Friday, June 4, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of June 2021 (Cheated)

Loveless Story


May 30, 2021...

tumagal siya ng 2 full days bago niya ulit ako pansinin..
nag-reply lang siya doon sa pinakahuli kong message para sa kanya..
at nagkuwento rin nang konti after kong magtanong...

ewan..
lagpas 1 week na rin nang maghiwalay sila ni Arjo..
matapos akong magamit ng pamilya nung lalaki, alam ko na na hindi makabubuti kung patuloy na magiging sila..
kahit pa sobrang hirap ngayong panahon ng bioweapon..
kapag mahal mo ang tao, dapat impluwensiyahan mo siya para magsumikap sa buhay..
hindi yung hindi ka rin naman sobrang yaman para tustusan siya, pero pipigilan mong magtrabaho at tuturuan mo pa ng mga kaluhuan...

in a way, it's a good thing na hindi ko na nakikita si Arjo sa mga memories niya..
pero hindi din naman mukhang maganda itong ginagawa niya na pagliliwaliw at pagsasayang ng pera habang hindi naman nagtatrabaho...

is 💔 feeling , hindi ko kayang umangat hangga't nakatutok sa leeg ko ang Piracy.. kaya naman Lottery lang talaga ang pag-asa namin...

---o0o---


May 31, 2021...

dumaan na ulit ang 1 buong araw nang hindi man lamang siya nagpaparamdam..
siguro nagtampo talaga siya noong napagsabihan ko siya.. 🙁
dati kasi, bigla na lang siyang nagsasabi ng mga nararamdaman niya..
lalo na kapag wala siya sa mood na gumawa ng mga bagay-bagay..
hindi na siguro siya nagsasabi ngayon kasi alam niya na iko-convince ko lang siya na magtrabaho naman...

wala lang..
nakakainis pa rin..
mukhang okay naman na yung itsura niya..
ang dami niyang panahon para gumala..
magbihis para sa ibang tao..
pero hinding-hindi pa rin niya ginagawa yung simpleng request ko... 🙁

is 💔 feeling , bakit hindi niya ako kayang pahalagahan nang kahit na konti lang...??

---o0o---


June 1, 2021...

ang hirap mong mahalin..
ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para tulungan ka sa buhay..
pero bakit hinding-hindi mo ako magawang ma-appreciate...?

ang hirap mong tiisin..
pero pakiramdam ko na gamit na gamit mo lang ako..
na lumalapit ka lang sa tuwing kailangan mo ng saklolo...

gusto kitang mahalin..
gusto kitang makasama sa buhay ko..
pero kailangan mong matutong kalimutan lahat ng mga luho na ipinaranas sa inyo ng mga kakilala ninyo na mayayaman...


>
2 buong araw na na hindi niya ulit ako kinakausap... 🙁

recently, pati yung binuntis nung relative ni Arjo, na ginawa nilang kasama sa bahay at sa negosyo..
eh pinutol na rin yung link doon sa business..
ano kayang plano nila..?
bubuwagin na lang yung negosyo na sinimulan nila gamit ang pera ko...??

kundangan naman kasi..
malaki na ngang problema kung tutuusin na may paparating na baby..
tapos inampon pa nila sa bahay at sa negosyo yung binuntis lang ng relative ni Arjo..
kasama yung anak at yung nambuntis..
edi sayang nga ang pera na napupunta sa mga basurang iyon...

kaso ayun..
kasama na naman niya yung angkan ni Arjo kagabi..
party-mode na naman..
bakit naman kaya..?
sinusubukan kayang ayusin yung naging gusot nung 2...??

is 💔 feeling , mukhang wala talaga siyang ginagawa kundi mag-relax lang sa buhay, habang sobrang dami niyang utang...


>
kinakabahan ako para bukas..
hindi ko alam kung anong ginawa nung mga relative ni Arjo..
lalo na yung mapera na babae..
pinainom niya kagabi yung mga future in-law sana nila..
baka mamaya kinukumbinsi nila si Miss Racal na balikan yung lalaking iyon...?

hindi na siya bumalik sa NCR..
yun na ba yung desisyon niya...??

is 💔 feeling , isa pang panggagago sa akin at hahayaan ko na kayong lahat na mawasak na lang...

---o0o---


June 2, 2021...

