NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
daily prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is š feeling , day 714...
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2022/01/defenders-of-tax-evasion.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 500 + 287 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung dinoble nila ang naabutan nilang mga utang ng bayan
- yung batas para sa pagsasayang ng pondo para sa Sangguniang Kabataan o SK, samantalang pwede naman ang libreng leadership training sa mga paaralan
- yung pag-amin na nagkamali daw siya sa 6 months na promise niya tungkol sa ilegal na droga, may 6 daw kasi noon na PNP generals ang may kaugnayan doon sa trade
- yung pagsisinungaling na wala daw nangyaring extrajudicial killing sa giyera kontra sa ilegal na droga, sa kabila ng pagkakaroon ng mga kaso ng taniman at tumbahan
- yung pag-veto sa SIM card registration na patakaran dahil sa concern nila para sa registration ng social media accounts
- yung suggestion para sa paggamit ng mapanganib na nuclear energy, samantalang may mga renewable options naman na hindi banta laban sa kalikasan
- wala daw kasalanan yung mga management nung mga sabungan kung saan galing ang mga nawawalang sabungero, samantalang January pa may mga nagrereklamo pero hindi naman nakikipagtulungan ang mga sabungan
- yung pagbatikos na naman laban sa Senado dahil sa pagsita sa naging bentahan sa Malampaya
- yung lantarang red-tagging na mula mismo sa tuktok
- yung suggestion para sa mga Vice Mayor na ipa-ambush na lang ang mga Mayor
- yung requirement daw para maging Mayor na matuto munang pumatay
- yung pagtatanggol ngayon na kesyo wala daw nakaw na yaman ang Dictator Clan, pinapalabas din niya na bata pa noon yung tax evader para mapag-iwanan ng nakaw na yaman
- yung hiling na suportahan daw ang sindikato ng katiwalian
- yung binigyan ng posisyon sa COMELEC yung abogado nung tax evader
- yung kaya pala hindi magawang mapanigan ang Ukraine laban sa Northern Empire, eh dahil pinagbabantaan ng Eastern Empire
- yung isang empleyado ng LGU sa Daet, Camarines Norte na arestado matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu
- sa Masbate, yung SK Chairman na nahuli matapos na magbenta ng ilegal na droga para sa pulis na nagpanggap na buyer
- sa La Loma, Quezon City, yung nasa P800,000 na halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasabat sa buy-bust operation, 1 nasibak na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 4 na iba pa ang nahuli
- sa Iloilo City, yung pulis na nakatalaga sa Regional Drug Enforcement Unit na naaresto sa buy-bust operation
- sa Manila, yung pulis na mula sa CALABARZON na nahuling tumataya sa online sabong, na kinasuhan ng illegal gambling at estafa
- sa Isabela, yung Barangay Chairman at 2 anak niya na naaresto matapos na mahulihan ng mga baril at mga granada
- sa Zamboanga City, yung babaeng empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nahuli ng NBI dahil sa kasong pangingikil laban sa isang babaeng negosyante na may-ari ng panaderia at grocery store
- sa Davao City, yung isang dating pulis na naaresto dahil sa kasong pangingikil, tumatanggap daw kasi siya ng recruitment fee mula sa mga aplikante ng PNP sa Davao region
- sa Palo, Leyte, yung 3 pulis na naaresto dahil sa kasong extortion, kung saan hinihingan daw nila ng pera yung babaeng dating nabilanggo bilang kapalit ng pagre-release ng motorsiklo na napunta sa kustodiya ng PNP
- sa Pampanga, yung nasa 10 pulis na inaresto dahil daw sa pagkakasangkot sa hulidap modus laban sa ilang mga sabungero
- sa Calamba, Laguna, yung pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan
- sa Sto. Tomas, Batangas, yung Pulis-Laguna daw na nagnakaw sa isang gasolinahan na sangkot din daw sa ilang nakawan sa Laguna
- sa Oriental Mindoro, yung pulis na nalulong sa online sabong na nagtangkang magnakaw sa isang hardware store
- sa Angeles City, Pampanga, yung 8 pulis na nagpakilala bilang mga miyembro ng CIDG, at 3 iba pa, kabilang ang 2 Imperial citizen, na hinuli dahil sa kasong attempted robbery
- sa Caloocan City, yung 6 na pulis na inireklamo dahil sa pagnanakaw daw laban sa isang vendor
- sa Quezon City, yung 2 pulis at 9 na iba pa na inaresto dahil daw sa pagnanakaw sa warehouse ng isang negosyante na Imperial citizen yata iyon
- sa Laguna, yung mga pulis na itinuturo bilang dumukot sa ibang mga nawawalang sabungero
- sa Las PiƱas City, yung pulis na hinuli matapos ireklamo ng pangmomolestiya laban sa isang menor de edad
- sa Maynila, yung pulis ng Cagayan Valley na nagpakita ng kanyang ari sa isang 18 y/o na babae sa isang restaurant
- sa Quezon City, yung pulis na nanutok ng baril laban sa isang lalaki, na may mga dati ng kaso at madalas daw manggulo kapag under the influence of alcohol
- sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, yung mag-live-in partner na napatay sa pamamaril ng kanilang manugang na isang Kagawad
- sa Quezon City, yung pulis na nakainom daw ng alak, na namaril ng estudyante dahil lang sa problema sa kalsada
