NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 52 na)..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
daily prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is 💀 feeling , day 357...
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 52 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
June 26, 2021...
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung kagustuhan na armasan ng mga baril ang mga civilian volunteer, samantalang iyon ngang mga trained personnel eh may kakayahan na umabuso
- yung kagustuhan na ipaaresto na ang mga ayaw magpabakuna, na para bang sapat ang kanilang naipo-provide
- yung reporter o mga reporter na pinag-alis na lang ng face mask at face shield sa press conference
- sa Davao Occidental, yung SK Chairman na nahuli sa buy-bust operation, bukod sa ilegal na droga ay may nakuha rin daw na baril mula sa kanya
- sa Iloilo, yung Barangay Kagawad na naaresto sa isinagawang buy-bust operation
- sa MTPB, Manila Traffic and Parking Bureau yata 'yon, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong daw gamit ang mobile app
- sa Manila Police District headquarters sa Ermita, yung pulis na namatay sa pamamaril ng lasing at nag-amok daw na kapwa pulis
- sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz, Manila, yung security guard na pinatay sa pamamaril ng binabantayan daw niyang pasyente na isang Barangay Kagawad
- sa Surigao del Sur, yung 3 Lumad na namatay sa pamamaril ng mga sundalo, kung saan 12 y/o lamang ang isa sa mga biktima
- sa Biñan, Laguna, yung kaso nung 16 y/o na lalaki na kasama sa mga napatay ng mga pulis sa isang anti-illegal drugs operation, nakakapagtaka na may mga claim na napadapa na DAW iyong biktima at nakaposas na rin DAW
- yung pag-amin ng DOH na may mga fully vaccinated na na mamamayan na tinatamaan pa rin ng COVID-19
- yung may apela na gawing single dose vaccine ang Sputnik V, pero may ginagawa ring patakaran na gawing 3 weeks ang interval nung 1st at 2nd dose
- yung mga pinuno na isinusulong ang hindi pagre-require ng paggamit ng face shield in public places puwerket wala daw ganung mga patakaran sa ibang mga bansa
- yung mga pinuno na naghahanap pa ng scientific basis sa paggamit ng face shield, samantalang ginagamit nga ang mga ganun sa medical field
- yung pinuno na inirereklamo na mahal daw ang face shield samantalang may mura lang naman at pwede ding gamitin nang paulit-ulit basta't idi-disinfect lang
- yung opisyales na naggigiit na kasing-bisa din ng mga Western vaccines ang Imperial vaccines, samantalang may mga ulat na nga sa ibang mga bansa na tinatamaan pa rin yung mga vaccinated ng Imperial vaccine nung virus
- yung mapanganib na kagustuhan na idiretso na lang sa home quarantine ang mga uuwing OFW kahit na batid nila na maraming mga pasaway na mga mamamayan
- yung pagiging pasaway ng Cebu sa pagsunod sa national quarantine protocol
- sa Makati City daw, yung nakunan ng video na insidente sa vaccination drive kung saan naisaksak naman daw yung pang-injection, kaso ay hindi naiturok yung lamang vaccine
- yung extended na yung Bayanihan 2 kung tutuusin, pero hanggang ngayon ay may bilyun-bilyon pang piso na pondo ang hindi nagagamit
- yung na-expire na nang tuluyan yung Bayanihan 2, at nasa Php 9 Billion daw na budget yung hindi nagamit
- yung namamahalan DAW ang mga OFW sa gastusin habang nasa quarantine, samantalang may mga reklamo at request ng budget para sa pagsuporta sa kanila
- sa Camarines Sur, yung pagsabog ng COVID-19 sa Regional Training Center 5 Annex ng Philippine Public Safety College at National Police Training Institute, kung saan nasa 60 plus na carrier ang na-detect mula sa mga police trainee at staff
- sa Dumaguete City, Negros Oriental, yung pagdagsa ng mga mamamayan para sa Pfizer vaccination
- yung siksikan ng mga pasahero para sa EDSA Carousel sa panahon ng COVID-19 variants na ikinagulat ng LTFRB
- yung mga transport operators na kinontrata ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 na hindi pa rin daw nababayaran ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising, and Regulatory Board (LTFRB)
- yung nasilip ng COA sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), yung kuwestiyonable daw na nasa Php 1.57 Million na halaga ng travel expenses, maging mga reimbursement ng movie tickets
- hindi ako sigurado, pero ito yata yung pamahalaan kung saan pinakamadami ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid kahit na wala namang labanan na nangyayari
