Friday, May 22, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of May 2020 (Suspicious Move)

Loveless Story


May 17, 2020...

hindi na nakatiis... 🙁

kagabi sinubukan kong magtanong dun sa babaeng kahawig ni Miss Racal..
mabilis naman siyang sumagot noong una..
kaso natarayan din kaagad ako... 🙁

mga babae talaga..
mahirap maintindihan.. 🙁
okay naman yung pagbati ko..
okay rin lang naman yung pagtatanong ko..
pero biglang magtataray kapag hindi nila alam yung sagot sa tanong..
kaya nga nagbabakasakali lang eh..
hindi naman ako para magtanong kung alam ko lahat ng sagot sa mga katanungan sa mundo...

is feeling , kanino ba siya connected...??

---o0o---


May 18, 2020...

araw-araw kailangan kong pagbayaran yung naging kaduwagan ko sa COVID-19 na dala-dala nung lecheng 2 hanggang 3 na Imperial citizen na 'yon... 🙁

araw-araw kong nakikita kung ano yung chance na na-miss ko..
pero hindi ko naman talaga alam kung ano bang itsura niya..
o kung ano ang pakiramdam na makasama siya... 🙁

is feeling , no choice.. kailangan ko na ulit magtanong in random...

---o0o---


May 19, 2020...

so nag-start na nga pala ako kagabi sa pagtatanong-tanong..
this time, iwas na muna sa mga major links..
sa halip, sa mga kamag-anak at kakilala nila ako magtatanong..
sa tulong na rin ng ilang picture clues...

kahit na ano na lang..
basta mahanap ko lang si Miss Racal...

is feeling , sino ang recruiter mo...??

---o0o---


May 20, 2020...

okay..
so nakakuha na ako ng mga reactions..
mula sa chin region..
pero negative... 🙁

yung 2 eh magkasintahan..
pero iba yung tanong ko para sa kanila..
walang kinalaman kay Miss Racal..
at b-in-lock na nila yung drone ko...

3 naman eh nagse-share ng common na apelyido..
surprising yung mga nangyari..
relative yung taong tinanong ko ng 2 direct links..
tapos bigla na lang niya kaagad b-in-lock yung drone ko..
after that, eh nag-stealth mode na rin muna yung 2..
at very suspicious yung ginawa nung 3 iyon...

ano kayang itinatago nila..?
nagtanong lang ako tungkol sa mga ink clues..
wala naman akong ipinadala na sensitive material..
pero kung maka-react sila eh parang sobrang sama na nung ginagawa kong paghananap... 🙁

is feeling , nasa right path na kaya ako...??

---o0o---


May 23, 2020...

naku-curious pa rin ako kung bakit ganun ang ginawa nung babaeng yun..
block..
inform the others..
tapos go stealth..
ano kayang koneksyon niya kay Miss Racal at ganun na lang yung naging reaksyon niya...??

anyway..
may nag-volunteer na tumulong sa akin..
religious yung background eh..
tutal safe naman yung gamit kong pictures, so wala naman sigurong masama dun...

bahala na..
wasak na ang mundo na 'to..
parang tanga naman kung palalampasin ko pa yung pagkakataon na mahanap siya...

is feeling , bawal akong ma-curious...

-----o0o-----


May 17, 2020...

[Medical Condition]

sinubukan ko ulit i-pop yung growth sa may lower eyelid ko..
at naka-3 beses ako...

medyo nag-release na rin siya ng konting dugo..
ewan ko lang kung nasaid ko na this time yung yellow substance...

sa tuwing ginagawa ko kasi iyon..
nagsusugat din talaga yung ibang bahagi nung eyelid ko dahil sa pagkakagasgas..
kaya hindi pwedeng tuluy-tuloy...

pero kailangan kong gawin..
preparation, para kung sakaling bumalik nga ulit ang mundo sa normal...

is 💀 feeling , tigil-tigilan nyo na akong mga sumpa kayo...

---o0o---


May 19, 2020...

[Gadget-Related]

anak ng..
kung kailan nagbayad nang buo para sa bill ng kuryente kahapon..
eh 2 naman kaagad na unannounced power interruptions ang ipinasalo nila sa UPS ko in less than 24 hours... 🙁

put*ng ina..
nasa 83 lang yung kinayang saluhin noon nung dati kong UPS, same model..
pero ngayon eh nakaka-11 na kaagad yung bago kong unit, samantalang lagpas 2 buwan pa lang siya... 🙁

is ⚠ feeling , anong gusto ninyo..? na maya't maya akong gumastos at magpalit ng mga device...??


>
done with all the scenes para sa project #16..
cover na lang at 1 bonus material ang natitirang requirement ko..
matapos yun eh pwede na ulit mag-autopilot na muna...

is feeling , aimlessly...

---o0o---


May 21, 2020...

[Medical Condition]

naalis ko na pala yung langib sa lower eyelid ko kahapon..
at mukhang medyo nakalbo lang sa pilikmata yung eyelid ko dahil dun sa ginawa kong pagsugat sa sarili ko...

may natira pa rin na bump..
pero medyo normal na ulit yung itsura ko sa ngayon..
medyo parang normal na tao na ulit...

is 💀 feeling , pero ang totoong tanong ay hanggang kailan...??


>
done building all the scenes para sa project #16..
took me 31 days..
na may minus 3 days na walang nagawang trabaho..
so bale inabot ako ng 28 days...

pero may kailangan pa akong buuin na promotional image para sa 3rd store..
bago ako maka-proceed sa autopilot...

is feeling , kailangan kong tanggapin na kahit gaano pang effort ang ibuhos ko sa career na napili ko, na walang nakalaan na stable na buhay para sa akin.. at mamamatay na lang ako na ganun...

---o0o---


May 22, 2020...

[Online Marketing]

nakapag-set na ng value para sa sales tax na sisingilin para sa platform..
mahirap..
magulo..
yung intangible mong service, eh kailangan mong isipin kung anong worth para sa supporter mo..
so tantsa-tantsa lang ang lahat...

sana lang hindi nun masira yung maliit na market namin...

is feeling , mundo ng taxation...


No comments:

Post a Comment