Saturday, June 26, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of June 2021 (Video Calls)

Loveless Story


June 20, 2021...

Undesirable Qualities:
- hindi ako guwapo
- hindi ako matangkad
- hindi maganda ang pangangatawan
- matanda na
- hindi ako mayaman, ni hindi ako financially stable
- wala akong sariling bahay
- wala akong sasakyan
- hindi yata ako mabango (pangarap ko sanang maging amoy Cranberry)
- mas makakalikasan ako kesa sa makatao 
- hindi ako malapit sa mga divine entities (mukhang gusto nilang patayin ko ang aking sarili)
- may kakambal akong kamalasan (sa halos bawat desisyon ko sa buhay palaging may nangyayaring masama)
- nabubulok na ang katawan ko (sari-sari ang mga karamdaman)
- hindi ako daks

is 💔 feeling , paano nga ba ako makakabudol ng babaeng gusto ko kung ganito...??


>
naiisip pa rin niya yung hiwalayan nila ni Arjo..
iyon din yata yung tinutukoy niya na kesyo mahirap maghabol..? 🙁
mukhang talagang napamahal siya sa lalaking iyon..
or baka hindi lang talaga niya makayanan na iniwan siya nung lalaki kung kailan buhos para sa kanya ang mga problema sa panahon ng bioweapon..
to think na naiisip niyang makipagbalikan matapos siyang masaktan nung lalaki...

to be honest, hindi ko siya kino-consider na totoong inosente sa mga nangyari..
na baka Karma niya iyon dahil sa mga nagawa namin..
at dahil sa mga pinagawa niya sa akin..
siguro nga ginawa niya lang iyon sa ngalan ng trabaho..
sa ngalan ng pera..
hindi siya yung bukod tanging gumawa ng ganun..
kaya baka wala din nga siyang karapatan na masaktan sa ginawa sa kanya ni Arjo...

sa ngayon, she's trying to convince herself na tapos na yung chapter na iyon ng buhay nila..
na may mas magandang paparating kaya nagwakas na iyon doon..
kaya gusto kong ako yung maging better na iyon na paparating sa buhay niya... 🙁

pera..
the only thing that can make you look desirable..
sana talaga manalo na ako sa Lottery..
o di kaya eh mahanap na ako ng maraming kliyente mula sa iba't ibang panig ng mundo..
iyon lang 2 ang paraan para magkaroon pa ako ng laban sa buhay at sa pag-ibig...

is 💔 feeling , kahit na anong milagro.. kahit na kanino pa manggaling.. basta magkaroon lang ako ng tsansa para kupkupin siya...


>
na-feature sa TV yung asawa nung pinsan ni Miss Racal..
tungkol sa dating trabaho, ipinalit na trabaho, at idinagdag na trabaho ngayong panahon ng bioweapon...

nagulat akong makita yung pamilya ng pinsan niya sa TV...

is feeling , at least responsableng lalaki iyon...

---o0o---


June 21, 2021...

another day of silence..
madalas siyang disconnected nitong mga nakaraang araw..
na nagche-check na lang from time to time...

parang mga lalaki na yung kasama niya sa inuman kagabi..
tapos may kantahan pa..
ilang araw na rin na nasa parang bar yung mga update niya..
since noong June 15, a day matapos niyang makipag-ayos sa akin..
posible kaya na bumalik siya sa ganung trabaho..?
pero sabi niya wala naman siyang trabaho at palaging nasa bahay lang..
lagot na naman sa alak ang tiyan niya neto... 🙁

sana lang, kung sinuman yung nag-aalaga sa kanya lately, eh protektahan siya mula sa mga mapang-abusong tao.. 🙁
siyempre nag-aalala din ako tungkol sa bioweapon, kasi alam kong pasaway ang mga establishments sa uncharted territory...

is feeling , kahit isang Lottery miracle lang talaga para sa buong buhay ko.. para maka-suweldo na ako ng Php 40,000 a month...

---o0o---


June 22, 2021...

2nd day of silence..
ni hindi niya sinagot yung message ko para sa kanya last Sunday..
as in wala din kahit isang social media activity...

mahirap talaga kapag wala kang pera..
hindi ka mapapansin ng ibang tao kung wala kang pera... 🙁

nasaan ka na ba..?
ano nang ginagawa mo..?
ano nang nangyayari sa'yo..?
nag-aalala ako dahil parang mga lalaki na yung huli mong kasama... 🙁

is feeling , talo na naman doon sa isang sugal.. sa Wednesday na ulit makakapaglaro...

---o0o---


June 23, 2021...

3rd day of silence..
natuloy kaya sila sa sinasabi niya noon na pupuntahan nila...?

sinubukan kong magtanong sa ate niya..
pero gaya ng madalas nung gawin sa akin, hindi na naman niya ako pinapansin..
na para bang may instruction sa kanya yung kapatid niya na i-ignore lang lahat ng messages na sa akin manggagaling...

hindi ko siya basta-basta kinakausap..
ang hirap din kasi lalo't alam mo na wala ka rin namang masasabing good news para sa kanya... 🙁

is feeling , halos 2 months na rin akong naghihintay ng himala...