- sa Camarines Sur, yung Captain sa Philippine Army na namaril at nakapatay ng superior niya na isang Major, at nakasugat din ng isa pa daw na sundalo, patay rin matapos na magbaril ng kanyang sarili yung suspek
- sa San Fernando, Cebu, yung 3 na aktibong pulis at isang dating pulis na sumuko dahil sa pagpatay sa mag-asawa sa isang robbery-slay case
- sa Surigao del Norte noong year 2020, yung kaso nung napatay na Spanish national na suspected bilang drug-related, kung saan 3 pulis yung suspect sa kaso, at lumalabas na hindi naman nanlaban yung Spanish at tinaniman din daw ng mga ebidensya
- yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya, kung saan suspek ang 5 kabilang sa PNP-HPG ng Calamba
- sa Lanao del Sur, yung Barangay Chairman na dating Mayor na napatay matapos daw na manlaban sa mga awtoridad, hahainan lang daw sana siya ng kaso kaugnay sa paglabag umano niya sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act
- sa Romblon, yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan
- sa Surigao del Sur, yung Vice Governor at ang kanyang maybahay na inaresto dahil sa kasong Estafa
- yung kandidato daw bilang Representative sa Palawan na nahuli dahil sa pag-i-issue ng talbog na tseke
- sa Quezon City yata iyon, yung inireklamo ng vote-buying yung babaeng related daw sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, na tumatakbo bilang Representative
- sa Ilocos Sur, yung komprontasyon sa pagitan ng kandidato sa pagka-Mayor at Barangay Captain na supporter ng ibang kandidato tungkol daw sa vote-buying, na nauwi naman sa pagkamatay ng 4 na tauhan nung kandidato sa pagka-Mayor
- yung breach daw sa partner ng COMELEC na Smartmatic
- yung video ng mga awtoridad na nagpupunit ng mga balota
- yung video kung saan mga awtoridad na ang nagsilbi daw na mga election officer sa presinto at may mass shading pa ng mga balota
- sa Quezon Province, yung chief volunteer ng isang kandidato na nawawala daw
- yung pamamaril laban sa Mayor ng Infanta, Quezon, na kilalang tutol sa pagpapatayo ng Imperial dam
- yung pulis na suspek sa pag-atake sa 5 taga-Bureau of Customs, na nahuli pero napatay naman matapos DAW na manlaban
- sa Port Area, Manila, yung pulis na napatay ng intelligence officer ng Bureau of Customs (BOC), nagtangka daw mang-agaw ng baril yung biktima pero nadaig lang nung taga-BOC sa barilan
- yung adviser na nagpapanukala na dapat payagan na ang hindi pagsusuot ng face mask
- yung adviser na nagsusulong naman ngayon ng booster cards, samantalang may posibilidad daw na maging regular tulad ng flu vaccine ang mga COVID-19 vaccine
- yung adviser na nagsabing ipaubaya na lang daw sa mga LGU ang pagdedesisyon tungkol sa pagsusuot ng face mask, samantalang hindi na aggressive ang COVID-19 testing lalo na sa mga borders at wala pang booster shots ang iba
- yung planong gamitan na ng expiration ang mga vaccination cards
- yung 2nd COVID-19 booster shot na ang pinag-uusapan ngayong April pa lang, kasabay ng plano ng expiration para sa mga vaccination cards
- yung pinagyayabang nila na mababa lang ang bilang ng COVID-19 cases, samantalang pinahina na nila ang testing
- yung pagmamadali sa pagbaba sa Alert Level 2 sa panahon ng Omicron variant kahit na nasa 5 digits pa rin naman ang nade-detect na mga kaso araw-araw
- yung aalisin na rin yung No Vaccination, No Ride policy under Alert Level 2, na para bang magkaiba ang epekto ng virus sa tao sa iba't ibang Alert Level
- sa NCR, yung pwede na ulit isama sa public places ang mga bata, under Alert Level 2, samantalang sinasabi nila dati na delikado ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19
- yung planong gawin na lang once a week ang paglalabas ng report tungkol sa COVID-19 cases
- yung ang higpit-higpit nila dati tungkol sa mga health protocol, regarding testing, isolation ng mga may symptoms, vaccination, at ang pagre-require ng mga vaccination documents, pero walang halaga ang lahat ng iyon sa panahon ng Eleksyon 2022
- yung patakaran sa Cebu Province na hindi na required ang magsuot ng face mask sa pampublikong lugar, na hindi ikinonsulta sa DOH
- sa San Juan City, yung ibinalik na ang kanilang festival kung saan may kasama na basaan, kung kailan dumadami na ulit ang mga kaso ng iba't ibang variant at subvariant ng COVID-19
- yung planong mag-donate ng mga malapit nang ma-expire na COVID-19 vaccines para sa ibang mga bansa
- yung nasa 3.6 Million daw na COVID-19 vaccines ang na-expire na
- yung sinasabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nasa 300 na international travelers araw-araw ang nade-detect bilang mga COVID-19 carriers, pero meron pa ring mga may gusto na luwagan ang quarantine protocol para sa kanila
- yung aalisin na ang quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na international traveler, na para bang 100% na gumagana ang mga vaccine upang hindi na maging carrier ang isang vaccinated na tao, at na para bang imposible na sa mismong biyahe sila makasagap ng virus
- yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan, handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo
- sa airport, yung mga umuuwi na international travelers at ang mga sumusundo sa kanila na nilalabag na nang husto ang mga basic na safety protocol, wala ng physical distancing at yung iba eh nagbababa na rin ng face mask
- yung may na-detect ng kaso ng Omicron subvariant na nakapasok sa bayan, foreigner na nagpunta daw sa Baguio ang carrier
- sa Puerto Princesa, Palawan, yung nasa 15 dayuhang turista na na-detect bilang mga COVID-19 carriers
- yung may local transmission na daw sa bayan ng isang COVID-19 Omicron subvariant
- yung may nakapasok na daw sa bayan na subvariant ng COVID-19 Omicron variant, na mas madali daw makahawa at kaya ding mangbalewala ng epekto ng vaccine
- yung napasok na ang bayan ng panibago na namang sublineage ng COVID-19 Omicron variant, 2 daw ang na-detect na carrier na wala namang travel history sa labas ng bayan
- yung mga hotel na naniningil ng nasa Php 1.5 Billion daw na utang ng OWWA kapalit ng pagsisilbi ng mga establishment nila bilang quarantine facility
- yung sinabi ng DBM na meron daw nasa Php 100 Billion na pandemic response fund for 2021 ang hindi pa naman nagagamit
- sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon, yung tambak ng hazardous waste sa sarili nilang compound kabilang ang mga ginamit para sa COVID-19 cases
- sa Virac, Catanduanes, yung laboratory na nasita ng DENR dahil sa pagtatapon ng mga medical waste nila sa dagat
- sa Virac, Catanduanes, yung nasa 7 daw na bata na naging carrier ng COVID-19, nangyari daw iyon matapos nilang mapaglaruan ang mga medical waste gaya ng syringes sa kanilang lugar
- yung benepisyo para sa mga health workers ng Lung Center of the Philippines na hindi pa rin naibibigay ng DOH hanggang sa ngayon
- yung pagpapatigil ng Commission on Higher Education (CHED) sa application for scholarship ng mga incoming freshmen dahil kulang daw sa budget, sa kabila ng mga nasita ng COA na mga pondo na hindi naman nagagamit nang maayos
- sa DepEd, yung nakalusot na module para sa demolisyon, yung laban sa isang pinuno at laban din sa isang pinabagsak na TV network
- sa Negros Oriental, yung mga elementary students na nagkaroon ng hinihinalang food-borne illness, baka daw kasi kontaminado ang gatas na ipinamahagi sa School-Based Feeding Program (SBFP)
- yung kapalpakan sa website ng SSS dahil ayaw gumana nang maayos ang pagsa-submit ng online registration data
- yung paglilipat ng regulation ng vape sa Department of Trade and Industry (DTI) sa halip na sa Food and Drug Administration of the Philippines (FDA)
- yung nasa Php 300 Billion na daw na halaga ng smuggled na mantika ang nakapasok sa bayan mula sa Malaysia mula 2016 to 2021
- yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation
- yung nabisto sa Senado, yung ginagawang manipulasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa merkado ng asukal
- yung hindi natatapos ang problema sa mga smuggled na gulay dahil may koneksyon daw ang mga sangkot dito
- sa Divisoria, yung nasabat na nasa 100 kilograms daw ng smuggled na carrots
- sa Occidental, Mindoro, yung bagsak presyo at may nabubulok na sa tone-tonelada ng mga sibuyas
- sa Nueva Ecija, yung nadamay na rin sa pagkalugi ang mga magsasaka ng sibuyas doon dahil nga sa pagbagsak ng presyuhan
- yung Department of Agriculture ng MIMAROPA na nagsabi na mababa ang kalidad ng mga sibuyas doon kaya bumagsak ang presyo
- sa La Trinidad, Benguet, yung nasa Php 10 na lang ang bentahan ng per kilo ng carrots
- yung pag-i-import na rin DAW ng Deparment of Agriculture ng asin at patis
- yung dati nang nagawa na pansamantalang Php 10 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, pero hindi mapagbigyan ngayon kung kailan sobrang taas na ng presyuhan ng petrolyo
- yung kalokohan ng patakaran ng Window Hour para sa mga provincial bus sa EDSA na parang nawawalan ng saysay yung franchise ng mga bus operators at pagme-maintain ng mga terminal sa loob ng NCR, bukod pa sa pagiging pabigat sa mga ordinaryong mananakay
- yung planong i-ban ang Binance sa bansa
- yung hindi daw humihina ang halaga ng piso at malakas lang daw talaga ang halaga ng dolyar, samantalang maya't maya nga ang usapan tungkol sa interest rate hike sa USA dahil sa sarili nilang laban sa inflation sa kanila
- yung may mga website pa rin na patuloy sa pag-o-operate ng online sabong sa kabila ng kautusan
- yung Coron Bay Development Project na sumira na doon sa area dahil sa reclamation, 2007 yata sila unang nakakuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC), sinira na parehas ang bundok at dalampasigan
- sa Pasay City, yung walang kuwentang SK Chairman na nagpalaro ng street boxing kung saan walang headgear na gamit ang mga kalahok
- yung drone o unmanned aerial vehicle (UAV) ng Philippine Air Force (PAF) na nag-crash sa Cagayan de Oro City
- sa Cagayan, yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist
