Loveless Story
Love in the Time of COVID-19 - Chapter 16: Reconcile
nasa chapter 16 na pala ako..
ang Chapter 14 ay Single..
Chapter 15 naman ay Doubts...
---o0o---
June 12, 2021...
visible na ulit ang account ni Arjo..
at nalinis na nga niya yung memories nila ni Miss Racal..
hindi din pulido..
pero linis naman na lahat ng pictures...
ang gulu-gulo na ng takbo ng isip ko..
hindi ko gustong sa ganun matapos ang lahat..
bakit kapag siya, nagde-demand siya na intindihin na may pinagdadaanan siya..?
pero yung pinagdadaanan ko, bakit hindi niya maunawaan...?? 🙁
paano na ngayon yung mga utang niya..?
paano na yung memory nung dress...?
is 💔 feeling , ano ba talaga ang gusto ng god's will..? ang umatake na ako...??
---o0o---
June 13, 2021...
Ignore Day 2... 🙁
wala naman silang inilabas na memory mula doon sa event kahapon..
ewan ko din lang kung may umaksyon nga ba na mga awtoridad...
tapos pugto yung mga mata niya kahapon..
umiiyak..
mukhang panay si Arjo na naman yung naiisip niya lately..
hindi nakakatulong na naroon pa rin siya malapit sa angkan nung lalaki..
tapos inilibre pa nila ng mamahaling pagkain noong isang gabi..
sinusubukan yata nila na pag-ayusin yung dalawa, kahit na panloloko yung naging kaso ni Arjo..
madaming utang na loob yung babae sa kanila..
live-in ang naging setup nila, kaya madami talaga siyang napala mula sa angkan na iyon...
kailangan ko ng 1 week of silence..
nang hindi pagkausap sa kanya..
tutal ako din naman yung may last message doon sa conversation namin, ako yung hindi niya nire-reply-an.. 🙁
kung kakausapin niya ako within that period, then ibig sabihin na may halaga ako para sa kanya..
pero kung hindi na talaga niya ako kausapin pa, edi ibig sabihin lang na kinasangkapan nga lang talaga niya ako..
hindi ko na kailangang pag-isipan pa kung nakabubuti ba siya para sa akin o nakasasama..
dahil obvious naman na puros poot lang yung nararamdaman ko nang dahil sa kanya..
kung universe man ang kumo-control dun sa ganung level ng kamalasan ko o ano, eh hindi ko na alam..
pero hindi ko pa siya pwedeng pakawalan..
babawiin ko pa sa kanya yung mga inutang niya sa akin..
at may kailangan pa ako sa kanya...
is 💔 feeling , 1 week lang ng pahinga.. sana naman may makuha na talaga akong maraming pera...
---o0o---
June 14, 2021...
Ignore Day 3... 🙁
inilibre na naman siya ng mamahaling pagkain noong angkan ni Arjo kahapon..
mukhang pinag-uusapan talaga nila yung nangyari sa love story nung dalawa..
gago ba yung angkan na yun..?
sinusubukan ba nilang ayusin yung relasyon nung dalawa..?
medyo okay na siya noong mga nakaraang araw eh..
pero dahil bisita sila nang bisita sa inuupahan niyang bahay, kung saan kasama nga nila yung ilang relatives ni Arjo, eh bumabalik lang sa kanya yung masasakit na alaala...
is 💔 feeling , mga sadista ba sila..? lapit sila nang lapit samantalang nire-remind lang nila yung babae tungkol sa pagloloko ng kamag-anak nila...
>
wala ng Ignore Day 4...
nasa 4th day pa lang ako ng pananahimik ko..
pero siya yung kusang nangamusta sa akin..
kaya naputol na yung 1 week nang hindi ko muna pagpansin sa kanya...
pinili niya akong patawarin..
naiintindihan na daw niya yung pinagdaraanan ko..
siya man, humingi ng pasensya...
mukhang matindi nga yung pressure sa kanya nung angkan ni Arjo..
para ibaba niya yung pride niya, para lang bigyan ako ng panibagong pagkakataon..
kailangan na niya talaga na makalayo muna mula sa angkan na iyon...
is 💌 feeling , sana nga.. sana simula na 'to ng pagbabago mo.. at sana simula na rin ng magandang kapalaran naman para sa ating dalawa...
