sa puzzle, at baka si Sun God Nika pa nga 'yon...

magiging suicide na pabidang attack ba ang gagawin ni Ryokugyu laban kina Luffy...??

is feeling , simula na ng 4 weeks na extension ng buhay ko...

---o0o---


June 22, 2022...

[Medical Condition]

padalawang beses ko nang nag-thread surgery ng sarili ko..
ginawa ko siya noong Sunday..
nangyari yung result niya nitong Wednesday...

okay naman..
napatay ko na ang dapat na mamatay..
hindi din naman masakit..
hindi din nagdugo...

antiseptic mode na...

is 💀 feeling , malas na nga.. abnormal pa...


>
ang last message ko kapag namatay na ako...?

na sorry sa pagiging basura ko lang..
at sorry din para sa lahat ng mga idinulot ko na mga kamalasan..
naging sobrang lungkot at sakit na mabuhay dito sa mundo..
pero hinding-hindi ko pagsisisihan na nagawa kong tapusin na basahin at panoorin ang One Piece...

is feeling , sana nga magawa ko...

---o0o---


June 23, 2022...

hindi pala ligtas si Attendant Ry sa isang kaibigan niya..
risky para sa kanya ang pagiging popular nung taong iyon..
lumalabas kasi na hindi naging maingat si Attendant N tungkol sa private information niya..
dahil dun eh marami ang nakakakilala sa kanya..
tapos ang dali-dali pa niyang mahanap...

kawawa naman si Attendant Ry..
sana naman hindi na siya mahanap ng iba through Attendant N...

is ⚠ feeling , Arianny Celeste...

---o0o---


June 24, 2022...

[Manga Theory]

One Piece Theory #10

hindi ko pa din pala formally naisusulat ang tungkol dito..
posibleng matagal nang Devil Fruit user si Shanks..
dahilan kung bakit madali niyang kayang mag-travel papunta sa Mariejois...

kaya na kasi niyang makipagsabayan kay Mihawk bago pa man naputol ang kanyang kaliwang braso..
Haoshoku Haki user na din siya, kaya maliit talaga yung tsansa na naisahan lang siya nung sea monster dahil bigla siyang nag-sacrifice para kay Luffy..
kaya naman posible na kahit malakas pa ang kanyang Haki, eh humina siya nang husto sa tubig-dagat dahil sa kanyang Devil Fruit..
dahilan kung bakit sa halip na talunin na lang yung sea monster, eh nagawa pa nga nung nilalang na maputol ang kanyang braso...

is feeling , Paramecia na teleportation Devil Fruit kaya...??


>
[Manga]

Hajime no Ippo

anak ng..
pagsalo sa White Fang at sa mga suntok ni Volg na parang gumagamit ng boxing mitts..
Body Blow laban sa Champion..
Counter na galing sa Arm Block..
Gazelle Punch..
at ang New Dempsey Roll na pwedeng manggaling sa ilalim tulad ng Smasher ni Sendo...

pero killjoy ka, Sendo..
nag-infinity symbol na si Ippo eh..
bakit mo pa sila inawat...??

malapit na..
konting gatong pa..
makukumbinsi na din 'tong si Ippo na bumalik galing sa retirement...

yung ang lakas-lakas mo..
pero iniisip mo sa sarili mo na nangangalawang ka na..
ewan ko sa'yo Ippo...

is  feeling , kinabahan dun si Volg.. usapang retirement na naman 'to.. usapang "what if"...

-----o0o-----


June 21, 2022...

[V-League]

UAAP Season 84 Women's Volleyball

bigla ngang malaki ang nagbago sa takbo ng digmaan dahil sa walang kuwentang bioweapon ng Imperyo..
nagbago ang mga lineup habang nasayang ang ibang mga talents...

step-ladder na ulit ang nangyari pagkatapos ng eliminations..
kinapos ang UST..
maagang natalo ng La Salle ang defending Champion na Ateneo..
pero na-sweep ng NU ng panalo ang buong season na ito...

at after more than 6 decades daw..
at matapos din na hadlangan nina Baldo at ng generation of miracle ang Santiago sisters noong Season 76..
nagawa na din sa wakas ng NU na makakuha ng championship..
pero hindi din naman talaga sila basta-bastang team, dahil mga kilala silang champion from high school...

