Friday, May 8, 2020

Analog to Digital Trap

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


[Vocabulary]

Law - mga patakaran na dapat sundin at hindi pwedeng labagin ng mga hindi kaalyado. pero pwedeng labagin, paikutin, at bastusin ng mga miyembro ng alyansa at ng mga Imperial citizens nang hindi sila napaparusahan

is ⚠ feeling , we're doomed...

---o0o---


i'm a lesser citizen..
and my leader is - an *sshole... (suntok gamit ang kamay na bakal)

is feeling , ang basurang idolo na nagpapasok ng COVID-19 sa isinumpang bayan na 'to...

---o0o---


gaya ng sabi ko, kailangang matutong mag-adapt ng sistema..
kagaya na lang kung paanong dapat mawala ang sistema ng premature na pagpapakilala sa publiko gamit din ang limpak-limpak na pera - pero hindi naman yun counted bilang formal na pagpapakilala..
madaming kailangang baguhin sa bulok na bayan na 'to kung tutuusin...

anyway...

regarding channels..?
sa totoo lang, nalilito talaga ako sa sistema dahil madami din yung tinatawag nilang mga regional channels..
pero kung pwede talagang i-offer yung benefits nila para sa public, eh bakit ba hindi..?
free educational channel..
free regional channel for more localized news plus advertisement options for rural products (farm needs for example)..
free sports channel, lalo na for local sports..
free Anime channel..
free movie channel..
kung pwede silang i-offer ng libre sa mga ordinaryong manonood (meaning, para sa mga hindi kaya yung mga monthly subscription) kahit pa hindi sila malakas sa paghatak ng mga commercials, habang may main channel naman na kayang mag-produce ng fund para sa operation ng iba pa, eh bakit ba hindi...??

regarding paid movie bundles..?
panahon ngayon ng piracy, kung may paraan para ma-boost pa ang kita ng ibang mga local movies, eh bakit hindi..?
again, i-consider natin yung mga viewers na hindi kaya yung monthly subscription at ang mismong cinema rate..
wala namang pilitan kasi, may kalayaang pumili..
kung tutuusin eh nananatili rin naman yung option na hintayin na lang yung free airing nung movie eventually...
kung may gatas din na makokolekta mula sa pagkita, bakit hindi...??

regarding pay-per-view..?
hindi ako nagamit ng ganun, so wala akong alam kung nagkaroon man ng kompetisyon pagdating sa pricing..
wala naman kasing kompetisyon sa pagitan ng mga gumagamit ng cable at digital TV box..
kung may cable ka na, bakit ka bibili pa nung digital TV box kung pay-per-view lang ang hahabulin mo..?
kung digital TV box lang naman ang kaya mong i-afford, eh absolutely wala akong nakikitang rason para makumbinsi siya na mag-cable..?
so again, ang ideya ay bigyan yung mga hindi kayang maging cable-dependent ng option para mapanood yung idol nila..
kung may gatas rin naman na makokolekta mula sa pagkita, bakit ulit hindi...??

dapat itigil na yung mentalidad na kesyo we're f*cking monthly subscribers at yun dapat ang standard para sa lahat... :(

is ⚠ feeling , again, choice ng pamunuan to go digital.. so kailangan ba na mauwi ang mga ordinaryong tao sa binubuo nilang sitwasyon kung saan 1 free channel na lang ang meron para sa bawat digital TV box (na bukod pa nga ang bayad sa kuryente)...??

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 476 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
  • yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila
  • yung ipinapabenta na lang ang isang TV network
  • yung plano na ring idamay ang Visiting Forces Agreement para lang sa kapakanan ng visa ng ilang kaalyado
  • yung pinuno na gustong magpauwi ng mga kababayan na mula sa area of origin ng nCoV
  • yung pinuno na pinipilit ang mga mamamayan na pakisamahan pa rin ang mga Imperial citizen sa gitna ng problema sa nCoV
  • yung lumalaban kuno sa katiwalian, samantalang hindi hinahabol ang mga kakampi para sa mga katiwaliang ginawa ng mga ito noon
  • yung pagtapos sa Visiting Forces Agreement
  • yung paspas na naman ang pagdepensa para sa isang pulis na napasama daw sa Narco List niya
  • yung malinis DAW ang POGO industry dito sa bayan sa kabila ng sari-saring katiwalian at paglabag na nabibisto
  • yung magpasalamat daw sa kaibigan niyang bansa sa kabila ng perwisyong idinulot ng mga ito sa buong mundo
  • yung panic na idinulot ng declaration ng regional quarantine, dahilan para lalong magkaribok at magkumpulan ang mga tao sa mga terminal nang walang nagma-manage sa kanila
  • yung mas piniling isakripisyo ang buong bayan kesa ang ipatigil muna noon ang mga international travel
  • yung mas piniling patayin ang malaking bahagi ng ekonomiya sa halip na ang isakripisyo lang ay ang sa international travel at tourism industry
  • yung VIP treatment sa mga may kakayahan na mag-travel sa iba't ibang bansa, na malamang eh sila naman ang nakapagpasok sa bayan nung COVID-19
  • yung VIP testing para sa COVID-19
  • yung panggigipit sa mga pinuno na may alam na paraan para matulungan sa pag-travel ang mga health workers
  • yung humingi pa ngayon ng emergency power samantalang wala ngang tapang at kakayahan noon na magpatigil muna ng mga international travel
  • yung nag-declare na rin lang nang nag-declare ng kung anu-ano, pero hindi pa idinamay ang nationwide na liquor ban
  • yung pambobola na kesyo karangalan na namatay para sa bayan yung mga biktima ng COVID-19 na nakapasok sa bayan
  • yung handa na sila na ipapatay ang mga magrereklamo tungkol sa tulong
  • yung pangmamaliit sa epekto ng gutom sa mga mamamayan, dahil hindi naman nila nararanasan yung ganun
  • yung naghihintay pa sa mga ideas mula sa mga lower leaders
  • yung lumapit daw sa diyos, samantalang sila ang may hawak ng pagdedesisyon para sa buong bayan
  • yung patuloy na pagtitiwala sa palpak na tauhan
  • ang paggamit sa virus para muling kapain ang pagpapatupad ng Dictator's Law
  • yung patay o hindi na rin naman lumalaki ngayon yung mga industriya na prinotektahan sa simula ng pananalanta ng COVID-19
  • yung mula sa itaas ang kapalpakan, pero mga local leaders ang sinisisi at binabantaan na kakasuhan
  • yung assumption na mas malala pa ang mangyayari sa bayan kung nagkataon na hindi sila ang nakaupo sa trono
  • yung marami na ang kailangang bayaran sa mga taga-medical field na napeste ng COVID-19
  • yung hindi ipinatigil ang increase ng contribution sa PhilHealth para sa mga non-OFW, na para bang hindi makakabigat sa mga ordinaryong manggagawa ang planong pagbibigay ng limos
  • yung pagtiklop sa masamang pakikitungo laban sa ilang mga negosyante dahil sa naitutulong nila sa bayan sa panahon ng COVID-19

