Saturday, July 31, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of July 2021 (Postpartum Trouble)

Loveless Story


July 25, 2021...

so nangutang na ulit siya sa akin..
at hindi ko siya nagawang pabayaan this time..
kahit pa nakasagad na rin yung pera ko..
nasa Php 21,000 na ako...

mukhang dumadaan daw sa postpartum issues eh..
at ayokong lamunin siya nun..
sunud-sunod ang mga dumarating na problema para sa kanya... 🙁

nakarating nga sa kanila yung warning..
ibig sabihin na nagsalita yung nakatanggap nun..
ang tanga nun..
hindi na lang nanahimik, samantalang alam niyang maselan pa yung kondisyon nung babae... 🙁

ang hinala niya ay si Arjo ang may kagagawan..
so lalong lumalim yung galit niya kay Arjo..
samantalang posibleng nag-cause 'yon para magkaroon sila ng gap nung Kabayong bakod..
kaya siguro sila maingat sa pakikisama sa isa't isa lately...

tapos..
mukhang kasama pa rin naman nila ang kanilang mom..
sana nga alagaan niya muna ang kanyang mga anak sa ngayon...

is feeling , hindi marunong mag-isip...

---o0o---


July 26, 2021...

isinugod siya sa ospital kagabi.. 🙁
hindi lang dahil sa konsulta..
pero talagang kinailangan niyang maisugod...

ang kapatid na niya ang nakapagsabi sa akin..
ewan, umaasa siguro ng tulong..
kaso nga eh kapapadala ko lang kahapon ng kanyang hiniram na pera..
mukhang nanghina talaga siya..
ang daming tusok sa katawan eh... 🙁

loans..
bioweapon..
employment problem..
emotional stress..
miscarriage..
dilation and curettage..
postpartum depression... 🙁

tama na po please..
totoong hiniling ko na maghiwalay sila ni Arjo..
pero hindi naman sa ganitong life threatening na pamamaraan..
pakiusap, universe..
huwag nyo na siyang sagarin..
sobra-sobra ng mga kamalasan itong tumatama sa buhay niya..
awat na muna po...

is feeling , please stay safe laban sa bioweapon.. i hope maka-recover ka na din soon...

---o0o---


July 27, 2021...

wala pa rin akong balita tungkol sa kanya..
galing man sa kapatid niya..
o mula sa kanya mismo... 🙁

yung bobo na Kabayong bakod eh alam din yung nangyari sa kanya..
naging bida na naman kaya siya sa pagtulong...??

nakakapag-online na ulit yung phone niya..
hindi ko lang alam kung pinauwi na ba sila o ano...

is feeling , tama na muna po ang mga problema...

---o0o---


July 29, 2021...

madalas akong i-remind ng biological mother ko na kesyo huwag ko daw pahalagahan nang husto ang pera..
na kesyo hindi daw mahalaga ang pera..
bagkus ay ang buhay daw pagkatapos ng kamatayan ang totoong mahalaga...

unang-una..
kung totoong sobrang halaga ng buhay pagkatapos ng kamatayan..?
eh bakit ang dami nilang kamag-anak na nasa bingit na ng kamatayan noon pero ginastusan pa nila ang pagpapa-ospital..?
edi sana pinabayaan na lang talaga nila...

tapos lagi din naman akong sinasabihan na maghanap ng mapapangasawa..
kesyo para daw may mag-alaga sa akin...

kalokohan talaga..
hindi mahalaga ang pera..?
eh paanong may magkakagusto at tatanggap sa akin na babae kung wala akong pera..?
ngayon nga eh, ni hindi ko naman girlfriend..
pero nalulula na ako sa mga inilalapit sa akin na mga pangangailangan niya..
mas nagkandalulula pa ako noong mga medical expenses na ang pinag-uusapan..
pero ganun kasi yung buhay ng totoong tao eh..
kailangan ng pera..
palagi..
kasi anytime, posibleng umulan ng mga problema... 🙁

is feeling , mali-mali kayo...


>
nakausap ko na siya kahit papaano today..
nagbigay lang ng konting update tungkol sa sarili niya..
at tungkol sa kanyang kapatid..
mukhang masama pa rin ang kanyang pakiramdam...

lumabas na pala yung anak ng kanyang kapatid..
sana ikatuwa niya yung bago niyang pamangkin..
sana hindi siya mag-develop ng inggit dahil sa nangyari sa sarili niyang baby... 🙁

tapos..
mukhang kasama yung Kabayong bakod sa medical facility.. 🙁
hindi ko lang alam kung si Miss Racal ba yung sinamahan niya..
o yung kapatid ba..
siya na naman ang bida dahil sa presence niya...

is 💔 feeling , at least alam ko na ngayon na medyo maayos na siya...

---o0o---


July 30, 2021...

gising siya kanina nang maaga..
binati niya ako..
hindi ko naman kaagad nabasa yung messages niya kasi nga nasanay ako na walang ini-expect sa ganung mga oras..
mga 8:00 AM na ako nakapag-check, at halos 1 oras akong na-late..
kaya ayun, hindi ko tuloy nabasa yung isa niyang message..
d-in-elete niya kasi bago ko pa iyon makita eh... 🙁

ano kayang sinabi niya sa message na iyon...?

is feeling , deleter...

