Saturday, July 24, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of July 2021 (Denied Loan)

Loveless Story


July 17, 2021...

sinubukan niya na ulit na humiram sa akin ng pera ngayong araw..
hindi niya sinabi kung para saan..
pero d-in-eny ko siya eh.. 🙁
hindi ko rin alam kung nasaan siya ngayon...

at hindi ko ini-expect..
hindi niya tanda kung magkano na ang utang niya sa akin.. 🙁
nagulat siya noong ulitin ko sa kanya yung total na niya...

bakit ganun..?
ang hirap para sa akin na tanggihan siya..
masakit na parang napapabayaan ko siya..
at ngayon pa talaga na maselan ang kanyang kondisyon..
gusto ko siyang tulungan..
pero hindi ko kasi alam kung ano lang ba ako para sa kanya eh..
hindi ko alam kung anong totoong status nila nung Kabayong bakod..
kaya natatakot ako na baka tinutulungan ko lang ulit ang isang babae na nagmamahal na ng ibang lalaki... 🙁

is 💔 feeling , Lottery, tulungan nyo akong mawalan ng takot sa kahirapan...

---o0o---


July 18, 2021...

nasa ibang bahay na sila..
sana naman nga ay iyong bestfriend na lang nila ang kanilang kasama..
basta yung walang lalaki sa paligid..
at sana umubra yung setup nila ng pagtutulungan...

tungkol naman dun sa Kabayong bakod..?
magkaugnay pa rin sila..
pero parang hindi pa naman sila..
parang gustong pasimpleng igiit nung lalaki na dapat maging sila dahil sinalo niya yung babae... 🙁

oportunista..
alam niyang kagagaling lang sa pananakit nung babae..
ng mismong kabarkada pa niya..
pero talagang pinormahan pa niya kaagad kahit katatapos lang nung break up..
ni hindi niya c-in-onsider yung iisipin ng ibang mga tao tungkol doon sa babae kung magsasama sila eh..
ang lakas-lakas magyabang na loyal siya..
samantalang sira nga ang pamilya nung sariling anak niya..
gago...

at as expected..
bigla akong nawalan ng silbi sa paningin ni Miss Racal..
disappointed siya sa akin..
ignore-mode dahil wala akong pera na maipahiram sa kanya... 🙁

is 💔 feeling , maa-appreciate ka lang sa mismong oras na na-transfer mo yung pera...


>
bakit ba ganito..?
nagtatrabaho na sana siya eh..
tinutulungan ko na siya doon..
pero bakit dumating pa ang problema na 'to...?? 🙁

halos maghapon siyang online..
pero hindi man lamang niya ako kinakausap na.. 🙁
siguro may iba siyang nilalapitan na kausap doon sa platform...?

ayoko ng ganitong pakiramdam..
ngayon, wala na akong silbi para sa paningin niya.. 🙁
kailangan ko ng maraming pera para magkaroon ako ng silbi para sa kanya...

is 💔 feeling , pero kailan pa..? lamang na lamang sa akin yung Kabayong bakod na iyon...

---o0o---


July 19, 2021...

so hindi pa pala lumalabas yung baby..
bakit ganun..?
nasa paupahan na ulit yung setting nila...

nagbakasyon lang ba sila nang kaunti o ano...??

is feeling , nasaan na ba talaga sila...??

---o0o---


July 20, 2021...

2 araw na akong nag-a-attempt na maka-video call siya..
pero talagang hindi niya ako sinasagot..
o hindi niya nasasagot...

ewan..
madalas na naka-online yung phone niya eh..
pero laging sa malayong oras na niya sini-send yung mga paliwanag niya...

is 💔 feeling , tampong-tampo yata talaga sa akin dahil sa kakulangan ko sa pera...


>
kung dati, yung white dress na request ko ang lumabas sa kanyang memory..
this time naman, eh yung request ko na i-maintain na niya muna yung natural hair color niya hanggang sa mag-meet na kami..
ginagawa ba niya ang mga iyon nang dahil sa akin..?
o para doon sa Kabayong bakod...??

pero imposible kasi..
hindi naman ako kailanman naging interesante para sa kanya... 🙁

finally, sinagot na niya yung video call ko ngayong araw..
i'm not sure..
pero parang nandun na ulit siya sa bahay nung Kabayong bakod kaninang tanghali..
parang magkahawig yung details nung bahay eh..
pero hindi ko nga masigurado dahil hindi naman ako nakakuha ng screenshot..
may kumakausap din sa kanya habang magkausap kami..
hanggang sa pinutol na niya yung tawag ko...

basta mukhang bumalik na sila doon sa mahal na paupahan..
mukhang humiwalay na naman sila sa kanilang bestfriend...

is feeling , pabalik-balik ang mga threat...

---o0o---


July 21, 2021...

pinuntahan pala sila ng kanilang ina..
tama lang naman..
kasi parehas nila talagang kailangan ng tagapag-alaga dahil sa medical situation nila ngayon...

ewan ko lang kung magtatagal siya sa kanila..
pero sana naman nga..
kahit hanggang maka-recover lang si Miss Racal..
sana manatili muna siya doon para alagaan sila..
at para ilayo din muna yung 2 mula sa mga lalaki...

pero paano nga ba kung hindi tutulong ang universe sa akin..?
ano..?
susuko na ako, kahit na hindi pa naman ako nagsisimula...??

is feeling , kung hindi pwede kaagad ang jackpot sa Lottery.. kahit pangsugal lang sana sa Axie Infinity.. basta yung hindi sana masakit gastusin...