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • sa Sto. Tomas, yung Barangay Chairman na mula pa sa Mindoro na kabilang sa mga nahuli dahil sa ilegal na droga
  • sa Naga City, Camarines Sur, yung Barangay Chairman sa Cavite na napatay nang manlaban daw sa drug buy-bust operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung SK Kagawad na supplier daw ng droga sa mga estudyante
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • sa Cagayan de Oro, yung pulis na naaresto dahil sa panggugulo sa isang bar, yung may hina-harass daw na babae at nanutok pa ng baril
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Bohol, yung babaeng pulis na napatay sa pamamaril ng sarili niyang asawa na pulis rin, may problema daw sa pag-iisip yung lalaki at nagbaril din sa sarili
  • sa Marikina City, yung shootout sa pagitan ng 1 sundalo at 2 pulis, kung saan napatay yung sundalo samantalang sugatan yung mga pulis
  • sa Magdalena, Laguna, yung ginang na aksidenteng napatay dahil sa pamamaril ng isang retiradong kasapi ng Philippine Constabulary
  • sa Agusan del Norte, yung lasing na magsasaka na napatay ng pulis dahil nag-amok daw sa checkpoint, na nag-ugat daw dahil sinabihan siya na magsuot ng face mask
  • sa Quezon City, sa panahon pa rin ng quarantine, yung retiradong sundalo na may mental condition daw na napatay sa pamamaril ng pulis
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Bacolod City, yung Hepe ng CIDG daw ng Negros Occidental na hinuli dahil sa pangingikil laban sa isang KTV Bar
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
  • sa Manila, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa pangingikil laban sa isang truck operator
  • sa Pasig, yung enforcer na tumanggap ng pera mula sa taong sinita niya dahil sa paninigarilyo, kesyo tinanggap daw niya yun bilang pasasalamat nung tao dahil hindi niya muna yata iyon pinagmulta
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na sinubukang manuhol ng mga kapwa pulis dahil sa mga nasamsam na video karera
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante
  • sa San Mateo, Rizal, yung driver ng munisipyo na nahuling nagbabiyahe ng ilegal na droga sa gitna ng COVID-19 quarantine
  • sa Lucena, yung clerk ng munisipyo ng San Andres, Quezon, na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Dasmariñas City, yung Barangay Chairwoman at isa pa na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Laguna yata iyon, iyong mga pasaway na kabataan na ikinulong daw sa kulungan ng aso para idisiplina dahil sa paglabag sa curfew
  • sa Taguig, yung may namamalo na rin na Barangay Captain para magpasunod sa quarantine
  • not so sure sa location, sa Sta. Cruz o sa Quiapo, yung mga pulis na namamalo at nangmumura pa daw ng ibang mga lumalabas kahit na may quarantine pass pa
  • sa Quezon City, yung illegal fish vendor daw na ginulpi ng mga tauhan ng Barangay at Task Force Disiplina
  • sa Quezon City, yung 13 y/o na lumabag daw sa quarantine na pinalo ng yantok ng pulis daw
  • sa Dinalupihan, Bataan, yung lalaking PWD na ginulpi ng ibang mga tauhan ng Barangay dahil ip-in-ost niya sa social media yung kanyang reklamo dahil hindi daw siya nabigyan ng ayuda
  • sa Samar, yung Barangay Captain na namalo ng baril laban sa grupo na nagrereklamo na kesyo hindi daw sila nabigyan ng ayuda
  • sa Pasay, yung Barangay Kagawad at mga kasamahan niya na nahuling nagho-hoard ng mga alcohol
  • sa Manila, yung Barangay Chairman at iba pa na nagpatupada sa panahon ng quarantine

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
  • sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • yung witness para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) controversy na pinatay sa pamamaril sa Muntinlupa City
  • sa Bauan, Batangas, yung itinumba na yung suspek sa pagpatay sa isang 11 y/o na babae na sinasabing tinangka din daw na gahasain
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo
  • yung may iba pang mga personalidad na nadadawit na rin sa usapin tungkol sa Pastillas Operation
  • yung milyun-milyong dolyar DAW na ipinapasok dito sa bayan sa mga nakaraang buwan
  • sa Iloilo, yung coordinator daw ng Bayan Muna Party-List na itinumba ng 2 unidentified na mga tao sa loob mismo ng inuupahan niyang bahay sa gitna ng pananalanta ng COVID-19

