Loveless Story
August 8, 2020...
49 links na..
at 3 verified staff...
6 months nang sira yung usapan namin ni Miss Racal..
at halos 5 months na rin kaming hinahadlangan ng palpak na pamunuan... :(
ang good news..?
siya yung 49th link na nahanap ng god's Eye ko...
pero hindi ako masaya..
ang bigat-bigat ng pakiramdam ko noong nakita ko siya..
kasi alam ko na ngayon kung gaano ka-espesyal na naman yung nawala sa akin na pagkakataon.. :(
at 2nd time ko na 'to...
yung clue na nakita ko sa kanya noong c-in-ontact niya ako yung mismong nakatulong sa akin para mahanap ko yung totoong siya..
at as expected, may totoo nga siyang account...
nasa Category B~A siya..
pwedeng bumaba hanggang Category B yung no-makeup look niya, gaya kapag bagong gising siya..
pero umaabot siya hanggang Category A kapag nakaayos nang husto..
mas mababa pa rin naman kung ikukumpara kay Miss C..
may iba pa siyang kahawig (dancer), pero kahawig din nga niya si Maris Racal..
especially yung chin..
marami-rami siyang ink..
hindi ko pa siguro nakita ang lahat, pero well-placed naman sila...
physically speaking..
siya yung tipo na hindi mahirap magustuhan..
pero hindi para sa mga kagaya ko na walang-walang maipagmamalaki sa buhay... :(
is 💔 feeling , yung espesyal na pagkakataon na kinuha sa akin ng masamang tadhana...
-----o0o-----
August 3, 2020...
[Gadget-Related]
umabot na ng 9 years yung Nokia 2730 classic ko..
minus SD card...
is feeling , isang taon na lang...
---o0o---
August 4, 2020...
[Movie]
Friendship
isa sa mga Thai movies na napanood ko na may malalim na sense..
sa ABS-CBN ko pa siya napanood dati kaya ko yun naintindihan...
bigla ko lang siyang naalala kanina..
tapos na-realize ko na kahawig pala ni Maris Racal yung bidang babae..
kahawig ni Maris Racal, na kahawig naman daw ni Miss Racal...
isa sa mga nakakabuwisit na movies na napanood ko..
hindi perpekto, pero totoo..
tungkol din sa pagiging pasaway ng mga tao..
haunting yung ending kasi tragic..
to think na yung mortal na kaaway ninyo sa school na mahilig manaksak eh wawasakin ang lahat..
napatay yung isa sa mga kaibigan nila, habang hindi naman ito kalayuan sa kinaroroonan ng kanilang grupo..
tapos na-rape din ng grupo nung kontrabida yung bidang babae..
nahawa ng AIDS yung babae, at nawalan ng communication sa grupo sa loob ng mahabang panahon...
eventually, nahanap din naman nung bidang lalaki ang kanyang greatest love..
pero malala na yung lagay nito..
sa pagkamatay nung babae, saka pa na-reveal ang maraming bagay..
na gusto na niya yung lalaki bago pa man sila nagkakilala bilang mag-classmates..
kasi natulungan na noon nung lalaki ang kanyang deaf and mute na ina..
kung bakit naging parehas ang paborito nilang bulaklak..
kaso naging bully pa nga ito sa kanya bago sila nagkakilala nang husto..
unfortunately, parehas nilang kinailangan na umalis sa mga dati nilang bahay nang patapos na ang pasukan..
at ninais nung babae na personal na makapagpaalam dun sa lalaki..
nag-enjoy pa that time yung lalaki, kaya hindi na sila nagpang-abot sa school nung babae..
pero kilala nila ang isa't isa, kaya naisip nila na gagawin nila ang lahat para magkita din noong mga panahon na iyon..
sinubukang bumalik nung babae sa school, kaso ay namataan siya ng grupo nung kontrabida..
nang iyong bidang lalaki na ang naghihintay doon sa park, wala siyang kamalay-malay na nabiktima na pala ng trahedya ang babaeng hinihintay niya..
naabutan siya doon ng mga pulis, at naaresto naman na noon yung grupo ng mga kriminal..
mga nakahubad na noon yung mga lalaki, so that suggests na gang rape yung pinagdaanan nung bidang babae..
hanggang sa nakita na nga ang biktima sa may fish pond sa park..
pero hindi na iyon inusisa pa nung bidang lalaki..
sa halip, ay inakala lang niya na hindi na talaga dumating yung babae...
haunting yung ending kasi parang sampal yun sa pagmumukha nung bidang lalaki..
na dahil sa pagiging pasaway niya, eh hindi niya tuloy nasipot yung babae sa tamang oras..
at sa kamalas-malasang pagkakataon, eh yung kalaban nila na untikan nang sumaksak sa kanya noon sa school..
na siyang pumatay sa isa sa mga kaibigan nila..
eh siya pa din talaga ang isa sa mga nag-gang rape dun sa babae..
greatest love niya, pero nasayang lang ang lahat..
at AIDS pa nga na naibigay dito nung grupo nung kontrabida ang tuluyang nagwakas sa buhay nito... :(
is feeling , malagim...
---o0o---
August 5, 2020...
[Gadget-Related]
more than 6 years na yung Jelly Bean na Lenovo tablet ko..
at kanina, nagkaroon na siya ng light blue na horizontal line..
nakasagad pa naman siya sa ngayon sa isang side nung screen...
is feeling , under observation pa.. iche-check sa future kung maaayos ba ng reset...
---o0o---
August 8, 2020...
lagot na..
automatic na nagbabago-bago ang formatting sa Blogger ko... :(
is feeling , the problem with changes...
No comments:
Post a Comment