- sa DepEd, yung panibagong isyu sa learning module kung saan gumamit ng masyadong mahalay o bulgar na pananalita
- yung pag-aalok ng Department of Finance (DOF) ng nasa Php 900,000 plus na kontrata bilang social media strategist sa nabisto dati na nagpapatakbo ng madaming kaduda-duda na social media accounts
- yung pinuno na ginamit ang sariling kapalpakan, para lang palabasin na inaatake siya
- yung opisyales na nagsasabi ng claim tungkol sa isang anak, na kabaliktaran ng dati nang sinabi nung ama
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- sa Bicol, yung pami-pamilya ang nagiging hawaan ng COVID-19
- yung pagiging pasaway ng maraming mamamayan sa Naga City sa panahon ng COVID-19 variants, kahit na nasa MECQ yata sila
- yung mga makasariling mamamayan na mas inuuna ang pagbabakasyon, kumpara sa pag-iingat sa panahon ng pandemic
- yung mga kaganapan sa kamatayan ng isang dating pinuno na dinumog ng mga tao sa panahon ng COVID-19 variants
- sa Metro Manila, yung mga pasaway na nag-celebrate ng Fathers' Day 2021 sa mga pampublikong pasyalan, na marami ay may kasama pang mga bata
- sa Quezon City, yung Korean Restaurant na nagpunuan sa panahon ng COVID-19 variants
- sa Camarines Sur, yung fraternity party ng mga pasaway sa panahon ng COVID-19 variants
- sa Calauag, Quezon, yung tila naging street party ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
- yung ilegal na rebranding ng mga modem ng isang telecommunications company bilang modem ng isang Imperial company
- yung nasabat ng BOC, na nasa Php 10 Million na halaga ng smuggled na sibuyas mula sa Imperyo
- yung 2-in-1 na demolition and promotion approach sa social media, kung saan sinisiraan ang pangalan ng isang namatay na tao sabay mention din naman sa pangalan ng mga ini-endorse nila
- yung miyembro ng isang masamang angkan na binigyan ng award para sa pagpo-promote ng mabuting ugnayan ng bayan at ng Imperyo
- sa Ilagan, Isabela, yung nasa 23 na Imperial citizen na nahuli dahil sa paglabag sa travel protocol at sa pamemeke ng swab test result
- yung Imperial citizen, nurse, at medical technologist na nahuli ng NBI dahil sa ilegal na pagbebenta ng Imperial vaccines, madalas daw na Imperial citizens ang mga buyer nila
- sa Mandaluyong City, yung lalaking Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 500,000 na halaga ng hinihinalang shabu
- sa Parañaque City, yung 5 daw Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan, na nahuli matapos ang tangkang pagdukot sa isang POGO worker na Imperial citizen din
- yung Olympic qualifier na sprinter na fully vaccinated na ng Pfizer brand, pero naging carrier pa rin ng COVID-19
- yung British na 10 buwan nang sunud-sunod na nagpo-positive sa COVID-19
- sa Indonesia, yung mahigit 350 na medical workers na tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit na naturukan na sila ng Imperial vaccine
- yung mga bansa na umasa sa Imperial vaccine, pero ngayon ay humaharap sa surge nung virus
-----o0o-----
sa Ilagan, Isabela..
yung nasa 23 na Imperial citizen na nahuli dahil sa paglabag sa travel protocol at sa pamemeke ng swab test result...
is feeling , mga terorista...
>
sa Manila Police District headquarters sa Ermita..
yung pulis na namatay sa pamamaril ng lasing at nag-amok daw na kapwa pulis...
2 pulis daw ang nabaril nung suspek, kung saan 1 ang namatay..
samantalang napatay din yung suspek ng kanyang kabaro...
is feeling , among them...
---o0o---
June 27, 2021...
[Natural Calamities]
sa ibaba..
nasa Magnitude 5.0 na lindol..
sa may Surigao del Sur...
is feeling , huwag diyan.. mahalaga ang mga lugar na Surigao...
>
sa Davao Occidental..
yung SK Chairman na nahuli sa buy-bust operation..
bukod sa ilegal na droga ay may nakuha rin daw na baril mula sa kanya...
is feeling , yung iba umaakyat sa kapangyarihan upang magtago sa likod nito...
---o0o---
June 28, 2021...
sa Dumaguete City, Negros Oriental..
yung pagdagsa ng mga mamamayan para sa Pfizer vaccination...
is feeling , pahamak pa ngayon yung limitadong supply...
>
yung kagustuhan na armasan ng mga baril ang mga civilian volunteer..
na sinang-ayunan pa ng PNP... 🙁
mga armadong tauhan na may baril - nagagawang umabuso..
mga may katungkulan sa bayan na may baril - nagagawang umabuso..
mga kriminal - ilegal na nakakahawak ng mga baril..
tapos ngayon eh gusto pa nilang bigyan ng baril ang mga sibilyan...??
is ⚠ feeling , sa totoo lang.. madali lang sana ang solusyon sa problema laban sa mga baril eh.. iyon ay kung hindi lang sana nangyayari yung mga insidente ng pagtatanim...