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
  • sa Argao, Cebu, yung hepe ng pulis na nahuling may kasamang babaeng inmate sa kanyang opisina, may mga pictures din na patunay na nagsasama nga yung dalawa
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Central Visayas daw, yung 3 police officers na nahuling naglalaro ng golf sa oras ng trabaho
  • sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Pangasinan, yung pulis na nahuling nagsasabong
  • yung lumabas sa surprise inspection na marami nga ang private vehicle na ginagamit ng mga pulis na hindi rehistrado at/o walang plaka
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli na namamasada DAW ng colorum na van
  • yung nasa 18 na hinuli dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril kung saan kabilang ang ilang pulis at sundalo
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • sa prusisyon, yung general na pulis na nang-agaw ng smartphone ng taga-media at sinubukan din daw na magbura ng video
  • yung kawalan ng mga pulis ng armas na pang-immobilize lang sana
  • yung kaso nung retired na sundalo na napatay ng pulis sa Quezon City sa gitna ng panahon ng quarantine, kung saan pinakailaman daw kaagad yung bag nung biktima bago pa man dumating yung mga imbestigador
  • yung sobra-sobra namang ph-in-otoshop na picture DAW ng mga sumukong rebelde na i-p-in-resent ng Philippine Army
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • sa Pangasinan, yung 7 y/o na may 17 beses daw na pinagkakagat ng nasa 5 aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung tutol na tutol dati sa motorcycle TNVS dahil sa isyu ng safety, tapos biglang gusto ngayon na magbigay kaagad ng permit sa maraming kaparehong klase na service provider
  • yung mabilis nga ang naging approval dun sa iba pang motorcycle TNVS kumpara dun sa nauna na hinarang nang maige
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung may pa-commercial pa tungkol sa Rice Tariffication
  • yung latest na pagkalugi ng mga magsasaka ng Benguet dahil sa maling sistema
  • yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
  • yung panibagong pagkalugi ng mga farmers sa Benguet dahil na rin sa pang-aabuso sa kanila ng mga traders
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • yung may nakalusot na rin na kaso ng ASF sa isang kilalang supermarket
  • yung totoong nabigyan nga ng certification yung mga karneng baboy na nag-positive sa ASF na nakalusot sa malalaking supermarket
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon nitong 2019
  • yung pagkawala ng libreng supply ng maintenance medicine sa [Name of Barangay] bago pa man lumala yung kaso ng COVID-19 sa bayan
  • yung mga opisina ng gobyerno na umaasa pa rin hanggang ngayon sa manual checking at nire-require pa ang kopya ng mga resibo ng mga tao para sa pag-che-check, kahit na may kopya dapat sila ng mga nasabing resibo
  • sa GSIS, yung December pa ginawa yung request, pero noong kinumusta by February eh kesyo nawala daw sa isip
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung empleyado ng PAGCOR na hinuli dahil sa pagsa-sideline daw bilang fixer ng mga humihingi ng tulong
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • sa PSA, yung nagpa-correct na dati ng birth certificate kapalit ng nasa Php 10,000, pero nag-recur na ulit yung error ngayong 2020
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung katulad ng sa SSS, eh yearly na rin magtataas ng contribution ang PhilHealth sa loob ng ilang taon
  • yung pagtataas ng rate ng contribution ng iba't ibang services ng pamahalaan para lang ma-shoulder yung mga ipinangako para sa mga piling mamamayan
  • yung hugas kamay yung isa sa mga author ng patakaran tungkol sa pagbibigay ng mga health benefits na limos
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung may Php 300 Million DAW na confidential funds ang DICT
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung panukala tungkol sa pagpili ng mga Senador para sa bawat region, samantalang batid naman nila ang paraan ng pagbili ng property o paglipat ng residence para lang makatakbo sa pulitika
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung bumigay na bahagi ng Skyway Stage 3 project dahil sa nangyaring sunog sa malapit dito
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
  • yung hindi na matalakay ang tungkol sa mga kuwestiyonableng paggastos noon dahil sa sunud-sunod na malalaking isyu at problema
  • yung may namatay na na positive sa nCoV dito sa bansa at late ang confirmation sa kanya, nakagala na sila nung kasamahan niya bago pa sila na-detect
  • yung ikatlong kaso ng nCoV na nakagala din sa bansa, yung nag-negative muna sa test tapos saka nag-positive noong nakauwi na sa kanilang bansa
  • yung dating maling paraan ng mga health leaders sa paghahanap ng mga posibleng PUI na nakabase lang sa kung sino ang may seat na malapit dun sa mga naging COVID-19 carriers
  • yung parang minamaliit ng mga health leaders ang paraan ng pagkalat ng COVID-19 kahit na may halimbawa naman doon sa cruise ship na nakadaong sa Japan
  • yung gustong iuwi na dito sa bansa yung mga mamamayan na mula sa cruise ship na nakadaong sa Japan, kahit na may mga namatay na dito na mga COVID-19 carrier at PUI
  • yung plano na lang ng mga health leaders ng bansa na ipa-home quarantine yung mga mamamayan na magmumula sa Macau
  • yung may 2 mamamayan na na nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng bansa, kung saan ang isa daw eh ni hindi nagta-travel sa ibang bansa
  • yung may local transmission na nga ng COVID-19 sa bayan
  • yung may mga sakay nung cruise ship na dumaong sa Japan ang nakalusot sa quarantine period doon, pero nagpositibo daw noong naibiyahe na dito sa bayan
  • yung plano na 14-day quarantine period rin LANG ang gagawin para sa mga kababayan na iuuwi sa bayan, sa kabila nung nangyaring mga kaso sa cruise ship na dumaong sa Japan
  • yung planong extension ng quarantine para sa lahat, pero walang planong extension para i-isolate ang mga iniuwing OFW
  • yung nagalit daw yung mga seafarers na OFW sa mga nagtataboy sa kanila dito sa bayan
  • yung OFW na babae na hindi pinalagpas sa checkpoint kahit na may clearance naman daw siya, nag-14-day quarantine na rin daw siya sa pinanggalingan niyang bansa
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung Australian na COVID-19 carrier na kung saan-saan ang travel history sa loob at labas ng bansa
  • sa Quezon City, yung meron daw silang carrier on the loose
  • sa Quezon City, yung naka-home quarantine nga lang yung ibang mga COVID-19 carriers
  • sa Tondo, Manila, yung Asymptomatic na COVID-19 carrier na pinauuwi para mag-self-quarantine na lang
  • yung pag-discourage sa paggamit ng mga mask, na para bang pinapalabas nila na kesyo mas safe pa kung walang takip ang ilong at bibig
  • yung dini-discourage noon ang paggamit ng mga masks, pero mandatory na ngayon
  • yung pag-discourage noon sa paniniwala sa mga nakakatakot na balita tungkol sa COVID-19, pero noong lumaganap na yung virus eh pwede nang manakot gamit maging ang mga kabaong 
  • yung mga areas kung saan hindi pa organized ang pag-a-isolate sa mga COVID-19 carriers and PUIs, kaya naman naaagawan na ng mga COVID-19-related cases yung iba pang mga pasyente na nangangailangan din sa mga ospital
  • yung plano na mass testing na hindi naman talaga mass testing, kaya baka may mga makalusot na naman na mga Asymptomatic na COVID-19 carriers
  • yung pinababang classification ng mga COVID-19 related cases kung saan hindi na kasali ang mga Asymptomatic carriers
  • yung limitado at insignificant na mga information tungkol sa mga confirmed carriers