Rookie MVP si Belen..
na first ever daw sa UAAP Women's Volleyball..
bukod dun ay nakuha din niya ang 1st Best Outside Spiker na award..
parehas silang telegenic, pero hindi photogenic, ng Best Libero nila na si Nierva...

is  feeling , great job, NU...

-----o0o-----


June 18, 2022...

[Trade]

ang lupit talaga nitong tadhana..
noong nag-iwan ako dati ng USD 400 sa RSR..
pagkabagsak ng Bitcoin by USD 10,000 eh sumasadsad din ang RSR hanggang sa USD 0.0033...

pero ngayon..
paulit-ulit nang bumabagsak ang Bitcoin..
naka-lagpas USD 10,000 na ulit..
pero ni hindi bumabagsak ang RSR kahit hanggang USD 400 man lang..
sa USD 1,000 na nalalagas sa Bitcoin..
eh hanggang USD 40 lang ang ibinababa ng RSR...

parang alam na alam ng FATE na naghihintay ako sa bandang USD 0.003 para mabawi ko ang maraming nawala sa akin..
ni hindi na nga umaabot man lang sa USD 0.006 para makagawa man lamang ako ng mga short trade...

is feeling , Bitcoin, bumagsak ka na hanggang USD 10,000...

---o0o---


June 19, 2022...

[Game]

after 330 days..
304 SLP, o nasa 20 SLP na lang per day..
ang lowest ko so far..
at posible pa akong bumaba hanggang below 150 SLP kung magpapatuloy ang pandaraya ng Axie Infinity gamit ang Critical imbalance... 🙁

nasa Php 0.17 na lang ang palitan ng SLP kanina..
so wala pang Php 52 yung sinahod ko after 15 days, o 1,350 minutes..
ito ang first time ko na sumahod nang below 3 whole digits..
sobrang bigat sa loob na umabot na sa ganito ang pandaraya ng Axie Infinity dahil lang sa 20 Energy lang ang meron ako... 🙁

tumaas na rin ang singilan sa loob ng Katana ng Ronin..
lahat ng fees ko kanina ay nasa 3 na lang ang decimal zeros, hindi tulad dati na meron pang may 4 na zero..
nasa USD 0.00022852 lahat ng bayarin ko kanina..
pero kahit papaano ay mas malaki pa rin yung napa-farm kong RON para sa bawat araw kumpara sa halagang iyon...

sa ngayon ay nasa USD 789 na ang base target ko..
samantalang nasa USD 1,339 naman ang kailangan kong mabawi para sa Php 3.00 na palitan...

is feeling , palaki nang palaki ang problema...


>
[Trade]

na-miss ko na naman yung crash below USD 0.006 ng RSR kaninang umaga..
madalas kasi na madaling araw nangyayari yung malakihang dip..
nasa USD 17 tuloy yung na-miss kong patubo dahil doon...

tapos dahil nga bumagsak ang market below USD 0.006, eh naisipan kong sumugal na ulit sa trading..
pero as usual, eh tinamaan na naman ako ng mga kamalasan..
basta nag-set ako ng selling price, eh automatic na kinakapos ang angat ng asset bago muling malugi..
at kapag nag-set naman ako ng buying price, eh kinakapos din sa pagbaba yung asset..
parang nang-aasar lang talaga, kasi konti lang talaga yung kinakapos, na parang sinasadya para lang talaga hindi ako kumita nang maayos..
gaya nitong hapon, USD 40 ang napakawalan kong potensyal na kita dahil nga hinding-hindi ako makapasok sa trade..
at noong nag-iisang beses na nakapasok ako eh USD 2 na lang yung naisalba kong kita dahil nga pinabagsak nila yung palitan since may active investment ako... 🙁

dahil nawalan na nang nawalan ng value ang LUNA dahil panay ang bad news sa likod ng Terra..
eh nag-convert na ulit ako ng mga putal into BNB..
sayang yung dati niyang naging USD 2 na value..
sabay stake na lang ulit para kumita lang ng barya..
meron pa rin naman akong LUNC just in case na papalitan nga nila lahat ng iyon ng LUNA...

is feeling , hindi magpapalugi ang market hangga't nakaabang ako sa labas ng trade, malulugi lang sila basta't nakapag-invest na ako...