- sa EDSA, sa Quezon City, yung 3 namatay na miyembro ng Philippine Air Force sa nasunog na sasakyan, nabangga daw sila sa mga concrete barrier dahil nagmaneho daw under the influence of alcohol yung survivor
- sa Camarines Norte, yung 2 sugatan matapos na mabangga at bumaliktad ang sinasakyan nilang tricycle dahil sa kotse na minamaneho ng isang pulis
- yung latest na chopper crash para sa PNP, nagpasundo daw pala noon yung PNP Chief mula sa personal na lakad niya sa Balesin Island
- yung kaso nung security guard na binangga ng mayayamang tao, kung saan hindi kaagad nahuli ang suspek samantalang nagagawa naman iyon laban sa ibang tao
- sa Laguna, yung matandang babaeng environmental defender na hinuli sa bisa ng warrant, dahil lang sa hinala na siya yung rebeldeng tinutukoy para sa kaso noong 2008 pa
- sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung mga pulis ng QCPD na kinasuhan ng neglect of duty at administrative cases dahil hindi daw rumesponde doon sa insidente dahil nag-iinuman sila noong mga panahon na iyon
- sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung natuklasan na may cover-up na ginawa yung 2 pulis na nag-imbestiga doon sa kaso
- sa Pilar, Abra, yung nangyaring barilan noon laban sa grupo ng Vice Mayor, lumalabas kasi sa imbestigasyon ngayon ng NBI na madaming kasinungalingan ang sinabi ng mga pulis sa kanilang mga statement
- yung red-tagging laban sa mga aklat na patungkol sa masamang paghahari ng Diktador
- yung pagpapa-block ng mga websites matapos na i-red-tag
- yung Prosecutor General na nagsabi na wala daw kinalaman sa kaso ng isang Senador ang ginawang pag-amin ng isang pinuwersa na maging testigo noon, samantalang patunay ang ginawang pagtumba sa ama nung taong iyon na posibleng madami pa ang mga ginipit na tao para lang makagawa ng kaso
- yung dating OIC ng Bureau of Corrections na binawi na rin ang kanyang testimonya laban sa isang Senador, na nagsasabi na nadiktahan lang daw siya noon
- yung sinabi kaagad ng DOJ na wala ring magiging epekto sa kaso ng isang Senador yung pagbawi sa mga dating testimonya ng dating OIC ng Bureau of Corrections
- yung niloloko ang mga mamamayan na kesyo mas maganda daw ang lagay ng ekonomiya ngayon kumpara sa dati, pero nangungutang na naman ng panibagong nasa USD 400 Million mula sa Asian Development Bank
- sa Asian Development Bank ulit, yung inaprubahan na nasa Php 227 Billion na pautang para sa South Commuter Railway Project
- yung nasa USD 178 Million na gustong utangin mula sa World Bank, panlaban daw sa pagkabansot ng mga bata
- yung nasilip ng COA na nasa Php 700 Billion daw na hindi pa nagagamit na pondo mula sa 2021 national budget
- yung nasilip ng COA sa mga offshore gambling companies, yung umaabot daw sa Php 2.3 Billion na fees mula 2021 ang hindi nasisingil mula sa kanila
- yung napuna ng COA sa PCGG, yung madaming ari-arian na iniuugnay sa angkan ng mga tiwali na hindi naman pala naka-record sa kanila
- yung nasilip ng COA sa Philippine Information Agency na kaugnay daw ng PCOO, yung nasa Php 206 Million na discrepancy sa halaga ng kanilang mga gamit
- yung nasilip ng COA na mga kuwestiyonable daw na paggamit ng National Youth Commission sa pondong inilaan para sa kanila, gumastos daw para sa mga bagay na walang kinalaman sa kanilang function
- yung nasilip ng COA sa Office of Civil Defense, mababa daw kasi ang budget utilization nila para sa humanitarian and disaster relief operations at maging sa COVID-19 response for 2021
- yung nasilip na tax deficiency doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na para sa bilyones na purchases
- yung isang recommendation tungkol sa kaso nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung panay yung kompanya lang ang sinisisi pero walang kasalanan yung mga nag-approve na maka-deal yung kompanya, kahit na nga madami ang kaduda-duda tungkol sa kanila
- yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
- yung nakahanda na rin ang Anti-Terror Law kahit na sobrang daming kakulangan sa accuracy nung patakaran
- yung red-tagging laban sa UP Mindanao campus
- yung sinabi ng DOJ na hindi nga sumunod sa mga patakaran yung ginawang live interview daw sa isang convicted kidnapper na awtoridad
- yung pagpanig ng COMELEC sa faction na nang-hijack lang daw
- yung masyado nga namang nagtatagal ang desisyon nung na-assign na division ng COMELEC tungkol sa kaso ng public servant na ilang taon na hindi nag-file ng income tax
- ang pagpanig ng COMELEC sa naging public servant na tax evader
- ang pagbabasura ng COMELEC sa maraming motion for reconsideration laban sa isang tax evader
- yung perpetual disqualification pala ang parusa nila para sa kabiguan na magsumite ng tamang statement of contributions and expenditures (SOCE), samantalang katanggap-tanggap para sa kanila ang tax evasion na violation ng isa mismong naging public servant
- ang pag-atake ng COMELEC laban sa mga campaign materials na nasa private properties naman
- yung babala ng COMELEC na kasuhan laban sa mga volunteer na gagamit ng campaign materials sa loob ng kanilang property, samantalang wala naman silang ginagawa laban sa mga nagpapakalat ng FAKE content sa internet
