Sunday, June 27, 2021

Pretending

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 350...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 34 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung kagustuhan na ipaaresto na ang mga ayaw magpabakuna, na para bang sapat ang kanilang naipo-provide

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Iloilo, yung Barangay Kagawad na naaresto sa isinagawang buy-bust operation
  • sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz, Manila, yung security guard na pinatay sa pamamaril ng binabantayan daw niyang pasyente na isang Barangay Kagawad

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Surigao del Sur, yung 3 Lumad na namatay sa pamamaril ng mga sundalo, kung saan 12 y/o lamang ang isa sa mga biktima
  • sa BiΓ±an, Laguna, yung kaso nung 16 y/o na lalaki na kasama sa mga napatay ng mga pulis sa isang anti-illegal drugs operation, nakakapagtaka na may mga claim na napadapa na DAW iyong biktima at nakaposas na rin DAW

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pag-amin ng DOH na may mga fully vaccinated na na mamamayan na tinatamaan pa rin ng COVID-19
  • yung may apela na gawing single dose vaccine ang Sputnik V, pero may ginagawa ring patakaran na gawing 3 weeks ang interval nung 1st at 2nd dose
  • yung mga pinuno na isinusulong ang hindi pagre-require ng paggamit ng face shield in public places puwerket wala daw ganung mga patakaran sa ibang mga bansa
  • yung mga pinuno na naghahanap pa ng scientific basis sa paggamit ng face shield, samantalang ginagamit nga ang mga ganun sa medical field
  • yung pinuno na inirereklamo na mahal daw ang face shield samantalang may mura lang naman at pwede ding gamitin nang paulit-ulit basta't idi-disinfect lang
  • yung mapanganib na kagustuhan na idiretso na lang sa home quarantine ang mga uuwing OFW kahit na batid nila na maraming mga pasaway na mga mamamayan
  • yung extended na yung Bayanihan 2 kung tutuusin, pero hanggang ngayon ay may bilyun-bilyon pang piso na pondo ang hindi nagagamit
  • yung namamahalan DAW ang mga OFW sa gastusin habang nasa quarantine, samantalang may mga reklamo at request ng budget para sa pagsuporta sa kanila
  • sa Camarines Sur, yung pagsabog ng COVID-19 sa Regional Training Center 5 Annex ng Philippine Public Safety College at National Police Training Institute, kung saan nasa 60 plus na carrier ang na-detect mula sa mga police trainee at staff
  • yung siksikan ng mga pasahero para sa EDSA Carousel sa panahon ng COVID-19 variants na ikinagulat ng LTFRB
  • yung mga transport operators na kinontrata ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 na hindi pa rin daw nababayaran ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising, and Regulatory Board (LTFRB)
  • hindi ako sigurado, pero ito yata yung pamahalaan kung saan pinakamadami ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid kahit na wala namang labanan na nangyayari
  • sa DepEd, yung panibagong isyu sa learning module kung saan gumamit ng masyadong mahalay o bulgar na pananalita
  • yung pag-aalok ng Department of Finance (DOF) ng nasa Php 900,000 plus na kontrata bilang social media strategist sa nabisto dati na nagpapatakbo ng madaming kaduda-duda na social media accounts
  • yung pinuno na ginamit ang sariling kapalpakan, para lang palabasin na inaatake siya