3rd full day na kahapon na hindi niya ako kinakausap..
hanggang ngayon, ni hindi niya binabasa yung huling message ko para sa kanya... 🙁

bihira na rin niyang buksan yung messaging app..
pero yung sa ate niya yung active..
so mukhang yun yung ginagamit niya...

is 💔 feeling , nakakalimutan niya ako sa tuwing naipapadala ko na yung pera...


>
so binasag na niya ulit ang kanyang katahimikan, ngayong araw..
ewan, pero baka naka-mute yung notifications ko para sa kanya..
siguro m-in-ute niya noong nagtampo siya sa akin..?
at talagang sa araw pa ng supposed monthly celebration nila.. 🙁
lungkot na lungkot siguro 'yon today...

ang weird kasi..
siya itong nangumusta..
pero hindi naman nagbabasa ng mga reply ko..
kaya ayun, tinawagan ko na lang siya..
mas nami-miss ko pa naman siya sa tuwing naririnig ko yung boses niya... 🙁

tinanong ko kung anong pakiramdam ng walang celebration ngayong buwan..
pero hindi niya kaagad na-gets..
nakalimutan pa niya kung anong araw na ngayon..
saka lang niya na-realize noong sinabi ng ate niya ang date..
napagbintangan pa ako na nang-aasar lang..
totoo daw naman na wala na talaga sila ng boyfriend niya..
akala daw niya tuloy na monthly celebration naming dalawa yung tinutukoy ko, samantalang wala namang 'kami'..
she's fine, pero hindi pa rin siya okay eh...

let's see..
may kasama pa rin silang lalaki sa bahay..
kaboses noong sa last time na nakausap ko siya..
parang hindi naman si Arjo..
pero hindi ako sigurado kung yun bang nambuntis sa isa nilang kasama sa bahay...

tapos, nagulat ako na yung account name ko pa rin yung tawag niya sa akin..
at akala ko pa naman na malinaw na yung usapan namin after kong manggaling sa uncharted territory, na papalitan na niya yung pangalan ko sa contacts niya...

nagbigay na siya ng date kung kailan niya gagawin yung request ko..
daw iyon..
sana nga tuparin na niya..
lagpas 1 month na akong naghihintay eh..
iyon nga lang, nakakakaba na naman dahil malapit sa singilan sa upa ng bahay yung date na ibinigay niya..
naman..
huwag na huwag lang talaga niya akong re-request-an kapalit ng request ko..
kasi naman, ginawa ko yung request after pa nung unang hiram niya sa akin..
hanggang naka-2 na ulit siya pero hinding-hindi naman niya tinutupad yung mga sinasabi niya...

is 💔 feeling , awa na.. ayokong sagutin yung bahay na iyon this time.. lalo't nandun pa rin yung mga kadugo ni Arjo...

---o0o---


June 3, 2021...

so mukhang wala naman ngang nangyari na 7th month celebration..
pero nasa ibang bayan sila kagabi..
sa isang private resort..
madami naman silang mga kasama..
at posibleng noong June 1 pa sila doon..
may bad influence na naman na nagyaya ng gala at inuman... 🙁

hindi solusyon sa problema ang alak..
hindi solusyon sa mga utang ang alak..
hindi solusyon sa pag-ibig ang alak..
hindi ka kayang buhayin ng alak lang..
kung alak rin lang ang tatakbuhan mo parati..
edi mag-CCA (Costumer Care Assistant) ka na lang sa mga KTV bar..
umiinom ka na, eh kikita ka pa ng pera...

is 💔 feeling , huwag ganito.. huwag mong wasakin ang sarili mo.. nagnenegosyo ka na nang matino dati.. bakit pinabayaan mo pa...??


>
kailangan ko ng 1 pang pagkakataon..
kahit pa 2 na yung winasak ng tadhana..
kaso nadali ako ng kamalasan sa weakest spot ko..
ang kahirapan, ang problema sa pera..
hindi ko magagawang mag-repair kung wala din naman akong hawak na pera...

hindi ko siya kayang pakawalan..
kasi ako lang din naman yung tuluyang mawawalan kung gagawin ko 'yon..
kasi wala ng iba pa na darating..
sa level ng kamalasan ko sa buhay, sigurado na ako na wala ng darating..
tsaka more than 3 years na lang yung natitira sa buhay ko..
kaya imposible na makahanap pa ako ng babae na may ngiti na kasing-ganda nung sa kanya...