---o0o---


June 20, 2022...

[Trade]

sablay na naman..
hindi ulit na-meet yung target kong USD 0.005 na entry point..
at sa halip na bumagsak ang market eh umakyat na naman sila..
nasa USD 18 yung na-miss kong potensyal na kita kaninang madaling araw..
tapos bumalik na muna ulit ako sa savings dahil nga ayaw naman akong papasukin ng RSR..
after that, nakagawa pa ng nasa 4 pumps ang RSR, na nasa USD 48 din...

pati SLP ay nagawa ding sumipa ngayong araw..
last time, nasa Php 800 plus yung napakawalan ko, from Php 0.22 na dip na nakabalik sa Php 0.28 na bentahan..
tapos kanina ay nasa Php 700 plus naman, from Php 0.17 na dip na nakabalik sa Php 0.22 na bentahan...

nonsense na talaga yung data ko..
basta babagsak ang market kapag may investment ako..
pero tataas naman kapag nasa savings lang ako...

is feeling , ang simple lang ng trading rule kung tutuusin.. malas ako, at ako ang nagpapabagsak sa mga bagay-bagay...

---o0o---


June 21, 2022...

[Game]

mukhang tama nga ang observation ko..
mas less ang game-fixing sa desktop kumpara sa smartphone..
may experience kasi ako sa desktop na kahit na naliligo ako ng mga Critical ay nagagawa ko pa ring makakuha ng more than 50% ng mga panalo gamit ang Energy limit ko..
samantalang kapag sa smartphone ako naglalaro ay nagagawa nga akong ma-maintain ng system sa 1 SLP zone lamang... 🙁

gaya ngayong araw..
nakuha ko ang pinakamarami kong panalo in a day sa buong panahon ko ng paglalaro ng Axie Infinity Pyramiding Scam..
15 wins, kung saan walang kasama na draw..
dahil doon ay nakabalik na ako sa 3 SLP zone..
at medyo kumulbit pa nga sa 5 SLP zone...

ayun nga lang..
may system issue kasabay nun..
hindi ko makita ang mga kinita kong SLP sa aking inventory... 🙁

hindi din mabuti para sa akin na hindi ko pwedeng iwanan na nagre-render ang computer ko habang naglalaro ako nung game..
malaking sayang 'yon sa oras ng trabaho ko...

is feeling , tama na ang dayaan, Axie Infinity Pyramiding Scam...


>
[Trade]

nagising ako na mataas na ang palitan ng RSR..
at iniwanan niya ako nang husto ngayong araw..
sobrang layo na niya mula sa USD 0.006
halos USD 0.004 ang naging growth niya dahil sa active trading volume...

walang kuwenta ang mga news..
nagbabanta sila na babagsak ang Bitcoin, pero ayaw naman kapag nakaabang ako sa dip..
samantalang nagkakatotoo lang yung mga balita nila basta may iniwanan akong investment... 🙁

hanggang sa mga oras na ito, nasa 7 pump yung na-miss ko..
at nasa USD 115 ang total niya..
ang dami ko na sanang nabawi sa mga nawala kong pondo..
pero hinding-hindi ko magawa dahil sa kamalasan ko... 🙁

2 beses akong nakasugal ngayong araw..
pero sobrang lakas talaga ng maligno ng kamalasan na bumabalot sa katauhan ko, na may kontrol sa aking kapalaran..
parehas na sa mababang level ako nakabili..
pero laging bumababa pa ang palitan kumpara sa entry point ko..
hindi din maabot-abot ang target selling price ko sa tuwing nasa loob ako ng trade..
gaya kanina, pataas ang trend ng Bitcoin at ilang daang USD ang iniaakyat..
pero kahit na ganun ay hindi magawang maka-pump ng RSR, at nagbabanta pa ngang mas bumaba kumpara sa entry point ko..
na para bang manipulado talaga sila ng FATE..
at parehas din sa 2 beses na iyon, after na mabenta ng assets ko, eh biglang bumubulusok paitaas ang palitan...

USD 4 mahigit lang ang kinita ko ngayong araw..
sobrang layo kumpara sa potensyal na kita ko sana...

is feeling , pakiusap, kung nasaan ka man, layuan mo na ako.. pagod na pagod na ako sa mga kamalasan.. mamatay ka na sana, kung ano ka mang nilalang ka...