---o0o---


June 24, 2021...

dahil hindi ako pinapansin ng ate niya..
siya na lang ulit ang sinubukan kong kausapin..
at sumagot naman siya..
napilit ko siyang sumagot..
busy lang siguro...

natuloy nga sila sa pag-uwi sa kanilang probinsya..
ilang araw din siguro..
may asset pa siyang hindi naibebenta...

gusto kong maging isang panaginip..
hindi ang maging isang bangungot lang para sa kanya... 🙁

is feeling , paano ba 'to..? walang umuubra...


>
ang sakit..
so kasama nila yung kabarkada ni Arjo sa pagpunta nila sa probinsya.. 🙁
isinabay pala nila sa gimik, sa outing, para may sasakyan sila..
grupo naman sila..
kasama din yung future sister-in-law niya sana, at yung relative ni Arjo na housemate nila sa paupahang bahay..
kaso halatang-halata na laging nakadikit sa kanya yung kabarkada ni Arjo, saan man sila magpunta.. 🙁
binakuran na siya eh...

na-meet din nung traydor na kaibigan yung tumayong ama ni Miss Racal.. 🙁
tsaka, kapansin-pansin nga pala na hindi na kinikibo nung lalaking iyon si Arjo..
umiiwas siguro kasi guilty tungkol sa masama niyang balak dun sa babae, guilty tungkol sa mga pagbanat niya laban sa pagloloko ng mga kalalakihan...

nape-pressure ako..
financially, dahil sa kagustuhan kong tapusin na ang lahat ng mga utang niya..
tsaka with respect sa time..
natatakot ako na baka maging desperado si Miss Racal kapag lalo pang tumagal yung problema niya sa pera..
pakiramdam ko na lahat ng sacrifices ko eh walang laban sa mere presence nung kabarkada ni Arjo malapit sa babaeng gusto ko... 🙁

sa ngayon, wala akong magagawa kundi ang umasa na hindi gagawin ni Miss Racal yung maling desisyon..
ang irespeto niya muna yung past relationship niya, kahit pa nasaktan siya doon..
ang hindi niya patulan yung malapit na kabarkada ng dati niyang boyfriend..
at ang umiwas na umibig sa isang lalaking hindi stable sa pagiging single father nito...

is 💔 feeling , huwag naman.. please lang...


>
naka-video call ko naman siya ngayong araw..
in-accept niya yung tawag ko..
totoo nga palang ganun yung itsura niya lately..
natadtad talaga siya ng pimples, unlike her almost flawless condition last year..
talagang umaasa nga lang siya sa filter nitong mga nakaraang panahon...

hindi ko na naman alam kung nasaang bahay siya..
hindi kamukha nung inuupahan nilang bahay eh..
hindi rin kamukha nung madalas niyang gamitin na higaan..
ginamitan din niya ako ng earphones, so malamang na inililihim niya ako sa mga kasama niya doon..
tapos ayun, iyong mask name ko pa rin yung tawag niya sa akin... 🙁

masaya ako..
masaya ako na makita siyang ngumingiti..
sana lang magawa kong maibalik iyong totoong ngiti niya, iyong wala na siyang masyadong iisipin pa na problema sa buhay...

grabe talaga ang mga 'yon..
grabe ang mga kakilala nila..
parang hindi naghihirap sa buhay..
kakain na naman sila ng comfort food niya..
sino na naman kaya ang kasama nila..?
sana lang eh hindi iyong kabarkada ni Arjo... 🙁

tapos aalis ulit sila sa isang araw..
sa isa pang magulang nila ang punta..
sana naman eh hindi na sumama pa doon iyong kabarkada ni Arjo... 🙁

is 💘 feeling , kailangan ko talaga yung milagro na iyon sa buhay ko...

---o0o---


June 25, 2021...

sa halip na managinip ako dahil nakita ko nga siya kahapon..
binangungot ako dahil dun sa traydor na kabarkada ni Arjo... 🙁

put*ng ina..
maya't maya ang gising ko dahil lagi ko siyang nakikitang katabi ni Miss Racal.. 🙁
eh late na rin nga akong nakatulog kagabi...

tapos nagkasundo pa yung 2 na kesyo hindi na nila dapat na isipin pa ang sasabihin ng ibang tao..
na dapat sundin lang nila yung magpapasaya sa kanila..
anong ibig sabihin nun..?
plano na ba talaga nila na maging sila na kaagad, kahit na halos kahihiwalay lang nina Miss Racal at Arjo...?? 🙁

please naman..
huwag ganito..
ayoko siyang bumalik sa trabaho..
pero ayoko rin siyang maging girlfriend nung taong iyon.. 🙁
sana manatili muna silang magkalayo nang matagal na panahon...

universe..
kahit 1 lang talagang milagro para sa buong buhay ko dito sa mundo..
hindi ko malabanan ang online piracy.. 🙁
pero kailangang-kailangan ko talagang ma-boost yung monthly income ko hanggang Php 40,000 man lamang...

is 💔 feeling , it is never about your efforts for that particular person.. but it is about that person, making the decision of choosing you...