wala na akong plano na palakihin pa yung utang niya sa akin..
lalo na habang hindi naman siya nagtatrabaho..
hindi ako makakaipon ng pang-repair sa Dream Date ko kung lagi ko rin lang ipapautang sa kanya yung mga nakukuha kong pera..
ang option ko lang ay ang ipamukha sa kanya na may mga utang siya sa akin, para hindi niya ako itapon na parang basura lang..
at kapag ginawa niya iyon laban sa akin..
kapag idinispatsa niya ako dahil hindi ko na siya mapapahiram ng pera..
eh saka ko na lang gagamitin yung option ko na wasakin na silang lahat..
bahala na kung anong mangyayari after the impact...

is feeling , 1 tsansa pa.. sa loob ng more than 3 years...


>
so nagkausap ulit kami ngayong gabi..
tawag ulit, kasi hindi nga niya napapansin yung mga messages ko..
at medyo nag-open na siya sa akin...

sinaktan nga pala talaga siya ng tarantadong Arjo na 'yon.. 🙁
niloko daw siya sa kung paanong paraan..
although hindi naman niya sinabi kung paano exactly..
hindi din nila pinag-usapan yung naging gusot sa pagitan nila..
basta umalis na din daw si Arjo sa bahay ng mga magulang niya after that...

hindi ko nakita iyon..
dahil abala sila sa mga kasiyahan simula noong birthday nung lalaki..
hanggang noong bago siya nagkasakit..
inakala ko na masaya sila sa isa't isa dahil sa mga memories na meron sila hanggang sa puntong iyon...

oo, lumalapit sa kanya yung mga naiwang relatives ni Arjo..
lalo na yung future mother-in-law niya sana..
pero dahil lang kino-comfort nila siya matapos ang mga nagawang mali ng kanilang kamag-anak..
i must admit na napahanga niya ako sa kanyang ginawa..
dahil tinanggihan na niya yung tulong sa kanila ng angkan ni Arjo..
oo, impraktikal, lalo't walang-wala naman nga sila..
pero kahit papaano may dangal siya bilang isang babae...

hindi ko lang matanggap na ganito yung impact sa kanya ng lalaking iyon..
na pinabayaan nila yung business..
na hindi siya naghahanap ng pansamantalang trabaho..
na nililibang niya ang kanyang sarili sa paraan ng mga maluluho..
para lang mapawi yung sakit na idinulot sa kanya nung lalaking iyon...

gustung-gusto na daw niyang magtrabaho..
siguro para malibang ang kanyang sarili..
pero medyo matagal pa bago yung hinihintay niyang klase ng work...

1 pang pagkakataon..
gusto ko siyang subukang mapagbago...

is 💔 feeling , ang batang 'yon.. bakit sinisira niya ang kanyang buhay dahil sa maling lalaki..? hindi ko tuloy alam kung mas magugustuhan ko ba siya o hindi...

---o0o---


June 4, 2021...

nang dahil lang sa isang tawag..
nagbago ulit yung tingin ko sa kanya..
ako yung nasasaktan para sa nangyari sa kanya eh... 🙁

although, hindi ko pa rin para kunsintihin yung napakatagal niyang pagliliwaliw para lang paghilumin yung puso niya...

para sa mayayaman na tao..
ito sana yung best timing para samantalahin yung sitwasyon..
gustung-gusto ko na siyang ampunin..
para mawala na rin yung problema niya sa pagbabayad ng bahay..
pero wala talaga ako sa ganung level eh..
hindi ko kayang mag-ampon ng 3 katao and pretend na kaya ko silang suportahang lahat... 🙁

gusto ko pa rin siyang tulungan..
gusto ko siyang ibangon..
gusto ko siyang turuang magbago at maging praktikal sa buhay..
turuan na magbawas ng mga bisyo..
pero kailangan ko ng sangkatutak na pera para magawa ko iyon...

is feeling , 1 pang pagkakataon...