>
yung basurang miyembro ng Dictator Clan..
na binigyan ng award para sa pagpo-promote ng mabuting ugnayan ng isinumpang bayan at ng Imperyo... 🙁
kung hindi nang-ookupa ng pinag-aagawang lugar ang Imperyo..
kung hindi sila pisikal na nagtutulak ng kanilang border..
kung hindi sila nagtatayo ng mga base militar..
kung hindi sila nagpapakalat ng kanilang mga barko..
kung hindi sila nangbabangga ng mga sasakyang pandagat ng mga taga-ibang bansa..
kung hindi sila nang-uubos ng marine resources..
kung hindi sila nagpapakalat ng bioweapon..
eh baka pa maniwala ako na makabubuti na makipagkasundo sa mga put*ng inang iyon...
is feeling , ang kaibigan ng basura ay basura din...
>
sa Makati City daw..
yung nakunan ng video na insidente sa vaccination drive..
kung saan naisaksak naman daw yung pang-injection, kaso ay hindi naiturok yung lamang vaccine...
is feeling , overworked na yata...?
---o0o---
June 29, 2021...
yung panibagong istorya na kesyo gusto daw nung santo na umangat ng posisyon iyong Matabang Prinsesa..
kabaliktaran ng lantarang sinabi dati na kesyo hindi bagay sa kasarian nung Matabang Prinsesa iyong katungkulan...
is feeling , niloloko ninyo ang mga tao...
---o0o---
June 30, 2021...
[Natural Calamities]
sa ibaba..
nasa Magnitude 5.0 na lindol..
sa may Davao Occidental area...
is feeling , pwede na kapag ginagago ang mga mamamayan...
>
yung mga makasariling mamamayan na mas inuuna ang pagbabakasyon..
kumpara sa pag-iingat sa panahon ng delubyo..
mga walang pakialam sa mga inosenteng napepeste ng pag-travel at pagkalat ng bioweapon... 🙁
is feeling , salamat sa pagtulong sa terorismo...
>
yung opisyales na naggigiit na kasing-bisa din ng mga Western vaccines ang Imperial vaccines..
samantalang may mga ulat na nga sa ibang mga bansa na tinatamaan pa rin yung mga vaccinated ng Imperial vaccine nung virus...
hindi sapat na hindi lang mamamatay sa sakit yung nabakunahan..
ang dapat eh hindi na sila nakakahawa kapag nahawaan man sila ng iba...
is feeling , sayang nga naman yung pera.. kaya hindi dapat umamin...
>
yung pagiging pasaway ng Cebu sa pagsunod sa national quarantine protocol...
is feeling , awa muna, bago ang pag-iingat.. patuloy nating wasakin ang bayan na 'to...
---o0o---
July 1, 2021...
yung nasabat ng BOC..
na nasa Php 10 Million na halaga ng smuggled na sibuyas mula sa Imperyo... 🙁
is feeling , with free bioweapon ba...??
>
yung na-expire na nang tuluyan yung Bayanihan 2..
at nasa Php 9 Billion daw na budget yung hindi nagamit..
babalik naman yung pera sa sistema..
yun nga lang, ibig sabihin nun na may malaking alokasyon para sa kung anong layunin ang hindi naisakatuparan...
is feeling , extended na nga, pero sumablay pa rin...
>
yung nasilip ng COA sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)..
yung kuwestiyonable daw na nasa Php 1.57 Million na halaga ng travel expenses..
maging mga reimbursement ng movie tickets..
mga wala daw sapat na supporting documents eh...
is feeling , ano na naman yun...??
>
yung Imperial citizen, nurse, at medical technologist na nahuli ng NBI dahil sa ilegal na pagbebenta ng Imperial vaccines..
madalas daw na Imperial citizens ang mga buyer nila..
hindi pa naman alam kung saan nanggagaling ang kanilang supply...
is feeling , hindi talaga mawawalan ng mga tiwali saan mang larangan...
>
yung reporter o mga reporter na pinag-alis na lang ng face mask at face shield sa press conference...
is feeling , pasaway talaga...
---o0o---
July 2, 2021...
sa Mandaluyong City..
yung lalaking Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 500,000 na halaga ng hinihinalang shabu...
is feeling , hinding-hindi matatapos na giyera...
---o0o---
July 3, 2021...
sa MTPB..
Manila Traffic and Parking Bureau yata 'yon..
yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong daw..
mobile app na daw ang gamit para walang makita na abutan ng pera eh...
is feeling , lagot na.. cashless na rin sila...
No comments:
Post a Comment