Friday, July 16, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of July 2021 (Hospital Visits)

Loveless Story


July 10, 2021...

sa tingin ko hindi naman niya sinadya na magkaroon ng bata para lang maging opisyal ang pagsasama nila ni Arjo noon..
para maging responsibilidad siya nung pamilya na iyon...

base kasi sa mga pinaggagawa niya bago pa man siya iniwanan nung magaling na lalaki..
eh mukhang tadhana talaga na hindi mabuo yung sanggol..
lahat ng sigarilyo..
lahat ng alak..
lahat ng napalagpas na main meal..
lahat ng pagpupuyat..
tapos ay nadaanan pa nga ng depression... 🙁

mukha namang hindi rin niya sinadya na itumba yung bata..
hindi lang talaga niya kaagad napansin na may nabubuo na pala sa loob niya...

is 💔 feeling , but still.. hindi ako natutuwa na naging takbuhan niya ako.. samantalang meron pala silang ini-entertain na lalaki para magkaroon sila ng panibagong masisilungan...


>
so tinanong ko siya kung gusto at kaya na ba niyang pag-usapan yung tungkol sa plano para sa Phase 3..
kahit pa alam ko na bad timing, dahil sa sobrang dami nilang problemang pinansyal..
pero sinubukan ko na rin ngang itanong, para sana may maihanda ng plano kapag naka-recover na siya..
kaso sinabi niya na saka na lang daw...

pero halatang-halata na hinahabol niya yung pera..
gaya kung paano niya ako pinaglaruan noon sa uncharted territory..
nagpapakabait siya para lang dun sa pera..
bahala siya..
siguradong matatagalan iyon kapag binusisi ko na...

hindi ko ma-recognize kung nasaan siya..
hindi pamilyar yung mga detalye..
pero sobrang bobo naman nung ina nung traydor na kabarkada ni Arjo kung tinatanggap niya yung mga babaeng iyon sa kanilang pamamahay..
ano, tatanggap kaagad siya ng babae na kahihiwalay lang sa boyfriend nito..?
hindi ba mas tamang mapaisip kung manggagamit lang ba yung babae kung ganun yung kaso...?

anyway..
nagpadala na ako ng 1 pang warning shot..
sa mas tamang address naman this time..
konting pampagulo lang sa isipan ng oportunistang lalaki na iyon..
dadagdagan ko pa ang mga problema ninyo..
tinarantado ninyo ako...

is feeling , ang tanong ay, okay ba talagang paabutin ko sa Php 130,000 ang paghahabol ko sa put*ng inang date na iyon...??

---o0o---


July 11, 2021...

parang nandun ulit silang mga babae sa bentahan..
mas tahimik lang sila this time..
ang pasaway na iyon..
nagpupuyat pa rin kahit kumikilos na yung Kabayo na traydor na kabarkada ni Arjo para sa kanila...

uutangan mo ako ng pang-renta ng bahay..
kung saan nakatira din yung mga kamag-anak ni Arjo..
pero parang naka-live-in ka na sa bahay nung Kabayo..
grabe ka din makipagrelasyon, naka-auto-live-in eh... 🙁

hindi na ako makikialam sa mga utang ninyo from now on..
at babawiin ko din lahat ng mga inutang ninyo sa akin..
tinanong kita kung may nanliligaw na ba ulit sa'yo, pero sinabi mo na huwag nating pag-usapan..
ni hindi ninyo magawang ipakita sa social media ang isa't isa dahil nagsasama na kayo kaagad kahit na halos kagagaling mo lang sa break up..
nahihiya kayo na mahusgahan ng ibang mga tao..
may ginagamit ka ng lalaki..
pero umaasa ka pa rin sa pera ko, dahil kinukulang yung Kabayo na iyon... 🙁

is 💔 feeling , wala akong patatawarin sa inyo.. kahit pa yung batang anak nung Kabayo.. magsama-sama kayong mawasak...


>
bakit ba ganito..?
galit ako sa kanya..
dahil sa manipulasyon na ginagawa niya sa akin..
pero why do i still care...?? 🙁

hirap na hirap na yung isipan niya..
nagpapanggap siya na kaya pa niya..
pero halos pabigay na siya mula sa loob..
totoong kasalanan niya, na pinalala ng crisis na dulot ng bioweapon..
na nakagawa siya ng limpak-limpak na mga obligasyon..
tapos parehas kaming tinarantado ng demonyong Tabachoy..
sinubukan nilang magnegosyo, pero wala sila sa focus..
ibinigay niya ang lahat kay Arjo..
pero iniwan din naman siya nung lalaki..
at namatay pa yung anak nila..
pasan-pasan niya parati ang kanyang pasaway na kapatid..
pero siya pa ngayon yung mismong na-disable kung kailan kailangang-kailangan nila ng pera... 🙁