---o0o---
June 15, 2021...
ayun..
nagamit nung kabarkada ni Arjo yung patay nila para physically mapalapit siya kay Miss Racal kagabi.. 🙁
sana naman eh hindi siya gabi-gabi na magpunta doon..
dahil delikado rin naman ang sitwasyon sa uncharted territory...
masarap pakinggan yung sinabi niya na ako yung unang tao na gumigising at nag-aangat sa kanya sa tuwing dapang-dapa siya.. ❤
although mas fulfilling sana kung mamo-motivate ko siya na totoong magsumikap na, sa halip na psychologically boosted lang...
kahapon, 1 month na rin nilang napabayaan yung business nila.. 🙁
samantalang may supplies pa naman sila..
at hindi rin nga nila masyadong nagalaw iyon kahit noong simula ng May dahil sunud-sunod ang mga pa-okasyon ng mga kakilala nila...
ang sarap mo sanang mahalin kapag maganda ka..
mabait..
at responsable na sa buhay..
sana lang magkaroon ako ng kakayahan na gawin sa'yo yung pagbabago na iyon...
is 💌 feeling , grabe.. Php 40,000 a month na sahod ang goal, para lang maging average na klase ng lalaki.. bale Php 28,800,000 yun na good for 60 years...
>
nasa bahay daw siya ng isang kaibigan..
huwag naman sanang yung kabarkada ni Arjo ang kanyang tinutukoy..
sana yung mayaman na babae na lang..
basta natutulungan daw siya sa pang-araw-araw eh...
sinukuan na talaga niya yung business..
madami pang tira, pero ayaw na niya eh... 🙁
nagparamdam ako na gusto ko siyang kupkupin..
kaso imposible talaga eh..
siguro kung nasa akin pa yung Php 60,000..
baka nagawan pa namin ng paraan na makapagsimula..
kaso pahirapan talaga lalo't package deal yung ate niya..
ni minsan hindi pa ako nagsama ng girlfriend sa bahay..
alangan namang magbitbit ako ng 2 kaagad, na may paparating pang baby..
akala ko pa naman eh susuportahan na yung kapatid niya nung nakabuntis dun..
sa ganung klase ng setup, baka kahit Php 40,000 a month eh kulangin...??
is ⚠ feeling , hindi pwedeng magtagal yung ganitong klase ng sitwasyon...
---o0o---
June 16, 2021...
naka-stealth siya..
pero sinong pinagtataguan niya..?
dahil ba walang-wala na siya sa ngayon..
dahil ba kinakapalan na lang talaga niya yung mukha niya para maka-survive...??
kung magkagipitan nang husto sa buhay..?
yung wala na talaga siyang ibang matatakbuhan..
at kailangan na muna nilang maghiwalay ng ate niya..
at kung hindi din talaga ako yayaman..
eh papayag ba siyang magtinda lang..?
ng Ice Scramble..
o ng Coffee Jelly..
o ng Corn and Cheese Jelly...
is feeling , kakayanin ba niyang maging mahirap lang...??
---o0o---
June 17, 2021...
another day of silence..
pero iba na ang dahilan..
mukhang galit din siya kahapon...
nahihirapan akong ma-detect kung nasaan nga ba siya... 🙁
ako man, nahihirapan nang makipag-usap sa kanya..
hindi ko alam kung mas kailangan ba niya na makarinig o makabasa ng words of encouragement..?
o kung mas makabubuti ba para sa mental health niya ang magkaroon ng katahimikan, iyong hindi niya parating naaalala ang mga problema niya sa buhay..?
hindi ko na alam kung paano ko pa siya patatatagin..
para kasing hindi na talaga sasapat pa ang mga salita lamang..
kung wala na rin namang magiging financial na tulong... 🙁
ang hirap ng ganitong klase ng pakiramdam..
na kada-tapos ng araw ng sugal..
eh malalaman mo na hindi ka pa rin nananalo... 🙁
is feeling , ano bang pwede kong magawa for her...??