---o0o---


June 22, 2022...

[Online Marketing]

tinuturing na ako na parang alipin nung 1 kong kliyente.. 🙁
nakakaasar na...

matagal ko nang ipinaliwanag na may sarili akong project..
na magbabase lang ako sa description niya, o reference material, tapos bawal na ang adjustments..
dahil kakain din ng oras ko ang bawat adjustments..
hindi pwede ang papalit-palit ng isip...

USD 8 lang ang binabayaran niya buwan-buwan..
ang commission sa panahon ngayon para sa 1 o ilang personalized image(s) ay nasa USD 20 at least..
tapos ang gusto niya ay alipin na niya ako sa halagang USD 8... 🙁

matagal ko na siyang binigyan ng option..
kung hindi ko ma-meet yung demands niya, edi bumaba na lang siya sa USD 2 per month...

is feeling , sayang ang oras ko sa inyo...

---o0o---


June 23, 2022...

[Trade]

katapusan ko na ulit... 🙁

for the nth time ipinakita ng FATE ang epekto ng Reverse Midas ko sa trading..
ang malubha kong kamalasan..
and this time, mas nakita ko ang anomaly na dulot ng maligno ng kamalasan na dala-dala ko sa buhay...

pataas ang galaw ng Bitcoin at RSR kaninang umaga..
pataas din ang trading volume ng RSR..
bandang 11:00 ako pumasok sa dip..
pero dahil sa ginawa ko ay minalas nga ang RSR..
parehas na nag-crash ang Bitcoin at RSR matapos akong mag-buy..
at yung inaakala kong dip ng RSR, eh 6 na oras na bumulusok papuntang impiyerno... 🙁

ang anomaly sa nangyari..?
tumaas ng nasa USD 10 Million ang trading volume ng RSR simula noong pumasok ako..
pero sa halip na umakyat ang palitan ng RSR, eh isinumpa nga siya na bumaba sa loob ng mahabang 6 na oras..
by 12:00 eh generally paakyat na ulit ang direksyon ng Bitcoin..
nagawa nung umakyat by USD 800, pero wala yung naging epekto para sa RSR..
kasi nga eh nag-invest ako... 🙁

nasa USD 48 yung potential na kita ko sana for today..
pero naipit ako sa sumpa..
at ngayon nga eh naka-trap na ulit ako sa pababang RSR... 🙁

gusto ko sanang ma-amaze..
na kaya ko palang maimpluwensiyahan sa ganung kalakas na paraan ang mga pangyayari sa paligid ko..
pero paano naman ako matutuwa kung puro pagkasira lang ang dala-dala ng walang kuwenta kong kakayahan... 🙁

is feeling , sobrang sakit na makita kung paanong gumagana ang taglay kong kamalasan...

---o0o---


June 24, 2022...

[Game]

so may kakaibang nangyari ngayong araw..
may panibago na ulit akong highest na win rate within 20 matches..
16 wins..
bukod doon, nakuha ko rin yung highest SLP earning ko simula noong inalis ng Axie Infinity Pyramid Scam ang daily rewards..
78 SLP..
dahil doon ay nakabalik na ako sa 5 SLP zone, at malapit pa nga sa 1300 MMR actually...

kaso ang kaduda-duda..?
sobrang konting beses lang ako na natapat sa Plant/Reptile class na backliner..
at sobrang dami ng na-assign sa akin na Beast lang ang ace..
kaya naman nakakatakot na baka sobrang laki ng maging bawi nito sa akin sa susunod..
plano ko pa naman na bumalik na sa smartphone sa susunod dahil matagalang render na ulit ang kailangan ko sa trabaho...

is feeling , huwag naman.. ayoko nang ma-trap ulit sa 1 SLP zone...


>
[Trade]

nakaakyat sa USD 21,000 ang Bitcoin..
pero nanatiling kontra ang galaw ng RSR..
nasa USD 20 Million ang nawala sa trading volume niya simula kahapon..
pero naka-recover naman ulit siya ng USD 10 Million ngayong hapon, meaning may mga active traders na ulit na pumasok...