napakadaling sabihin para sa lahat na kumapit lang sa namamahala sa universe..
but still, hindi naman iyon yung sagot... 🙁

nakakaasar lang na nandun na nga yung oportunistang Kabayo na iyon..
pero hindi niya kayang maging sapat para dun sa babae... 🙁

hindi ko siya kayang makita nang ganito.. 🙁
ayokong lamunin siya ng financial problems nila..
ayokong bumigay yung isipan niya dahil sa walang-tigil na buhos ng mga problema para sa kanila...

is feeling , bigyan ninyo ako ng tsansa sa Lottery.. kapag nakaakyat ako sa Php 40,000 na monthly, kakalimutan ko lahat ng galit ko sa kanya na dahil lang sa pera.. tapos tatapusin ko lahat ng mga obligasyon niya sa ibang mga tao...

---o0o---


July 12, 2021...

kahirapan..
iyon nga yung bagay na mas nakakasakit sa akin ngayon.. 🙁
siguro kung mayaman lang ako..
na baka hindi ko masyadong maramdaman yung sakit ng pag-rely niya sa akin pagdating sa pera..
na baka hindi ko masyadong kainggitan kung ano man yung meron sa pagitan nila ng Kabayo na iyon...

pero sa ngayon kasi..
kayang-kaya akong saktan nung Php 88,000 na napasakamay at nahiram niya sa loob lamang ng 4 na buwan...

is feeling , tulungan ninyo ako na huwag siyang wasakin, please...

---o0o---


July 13, 2021...

late discovery...

so natuloy pa rin nga pala yung event ng mga kabarkada nila last June..
at madaming tao ang dumalo..
inuman..
kantahan..
basta lumabag ang mga put* sa mga health protocol..
walang kuwentang local government unit..
kinunsinti lang ang mga ganung klase ng event...

kaya naman hindi ko sila napigilan.. 🙁
nagkasama nga sila nung Kabayong bakod noon doon sa event..
noong mga panahon na galit siya sa akin...

nakakaasar lang isipin na mismong mga relatives ni Arjo eh kinukunsinti ang mabilis na pagsasama nung 2... 🙁

is 💔 feeling , bakod...


>
yung problemado sila sa pera..
pero nagawa nilang kumain ng maluhong pagkain..
at may pera din para sa inuman noong gabi...

inuna na naman ang pagpapakasaya kumpara sa trabaho..
may emergency na paparating..
pero ayun at nagwaldas na naman ng pera...

nakasama yung circle of friends nung mga babae sa kainan..
kaso ayun, kasama din yung Kabayong bakod..
lagi na lang..
at masakit din na botong-boto ang ate niya sa single father na iyon... 🙁

sa ngayon, wala akong magawa kundi umasa na matatakot na siya sa naging experience niya..
na mag-iingat na siya laban sa mga lalaki..
at na matatakot na siya laban sa mga buntisang eksena... 🙁

is 💔 feeling , sobrang sakit makita ang mga alaala nilang 2.. higit pa kesa nung panahon ni Arjo.. kasi this time, nakita ko kung gaano kabilis yung paglandi niya sa bagong lalaki...


>
universe..
alam ko na napakasama kong nilalang..
dahil sa paulit-ulit kong pagkuwestiyon sa buhay...

pero sana tulungan pa rin ninyo yung babaeng gusto ko..
i mean, totoong madalas akong magalit sa kanya lately dahil dun sa malapit na relasyon niya doon sa Kabayong bakod..
pero kasi hindi ko siya kayang nakikita na naghihirap lalo dahil dun sa namatay na baby.. 🙁
sana maidaan na lang sa gamot yung kondisyon niya..
sana umubra..
sobrang mahal pala kasi nung medical procedure para sa ganun..
5 digits yung mga nakikita kong naka-advertise eh..
kaya sana naman hindi na kailanganin na kawkawin pa yung sinapupunan niya... 🙁

is feeling , at sana din maging milyonaryo na ako kaagad.. para mawalan na ako ng pakialam sa kahirapan.. at para mawala na yung takot ko na tulungan siya sa buhay...