- yung commissioner ng COMELEC na nagbanta na ipapaaresto ang mga pupuna sa kanila
- yung hindi pagpa-file ng income tax ng isang basurang public servant eh tama para sa kanila, pero ang pagbibigay ng suporta ng mga volunteer eh labag daw sa batas nila
- yung patas na pagbibigay ng suporta ng mga volunteers eh sobrang sinisita nila, samantalang ang pagkalat ng mga FAKE at edited content para lokohin ang mga mamamayan eh ni hindi nila magawang sitahin
- yung mga sumbong tungkol sa kapalpakan ng online voter verifier o precinct finder ng COMELEC
- yung mga nahuling hackers daw ng Smartmatic, nasa 3 yung latest
- yung pagkaantala ng pagbibigay ng fuel subsidy sa ibang PUV drivers dahil sa ban ng COMELEC sa mga paggastos ng pamahalaan
- yung may mga mahihirapan na sa pagpunta sa padebate ng COMELEC dahil kailangan nilang mag-reschedule dahil sa naging isyu nila sa pagbabayad
- yung ang mahal pala ng padebate ng COMELEC
- yung hindi daw 100% na nalilinis ng COMELEC ang listahan ng mga botante, regarding doon sa mga namatay na
- yung mga aberya sa testing ng mga Vote-Counting Machine o VCM
- yung madami pa ring mga machine ang pumalya noong araw ng halalan samantalang naidaan na ang mga iyon sa testing
- nakakapagtaka lang na kahit na madami ang mga bumigay na Vote-Counting Machines ay naging sobrang bilis pa rin nung transmission ng mga bilang
- sa bakanteng lote sa Cavite, yung mga itinambak na mga kahon na ginamit para sa nagdaang Eleksyon 2022, kahon ng mga voting receipt yung iba
- yung pakikialam ng F2 Logistics sa paghahakot ng election paraphernalia, samantalang sa vote-counting machines lang pala sila naka-assign
- yung ayon sa COMELEC ay wala daw kuwestiyonable sa ginawa ng F2 Logistics na pagbabiyahe noon ng election paraphernalia na mula sa Tondo papunta sa bakanteng lote sa Cavite
- yung mga nawawalang Certificate of Canvass (CoC) sa mga ballot box na ipinadala sa Congress
- yung tao ng COMELEC na nagsasabi na hindi daw dapat isisi sa pagpalpak ng mga Vote-Counting Machine ang pagkaantala ng eleksyon
- yung declaration ng failure of election sa maraming lugar sa Lanao del Sur
- sa Rizal province, yung madami daw silang naobserbahan na iregularidad sa nangyaring halalan, isang halimbawa ay ang hindi daw pagpapapasok ng poll watcher sa mga presinto
- yung maraming iregularidad na napansin ng International Observers Mission (IOM) sa buong proseso ng Eleksyon 2022
- yung pwede ang paggamit ng mga mascot sa pangangampanya habang nasa serbisyo ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine para sa mga bata
- sa Bataan, yung sasakyan ng gobyerno na ginamit sa pangangampanya ng grupo ng tax evader
- yung ayon sa governor ay gobyerno daw ng Nueva Ecija ang namimigay ng ayuda noong panahon ng kampanya ng kampo ng tax evader
- yung mabilis na pagkilos ng mga biglang naalarma sa deal ng COMELEC sa Rappler
- yung gustong maging elected official pero tutol naman sa pagsasapubliko ng SALN
- yung hindi nagbabayad ng estate tax ang angkan ng mga tiwali dahil sa mismong mga kaso ng bawian, bilyones na ang estimate na halaga ng mga nawawala sa bayan
- yung 1999 pa pala may kasulatan ang Supreme Court tungkol sa estate tax ng mga tiwali, at 1997 pa daw yung desisyon kung tutuusin
- yung Senator na nagtataka tungkol sa timing ng paniningil laban sa kanilang angkan, na para bang kasalanan pa ng bayan na mga tax evader sila for more than 2 decades na
- yung hindi na daw mawawala sa mga tao ang corruption
- yung tax evader na naniniwala na hindi mare-regulate ang mga information online kasama na ang mga FAKE content dahil nakikinabang sila mula doon
- yung pati claim na pagiging biktima ng FAKE news eh ninanakaw na rin niya
- ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa
- yung pagsisinungaling nung katambal na kesyo hindi daw magnanakaw at kurakot yung isa, sa kabila ng lahat ng existing na ebidensya laban sa kanila
- yung claim na hindi daw papanig ang tax evader sa mga kalaban ng bayan, samantalang marami sa hanay nila ay kalaban ng bayan pagdating sa katiwalian
- yung paulit-ulit na paggamit sa mga komunista para sa kanilang mga kampanya at mga ini-endorse, dati ay magkakaibigan ang palabas nila at ngayon naman ay magkaaway na ulit
- yung mahalin daw ang bayan pero nag-promote naman ng mga kriminal
- yung huling-huli na pangangako ng isang kandidato tungkol sa franchise sa isang celebrity na supporter ng alyansa nila
- yung Representative na nagre-request ng pa-security ng sistema para sa tax evader
- yung Senador na ipinagtanggol ang pamilya na matagal nang hindi nagbabayad ng estate tax, samantalang totoong kaso iyon
- yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian, pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali
- yung mga pinuno na naghahangad ng unity, pero nasa panig kung saan may mga kriminal
- yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public at pati pagdating sa physical distancing
- yung limitado lang ang mga media na pinapalapit sa kanya
