Friday, November 20, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of November 2020 (Peace After the Storm)

Loveless Story


November 15, 2020...

ito na yung pinaka-maluhong adventure na ginawa ko..
pero masaya na ako ngayon..
no more regrets..
noong nakita ko na yung mga ngiti niyang iyon sa personal, alam ko na na hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya noon pa lang...

totoong threat siya para sa akin..
kung wala lang siyang mga tattoos o kung limited lang ang mga iyon, katulad noong January..
malamang na natuluyan akong mahulog para sa kanya...

it was a bonus that they are both great..
magkaiba, pero mahuhusay sa mga forte nila...

sa lahat ng mga tumulong para mabawi ko ang mga nawala sa akin noong 2017 at nitong 2020..
maraming maraming salamat..
sorry din sa pagiging sobrang selfish ko..
payapa na ngayon ang loob ko..
at kaya ko nang harapin ang magiging dulo ng 2020...

sa ngayon..
kailangan ko na muna ng 14-day quarantine...

is  feeling , kailangan na lang talagang subukan pang protektahan si Oda...

---o0o---


November 16, 2020...

at dahil nga dun sa nangyari..
naisalba nila ako..
iniligtas nila ako mula sa paggawa ng isang napakasamang bagay na ikawawasak ng napakaraming tao...

payapa na ang kalooban ko ngayon..
hindi ko na kailangang magpasakop pa nang lubusan sa Dark Side..
lahat ng 'yon para lang makita ko sa personal ang ngiti ng isang babae...

is  feeling , saved...


>
at dahil din dun..
ibig sabihin ay na-accomplish na ng Nokia 2.3 ko yung misyon niya..
natulungan na niya ako na makatagpo ang babaeng iyon...

is  feeling , well done...


>
ang naging overspending ko dahil sa negative impact ng COVID-19...?

- Php 2,280 transportation
- Php 1,200 accommodation
- Php 3,000 test
- Php 480 food

bale nasa Php 6,960...

although parang nakatipid din naman ako sa accommodation ng nasa Php 1,400, kumpara sa actual rate nun..
i'm not sure kung bakit, pero siguro kasi mga pinag-quarantine yung mga nakasabayan ko doon..
pero kasi, hindi natural para sa akin na gumastos ng ganun..
but it was a nice experience din naman...

is feeling , bad timing.. pero i'm glad na natapos ko na siya...


>
[Book]

Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me..
• Denice Dinsay as [Girl na may Crush sa Akin]..
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Julia Barretto as Strawberry (aaminin ko na, yun talaga yung kawangis niya, but with less cheeks)
• Meridian as Miss C
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero black hair)
• Margarita Francesca Cruz Ramirez as Miss S (pero gawing thick type)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)
• Chrislyn Uy as Eyeglass Girl (pero thinner version)
• Jackie Rice as Miss Gg
• Nina North as Miss Cn (pero voluptuous version)
• Lisa Ann as Miss Js
• Maris Racal as Miss Hn
• Rhen EscaΓ±o as Miss B (yung narrow mouth look lang)

is feeling , updated at may revisions din...

---o0o---


November 19, 2020...

1st anniversary ng pagka-exile sa dati kong katauhan..
anyway, past is past...

bale base sa current lineup..
lumalabas na nasa 85th (83rd) yung naging retirement nila due to COVID-19..
adjusted na 'to since bumalik din naman yung iba matapos na lumuwag-luwag ang sitwasyon..
bale nasa 11 yung nalagas dahil sa Imperial virus...

yun nga lang..
mas mahihirapan na akong ma-monitor 'to sa ngayon.. πŸ™
since wala naman na akong access...

is feeling , back to counting...