  • ang kawalan ng warning sa publiko tungkol sa mga proven animal carriers
  • ang hindi pag-consider at pag-test sa mga pets/animals na may exposure sa mga naging human carriers
  • yung kini-claim na flattening of the curve samantalang wala pa naman talagang umaarangkada na mass testing sa lahat ng apektadong area sa bansa 
  • yung napeste na rin ng COVID-19 ang nasa 40 na tauhan ng mismong RITM
  • yung napasok na rin ng COVID-19 ang Correctional Institution for Women (CIW)
  • yung napasok na rin ng COVID-19 ang New Bilibid Prison
  • yung kalagitnaan na ng April nang maisip na huwag nang protektahan ang privacy ng mga carrier
  • sa Binangonan daw, sa Rizal siguro, yung video nung female volunteer na hindi tama ang pagkuha ng body temperature sa mga pumapasok sa palengke
  • yung mga pinuno ng iba't ibang lugar na ayaw nang papasukin o pabalikin sa kanila yung mga dating COVID-19 carrier na naka-recover na daw mula dun sa sakit
  • yung problema ng bayan sa kakulangan sa Personal Protective Equipment (PPE) kahit na ilang buwan na yung problema sa COVID-19
  • yung mamahalin DAW yung PPEs na binili ng DOH
  • yung politika sa COVID-19 testing
  • yung opisyales na WHO ang sinisisi sa naging kapabayaan nila sa pagprotekta sa bayan laban sa COVID-19
  • yung sipsip na opisyales na BFF ang turing sa mga mananakop
  • yung mga opisyales na paulit-ulit na inaasar ang Taiwan na kesyo bahagi daw sila ng Imperyo
  • yung mga pinuno na ipinagmalaki at tila isinumbat pa ang pagpasok nila sa special session
  • yung donasyon ng mga sahod pero malaki pa rin ang matitira sa kanila sa kabila ng mga naging kapabayaan
  • yung napakadali lang na magsinungaling para sa ibang mga opisyales, na basta't hindi pa opisyal ang pahayag eh kesyo hindi daw totoo
  • yung mga nagpapanukala ng pagtataas ng antas ng pagbubuwis sa panahon ng pananalanta ng COVID-19
  • yung may mga plano na kaagad para sa muling pagbubukas ng industriya ng tourism sa ilalim ng COVID norm
  • yung mga nagpapanukala na buksan na ulit ang POGO industry
  • yung planong every 14 days na COVID-19 testing para sa mga empleyado ng POGO na ibabalik na sa operation 
  • yung mga pinuno na nagre-request ng cash aid para sa mga Barangay officials kahit hindi naman natigil ang trabaho ng mga ito
  • yung hinahanap na savings daw from 2019
  • yung Senator na COVID-19 carrier na nilabag yung infection control protocols ng isang ospital
  • yung Representative na napagkamalang COVID-19 carrier na nilabag din ang quarantine procedure para sa mga PUI
  • yung paspas na pagtatanggol ng DOJ sa isang Senator na COVID-19 carrier, kesyo kailangan daw na may magdaan sa pormal na proseso
  • yung may kusa at plano na kaagad na kasuhan yung Representative na mistaken for being a COVID-19 carrier dahil mga VIP yung nailagay niya sa peligro
  • yung panggigipit sa mga pinuno na may initiative para sa ikabubuti ng kanyang pamayanan
  • yung kagustuhan na paimbestigahan ang effort ng isang pinuno na makatulong kaagad sa bayan
  • yung nagpapa-deport ng mamamayan mula sa ibang bansa dahil lang binatikos ang kanilang pinuno
  • sa DENR, yung ipinagbabawal na rin sa mga empleyado nila ang pagbatikos sa pamamaraan ng mga nasa itaas sa pag-handle sa COVID-19
  • yung may mga VIP sa lipunan na nakakalusot at nagpapalusot pa ng ibang tao dun sa mga patakaran para sa home quarantine
  • sa [Name of City], yung may palaro doon sa pinaparentahan na religious establishment sa panahon ng quarantine
  • yung mga VIP na mamamayan, yung nakaka-travel sa mga island kahit na may lockdown, at nakakapagpakilos pa ng mga empleyado kahit na non-essential yung industry nila
  • yung mga VIP celebrity na tuloy nga ang patrabaho at patuloy na nang-e-engganyo sa iba pang mga celebrity na mag-travel para sa kanilang show
  • sa [Name of Barangay], yung ni hindi naglilibot ang mga tauhan ng Barangay para ipaalam sa mga residente ang mga hakbang ng lungsod
  • yung palpak na safety measure ng mga nagbabantay sa [Name of Barangay]
  • yung pagpatay sa hanapbuhay ng maraming mamamayan dahil sa COVID-19
  • yung mga opisyales na naunang pinatay ang mga hanapbuhay ng mga tao kesa ang mag-provide muna ng ayuda
  • yung hindi ma-accommodate ng SSS website yung mga gustong mag-request ng ayuda online
  • yung quarantine pass na patunay na hindi kayang mag-provide ng mga pinuno ng pangangailangan para sa lahat ng mga mamamayan
  • sa Catanduanes, yung naniningil ng bayad ang ibang mga pinuno doon kapalit ng quarantine pass
  • yung kailangan daw na mag-apply sa Barangay nung quarantine pass, samantalang iginigiit nga nila ang home quarantine at physical distancing
  • yung may mga area na plano na mag-issue pa ng mga pass para sa mga health workers, kahit na may ID at license naman sila
  • yung naging problema sa transportation ng mga health workers dahil sa ginawang pagpatay sa public transport
  • sa Valenzuela City daw, yung 2 magkapatid na health workers na pinagmulta ng Php 5,000 dahil napilitan silang mag-angkas sa motor
  • sa Rizal, yung menor de edad na hinuli dahil lang daw sa hindi pagsusuot ng mask
  • sa Makati, yung kasambahay na sinita ng pulis dahil sa hindi pagsusuot ng mask habang nagdidilig lang sa loob ng sarili nilang bakuran, na nauwi tuloy sa pag-aresto dun sa banyagang amo nung kasambahay
  • sa [Name of City], yung mga piling public transport na patunay pa rin na hindi kayang mag-provide ng mga pinuno ng supplies para sa lahat
  • yung problema sa port congestion sa panahon ng pananalanta ng COVID-19
  • yung nadadamay at nahaharang ang mga supply ng pagkain dahil sa mabigat na daloy ng traffic sa mga ginawang borders
  • yung may mga kikilan na rin DAW na nangyayari laban sa mga nagde-deliver ng mga supplies
  • sa Benguet, yung may mga farmers na nabulukan na naman ng mga inani nilang gulay
  • yung mga Barangay na nag-distribute ng pagkain sa pamamagitan ng pagpapatawag sa mga tao sa gitna ng banta ng pagkalat ng COVID-19
  • sa Laguna, yung pabigas ng munisipyo na may bayad naman pala
  • yung mga palyadong relief goods na naipamimigay sa mga mamamayan sa ibang mga lugar
  • sa ibang lugar, yung may mga reklamo na kesyo mga registered voter lang nung lugar ang binibigyan ng ayuda
  • yung may ayuda man, pero hindi naman sapat para sa itatagal ng panahon na walang mapagkukunan ng kita
  • sa Lawton, yung mga palaboy na sabik sa relief goods mula sa private sector dahil hindi daw nabibigyan ng ayuda
  • yung paglimita sa oras ng pamimili sa ibang mga pamilihan na lalong nagiging dahilan ng crowding ng mga mamimili
  • yung patakaran na bawal daw mamili ng marami, na nagbibigay ng rason sa mga mamamayan para mas dumalas ang paglabas at pamimili
  • yung mahabang pila sa mga pamilihan, dahil hindi nga kayang mag-provide ng mga pinuno ng supplies para sa lahat
  • yung planong isara na rin ang sources ng basic needs sa ilalim ng total lockdown
  • yung wala nang mabilhan ng alcohol sa [Name of City]
  • yung kawalan ng dumadating na supply sa ibang mga pamilihan, kahit na marami pa ring mga mamamayan ang required na mamili for survival
  • yung mga opisyales na pag-rent ng bahay ang suggestion sa mga nagta-travel na mga trabahador
  • yung mga opisyales na akala eh sapat ang space sa bawat bahay o inuupahang bahay o inuupahang kuwarto ng bawat pamilya para sa panahon ng quarantine
  • yung akala eh posible yung work from home para sa lahat ng klase ng hanapbuhay
  • yung mga pili lang ang bibigyan ng ayuda, yung mga matagal nang nakakatanggap ng limos tapos eh may increase pa sila sa panahon ng COVID-19
  • yung hindi daw muna kasali ang mga exclusive subdivisions at gated communities sa bibigyan ng ayuda