>
ang kanyang promised day..
mukhang nakauwi na sila sa inuupahan nilang bahay..
pero tinatamad na naman siyang gawin yung request ko kanina... 🙁

nagpadala na naman ng excuse video..
ipinapakita yung mga pimples niya sa mukha..
ang batang 'yon talaga..
pagdating sa akin, pictures man o videos, laging yung version niya na panay pimples ang sini-send niya..
hindi ko tuloy masabi kung dini-discourage ba niya ako sa feelings ko, o kung chini-check lang niya yung magiging reaksyon ko...

hindi niya lang alam..
gusto ko yung pagiging totoo niya sa akin..
na nagagawa niyang ipakita yung natural look niya kapag ako yung kausap niya..
walang makeup, walang filter..
ang cute lang magpaawa, kesyo ang pangit na daw niya...

mas nami-miss ko tuloy siya kapag ginagawa niyang mas personalized yung mga message niya..
sa tuwing naririnig ko yung boses niya..
voice call man..
o sa video message...

is 💌 feeling , maging mabait ka na sa akin.. please...

---o0o---


June 5, 2021...

nagdi-delete na siya ng mga alaala ni Arjo sa social media niya..
pero kagaya sa case nung karelasyon niya na sinundan ni Arjo, eh hindi siya pulidong maglinis..
ang dami pa ring memories nung kolokoy na natitira sa account niya...

tapos ayun..
hindi nga tinupad yung pangako niya.. 🙁
bakit ba ganun siya pagdating sa akin..?
kaya niyang mag-ayos kapag naggagala siya..
sa mga resort, sa mga party, sa mga inuman..
pero pagdating dun sa request ko eh ilang na ilang siya dahil sa mga pimples niya... 🙁

in-ignore na lang ulit tuloy ako..
talaga bang mga kamalasan na lang ang meron sa buhay ko..??
simpleng request lang na makita yung dress para sa original date namin..
pero wala talaga..
laging kabiguan lang ang naghihintay sa akin sa bandang dulo... 🙁

is 💔 feeling , sana talaga maging mayaman na ako soon para magkaroon na ako ng halaga sa mundong ito...

-----o0o-----


May 29, 2021...

[Medical Condition]

bukod sa mismong kamatayan ko..
ito yung dahilan kung bakit ko minamadali ang mga pangarap ko... 🙁

hindi ko sigurado..
pero mukhang nag-start yung pain matapos kong tumigil sa pag-inom ng VCO..
dati more on visuals lang yung depekto ko, in terms of foreign mass..
iba din yung klase nung pain na nararamdaman ko noon, compared sa ngayon na parang naiipitan ng ugat..
magkaiba din yung area...

mas madalas ko siyang maramdaman kapag nakaupo ako sa trabaho..
paminsan-minsan eh habang nakatayo..
pero hindi ko siya nararamdaman kapag nakahiga na ako...

is 💀 feeling , kaya naman hindi ko maiwasan na panghinayangan ang lahat ng mga nawala sa akin...

---o0o---


May 30, 2021...

heto ang 3 natutunan ko tungkol sa acceptance, mula sa turo ng mga kristiyano:
  • biyaya ang buhay - regardless kung gaano kaikli o kahaba, kung gaano man kahirap o kayaman, gaano man ka-normal o ka-depektibo
  • lahat ng nangyayari sa buhay ay ayon sa kagustuhan ng manlilikha - kahit ano pa man ang pagdaanan mo, kahit pagsasaktan at i-torture ka o kahit gahasain ka pa ng ibang mga tao o ng sarili mong kadugo, lahat ng mangyayari sa buhay mo ay naaayon sa plano, kung maging successful ka man o hindi na makaangat pa sa klase ng buhay ay bahagi pa rin iyon ng tadhana mo
  • eternal life ang naghihintay pagkatapos ng kamatayan - na hindi nagtatapos ang buhay sa kamatayan, lahat na lang nga ng bahagi ng relihiyon na iyon na namamatay sa mundo eh palaging sinasabi ng ibang tao na nakapiling na ng manlilikha eh

magagandang turo..
tinuturuan ka na tanggapin na lang ang lahat..
wala nang tanong-tanong..
bawal ang magreklamo..
tinuturuan ka na i-appreciate kung anuman yung mga mararanasan mo sa buhay..
walang mabuti, walang masama..
kung saan ka man makarating hanggang sa dulo ng buhay mo, eh iyon na yun..
matutong makuntento..
na para bang wala ka ring sariling pag-iisip... 🙁

is 💀 feeling , pero wala akong kayang tanggapin sa lahat ng iyon.. nabuhay ako, kaya naman gusto kong mabuhay nang masaya.. pero dahil hindi ko magawa iyon, eh hindi ko matanggap kung bakit nabuhay pa ako.. kamalasan ang tingin ko sa majority ng mga nangyayari sa buhay ko, kaya wala akong makitang biyaya at sa halip ay isang sumpa...