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bicol, yung pami-pamilya ang nagiging hawaan ng COVID-19
  • yung pagiging pasaway ng maraming mamamayan sa Naga City sa panahon ng COVID-19 variants, kahit na nasa MECQ yata sila
  • yung mga kaganapan sa kamatayan ng isang dating pinuno na dinumog ng mga tao sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Metro Manila, yung mga pasaway na nag-celebrate ng Fathers' Day 2021 sa mga pampublikong pasyalan, na marami ay may kasama pang mga bata
  • sa Quezon City, yung Korean Restaurant na nagpunuan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Camarines Sur, yung fraternity party ng mga pasaway sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Calauag, Quezon, yung tila naging street party ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
  • yung ilegal na rebranding ng mga modem ng isang telecommunications company bilang modem ng isang Imperial company
  • yung 2-in-1 na demolition and promotion approach sa social media, kung saan sinisiraan ang pangalan ng isang namatay na tao sabay mention din naman sa pangalan ng mga ini-endorse nila
  • sa ParaΓ±aque City, yung 5 daw Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan, na nahuli matapos ang tangkang pagdukot sa isang POGO worker na Imperial citizen din
  • yung Olympic qualifier na sprinter na fully vaccinated na ng Pfizer brand, pero naging carrier pa rin ng COVID-19
  • yung British na 10 buwan nang sunud-sunod na nagpo-positive sa COVID-19
  • sa Indonesia, yung mahigit 350 na medical workers na tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit na naturukan na sila ng Imperial vaccine
  • yung mga bansa na umasa sa Imperial vaccine, pero ngayon ay humaharap sa surge nung virus
-----o0o-----


June 21, 2021...

sa Bicol..
yung pami-pamilya ang nagiging hawaan ng COVID-19...

is ⚠ feeling , walang magagawa.. mga wala silang pakialam eh...


>
sa Calauag, Quezon..
yung tila naging street party ng mga kabataan..
kesyo nagpatugtog lang daw doon sa isang bahay ng sounds eh..
ini-report yung insidente kaso wala daw rumesponde...

is feeling , mga pasaway...


>
sa Metro Manila..
yung mga pasaway na nag-celebrate ng Fathers' Day sa mga pampublikong pasyalan..
marami ang may mga kasama pang bata...

ang lahi na adik na adik sa mga okasyon at sa mga gatherings... πŸ™

is feeling , tinawag pang mga magulang, wala namang pakialam sa mga bata...


>
yung pag-aalok ng Department of Finance (DOF) ng nasa Php 900,000 plus na kontrata bilang social media strategist sa nabisto dati na nagpapatakbo ng mga Zombie Farm...

ang daming account..
very reliable... πŸ™

is ⚠ feeling , baka nga nagrerenta pa yun ng click farm sa Imperyo eh...


>
yung pag-amin ng DOH na may mga fully vaccinated na na mamamayan na tinatamaan pa rin ng COVID-19...

hindi sinabi kung anu-ano ang bakuna nung mga tinamaan pa rin nung virus... πŸ™

kaya nga hindi dapat magpabaya..
hindi pwedeng gawing lisensya yung put*ng inang mga bakuna para makakilos nang walang screening..
dahil kahit sabihin pa na ligtas na yung bakunado mula sa malubhang epekto ng COVID-19..
eh paano naman yung mga kawawang posible nilang mahawa dahil nga akala nila na immunity ang napo-provide nung vaccine...??

is feeling , kaya nakarurumi yang mga basurang nagre-request ng maluwag na patakaran eh...

---o0o---


June 22, 2021...

yung extended na yung Bayanihan 2 kung tutuusin..
pero hanggang ngayon ay may bilyun-bilyon pang piso na pondo ang hindi nagagamit...

is feeling , may pera.. pero yung mga local health workers eh aping-api...


>
yung kagustuhan na ipaaresto na ang mga ayaw magpabakuna... πŸ™

number of population..
divided by number of available vaccines..
plus consideration of vaccine efficacy..
plus consideration of vaccine acknowledgement..
plus consideration of very costly adverse side effects...

is feeling , ang dapat bitayin yung patuloy na nagpapatagos ng mga pu*ng inang carrier sa mga border...


>
sa BiΓ±an, Laguna..
yung kaso nung 16 y/o na lalaki na kasama sa mga napatay ng mga pulis sa isang anti-illegal drugs operation...

ang gulo lang na parating iyong ina ang tinatanong, eh hindi naman testigo iyong taong 'yon..
ang nakakapagtaka doon sa kaso eh yung mga claim na napadapa na DAW iyong biktima at nakaposas na rin DAW...

is feeling , shortcut na lang...??