  • yung hindi pantay-pantay na halaga ng ayuda
  • sa [Name of City], yung hindi tugma o pantay-pantay ang pamimigay ng ayuda sa iba't ibang mga Barangay
  • yung mga reklamo sa social media na kesyo mukhang binabawasan pa DAW yung mga relief goods na nakakarating sa mga bahay nila
  • yung sumbong ng ibang mga mamamayan na nakatanggap na ng ayuda, kesyo may bawas daw yung natatanggap nilang cash aid
  • sa Quezon City, yung nakunan ng video, yung asawa ng Kagawad na humihingi ng Php 500 share mula sa natanggap ng iba na SAP para DAW sa members ng kung anong grupo
  • yung reklamo na kesyo per household at hindi per family ang pamimigay ng mga ayuda, lalo na yung cash aid
  • yung iba't ibang bistadong kaso ng paggamit ng cash aid ng pamunuan sa pagsusugal lamang
  • sa Quezon City, yung naudyukan daw na protesta ng mga hindi nabibigyan ng ayuda
  • sa [Name of City], yung dinagsa ng mga beneficiaries yung kuhanan nila ng limos dahil sa ginawang increase
  • yung pamimigay ng cash na ayuda, na parang nag-uudyok lang sa mga tao na labagin ang concept nung home quarantine dahil nga kailangan pa rin nilang lumabas at mamili
  • yung relief drive bilang parte ng birthday celebration ng NCRPO Chief, kung saan hindi na naman nasunod ang physical distancing
  • sa Parañaque, yung bigayan ng cash aid na Php 8,000, kung saan walang physical distancing yung mga mismong namimigay nung pera at ang iba pang mga kasama
  • yung nasa 5,000 katao na pinapila sa Quezon City para sa cash aid
  • sa Cebu, yung lalaking namatay dahil sa heatstroke dahil sa pagpila para sa cash aid
  • yung hindi patas na trato sa mga manggagawa
  • yung marami pa rin pala talagang mga construction workers ang stranded sa NCR hanggang sa ngayon, samantalang naibabiyahe ang mga umuuwing OFW
  • sa Tarlac, yung 2 Pulis Marikina na nahuli sa checkpoint dahil daw sa pag-e-escort sa mga gustong umuwi sa probinsiya
  • yung banta rin ng population explosion dahil sa COVID-19
  • yung babala tungkol sa internet congestion na posibleng idulot ng sabay-sabay na home quarantine 
  • yung pambobong grace period para sa ibang mga bills na kasabay lang ng magiging katapusan ng puwersahang quarantine
  • yung palpak na pagpapatupad ng mga rules, dahil binabalewala din naman sa ibang checkpoint yung mga ID, kabilang na ang sa mga miyembro ng media
  • yung kawalan ng common sense ng ibang mga bantay sa mga checkpoint
  • yung maging mga health workers eh hinaharang at hindi pinapadaan sa ibang mga checkpoint
  • sa Cavite, yung hinuhuli yung mga naglalakad na lumalabag daw sa 24-hour quarantine samantalang pinagsasabihan lang yung mga may dalang mga sasakyan
  • yung paglaki ng rasyon ng gatas para sa mga kinukuhanan nila ng suporta
  • sa Parañaque City, yung nabistong ilegal na POGO operation sa panahon ng pananalanta ng COVID-19
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks
  • yung failure of election sa Philippine Councilors League dahil hindi daw tugma yung binibilang nung machine nila
  • yung agawan sa kapangyarihan sa lower house
  • yung pag-amin ng isang elected official na magiging sunud-sunuran lang siya sa kanyang kaalyado na pinuno
  • yung pinuno na pinupuna ang pagpuna sa mga maling gawain ng kanyang kakampi
  • yung Representative na pinupuna ang Senate dahil sa aksyon na matagal naman na palang ginagawa rin talaga sa Senate 
  • yung pinuno na naka-sentro lang sa election process ang mga reklamo laban dun sa TV network, na para bang yun lang ang purpose nung kompanya
  • yung hindi na nga gagawing priority nung opisyal na nakinabang sa TV network noong panahon ng SEA Games ang franchise renewal
  • yung pressure DAW ng Executive branch sa Congress sa usapin ng TV network franchise renewal
  • yung nakikialam na rin yung isang office sa pagpapabagsak sa isang TV network
  • yung patuloy na panggigipit ng isang opisina sa isang TV Network maging sa panahon ng pananalanta ng COVID-19
  • yung naging masamang asal ng isang opisyal laban sa reporter nung ipinapasara nilang TV network
  • yung marami sa mga kini-claim na nilabag daw ng isang TV network ay suportado at binigyan naman daw ng permit ng mismong mga tauhan rin ng pamahalaan
  • yung nagreklamo tungkol sa Philippine Depositary Receipts (PDR) nung isang TV network, pero hindi naman pala naiintindihan kung ano yung PDR 
  • yung sa korte kaagad lumapit para magamitan ng gag order yung pinapasarang TV network
  • yung TV Network na tinulugan, ginamit, tinulugan ulit, pinangakuan, bago patraydor na ipinatigil
  • yung labag daw sa tamang proseso yung ginawang pamamaraan ng NTC
  • yung isinusulong ng lower house na 100% foreign ownership para sa public utilities na sasalungat sa nakasaad sa constitution
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung tauhan ng gobyerno na ultimo relief goods eh binibigyan ng masamang kulay para lang masiraan ang target nilang pulitiko
  • yung tauhan ng gobyerno na binibigyan ng masamang kulay yung paggawa ng paraan ng ibang mga lokal na pinuno upang mas matulungan ang mga health workers sa gitna ng banta ng COVID-19
  • sa Batangas, yung tauhan ng OWWA na tinipon na kaagad yung mga OFW na kailangan pang dumaan sa quarantine procedure
  • yung social media account ng tauhan ng pamunuan na pinapalabas na mga makakaliwa LANG lahat ng mga nagrereklamo laban sa bulok na sistema
  • yung huwad na kampanya laban sa FAKE news dahil merong empleyado ng pamunuan na hinding-hindi naman napipigilan sa mga paninira at pagpapakalat ng FAKE news
  • yung pinuno na gustong bumuo ng panibagong departamento, samantalang meron naman nang existing na ganun ang purpose
  • yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
  • yung mga pinuno na hindi matanggap yung resulta ng computation ng mga numero na sa mga hanay rin naman nila nagmula
  • yung mga pinuno na ginagawang basehan ang resulta ng mga survey samantalang daan-daang mga hindi kilalang tao lang naman ang natatanong sa mga pa-survey
  • yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon dahil lang sa isyung politikal
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung meron pa ring mga nasabat na kontrabando sa Bilibid nitong early part ng 2020
  • sa Mandaluyong City, yung mga high profile inmate na babae na nakuhanan ng malalaking halaga ng pera at alahas, bukod pa sa ibang mga kontrabando na nasamsam naman dun sa ibang mga bilanggo
  • yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
  • yung pinuno na nagde-demand ng mabilis at tamang aksyon sa panahon ng COVID-19 samantalang di hamak na mas matagal ang pagkabingi sa panahon nila
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
  • yung kasali nga pala sa mga naghahabol sana laban sa Dictator Clan yung isa nilang kaalyado na opisyal
  • yung opisyal na todo ang pagtatanggol sa mga POGO sa kabila ng mga katiwalian at krimen na naiuugnay dito dahil lang daw sa kapakinabangan na nakukuha ng bansa mula sa mga ito
  • yung business process outsourcing daw ang mga POGO samantalang sa mga banyaga din mismo ibinibigay yung mga trabaho, habang pinapapunta sila dito sa bansa
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan
  • yung nagkaroon nga ng Imperial citizen na opisyal ang NGCP, at labag iyon sa batas
  • yung mga dayuhan na biktima ng illegal recruitment para sa mga POGO
  • yung Pastillas Operation ng mga tauhan ng Bureau of Immigration para sa mga POGO workers
  • yung may nasa Php 50 Billion pa daw na buwis na hindi nababayaran ang POGO industry dito sa bayan ayon sa BIR, pero wala DAW problema ayon dun sa isang opisyal
  • yung late nang ipinatigil ang operation ng mga offshore partners nila dahil sa COVID-19