>
[Movies]

akala ko dati si FPJ na yung pinakamadalas na mag-ulit ng mga cast sa kanyang movies..
pero hindi pala..
si Ronnie Ricketts pala..
marami siyang movies noong 90's na majority ng cast eh pare-parehas lang..
yung mga flexible eh napapagpalitan niya bilang bida, kontrabida, o supporting..
pero mga hindi naman sila sobrang sikat na artista...

is feeling , ang tinding package deal nun sa panahon ng mga action movies...

---o0o---


June 2, 2021...

[Gadget-Related]

may mga insidente ng hacking ng Facebook account sa area ng Bulacan..
lumalabas na una nilang hina-hack yung mobile number..
sunod yung social media account na naka-link doon sa number, para humanap pa ng ibang contacts..
then i-cha-chat nila yung mga contacts at manghihingi ng financial na tulong through GCash..
tapos dahil mag-a-appear yung contact number ng kung sinumang tutulong doon sa notification ng GCash, eh yung mga mobile numbers naman na iyon ang sunod na susubukang agawin... 🙁

base sa current system ng Globe mobile, lumalabas na malaki ang posibilidad na inside job ang nangyayari..
kasi sa proseso ng SIM replacement with number retention, eh kailangan yung lumang SIM para mailipat yung mobile number doon sa blank na SIM..
pero base nga sa babala nung mga naging biktima eh kinailangan lang nung mga hackers na malaman yung mobile number (possible din na required yung full name ng biktima)..
kaya daw nung mga hackers na mang-agaw ng mobile number at social media account within a day..
so kung hindi inside job, eh anong klase ng technology yung gamit nila para mang-agaw ng mga mobile numbers...??

is ⚠ feeling , nakakatakot na mundo...

---o0o---


June 3, 2021...

[Medical Condition]

mas dumadalas pa yung pananakit lately..
put*ng inang buhay 'to..
put*ng inang sumpa 'to... 🙁

para akong parating nakikipag-unahan sa kamatayan ko..
minadali ko yung Dream Date dahil sa kung anong sakit na 'to na meron ako..
at dahil sa put*ng inang banta ng bioweapon..
pero pinabayaan akong mabigo ng tadhana.. 🙁
at ano pang napala ko..?
heto, nagpapatuloy lang yung put*ng inang sakit..
na para bang araw-araw akong nire-remind talaga na dapat magpakamatay na lang ako...

put*ng ina..
put*ng ina..
put*ng ina..
put*ng ina ang mga Imperyalista..
put*ng ina ang mga namamahala sa universe..
put*ng ina silang lahat... 🙁

is 💀 feeling , mga demonyo kayo para magsabwatan laban sa akin...

---o0o---


June 4, 2021...

[Gadget-Related]

nagulo yung VLC Media Player ko dahil sa ginawa kong update..
update na ginawa ko para magkaroon ako sa Transcode ng Video Transformation Filter..
at gumana naman nga iyon nang maayos...

ayun nga lang..
ang laking abala kapag ginagamit ko yung playlist ko..
bawat track kasi na ma-play niya eh inililista niya sa Recent Items..
kaya natatabunan tuloy yung mga ini-store ko sadya sa history..
parang tanga naman kasi..
kaya nga ginawa na siyang playlist eh, para isang bundle na siya na nandun sa Recent Items..
kaso bakit ganito...??

is feeling , update, pero may na-downgrade na feature...??


>
[Medical Condition]

bakit nananakit ka nang ganito ngayon...?

May yata noong nagsimula ko siyang ma-experience..
2014 noong unang beses kitang maranasan, iyon ay kung kaparehong sakit ka nga..
bakit..?
isa ka bang permanente na recurring na karamdaman...??

is 💀 feeling , hinding-hindi ko kayang takasan ang kamatayan...


>
[Music / Video / K-ture]

BTS - Butter


Peanut Butter..
choreography version..
iwas muna sa mga kantang pang-bigo..
ang sakit-sakit na eh... 🙁

credit goes to their original creator(s) and uploader...

is feeling , dance music muna...


No comments:

Post a Comment