---o0o---


July 14, 2021...

nagkamali ako..
mukhang hindi ina nung bata yung nakita ko dati..
tiyahin siguro...

pero nakita ko na rin nga yung totoong ina niya..
lokong Kabayong bakod na iyon..
okay na yung itsura nung babaeng naanakan niya..
pero nagawa pa ring iwanan..?
parehas lang sila ni Arjo..
hindi protektadong torjack-an lang ang habol sa babae, tapos ay iiwanan din sa bandang huli... 🙁

puros ka pagkukunwari na loyal ka sa babae..
eh iniwan mo nga yung ina ng anak mo..
problema mo na yung panggastos ng anak mo..
pero talagang inilalaan mo pa sa dating girlfriend ng kabarkada na tinraydor mo, para lang makuha yung loob nung babae..
walang pera..?
pero may pang-date sa maluhong kainan, kung saan nasa Php 300 to Php 500 ang isang meal..
walang pera..?
pero may pang-inom...

walang mambubuntis lang na loyal..
basura ka..
basura kang ama...

is ⚠ feeling , kailangang makita ni Miss Racal ang butas na 'yon sa pagkatao nung lalaki...


>
ako ba talaga ang nagdala ng kamalasan sa buhay niya...?? 🙁

simula pa lang ang malas-malas ko na..
nagoyo ako sa pinakaunang date sana namin..
pinapasok sa bayan ang bioweapon kaya nawala sila..
tapos binaha ang capital noong panahon sana para sa bawi na date ko sa kanya...

after niya akong makilala, parang nagtuluy-tuloy lang ang mga kamalasan sa pagitan namin..
ginago kami ng Demonyong Tabachoy sa Dream Date sana namin..
pinalayas sila..
pumalpak yung substitute date ko sa uncharted territory..
hindi umubra yung napili nilang negosyo..
hina-haunt siya ng mga pagkakautang niya..
iniwan siya ni Arjo..
kaso may iniwan rin palang deposito yung gago bago siya umalis..
namatay yung baby sa sinapupunan..
tigil na naman siya sa trabaho dahil sa kondisyon niya..
at heto nga, nakasalalay pa yung kaligtasan nung ina sa ngayon kung maaalis ba nang husto yung patay na bata sa loob ng kanyang katawan... 🙁

universe..
ako ba ang dahilan kung bakit ganito yung nararanasan niya lately..?
kasalanan ko ba kung bakit siya minamalas sa buhay niya...?? 🙁

is 💀 feeling , paalala mo pa rin ba ito na dapat ko talagang patayin ang sarili ko..? para magkaroon ng maayos na buhay ang ibang mga tao...??


>
ayun nga..
wala eh..
kailangan niyang dumaan sa Dilation and Curettage (D & C).. 🙁
therapeutic, kasi nakunan yung case niya..
kaya kakawkawin nang husto yung loob niya...

base sa estimate na age nung fetus..
lumalabas na nag-iwan sa kanya ng pabaon si Arjo bago siya nakipaghiwalay..
that was 45 days, mula noong araw na nabanggit niya sa akin na single na nga ulit siya...

ang sakit-sakit.. 🙁
na pinabayaan siya nung lalaking iyon nang dahil lang sa pera..
na sinaktan na siya noon..
na muli siyang nasaktan dahil sa pagkamatay nung bata..
pero heto pa't problemado siya sa pera at sa kalusugan niya dahil sa kanyang naging kondisyon..
gaano ba pwedeng maging kapabaya ang mga mambubuntis lang na mga lalaki para gawin yung ganun sa mga babae...??

at ang selfish ko.. 🙁
may pera naman ako sa ngayon..
pero ayoko talaga na ako ang sumalo sa kalat at problema na nilikha ni Arjo..
kung sasaluhin ko man siya ulit, ayokong gamitin yung perang pinaghirapan ko..
kasi madami na rin ang nawawala sa akin..
Lottery na lang talaga ang pag-asa ko para matulungan ko siya nang hindi na ako masyadong nag-iisip pa...

is feeling , kahit 1 matinding suwerte lang...

---o0o---


July 15, 2021...

ang sakit-sakit na marinig siya na umiiyak... 🙁

universe..
alam kong sobrang kapal ng mukha ko para humiling pa sa inyo ng kung anu-ano, kahit na parang anak naman ako ng demonyo..
alam kong kamatayan lang ang nababagay na kapalaran para sa akin..
may tinatapos lang talaga ako na Manga...

pero yung babaeng gustung-gusto ko..
sunud-sunod na yung tumatamang mga kamalasan sa kanila simula noong makilala niya ako.. 🙁
kung totoo man na kaparusahan iyon para sa akin, o hindi..
sana this time, bigyan nyo naman siya ng konti pang pag-asa..
tulungan ninyo siya na malagpasan yung pagkawkaw na gagawin sa kanyang sinapupunan..
sana panatilihin nyo lang siya na ligtas..
gusto pa niya ulit makita yung baby niya sa ibang pagkakataon, kaya sana ibalik nyo din yung maayos niyang kalusugan, kahit pa na medyo madami siyang bisyo..
tsaka sana may mga tumulong din sa kanila financially, habang naghe-hesitate ako na saluhin yung kalat ng dati niyang boyfriend...

sana mahalin nyo din po siya tulad ng pagtrato ninyo sa iba nyo pang mga anak...

is feeling , please, be safe...