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga petroleum-based enthusiasts na sabay-sabay pa ang paggamit ng mga sasakyan para sa paghahatid ng relief goods, sa halip na gumamit o umarkila na lang ng malalaking sasakyan
  • yung mga TV network na tinutulungan pang patuloy na magkaroon ng public exposure yung mga pinuno na napatunayan nang nagkasala laban sa bayan
  • sa Quezon City, yung sasakyan ng isang Party-list Representative na nabiktima ng Basag-Kotse sa parking area ng isang kilalang mall
  • sa Makati, yung mga estudyante na nabundol ng jeep habang tumatawid sa pedestrian lane, na lumalabas na positive sa drug test yung driver at wala na ring lisensya
  • yung jeepney operator na tinanggap pa ring driver yung nakabundol sa Makati kahit wala na nga itong lisensya
  • yung jeepney driver na nagmamaneho habang naglalaro ng mobile games
  • sa Pandacan, Manila, yung mga kabataan, kasama ang 5 menor de edad na sinilaban ang mga lobo ng isang vendor na naging dahilan ng pagtatamo rin ng sunog at mga lapnos sa katawan nung vendor, at ni wala daw bakas ng pagsisisi sa mukha nung mga kabataan
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung mga OFW na ang lakas magmando na kesyo sumunod lang daw palagi sa mga batas, pero nagalit nang makarating na sa kanila ang tungkol sa epekto ng isang batas para sa PhilHealth
  • yung mga OFW na akala na sila lang ang magiging biktima ng increase ng contribution sa PhilHealth na dulot ng programa sa pagbibigay ng limos
  • yung mga negosyante na sinasamantala naman yung mataas na demand para sa mga mask upang magpataas ng presyuhan
  • yung panibagong problema tungkol sa kakulangan ng mga mask na dulot ng problema sa nCoV
  • yung nagpa-panic buying na rin daw ang mga tao ng alcohol at sanitizers, at meron pang reporter na nakaranas ng overpricing
  • yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR, kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren
  • yung pamamato sa mga tren ng PNR, yung iba eh dumi ng tao at hayop pa ang ginagamit daw
  • yung mga naglalagay ng kung anu-anong bagay sa may riles ng PNR
  • yung nagkanakawan na nga DAW sa ibang lugar na nasalanta ng pagputok ng Taal
  • sa Batangas City Sports Complex, yung 3 security guard na nahuling nagpupuslit ng mga relief goods
  • yung ultimo pagdating sa usapin tungkol sa kaligtasan ng mga mamamayan eh nagtatalo-talo pa rin ang mga tao
  • yung nakawan ng kable ng kuryente sa Ayala tunnel
  • sa Albay, yung nanakawan ng mga solar panel yung Mayon Volcano monitoring station ng Phivolcs
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung pakikisawsaw na rin ng isang bastos na abogado sa usapin ng provisional permit
  • yung nakikisawsaw na rin ulit ang isang bastos na abogado sa usapin ng franchise sa panahon ng COVID-19
  • yung mga Cable TV Group na gustong pagkakitaan ang posibleng pagkawala ng isang TV network
  • yung mga mamamayan na ikinatuwa pa ang pagkawala ng source ng hanapbuhay at balita ng marami sa panahon ng pananalanta ng COVID-19
  • yung mga mamamayan na binubusalan ang mga celebrity sa pagpapahayag ng mga ito ng kanilang mga reklamo at sama ng loob dahil sa pagkawala ng source ng kanilang hanapbuhay sa pamamagitan ng patraydor na pamamaraan
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung celebrity na pinipigilan ang iba na magpahayag ng kanilang damdamin tungkol sa panggigipit
  • yung celebrity na naghahangad ng reporma sa kanilang industriya, pero pagpapasara ng kompanya ang sinusuportahan na hakbang
  • yung celebrity na pro- lang sa mga piling mahihirap at anti-equality, na tutol na bigyan ng ayuda ang iba pang mga mamamayan na naperwisyo dahil sa COVID-19
  • yung kaalyado ng kalaban sa pulitika yung abogado nung actor sa demolition video
  • sa Cavite, yung Person Under Investigation (PUI) dahil sa posibleng kaso ng nCoV na tumakas naman sa ospital
  • yung mga pahamak na mga COVID-19 carriers na nagsinungaling tungkol sa kanilang travel at exposure history, bukod pa sa nakisalamuha sila sa ibang mga tao
  • ang pagnipis ng bilang ng mga health workers dahil sa kamatayan at sa pagka-quarantine sa kanila
  • yung diskriminasyon ngayon na nararanasan ng maraming health workers dahil sa COVID-19
  • yung physical attacks laban sa ilang health workers, gaya ng pagsasaboy ng chemical fluid sa kanila
  • sa Candelaria, Quezon, yung ambulance at yung driver na pinaputukan daw ng isang lalaki dahil sa pag-aakala na naghahatid siya ng mga COVID-19 patients
  • yung mga health workers na nagrereklamo sa Php 500 na daily allowance
  • yung mga ospital na tumatanggi sa mga pasyente dahil daw sa takot sa COVID-19
  • yung agawan sa supply ng gamot na Hydroxychloroquine dahil pa rin sa COVID-19
  • yung may nakatagos na rin daw noon na COVID-19 carrier sa Marinduque dahil rin sa pagsisinungaling
  • yung mga kabataan na lumalabas pa rin at nagsasama-sama kahit na wala namang mahalagang gagawin, sa kabila ng banta ng pagkalat ng COVID-19
  • yung mga pasaway na lumalabas kahit na wala namang importanteng gagawin, yung iba eh nag-iinuman pa sa kabila ng banta ng COVID-19
  • sa Parola Compound daw sa Manila, yung pa-boxing sa Barangay sa panahon ng quarantine kung saan mga kabataan ang kalahok
  • yung mga tao na iniisip na dapat ang Jogging/Walking eh yung malayuan talaga ang displacement
  • yung nagiging aktibo na naman ang mga private vehicles sa gitna ng quarantine
  • sa Cagayan de Oro City, yung pastor na nagtipon ng nasa 500 daw na katao sa kabila ng ipinatutupad na quarantine
  • yung mga OFW na tuloy naman ang trabaho, pero nagrereklamo kung bakit wala daw silang makukuhang cash aid
  • yung nagde-demand ang mga OFW na hayaan silang makaalis ng bayan noong nagsisimula pa lang ang COVID-19, tapos ngayon eh nasa 200,000 na daw yung humaharap sa problema ng pagkatigil ng mga trabaho nila sa ibang mga bansa
  • sa Lian, Batangas, yung mga OFW na dapat eh naka-quarantine pero naglilibot na doon sa resort
  • yung mga naka-quarantine na mga reklamador na OFW na gusto nang magsiuwi, na hindi nare-realize na ang dami ng ginawa na pabor para sa hanay nila
  • yung pag-abuso ng ibang mga PUV drivers sa kalagitnaan ng problema sa COVID-19
  • yung pag-abuso ng ibang mga magtitinda sa kalagitnaan ng problema sa COVID-19
  • yung bentahan ng mga pekeng quarantine pass
  • yung mga online scams sa panahon ng quarantine, yung ginagamit na front ang iba't ibang mga celebrities o group
  • yung mga utility companies na paningingil ng bayad ang pinoproblema ngayon dahil baka daw magpatong-patong yung mga bayarin ng mga consumers
  • yung mga celebrities na nagpayo na naman na manatili lang daw sa mga bahay, samantalang cash na yung ibang ayuda at ni wala ngang natatanggap na ayuda ang marami pa, kaya mapipilitan pa rin silang maglalabas para mamili
  • yung mayayabang na mga mayayaman na nagmamando sa mga mahihirap sa kalagitnaan ng problema sa COVID-19 palibhasa eh sila yung may extra na cash at supplies
  • yung mga mayayabang na mamamayan na hinahamak yung mga hindi nila ka-level ang income na para bang hindi sila pamilyar sa iba't ibang uring manggagawa
  • yung mga mamamayan na nagyayabang ng method daw para madaling ma-manage yung virus, pero ni wala namang nabanggit tungkol sa basic needs sa ipinagyayabang nilang mga suggestions
  • yung mga mamamayan na hinahanapan ng ambag yung ibang tao bago daw magreklamo, samantalang halos lahat naman ng mamamayan eh may ambag sa buwis ng bayan
  • yung banta ng mga undetected na Asymptomatic COVID-19 carriers 
  • sa Quezon City, yung 5 Asymptomatic COVID-19 carriers na na-test lang dahil napasali sila sa contact tracing
  • sa Davao region, yung 2 daw na carrier na gumaling na mula sa COVID-19, pero muli DAW nag-positive
  • yung buntis na nag-positive sa COVID-19, na nagpa-test matapos siyang makunan, samantalang hindi naman daw siya naglalalabas ng bahay nila
  • yung mga kaso ng COVID-19 carrier na animals, as in non-human na animals
  • yung mabilis daw na mutation ability ng virus na nagdadala ng COVID-19
  • sa Pasig, yung mga 4Ps beneficiaries na pati naman libreng manok na malapit nang ma-expire eh gusto na strictly para sa kanila pa rin
  • sa Bacoor, Cavite, yung lalaki na nakatanggap ng Php 6,500 mula sa Social Amelioration Program na ginamit yung ibang pera para ipambili ng ilegal na droga
  • yung mga tanga na pinupuri pa rin ang kanilang idolo tungkol sa ibang bagay kahit na sa kabila ng sobra-sobrang kapalpakan sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 sa bayan
  • yung mga anti- na bulag at patuloy na kinukuwestiyon kung ano na ba ang nagawa ng mga hindi kaalyado sa kabila ng mga accomplishments na totoo namang nagawa na nila
  • yung mga sunud-sunuran lang na nagsasabi na wala daw nagagawa ang pagrereklamo
  • yung campus journalist na pinuwersa daw na mag-public apology dahil cr-in-iticize niya ang pamamaraan ng gobyerno, kaya binalikan siya ng mga kakilala niya na nagtatanggol sa sistema, na kanya na ring nasita
  • yung pag-atake daw ng mga rebelde maging sa panahon ng pananalanta ng COVID-19
  • sa NCR, yung kaso ng rape sa panahon ng quarantine, kung saan may trauma na rin sa pagkabata yung biktimang babae
  • yung concept nung Immunity Passport para sa panahon ng COVID-19
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung mandudurang Imperial citizen na kung anu-ano na ang mga nilabag na batas at patakaran dito sa bansa
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
  • sa Pasay City, yung 2 Imperial citizen na nanutok ng baril sa isang security guard, na nahaharap din sa sari-sari pang kaso
  • yung nagbabarilan na ang mga kriminal na Imperial citizen dito sa bansa
  • yung smuggled na mga karne ng baboy na galing sa Imperyo na nagpositibo na naman sa ASF
  • yung may nakapasok na nga na kaso ng Novel Coronavirus (nCoV) dito sa bansa na dala ng isang babaeng Imperial citizen na galing sa Wuhan
  • yung perwisyo ng nCoV sa ekonomiya
  • yung pati UAAP eh naperwisyo na rin ng COVID-19
  • yung mga South Korean na galing sa pinagkalatan ng COVID-19 sa kanilang bansa, na nalusutan yung mga nagmo-monitor dito sa bayan
  • ang pagtama ng COVID-19 maging sa mga kilalang tao sa buong mundo, kahit sa mga atleta
  • ang patuloy na pagtatayo ng Imperyo ng structures sa pinag-aagawan na mga teritoryo habang nananalanta ang COVID-19
  • ang masamang Western Impact ng COVID-19
  • yung donated na Imperial test kits na mula daw sa pribadong kompanya na nasa 40% lang ang accuracy rate
  • sa Baclaran, Parañaque, yung Imperial citizen na nagtayo ng ilegal na ospital para sa mga Imperial COVID-19 patients daw
  • yung latest na pinalubog ng mga taga-Imperyo na Vietnamese fishing vessel sa kalagitnaan ng pananalanta ng COVID-19
  • yung nagpapakilos na ng air craft carrier ang Imperyo kasabay ng pananalanta ng virus sa iba't ibang panig ng mundo
  • yung may localized Imperial government na sa ilang mga sinakop na teritoryo
  • yung bagong spyware ng Imperyo
-----o0o-----