-----o0o-----


November 16, 2020...

unang-una..
patay na ang alamat ng travel pass..
ni isa, walang naghanap ng ganun sa akin...

pero grabe talaga ang ginawa ng pamunuan sa public transportation... πŸ™

mula Pasig hanggang Guadalupe, nasa 1 hour yung nilakad ko para lang makahanap ako ng bus station..
at baldado na ang katawan ko bago pa man iyon..
though nagkamali din ako, since possible na may bus station doon sa dati ko nang sinasakyan sa may Ortigas..
himala na nga na nakapasa pa ako sa mga temperature check matapos ang lahat ng naging pagod ko...

pero sa PITX nagsimula ang bangungot ko sa pagta-travel..
bandang 8:00 AM ako nakarating doon sa terminal..
pero inabot ako ng 5 hours sa paghihintay ng masasakyan..
tama yung sinasabi ng mga tao, na parang naging airport yung sistema..
masyadong mabagal, although hindi naman ganun yung kuwento para sa lahat ng ruta...

ang masasabi ko..?
nonsense ang paglaban nila sa COVID-19..
yung pagpo-provide ng mga biyahe na ang interval ay nasa 2 to 4 hours ay nagdudulot lang ng pagkaipon ng maraming tao doon sa terminal..
kapag inabot ka ng oras ng pagkain, mapipilitan at mapipilitan kang alisin ang face mask at face shield mo habang nandun ka sa lugar na iyon na na-expose na sa kung kani-kaninong mga tao..
sila din mismo ang nagbabalewala sa cashless system nila..
there are 2 things na kailangan para makabiyahe mula sa PITX..
yung una ay gate pass..
wala ka ngang iaabot na bayad, pero hihiramin naman nila yung ID mo..
ikalawa yung payment card..
sa una eh sa tao ka makikipag-transact, pero kapag may card ka na eh pwedeng sa machine na lang..
maikli rin lang yung validity nung card, nasa 3 years lang sa ngayon..
tapos noong nasa loob na ako ng bus, nagtaka ako na wala namang machine kung saan kailangang mag-tap..
pero ayun pala eh kukuhanin nung konduktor yung card mo mula sa'yo at siya ang magta-tap o magsa-swipe nung card dun sa dala niyang machine..
so basically, nababalewala nga ang idea ng cashless system..
since maya't maya ding hinahawakan nung mga tao doon yung mga personal belongings mo... πŸ™

bukod dun..
eh ang mahal din ng pamasahe..
Php 124 lang ako dati hanggang SM Megamall, nasa 2 hours or above ang biyahe..
samantalang mula sa PITX ay Php 156 ang bus fare, at nasa 1:30 hour lang yung biyahe nun...

pero hindi pa nga kasali dun yung mga magagastos mo papunta sa PITX... πŸ™

is ⚠ feeling , parang mas safe pa yung dati.. one time lang kayong mag-aabutan ng pera at ticket, at ang baba mo eh malapit na sa iyong patutunguhan.. hindi katulad ngayon na pinadami nila ang biyahe, ang transactions, kaya naman pinadami din nila lalo ang possible exposure...

---o0o---


November 17, 2020...

13 days left para sa buwan ng November..
as usual, ang daming kailangang i-record at isulat na mga alaala... πŸ™‚

pero bago 'yon, kailangan ko rin munang maghabol para sa Monday ko...

hopefully, matapos ko ang lahat before the end of November..
para makabalik na ako sa trabaho by December...

is feeling , proceed...

---o0o---


November 19, 2020...

una..
ayoko talaga sa mga malalaking image files..
kung simpleng picture lang yan, hindi ko nanaisin na lalagpas siya sa 400 KB..
kaso yung Nokia ko eh madalas na lumalagpas sa 1 MB ang mga napo-produce gamit ang minimum setting ng camera niya... πŸ™

ikalawa..
pumalpak nang husto ang Blogger matapos nilang mag-upgrade..
ang hirap na ngayong gumamit ng template..
pahirapan nang mag-insert ng mga images..
tapos kapag nagkamali ka eh dagdag kain pa sa storage...

is feeling , siguro nasa 15% pa lang...


No comments:

Post a Comment