- yung red-tagging laban sa mga supporters na dumadalo nang maramihan
- yung alegasyon na may bayaran DAW na nangyayari kapalit ng pag-attend nang maramihan, pero wala namang ipinapakita na ebidensya
- yung demolisyon tungkol sa pagpapaatras daw sa kandidatura, kung saan iba naman daw ang nagsasabi sa kanila kumpara sa kanilang idinidiin
- yung mas maghihigpit pa ang Mayor ng Maynila sa No Permit, No Rally policy dahil batid nila na may mga nagrereklamo dahil sa mga nabistong anomalya sa halalan
- yung mga kaduda-dudang Party-list na mukhang gagamitin lang para makapagpalawak ng kapangyarihan
- yung madami din ngang mga kampon ng sindikato ang nakapasok sa non-territorial seats
- sa Bukidnon, yung grupo ng mga kandidato at mga katutubo na pinaputukan ng baril dahil daw sa kagustuhan nila na mabawi ng mga katutubo ang ancestral land ng mga ito
- sa Pasig City, yung campaign materials na nasa loob mismo ng city hall, sa portion daw kung saan nag-aalok ng libreng insurance
- sa Baler, Aurora, yung nabisto na pag-iimprenta ng campaign materials sa loob ng gusali ng gobyerno
- yung mga sample ballots ng alyansa ng mga masasama na ipinamimigay sa kung saan-saang area sa mismong araw ng eleksyon
- yung lantarang red-tagging laban sa ibang grupo sa mga lugar na malapit sa mismong mga presinto, yung ibang lugar ay meron pa talagang awtoridad na nagbabantay
- sa Lanao del Sur, yung insidente ng gulo kung saan may sinira pang Vote-Counting Machine
- sa Legazpi, Albay, yung kandidato sa pagka-Councilor na inireklamo ang Mayor dahil daw sa vote-buying sa pamamagitan ng pamimigay ng ayuda
- sa Pilar, Abra, yung Vice Mayor na may aktibong mga armadong tauhan sa panahon ng election gun ban, nagawa pa daw nung mga bodyguards na makipagbarilan sa mga pulis
- sa BiƱan City, Laguna, yung higit sa 30 daw na tauhan ng magkapatid na tumatakbo bilang Congressman at Mayor, nagawa daw nung ibang bahagi nung grupo na mangkuyog ng isang pulis
- sa Negros Occidental, yung teacher na magsisilbi sana bilang poll worker na pinatay sa pamamaril bago pa ang araw ng eleksyon
- sa Nueva Ecija, yung 5 sugatan at nasa 19 na iba pa na arestado matapos na magbarilan ang mga tauhan ng 2 Mayoral candidate
- sa Buluan municipality, sa Mindanao, yung 3 security guards na napatay, at 1 pa na sugatan matapos na pagbabarilin ang isang polling station
- yung mga iba't ibang insidente ng pagpapasabog at pamamaril sa area ng Mindanao
- yung Dictator's Youth na ang kapal ng mukha ngayon na magmalinis tungkol sa substitution, samantalang siya nga itong pasaway na overaged na dati
- yung pagnanakaw ng credits para sa masustansyang tinapay na ipinangtulong noon ng USA sa bayan
- yung gustong palitan ang Constitution, pero wala naman palang nakahandang konkretong plano para sana ipapasa na lang kaagad lahat ng mga panukala
- yung gusto daw buhayin ang Death Penalty, samantalang ang daming may history ng katiwalian sa kanilang hanay
- yung planong i-blend na sa mainstream media ang mga vloggers
- yung planong ibigay sa may record ng katiwalian ang accountability committee
- yung mas preferred ang pamimigay ng ayuda dahil paraan yun ng pasimpleng pamimili ng suporta
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- sa Davao City, yung restobar na nag-operate nang wala daw business permit, bukod doon ay pinabayaan din nila ang kanilang mga customer na labagin ang mga health protocol
- ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan
- yung tiwaling survey na nagsasabi na pinakamataas pa rin DAW ang tiwala ng mga tao sa mga tiwali, na patunay na hindi nga reliable yung survey
- yung pinapalabas na ang paparating na pilian ang dahilan kung bakit kinakasuhan ngayon ng ibang bansa ang isang kulto
- yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto, gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita
- yung mga kulto na endorser ng mga kriminal
- yung panibagong kulto na nag-endorse ng mga kriminal at protektor ng mga kriminal
- yung madaming babae na involved o dating involved sa sex trade ay mga pro- sa katiwalian
- yung mga mamamayan na supporter ng Representative na protektor ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
- yung mga mamamayan na sinasabi na paninira ang pagbatikos sa pagiging magnanakaw at tax evader, na para bang hindi kasalanan ang mga iyon
- yung mga kaso ng vote-buying na kapag nahuhuli ay pinapalabas na kesyo paninira lang laban sa kanila
- yung paggamit sa isyu ng pagpapabagsak laban sa isang makabuluhang TV network para i-demolish ang suporta ng maraming mga celebrity
- yung pagnanakaw ng mga content ng mga supporters ng kasamaan, mga image at video file na ini-edit nila para sa kanilang demolisyon
- yung pagnanakaw ng pangalan ng isang kandidato para sa isang FAKE website na nagre-redirect naman sa website ng tax evader
- yung pagnanakaw maging sa pangalan ng mga singer at banda, para lang maka-engganyo ng a-attend sana sa kanilang campaign rally
- yung 2016 interview video naman ngayon ng isang madre ang ninakaw para palabasin sa Imperial platform na pabor sa kanila