-----o0o-----


July 24, 2021...

[Game]

had a very busy day..
gumawa ng 5 accounts..
dumaan sa mga verification process..
at bumili ng Axies sa tao...

ang mahal-mahal..
nadali ako sa palitan.. 🙁
pero mas mahirap kasi kung babalik nga ang base sa 0.2 ETH..
ang good news ay, verified na lahat ng accounts lalo na yung kailangang magtaas ng mga limit...

dadaanin na lang sa sipag..
Ragnarok pilot mode..
huwag lang makikialam ang universe...

kaso..
hindi ako nakataya sa Lottery ngayong araw..
may 2 laro pa naman ako..
naging abala eh, at nakalimutan ko..
sarado na yung tayaan noong puntahan ko nang lagpas 6:00 PM..
sana lang hindi ako masaktan bukas...

is feeling , ready nang magsimula para bukas...

---o0o---


July 25, 2021...

[Gadget-Related]

sorry, Unit 02 ha.. 🙁
nangako ako dati na hinding-hindi kita lalagyan ng games..
kasi nga eh 3D na yung load ng graphics card mo...

pero kasi, posible pang kumita ng pera mula sa game na 'to sa ngayon eh..
hindi naman sa sumasamba na ako sa pera..
kaso alam mo naman yung sitwasyon natin laban sa rapid online piracy, di ba..?
magagamit yung pera na pang-invest sa bahay..
at baka may babae na rin na magmahal sa akin kapag may mga Ethereum na ako..
tipong 1 ETH per month...

is feeling , hybrid pilot at graphics artist muna.. testing...


>
[Game]

1st day review lang...

ayun..
halos walang tulog, kasi excited maghakot ng SLP..
sinalubong ng mga game bugs, pero nagagawan naman ng paraan..
may konting disconnection issues din..
at surprisingly, nadalihan din ako ng power interruption kahit na wala namang naka-schedule talaga... 🙁

nakatapon ako ng 2 Energy..
1 dahil sa error at 1 dahil sa pagkatalo sa monster..
mas masaya palang maglaro kapag no Energy na..
wala kasing nasasayang...

inabot ako ng 5:15 hours of play time sa unang araw ko..
pero may mga kasama yung intermission...

sa ngayon, pinag-aaralan ko pa kung paano ko maibe-blend yung schedule ng Axie Infinity sa trabaho ko..
lalo na kapag mabilis na akong mag-grind...

is feeling , kaya 'to.. kailangan lang manatiling matatag ng SLP...

---o0o---


July 27, 2021...

[Game]

wala naman sana akong balak na gumawa ng report para sa Day 2 ko..
yung next sana ay kapag naka-ROI na ako, then unang official na kita, at last yung sa retirement..
kaso, yung panahon ko pala ng pagsisimula eh kasabay ng pag-a-upgrade ng server nung mga developer..
so heto, madami pang issues... 🙁

45 minutes lang ako nakapaglaro kahapon..
nasa 40 SLP ako pagkagamit ng 12 Energy sa PvE..
kaso talagang nawala na yung server... 🙁

today..
gumising ako ng 3:00 AM, naligo na, at 3:40 AM nagsimula sa pag-grind..
pagkaubos ko ng Energy ko, nasa 56 SLP pa lang ako..
malalakas pala ang mga nasa PvP kapag sobrang aga pa..
7:15 AM na nang matapos ko yung PvP requirements ko para sa Daily Quest..
at inabot ako ng 3:20 hours (kasama yung 45 minutes kahapon) para mabawi yung daily SLP quota ko na 150...

may nakuha akong technique kapag nasa 0 na ang Energy..
kahit hindi pa kasi stable yung server, eh mataas pa rin naman yung chance na palaging nagse-save ng progress yung game..
so every time na nag-e-error yung Adventure mode, dahilan para hindi maka-harvet ng SLP..
eh doon ako pumapasok sa PVP para asikasuhin yung Daily Quest ko..
tapos exit lang kapag wala na talagang gumagana nang tama...

ang lesson..?
sulitin ang oras habang gumagana pa nang ayos ang server..
huwag munang gumawa ng ibang mga gawain...

is feeling , ROI pilot.. Axie Infinity: Blood Pressure Rising...

---o0o---


July 29, 2021...

[Game / Gadget-Related]

handa na rin sa mobile mode ng Axie Infinity..
meron ng app..
at nakahanda na rin yung access code ko..
para tuwing schedule ko ng general cleaning, kung kailan hindi ako nakakapagbukas ng computer..
at tuwing may schedule at surprise ng power interruption...

SIM card na lang ang kulang, pang-connect sa internet..
para sa mga araw na walang kuryente...

konting update na rin..
maganda na yung latest update nila..
halos swabe, sa computer man o sa smartphone..
nasa 3:10 hours ngayon ang playing time ko sa paggastos ng Energy sa 9-monster level..
experience ang priority ko kesa ang makatipid sa oras..
Ragnarok pilot mode...

maganda yung schedule niya for now..
kaya kong tapusin yung daily quota ko sa bandang umaga..
so if ever, pwedeng pang-hapon yung totoo kong career...

is feeling , halos handa na ang lahat.. ano kayang data promo ang bagay sa Axie Infinity...??


No comments:

Post a Comment