>
wala pa rin akong nakikitang proof kung nasaan siya..
hindi ko naman siya makita sa bahay nung mayaman niyang kaibigan na babae..
nasaan nga ba siya..?
okay lang kung sa bahay ng babae..
okay lang kahit sa bahay ng tomboy, at least hindi siya mabubuntis..
pero huwag na huwag lang sa bahay ng isang lalaki... 🙁
in a way, may pagkakaparehas kami..
kapag sinasabi niyang okay lang siya..
ibig sabihin niya na nananatili lang siyang buhay, pero hindi necessarily mabuti ang lagay...
is feeling , sino bang nag-aalaga sa'yo ngayon...?
---o0o---
June 18, 2021...
ilang araw na siyang galit..
habang patuloy sa pagkukunwari na okay lang siya..
mukhang laban sa isang lalaki..
most probably ay kay Arjo...
kung may mabuti mang idinulot yung ginawa kong pangongonsensya sa kanya..
iyon ay naging hesitant na siya sa paghiram ng pera mula sa akin..
and tama lang naman iyon..
hindi maganda na uutang ka sa hindi mo naman kaanu-ano ng pang-araw-araw mong gastusin..
kasi kung uutang ka man, dapat siguraduhin mo na magsisipag ka naman para mabayaran iyong halaga na hiniram mo...
iyong tungkol naman sa request ko..
wala eh..
matigas talaga siya..
sa tingin niya eh maliit at simpleng bagay lang talaga yung hinihiling ko..
wala siyang nakikitang dahilan para gumawa ng maliit na sakripisyo at maglaan ng konting panahon para sa akin... 🙁
is feeling , heto.. wala pa ring paraan para kupkupin siya...
---o0o---
June 19, 2021...
puros pictures na naman niya na panay pimples ang laman ng phone ko..
ang batang 'yon talaga..
hindi man lamang ako padalhan ng mga pictures kung saan mas maganda siya...
anyway..
medyo nakipagkuwentuhan ako sa kanya kahapon..
i'm just glad na malaman na hindi siya yung tipo ng babae na may tendency na maging extreme pagdating sa ink..
nasabi niya sa akin na she's actually considering na ipaayos yung mga markings niya...
tapos may gimik na naman kagabi..
not sure..
pero mukhang mga babae naman ang kasama niya...
is 💘 feeling , wala eh.. sa next week pa ulit masusubukan ang takbo ng kapalaran...
-----o0o-----
June 15, 2021...
[Medical Condition]
nagsimula parang this June..
last week yata..
lagpas 1 week ko nang hindi nararamdaman yung naging pasulput-sulpot na pain...
is 💀 feeling , sana.. konti pang panahon...
>
may nakatenggang bike dito sa bahay..
araw-araw kong sinasakyan..
kaso hindi ko talaga makuha kung paano ba dapat magbalanse..
yung being one with the bike...??
is feeling , IQ Level 1.. sayang ang pagkakataon para sa additional skill...
---o0o---
June 17, 2021...
[Medical Condition]
almost 3 months na yung problema ko sa baga..
naka-2 klase na ako ng cough syrup..
sumubok na rin ako ng pinakulong dahon ng mapait na Serpentina..
araw-araw din ang pag-inom ko ng Ginger and Lemon...
pero wala talaga.. 🙁
ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong klase ng problema sa baga...
yung pasyente namin dito sa bahay may Tuberculosis..
may Pneumonia din..
yung biological father ko naman eh may Emphysema..
hindi ko na alam kung anong nakahawa sa akin eh... 🙁
napakasayang buhay na bigay ng universe... 🙁
is feeling , kahit 1 lucky Karma lang, kapalit ng lahat ng mga kamalasan ko sa buhay...
---o0o---
June 18, 2021...
[Manga]
Tokyo Revengers
okay din pala yung plot niya..
tungkol sa bida na may kakayahan na mag-time travel..
na paulit-ulit na bumabalik sa past para iligtas ang mga mahal niya sa buhay..
hanggang sa ginusto na rin niyang iligtas yung mga napalapit sa kanya na gang members, na in a way ay sangkot sa pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay sa kanyang present...
labanan sa pagitan ng time traveler at ng isang matalinong kalaban...
hanggang sa natalo na nila yung nagmamanipula sa kanila..
ginusto nilang protektahan ang mga mahal nila sa buhay..
pero yung pinakamalakas na member pa pala ng kanilang gang ang kanilang magiging huling misyon...
is feeling , panay sakitan na manga...
No comments:
Post a Comment