---o0o---


July 17, 2021...

ano nga ba...?

una..
mukhang naaayos na yung gusot sa pagitan nung matalik na magkaibigan, dahil sa pinagdadaanan ngayon ni Miss Racal..
at masaya ako na nandun pa rin yung kaibigan niya para patuloy silang alalayan..
kung pwede nga lang sana, eh sila na lang ulit magkakaibigan ang magsama-sama sa bahay..
para wala ng mga live-in, live-in kasama ng mga oportunista...

tapos may lakad yung mga lalaki..
at mukha namang hindi kasama yung mga babae..
malamang dahil sa mga pinagdaanan nilang medical procedures..
lately, hindi malinaw yung status sa pagitan ni Miss Racal at nung Kabayong bakod..
pero nagkakasama pa rin nga sila..
at iyon talaga ang lamang nung lalaki na 'yon..
dahil nakakalapit siya at naipapakita niya yung pagmamalasakit niya sa babaeng gusto ko.. 🙁
sa ngayon, umaasa lang ako na magiging threat nga yung anak nung mambubuntis lang na lalaki para sa kung anumang relasyon ang binabalak nilang buuin..
kasi kapag hindi sila nagkusang tumigil, eh mapipilitan talaga akong gumawa ng mga paraan para durugin silang lahat...

dahil sa babaeng 'yon, madalas kong kinakausap ang universe..
kahit pa hindi ko alam kung may patutunguhan ba yung ginagawa ko o wala..
pero wala rin naman akong choice eh..
kung wala akong pera, wala din naman akong magagawa para sa iba... 🙁

is 💔 feeling , gusto mo bang subukan na maging masaya..? o susuko ka na lang sa kung sino ang lamang...??

-----o0o-----


July 11, 2021...

5 years na akong gumagamit ng Daz Studio..
iwan ang physical technology na meron ako..
pero walang magagawa kundi umasa lang sa kung ano ang meron...

sorry..
sorry dahil napunta sa walang kuwentang mga bagay ang lahat ng mga pinaghirapan natin... 🙁

is feeling , salamat sa libre...


>
[Medical Condition]

hindi ko alam kung may negative side effect siya sa ibang bahagi ng katawan..
pero ang bangis nung Serpentina laban sa naging depekto ko sa baga...

mas okay yung medyo nanguyang dahon na nakababad lang sa bibig..
kumpara doon sa tubig na pinagpakuluan lang nung dahon..
masama ang tama niya sa memory..
as in nakakasukang maalala yung lasa niya..
pero bearable naman kung nakababad nga lang sa gilid ng bibig, at nilulunok yung extract...

walang sinabi yung tig-Php 100 plus na mga syrup na ni hindi tumatagal ng 1 week..
1 week pa lang akong nagbababad ng Serpentina sa bibig..
pero halos cleared na yung problema ko sa baga..
depekto na lagpas 3 buwan ko nang nilalabanan...

is  feeling , go herbal...

---o0o---


July 13, 2021...

additional na 5 days sa rendering..
kaya nasa 57 days na ako sa production...

simula na rin ng photoshop..
na magiging mahirap dahil sa mga komplikadong error sa rendering...

is feeling , tuloy lang...

---o0o---


July 15, 2021...

[Music / K-ture / Cuties]

Twice - Feel Special


ganito dapat yung pinaparamdam sa mga babae eh...

recently ko lang siya nagustuhan nang dahil sa Eat Bulaga..
maganda pala yung lyrics niya...

yung pinakitaan ako ni Angel Locsin ng Twice ng weakness ko na black high heels sandals.. ❤
kaya gigil na gigil ako sa Dream Date na 'yon eh...

credit goes to the original creator(s) and uploader(s) of the video...

is 💘 feeling , that's what you do...

---o0o---


July 16, 2021...

[Gadget-Related]

may naka-access sa eBay account ko..
bandang gabi, kaya imposibleng ako ang may gawa nun.. 🙁
nasa Capital Region yung estimated source...

sinusubukan kong magpalit ng password..
kaso hindi rin naman gumagana nang ayos yung option... 🙁

is feeling , pero paanong nangyari 'yon...??


No comments:

Post a Comment