- yung pati Guinness record eh ninanakaw na nila
- ang pagnanakaw ng 2016 na event sa Kuwait para palabasin na naki-celebrate yung bansa sa pagkapanalo ng mga kriminal
- yung FAKE claim sa probinsya na kaya daw ibalik ang presyuhan ng mga bilihin sa panahon bago pa man napatalsik ang kasamaan
- yung sex scandal attack ng mga social media farm employees
- yung broadcaster na yung mga babae pa ang sinisisi sa pagkalat ng FAKE news tungkol sa kanilang video scandal, na para bang walang posibilidad na ginawa nga iyon ng social media farm ng mga tiwali
- yung pagnanakaw ng 2016 social media post ng biktima ng link scandal para palabasin na umamin na yung babae na may existing scandal nga siya
- yung mga basurang demolition unit mula sa social media farm, na nakiki-blend sa mga supporter para lang makagawa ng mga mapanirang social media posts
- yung in public ay huminahon ang mensahe niya para sa kanyang mga tagasunod, pero behind the scenes, eh patuloy naman ang kanilang social media farm employees sa demolisyon at pagpo-provoke ng mga pagtatalo dahil sa mga FAKE content
- yung paalala na huwag daw hayaan ulit na manakaw ang mga suporta, samantalang siya itong natalo sa kanyang reklamo
- yung pag-uugnay ng isang kandidato sa pinuno ng mga komunista
- yung mind-conditioning na kesyo may mananabotahe daw sa selection process bilang paghahanda kapag natalo na naman sila
- sa Ilocos Sur, yung maagang pagrereklamo na kesyo may suporta daw para sa tax evader na nalilipat sa mabuting tao pero wala naman daw maipakita na ebidensya
- yung paninisi ng mga social media farm employees sa isang piling kandidato dahil sa protesta na nangyayari ngayon laban sa COMELEC
- kumikilos na rin ang mga social media farm employees para ipakulong ang isang kandidato dahil isinisisi nila lahat ng mga nangyayaring protesta doon sa tao
- kumikilos na naman ang mga social media farm employees laban sa mga scholar ng bayan, gusto nilang mawala ang demokrasya ng pagpoprotesta
- noong sila ang nagrereklamo noon eh dahil 'yon sa karapatan nila, pero ngayong hindi nila kasama sa hanay ang mga nagrereklamo, eh pinapalabas nila na mali na humiling ng mga paglilinaw tungkol sa mga bagay na kuwestiyonable
- yung celebrity na nagsabi na bahay ng mga diktador na magnanakaw at tax evader ang official residence ng pinuno ng bayan
- yung personalidad na protektor ng mga celebrity na drug users, na binabatikos ang isang direktor na lumalaban naman sa katiwalian
- yung mga kandidato na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian
- yung mga kandidato na laging sinasabi na paghihiganti ang paglaban sa katiwalian
- yung mga kandidato na nagsasabi na tutuldukan daw nila ang paglaban sa kasamaan, samantalang wala namang nagbibigay ng hustisya para sa lahat ng mga naging biktima
- yung kakampi ng mga tiwali na nakikiusap sa ibang mga kandidato na huwag daw balaan ang mga mamamayan tungkol sa pagsuporta sa mga magnanakaw
- yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan
- yung kampo na bumabatikos sa simbahan dahil sa paglaban ng mga ito sa katiwalian at kasamaan
- yung bawal daw makialam ang mga relihiyon, pero nagpapaendorso naman sila sa kung anu-anong kulto
- yung paratang na bias daw laban sa kanila ang isang kilalang broadcast journalist para lang makaiwas sa isang mahalagang interview
- yung nakakahiya daw ang pagpoprotesta sa ibang bansa, kumpara sa pagsuporta sa mga kriminal
- yung report ng Anti-Money Laundering Council na may malakihang halaga daw ng pera na na-withdraw sa may area ng Ilocos Sur sa panahon ng Eleksyon 2022
- yung ginawang hacking laban sa isang official social media account ng University of the Philippines
- yung walang pakialam yung iba na napayagan nang ituloy ang pagtataas ng singil sa PhilHealth dahil libre ang mga insurance nila at sinasalo lang ng mga nagbabayad
- sa Davao Oriental, yung na-stranded na rare na Hotaula Beaked Whale, na namatay matapos na abusuhin ng mga lokal na mamamayan doon
- yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022
- yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam
- sa Rizal yata iyon, yung 7 y/o daw na batang lalaki na napatay ng sarili niyang ama matapos na ihambalos sa kalsada ang katawan ng bata, nasa impluwensiya daw ng ilegal na droga yung killer
- sa Quezon City, yung Imperial citizen na nangbangga ng mga concrete barriers, lasing daw na nagmaneho at wala pang lisensya
- sa NAIA, yung Imperial citizen na paalis na sana sa bansa na nabistong gumagamit ng pekeng Philippine passport
- yung mga nasamsam ng NBI na counterfeit na Imperial insecticides sa iba't ibang lokasyon sa bayan
- sa Quezon City, yung nakumpiska ng mga pulis na kahon-kahon ng mga pekeng brand ng sigarilyo na pagmamay-ari ng isang Imperial citizen
- sa Maynila, yung negosyanteng Imperial citizen na hinuli dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na COVID-19 antigen test kits