>
yung mga transport operators na kinontrata ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 na hindi pa rin daw nababayaran ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising, and Regulatory Board (LTFRB)...

nasa ilang bilyon ang pinag-uusapang halaga eh...

is feeling , tulong ang request nila noon pa man.. hindi pang-aabuso...

---o0o---


June 23, 2021...

yung mga pinuno na naghahanap pa ng scientific basis sa paggamit ng face shield.. πŸ™
hindi pa ba sapat na ginagamit yung mga ganun at ang iba pang klase ng PPE sa mga ospital para masabi na may purpose nga yung ganun...??

dapat sa inyo eh pinapaubahan sa mga carrier nang face mask lang ang suot ninyo...

is feeling , hindi pwedeng mamuno ang mga gaya-gaya lang...


>
sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz, Manila..
yung security guard na pinatay sa pamamaril ng binabantayan daw niyang pasyente na isang Barangay Kagawad..
kesyo inawat lang daw nung guard yung pasyente sa pagkilos...

is feeling , authority corrupts...


>
sa Camarines Sur..
yung fraternity party ng mga pasaway sa panahon ng COVID-19 variants...

is feeling , kakampi ng mga teroristang Imperyalista...


>
yung may apela na gawing single dose vaccine ang Sputnik V..?
pero may ginagawa ring patakaran na gawing 3 weeks ang interval nung 1st at 2nd dose...?

is feeling , ilan lang 'to sa patunay na hindi nagtatagumpay ang giyera laban sa ilegal na droga.. sobrang gugulo ng takbo ng mga utak nila...


>
yung ilegal na rebranding ng mga modem ng isang telecommunications company bilang modem ng isang Imperial company... πŸ™

is feeling , Imperial destroyer...

---o0o---


June 24, 2021...

yung mga bansa na umasa sa Imperial vaccine..
pero ngayon ay humaharap sa surge nung virus... πŸ™

tapos may mga bobong pinuno na nililinlang ang mga tao na kesyo pantay-pantay lang ang kakayahan ng mga existing vaccines... πŸ™

problema pa ngayon kapag mas nag-mutate yung virus para maging immune na laban doon sa vaccine na iyon...

is feeling , so trap nga lang iyon..? para maloko ang mga tao na kesyo may panlaban na sila, but then lalabas na palpak naman pala yung vaccine...??


>
yung Olympic qualifier na sprinter..
na fully vaccinated na ng Pfizer brand..
pero naging carrier pa rin ng COVID-19...

put*ng ina mo ka..
gusto mo pa rin bang magpakulong ng mga mamamayan..?
bukod sa kulang ang bibilhin ninyo..
eh wala pa namang perpektong vaccine... πŸ™

is ⚠ feeling , gusto nyo pa rin ba ngayon ng VIP treatment para sa mga fully vaccinated na pwede pa rin namang makapanghawa...??


>
sa social media..
yung paggamit ng mga kampon ng alyansa sa pangalan nung taong namatay..
para lang palabasin na hustisya iyon para sa Dictator Clan at sa Cosplayer..
at na inosente ang mga kriminal na iyon... πŸ™

is feeling , pasimple pa ang mga p*ta.. mini-mention yung apelyido, sabay mention din sa pangalan nung mga kriminal.. 2-in-1 attack, demolition and promotion...


>
hindi ako sigurado..
pero ito yata yung pamunuan kung saan pinakamadami ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid kahit na wala namang labanan na nangyayari...

is feeling , anong sumpa ang dala ng panahon na ito...??

---o0o---


June 25, 2021...

yung British na 10 buwan nang sunud-sunod na nagpo-positive sa COVID-19...

is feeling , so ganun katagal yung banta na posible siyang makahawa ng ibang tao...??


>
yung mga kaganapan sa kamatayan ng isang dating pinuno na dinumog ng mga tao sa panahon ng COVID-19 variants...

is feeling , ano kayang mangyayari...?


No comments:

Post a Comment