May 2, 2020...

sa Cebu..
yung lalaking namatay dahil sa heatstroke dahil sa pagpila para sa cash aid... :(

is feeling , mga tamad na ayaw magbahay-bahay...

---o0o---


May 3, 2020...

yung case nung Jonin na nag-positive ulit sa COVID-19..
evidence na yun sa duration kung gaano katagal na pwedeng ma-detect ulit na positive ang isang tao matapos niyang mag-negative na...

or worse..?
sana naman eh hindi..
pero baka posible nga ulit na mahawa at ma-infect ang tao nung virus...

is ⚠ feeling , baka sa kahihintay sa scientific proof, eh sumabog pa ulit nang sumabog yung virus...?


>
yung buntis na nag-positive sa COVID-19..
nalaman niya matapos siyang magpa-test matapos siyang makunan..
pero ang problema..?
hindi naman daw siya naglalalabas ng bahay nila... :(

so saan niya nakuha yung virus..?
- may Imperial food ba siyang nakain?
- may pet ba sila sa bahay nila na posibleng nae-expose sa mga gala na hayop?
- sa inuming tubig ba?
- o baka sa hangin na mismo?

is ⚠ feeling , kapag nagtuluy-tuloy pa 'to, baka umabot nga ang mga tao sa punto na papatayin na lang nila lahat ng carrier at suspected carrier para lang maka-survive...

---o0o---


May 4, 2020...

yung patuloy na panggigipit ng Solicitor Assassin sa isang TV Network maging sa panahon ng pananalanta ng COVID-19... :(

silbi ng TV Network > silbi ng Solicitor Assassin

is feeling , mabuhay ang alliance ng Dictator Clan.. patayin ang demokrasya.. ibalik ang Dictator's Law...


>
hugas-kamay naman si MRT Man tungkol sa patakaran nila para sa kalusugan... :(

natawa lang ako dun sa isang na-interview na nagsabi na maganda naman daw yung purpose nung naipasang sistema...

common sense na lang yun eh..
hindi financial institution yung involved na opisina..
kaya imposible na makapang-libre sila ng health benefits nang wala naman silang source of fund...

kung tutuusin eh redundant na yung ganung sistema eh..
nandyan ang PCSO at ang iba pang charity institutions..
nakakalapit rin daw sa PAGCOR..
maging sa PhilHealth eh matagal nang may voluntary option na iba ang magbabayad para sa gusto nilang bigyan ng health benefits...

pero bakit nila ipinagpipilitan yung mga sistema na maganda lang pakinggan..?
dahil alam nila na madaling makuha ang suporta ng mga mahihilig sa libre..
dahil kailangan nila ng maipagmamalaki at maisusumbat sa mga tao tuwing panahon na ng selection process... :(

minsan kasi, kailangan rin talaga nung patas na labanan sa battle for survival..
hindi yung monthly mo na nga bibigyan ng libreng cash mula sa gatas..
sagot mo pa pati birth control mula rin sa gatas..
may bukod pa na ayuda sa panahon ng delubyo..
tapos eh ililibre mo pa sa madalas na pagpapagamot, gamit ang contribution ng mga nag-aambag...?

ang patas na sistema..?
yung hayaan mong tumulong ang mga gustong tumulong..
walang pilitan at walang ipitan..
at hayaan mong mamatay yung mga walang makukuhang suporta...

is feeling , ang sarap pa rin ba ng support-buying...??


>
hindi ko maiwasang matawa sa ibang mga OFW..
lalo na yung mga nakikisuntok gamit ang kamay na bakal sa mga picture nila..
yung mga nagsasabi na kesyo sumunod lang daw palagi sa pamunuan..
na kesyo huwag magreklamo..
na kesyo walang nagagawa at naiaambag sa bayan ang pagrereklamo... :(

akala ko ba tama lang na sumunod nang sumunod ang lahat sa sistema..??
na para sa ikabubuti naman ng bayan yung mga ipinapatupad nila...?
tapos ngayon eh nagkakaganyan kayo, dahil late ninyong nalaman ang tungkol dyan...??

ito yung sinasabi ko na dapat matutong mag-isip eh..
na dapat may kalayaan sa pagpapahayag..
suportahan lang kung ano yung tama..
at kuwestiyunin naman kapag mali na...

hindi yung bubusalan ninyo ang iba tungkol sa mga pinupuna nila, puwerket hindi kayo apektado..
tapos aangal lang kayo kapag na-realize ninyo na nahahagip na din pala kayo nung ibang mga patakaran..
at ang pag-angal nyo pa eh para lang sa sektor ninyo...??

gusto nyo ngayon ng patas..??
puwes, i-request ninyo na itigil na ang pagbibigay ng mga limos...

masusuwerte pa nga kayo eh..
dahil inirerespto pa yung hanay ninyo dahil sa mga dolyares..
eh paano yung mga hindi pinakikinggan ang mga boses dahil basic milk lang ang ambag nila para sa bayan...?? :(

is feeling , alam nyo ba ang proseso kung paanong nagiging batas ang mga panukala...??


>
as expected..
kumilos nga agad si Tatay Gunggong..
pero siyempre, yung hindi na naman pantay-pantay ang trato sa lahat..
kasi mahalaga pa rin ang support-buying eh... :(

meaning..
kami na lang mga nasa bayan ang magtutustos sa mga nililimusan nila..
mabuhay ang mga put*ng inang may FREE PhilHealth benefits... :(

t*ng ina..
mga drug addict..
mga maglalasing..
mga magsusugal..
mga manglilimos ang mga anak..
tapos naka-libre na naman... :(

is feeling , put*ng ina.. gaano ba kahirap yung huwag na lang mag-increase..? at huwag na lang manlibre ng mga put*ng inang manglilimos...??


>
paano ba yan, mga trabahador na na-trap sa NCR..?
at sa lahat din ng mga nawalan ng trabaho sa loob ng bayan dahil may mga tanga na ayaw ipatigil ang mga put*ng inang international travel..?
mga basura lang talaga ang tingin sa atin ng pamunuan..
mga disposable...

seryosohan na 'to..
namimili na lang sila ng mga bubuhayin nila.. :(
kailangan na talaga natin ng patay na Hokage..
ng mga patay na mga basurang pinuno..
ng mga patay na mga magnanakaw..
ng mga patay na mga manglilimos...

is feeling , masarap bang maging lesser citizens...??

---o0o---


May 5, 2020...

okay..
so nakisawsaw na rin ulit si Middle Fingerer sa usapin ng franchise sa panahon ng COVID-19...

silbi ng TV Network > silbi ni Middle Fingerer

is feeling , Dictator's Law na.. para masaya...


>
yung tumiklop na si Tatay Gunggong sa masamang pakikitungo niya sa ilang mga negosyante..
mapagpakumbaba na daw siya dahil sa pera ng ibang tao..
kesyo malaki daw ang naitutulong nila laban sa kapabayaan na idinulot ng hindi pagpapatigil sa international travel eh...

kagaya rin ng ginawa nila sa COVID-19..
dinaan muna sa yabangan sa simula..
kesyo wala daw dapat ikatakot dahil sa mga safety measure nila kuno..
kaya naman heto ang bayan ngayon..
gulping-gulpi ang marami dahil sa pinapasok na virus..
at aminado ang mga bulok na decision-makers na hindi nila kayang tulungan ang lahat ng inagawan nila ng mga hanapbuhay... :(

is feeling , yabang muna parati.. saka na ang aksyon kapag malala na ang sitwasyon...


>
tungkol sa pagsunod sa batas...

nakasaad na noon sa batas kung magkano yung cash incentives na pwedeng i-award sa mga makakakuha ng medal sa SEA Games..
pero talagang tinaasan pa ni Tatay Gunggong..
may milyones na nga na cauldron..
nagpakawala pa ng mas maraming gatas kumpara sa nakasaad na sa batas...

akala ko ba kailangang sumunod lang parati sa mga batas...?? :(

nakakapanghinayang lang..
madami ang kailangang bigyan ng pera sa panahon ngayon..
sa mga health workers na lang eh ang dami nang nakapangako..
pero masyado ngang naglustay ng gatas ang mga decision-makers last year... :(

is feeling , yabang muna, bago tulong.. put*ng ina, wala pa rin akong natatanggap na danyos...