- sa Valenzuela City, yung nasa Php 1.1 Billion daw na halaga ng ilegal na droga na nakalagay sa mga pakete ng Imperial tea, 1 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan ang naaresto kaugnay nung kaso
- sa Quezon City, yung nasa higit Php 20 Million na halaga ng ilegal na droga na nakasilid na naman sa mga pakete ng Imperial tea, 2 namang Imperial citizen ang nahuli kaugnay nun
- sa Makati City, yung Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng shabu pills daw
- sa Bacoor City, Cavite, yung Imperial citizen na nahulihan ng baril sa panahon na may umiiral na gun ban
- sa ParaƱaque City, yung 4 na Imperial citizen na biktima daw ng forced labor sa pinapasukan nilang offshore company, nahuli naman ang mga operator nung kompanya na isang Indonesian at 2 Imperial citizen din
- sa ParaƱaque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli matapos na dukutin ang isang kapwa nila Imperial citizen na inalok daw para magtrabaho sa Makati City
- sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na napatay sa engkuwentro dahil sa kasong kidnapping laban sa kapwa nila mga Imperial citizen
- sa Pasay, yung 4 na nahuli na sangkot daw sa kidnapping ng mga Imperial citizen, kung saan ang 2 unang nahuli ay mga Imperial citizen na nagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril
- sa Cebu, yung mga Imperial citizen na napatay sa engkuwentro dahil daw sa pandurukot laban sa kapwa nila Imperial citizen
- sa isang condominium complex sa Taguig City, yung 1 napatay na security guard at 2 pa na sugatan dahil sa pamamaril ng isang Imperial citizen
- sa karagatan sa may Palawan, yung 2 barko na inarkila upang magsagawa ng seismic survey, na sinundan ng mga basurang Imperial coast guard
- yung panibagong COVID-19 surge sa loob ng Imperyo
- yung banta ng recombinant bioweapon, may record na ng DeltaCron
- yung banta ng Monkeypox na kumalat na sa iba't ibang Western countries
- yung mga basurang mamamayan ng bayan na 'to na anti-Ukraine, para lang palabasin na ang mga tiwali na hindi kaalyado ng USA ang dapat na maging pinuno
- yung sinasaltik na rin yung isang kakampi ng Imperyo ngayong panahon ng Imperial virus, sabik na rin na manakop
- yung pagwawasak ng Northern Empire sa isang nuclear power plant
- yung pag-atake ng Northern Empire maging sa mga ospital
- sa karagatan sa may Japan, yung pagpapasabog ng mga submarine ng Northern Empire ng mga missiles
- habang abala sa paglaban sa bioweapon ang karamihan ng mga tao sa mundo, eh abala naman sa pagpaparami ng armas ang mga teroristang Imperyalista
-----o0o-----
June 19, 2022...
mahalin ang bayan...??
t*ng ina mo ka..
6 sa mga demonyo na nakabalik sa kapangyarihan eh mga proven na kriminal na i-p-in-romote ninyo...
is feeling , ang estilo ninyo..? nakawin ang mga gatas, at ipaubaya sa pangungutang ang mga gastusin...
>
sa Camarines Sur..
yung Captain sa Philippine Army na namaril at nakapatay ng superior niya na isang Major, at nakasugat din ng isa pa daw na sundalo..
patay rin matapos na magbaril ng kanyang sarili yung suspek...
nag-ugat lang daw yung gulo sa pagtatalo nung suspek at ng kanyang girlfriend, kung saan nanghingi ng tulong yung babae doon sa naging biktima...
is feeling , ang gagaling talaga...
---o0o---
June 21, 2022...
bioweapon ng Eastern Empire..
famine ng Northern Empire..
criminal background revisionism sa loob ng bayan... š
is feeling , ang dami ng kailangang mamatay na...
>
bakit mas gusto ang mamigay ng ayuda...??
dahil sa money flow..
at para may maipang-sumbat sila bilang kapalit ng suporta..
hindi naman kasi madaling ipangsumbat sa mga mamamayan ang savings lang eh...
is feeling , tigilan na ang panglilimos...
>
eh kung yung mga ginagastos para sa mga okasyon eh ibigay na lang bilang tulong sa mga PUV drivers..?
hindi ba pwede 'yon...??
is feeling , ang luluho ninyong mga put*ng ina kayo...
>
yung nasilip ng COA sa Office of Civil Defense (OCD)..
mababa daw kasi ang budget utilization nila para sa humanitarian and disaster relief operations at maging sa COVID-19 response for 2021...
is feeling , bakit na naman kaya...??
---o0o---
June 22, 2022...
yung pagpapa-block ng mga websites...
pero kapag laban sa mga kriminal na social media farm employees eh wala naman silang ginagawa...
is feeling , busal...
---o0o---
June 23, 2022...
sa San Juan City..
yung ibabalik na ang kanilang festival kung saan may kasama na basaan..
kung kailan tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19..
kasabay na rin sa pagdami ng mga nade-detect na kaso ng Omicron subvariant...
is ⚠ feeling , so kailangan din ng San Juan variant...??
>
yung hindi daw humihina ang halaga ng piso..
malakas lang daw talaga ang halaga ng dolyar..
samantalang maya't maya nga ang usapan tungkol sa interest rate hike sa USA dahil sa sarili nilang laban sa inflation sa kanila...
is feeling , manipuladong-manipulado ang mga impormasyon...
>
yung nasilip ng COA sa mga put*ng inang offshore gambling companies..
yung umaabot daw sa Php 2.3 Billion na fees mula 2021 ang hindi nasisingil mula sa kanila...
is feeling , kapag Bestfriends, sapat na yung thank you, thank you lang...