>
sobrang hapon na siya nakapag-online today..
ilang araw na niyang iniiwanang naka-online yung app niya..
siguro since Monday..
pero kahit na ganun, hindi naman niya binubuksan yung mga messages ko eh..
so para kanino siya nag-o-online..?
sinong mahalagang tao ang inaabangan niya sa app na iyon lately...??

mukhang masama naman ang loob nung Kabayong bakod nitong mga nakaraang araw..
parang pakiramdam niya na hindi na siya naa-appreciate..
na wala na siyang halaga..
sana nga mawalan na siya ng halaga para kay Miss Racal...

tapos..
wala si Arjo sa okasyon ng kanilang pamilya..
wala ba siya sa bahay nila..?
mas maganda sana kung nandun siya para nagku-krus yung mga landas nila..
para nagkakagulo sila nung Kabayong bakod...

is feeling , ang mahalaga sa ngayon ay hindi sila magmahalan nung Kabayong bakod...

---o0o---


July 22, 2021...

hala..
nagbibiro lang ba siya..?
pang-ulam lang ba talaga ang tinutukoy niya..?
o literal yung ibig niyang sabihin...??

nalilito daw yung puso niya sa 2..
kung yung Kabayong bakod yung isa..?
eh sino pa yung isa..?
yun kayang taong inaabangan niya ngayon madalas doon sa app...??

mukhang pinipigilan nga niya ang sarili niya na magmahal kaagad..
pero sino..?
'yon ba yung dahilan kung bakit ini-ignore na lang niya ako...?? 🙁

is feeling , lagot na yata ako...

---o0o---


June 23, 2021...

2 days na niya akong ini-ignore.. 🙁
simula noong nagpunta sa kanila yung mom nila..
naungkat kaya yung nakaraan namin doon sa demonyong Tabachoy, kaya niya ako iniiwasan lately...?

hindi ko masabi kung saan posibleng manggaling yung bagong karibal..
since ako nga yung ginagawa niyang utangan hanggang noong late June...

pero wala akong magagawa..
kundi ang patuloy na magparamdam nang magparamdam sa kanya sa araw-araw..
hanggang sa may i-reveal na siyang panibagong nilalaman ng kanyang puso...

is feeling , kanino siya nagkakagusto...??

-----o0o-----


July 19, 2021...

[Game]

nasa Php 120,000 ako ngayon..
Php 60,000 yung available...

ano ba ang tama..?
Dream Date o Axie Infinity...??

is feeling , Lottery, pengeng pera na pangwaldas.. yung hindi masakit gastusin...

---o0o---


July 22, 2021...

[Game]

okay..
so mukhang yung paggalaw ng market ng Ethereum ang dahilan kung bakit posible yung paglalabas ng pera nung Axie Infinity..
na basically driven ng pagpasok ng mga investment para sa Ethereum..
at dahil logically kailangan ng Ethereum para makapaglaro nung game, eh doon nila nai-stimulate yung paggalaw ng market ng Ethereum kahit pa hindi maging miners ang mga players...

is feeling , hmmm...??


>
[Game]

ito yung panahon kung kailan nanghihinayang ako sa lahat ng oras at resources na inilaan ko para sa Ragnarok Online.. 🙁
isang laro na ako yung pinagkakitaan at sinaktan...

t*ng ina..
sana dati pa nauso ang blockchain..
sana sa Axie Infinity ko nagamit yung mga pera at oras ko noon...

is feeling , kailangan ko ng pera na hindi ako kayang saktan...

---o0o---


July 23, 2021...

[Manga]

One Piece

Straw Hat Crew Elements:
- Luffy - Rubber / semi-Fire
- Zoro - anti-Fire (Flamerend)
- Sanji - Fire
- Jinbe - Water
- Brook - Ice / Sound
- Franky - Metal / Light (LASER or beam) / Air
- Robin - none
- Chopper - Plants / Healer
- Usopp - Plants
- Nami - primary Lightning 

is  feeling , astigen...


>
[Game]

Axie Infinity Feasibility Study

kung sa Php 50,000 na investment..
merong mga kumikita sa ngayon ng nasa Php 72,000 for 30 days..
nasa Php 6 per SLP daw iyon noong May, so nasa Php 900 per day, at Php 27,000 for 30 days..
so kaya yung ROI in 56 days..
or kung bababa man ng hanggang Php 500 per day, o Php 15,000 for 30 days..
meron pa rin akong palugit na 100 days para maka-ROI...

universe..
madaming tao ngayon ang naglalaro nung game..
sana lang huwag ninyong sirain yung sistema kapag nagsimula na akong mag-piloto ng mga Axie..
sana hindi maapektuhan ng dala-dala kong kamalasan ang market ng Ethereum at Smooth Love Potion...

is feeling , Axie Infinity muna bago ang Dream Date...


>
natapos na din sa wakas sa project #20 ko..
52 days sa construction..
additional 5 days sa render..
tapos matagal na 12 days sa photoshop para sa 77 pages...

inabot ako ng 69 days lahat-lahat..
pero hindi pa talaga tapos..
may mga promotional materials pa na kailangang gawin...

pero sa ngayon..
kailangan na munang mag-prepare sa pagpipiloto sa Axie Infinity...

is feeling , pera muna bago career...


No comments:

Post a Comment