>
ang ganda sana ng bati niya sa akin kaninang umaga..
akala ko pa naman na plano niyang makipagkuwentuhan sa akin..
kaso may mensahe lang pala siya mula sa ibang mga tao... 🙁

panalo na naman yung kabarkada ni Arjo..
parang bantay-sarado niya yung timeline nung lalaki eh..
nagre-react sa halos lahat ng ipaskil..
dati na silang close..
madami kasi yung naitutulong sa kanya nung lalaking 'yon..
pero mukhang mas nasamantala nung mokong noong naghiwalay na iyong kabarkada niya at yung babae... 🙁

hindi ko alam kung kanino o paano ako hihingi ng saklolo..
buong buhay ko kasi parang wala namang nakikinig sa akin..
pero handa akong gawin ang lahat para sa'yo..
susubukan ko, kahit pa yung mga bagay na walang kasiguraduhan...

is 💔 feeling , ayokong sukuan ang mga ngiti mong iyan...

---o0o---


June 26, 2021...

naging sobrang busy ngayong araw..
hindi pa nga ako tapos sa mga pang-Sabado kong gawain eh..
3 araw na tuloy akong walang tulog sa hapon... 🙁

nag-harvest ng mga panibagong resources kanina...

tapos ayun..
kinailangan na naman niya ng tulong ko..
ubos na ako..
isinagad ko na yung natipid ko mula sa pagpapatitulo ng bahay..
kaya naman wala na talagang susunod doon..
hindi ko na siya maaalalayan in case na magkaproblema pa siya ulit... 🙁

nag-video call ulit ako sa kanya..
para makita ko yung lagay niya doon..
pero talagang malabo pa rin ang mga plano niya eh..
hindi ko rin naman siya masisisi..
wasak talaga ang mundo sa panahon ng bioweapon..
lalo na para sa kanila na wala namang sariling bahay..
at na nakaasa ang trabaho sa turismo..
sugal lang talaga ang lahat...

lokong bata 'yon..
kailan daw ako bibisita sa capital..?
eh sa kanya na nga napupunta lahat ng savings ko.. 🙁
hindi ko nga mabuo ulit yung Dream Date ko eh...

is 💌 feeling , Lottery na lang talaga ang makakapagligtas sa amin...

-----o0o-----


June 19, 2021...

[Gadget-Related]

unang system error ng Nokia 2.3 ko..
after 43 charges in 9 months..
at habang nasa Android 11 na OS...

basta na lang..
bigla na lang ayaw mag-on ng Wi-Fi connection..
nabubuksan naman ang settings pero hindi gumagana..
sumablay maging sa restart, dahil hindi nabuhay, black screen lang, pero gumagana yung mga button controls...

is feeling , mabuti na lang na-off, kaya nabuhay ko pa ulit...

---o0o---


June 20, 2021...

[Medical Condition]

ano bang plano nila sa baga ko..?
tag-init lang ba, o talagang nagpapawis ang likuran ko tuwing hapon...?

hayop talagang buhay 'to..
heto ako, gustung-gustong tulungan yung babaeng gusto ko para makaalis na siya sa uncharted territory..
pinabayaan ko na nga yung naging depekto ko simula noong December 2020..
hindi ko na ipinasuri hanggang sa nawala na lang..
tapos heto na naman, may panibagong karamdaman na naman..
at magti-3 months nang hindi gumagaling...

ano ba talagang plano para sa akin ng universe..?
trap lang ba lahat ng ito..?
plano ba nila akong i-ambush at patayin sa oras na malapit nang matapos ang One Piece..?
para lang lalo kong pagsisihan ang naging buhay ko dito sa mundo...?

is 💀 feeling , sino sa 2 ubuhin dito sa bahay ang nakahawa sa akin...?

---o0o---


June 22, 2021...

[Gadget-Related]

hindi ko na alam kung anong nangyayari..
pero 2 of the most widely used internet services, na supposedly eh mataas ang security..
eh heto at sabay na litong-lito sa location ng device ko..
samantalang ni hindi nga ako gumagamit ng proxy server para sa mga primary account ko...

dati, hindi na ako nagugulat na umaakyat hanggang NCR yung mga device location ko eh..
pero lately eh nade-detect na ako bilang nasa Quezon..??
samantalang nakapirmi lang naman ang device ko...

is feeling , bakit sumasabog na yung location ko...??


No comments:

Post a Comment