3 beses niyang naabot yung entry point ko..
na para bang pinipilit nila akong magbenta nang palugi, dahil sa trading fees..
para tuloy naging point of resistance talaga yung entry level ko..
after nung 3rd attempt, eh nakaka-5 beses na niyang dinadaanan yung entry point ko hanggang sa mga oras na ito..
maganda ang 24-hour change hanggang mamayang 22:00..
kaya naman gusto kong umasa na maaabot niya yung selling point ko before that deadline..
in fact eh dumikit na siya sa USD 0.00949 kani-kanina lang, pero talagang kinapos pa...

nasa 6 na magagandang pumps na ang nagagawa ng RSR ngayong araw..
at nasa USD 73 yung potensyal na kita na napakawalan ko dahil lang sa na-trap yung pondo ko...

tapos heto..
nabawi ko na rin yung pondo ko..
kinailangan ko pang liitan yung patubo ko doon sa BUSD dahil kinapos pala siya sa bentahan..
lagpas 1 araw akong naghintay..
pero USD 5 lang ang kinita ko...

is feeling , Bitcoin, tuparin mo na kasi yung prediction.. kaladkarin mo na lahat sa USD 13,000 level mo.. nang makapasok ako sa USD 0.001 to 0.003 level ng RSR...

---o0o---


June 25, 2022...

[Game]

so nagtapos nga ako sa near 1300 MMR sa dulo ng Season 21..
parang mataas para sa isang non-Morale user na nasa 20 lang ang Energy..
pero ang totoo ay matagal na panahon akong hinila at m-in-aintain ng Axie Infinity Pyramid Scam sa may above 800 MMR...

kaninang umaga, nag-reset na yung MMR..
so bumaba ako sa 1200 MMR..
pero naging okay pa rin naman ang performance ng team ko ngayong araw..
kahit pa sa smartphone na ako naglaro..
at kumita pa nga ako ng ilang tig-6 SLP...

is feeling , sana lang magpatuloy naman, para makapagtrabaho naman ang computer ko habang ako ay nagpa-farm ng token...


>
[Trade]

yung ilang araw kang nagbebenta sa USD 0.0095..
pero ayaw na ayaw umabot doon..
tapos kung kailan nakabenta ka na dahil binabaan mo yung patubo mo..
eh biglang saka may nagpa-pump ng RSR hanggang lagpas USD 0.0099...

anak ng..
ang hilig ninyong gawin sa akin 'yan..
ipinapakita nyo lagi yung malakihan ang kita..
pero sa tuwing may investment ako, eh pinababagsak nyo naman ang market... 🙁

dahil nasa USD 21,000 level pa rin ang Bitcoin, eh naisip ko na patuloy pa rin na mag-trade..
base sa parehas na graph ng RSR at Bitcoin, nag-predict ako na bababa ang RSR around USD 0.0091 at makaka-recover by 30 levels around USD 0.0094..
at tumama nga ang prediction ko ulit..
kaso ang problema..?
nag-o-open pa lang ako ng Binance app eh nakabalik na sa USD 0.0092 yung RSR, so sa entry point pa lang eh nalugi na ako by 10 levels..
then nag-set naman ako ng USD 0.00945 na selling point, dahil sa kagustuhan ko na makabawi naman sa lahat ng mga naranasan kong pagka-short sa palitan..
at ano ang nangyari..?
lumagpas lang ng konti sa USD 0.0094 ang RSR, at kinapos sa target ko..
sobrang laking pagkakamali nun, dahil hindi na rin naman masama yung 20 levels..
ang ending tuloy..?
kinailangan kong magbenta sa USD 0.0093, at mag-settle sa USD 2 lang na kita... 🙁

malaki na rin ang nawawala sa akin na kitaan dahil sa naging pag-akyat ng RSR by 300 levels..
yung nasa 30 kasi na increase sa level 600, eh kayang kumita around USD 10..
samantalang ang 30 increase sa level 900, eh nasa lagpas USD 6 na lang ang nakukuhang patubo...

sa maghapon na ito..
nasa USD 40 na yung na-miss ko na potensyal na kita... 🙁

is feeling , kung wala sana ako sa katauhan na 'to, siguro napapakinabangan ko na yung mga technique ko sa cryptocurrency trading at kumikita ng lagpas Php 1,000 a day.. pero dahil nga nakatadhana na maging malas ako, eh palagi lang nagiging mali lahat ng mga ginagawa ko...


No comments:

Post a Comment