>
yung SARS, nasa 2 to 7 days ang incubation period, pero occasionally eh umaabot daw sa 14 days..
yung MERS-CoV, nasa 2 to 14 days naman ang incubation period...

ilan lang 'to sa patunay kung paanong minaliit ng pamunuan yung virus..
kapamilya ng SARS at MERS-CoV..
nasa 14 days ang incubation period..
pero idinaan lang ang mga paliparan sa thermal scanning, na parang masasaklaw nun yung put*ng inang incubation period...??

nakakahiya nga naman kasing maabala ang mga biyahero eh... :(

is ⚠ feeling , ang alamat kung paanong pinabagsak ng kabobohan ang mga bansa...


>
o'..
mga basurang rebelde..
ano pang hinihintay ninyo ngayon..?
magkunwari na ulit kayo na may mga patayan, para magkatotoo na ulit ang Dictator's Law...

t*ng ina mo, Panggulong Butete..
sinisisi mo yung mga negosyante sa pagbibigay ng gatas sa kanila..
samantalang yang bulok ninyong hanay ang walang kakayahan na protektahan ang lahat... :(

posibleng totoo ang mga hangarin..
pero manipulado ng mga instigator na nasa background lang...

is feeling , gaya ng ginawa ninyo doon sa bayan na nasira ng terorismo.. may non-intelligence fund, pero mas pinili ninyong magbakasyon.. pumapatay kayo ng mga pawns para sa paghahangad ninyo ng kapangyarihan at pondo...


>
ano, Panot, masaya ka na na nakaganti na kayo...?

matapos ninyong gawing pokpok yung TV Network para sa SEA Games..
tinulugan nyo lang sila..
partner..?
pero sinamantala nyo lang sila para may mukha kayong maiharap sa international community..
at talagang nagamit nyo pa ang Imperial COVID-19 para mas gipitin sila..
lahat ng 'to, planado ng basurang alyansa ninyo...

COVID-19 para kay Panot at sa mga kaalyansa nila sa Chunin House..
put*ng ina mong virus ka, tamaan mo naman yung mga karapat-dapat tamaan... :(

is feeling , bakit ganito kadilim ang buhay na 'to..? parang mga demonyo na lang ang naghahari sa mundo...??


>
panalo na ang kadiliman... :(

yung mga demonyong nagkakamal ng milyun-milyong deal sa pamunuan..
yung mga demonyong hindi nagpapaliwanag kung saan nila ginagastos ang ilang bilyong gatas..
sila ang piniling paboran ng tadhana... :(

naaayon nga sa sistema..
pero naaayon ba sa sitwasyon ngayon kung kailan nananalanta ang virus na pinapasok sa bayan..?
naaayon nga sa sistema..
pero nasaan ang delikadesa noong ginamit nila yung institution tapos eh tinulugan na lang nila nang mapakinabangan na nila...??

mga demonyo kayo sa mundo..
ang Hokage na Mahilig..
ang Solicitor Assassin..
si Middle Fingerer..
si Panot..
ang FAKE group nina Kape..
lahat ng put*ng inang bahagi ng alyansa..
lahat sila dapat tamaan ng COVID-19 kahit pa sandata yun ng kanilang mga Bestfriend...

is feeling , ito ang dahilan kung bakit ginugunaw na ang mundo ngayon.. dahil sa pagyakap ng mga fans sa ganitong klase ng mga diyablo...


>
walang nagkamali na subukang pigilan ang Hokage na Mahilig na maakyat ang tuktok ng pyramid...

dahil ang put*ng inang pagpapapasok nila ng COVID-19 sa loob ng bayan ang pinakamalaking patunay sa ngayon kung gaano kabulok ang Hokage na pinili ng mga fans...

is feeling , mga put*ng ina ninyo, lasapin nyo na lang yang COVID-19.. mamatay na kayong lahat...

---o0o---


May 6, 2020...

kung paanong patraydor ang ginawang paglilibing sa Diktador..
ganun din ang ginawa nila sa TV Network...

kunwari eh walang magiging problema..
basta mag-cater lang muna sila para sa SEA Games..
tapos biglang - surprise... :(

is feeling , at malaking banta ngayon para sa bayan na wala na ang konsensya ng J Branch, ang Deserving Chief na may prinsipyo...


>
yung huling ganun, sinusubukang labanan ang Imperyalismo kahit na di hamak na lamang ang Imperyo sa laban...

pero ang put*ng inang Solicitor Assassin..?
puros paloob lang ng bayan ang pag-atake..
para sa reconstruction ng pamunuan at lipunan na pabor sa sinusubukan nilang makuha na panibagong Dictator's Law... :(

is feeling , anong patas..? yung nagkamal ang pamilya nila ng milyun-milyong deal sa pamunuan...??


>
ang pamunuan ang may gusto ng paglipat from analog service to digital terrestrial television..
pero salo ng mga TV Network yung pag-provide ng mechanism..
matagal ng plano ng pamunuan na alisin na ang analog signal na kayang masagap ng mga TV antenna..
and to think na may dagdag konsumo na rin sa kuryente yung kagustuhan ng pamunuan na paggamit ng mga digital TV box..
patunay lang 'to na walang pakialam ang pamunuan kung eventually eh mawalan man ng access sa free channel ang mga mamamayan... :(

may mga nilabag ang TV network..?
pero binigyan din naman sila ng mga permiso ng bahagi din ng pamunuan ah...??

imagine their idea..
isang digital TV box, tapos eh iisa rin lang ang channel kapag wala kang alam tungkol dun sa technology..?
hindi ba parang pinupuwersa ka na rin ng pamunuan na mag-subscribe na nga lang sa cable kung ganun..??
malamang for additional milk, kasi yung free channel naman eh pwede rin sa cable..
kasi kung talagang may malasakit ang pamunuan, kung talagang gusto nilang manatili ang free TV media, edi sana eh sila na lang ang nag-provide ng digital TV box technology kung saan saklaw pa rin lahat ng free channels na parang antenna technology rin lang...

panahon na ngayon ng internet at YouTube..
maging mga ordinaryong tao nga eh kumikita na mula sa mga commercials..
kaya hindi ba panahon na rin para mag-adapt nga ang pamunuan ng mga bagong patakaran na kayang sumabay sa teknolohiya..
galit na galit sila sa mga free channels..?
pero nandyan na ang internet, at ang pamunuan mismo eh nagpo-provide ng free internet access...

bukod na franchise per channel yung demand nila..?
bakit pa, eh iisa lang naman yung kompanya..?
hindi pa ba sapat na proportional yung gatas na sinisingil nila sa kung anuman yung kitain nung kompanya..??
and to think na sila mismo eh nakinabang sa other channel sa panahon ng SEA Games...

wala akong pakialam sa negosyo..
pero kung kaya ng kompanya na kumita sa mga commercials..?
eh bakit mo gigipitin ang mga mamamayan, lalo na yung mga ordinaryo lang, para mapuwersa silang maging mga cable subscriber..??
karapatan ng mga mamamayan ang access sa free media...

is feeling , gusto nila ng development sa TV technology..? pero traditional na patakaran pa rin ang ginagamit nilang basehan para manggipit...??


>
at speaking of pagsunod lang sa batas...??

siyempre, isa pa ring malaking palabas ang lahat..
sa dami na ng Imperial establishments sa loob ng bayan, kung saan bayad ang mga mamamayan na co-owner kuno..
may mga isla na rin na naagaw na at nalagyan na ng local government unit..
at nariyan pa ang offshore industry...

business process outsourcing ang palusot..?
pero ang mga trabahador eh mga Imperial citizens..
yung iba eh mga tumagos lang sa bayan gamit ang Pastillas..
put*ng inang gaguhan yan...

at hindi ko talaga maintindihan kung anong droga ang ipinapagamit nila sa mga Panatikong Zombies..
kasi ang mga gagong yun, nagagawa pa nilang pagtawanan yung TV Network..
sa kabila iyon ng mga enviromental advocacy nila, at ang mga pagtulong nila sa mga mamamayan..
samantalang lahat ng pamamaraan ng pamunuan, kasama na ang pagkunsinti sa mga offshore industry at ang pagyakap sa Imperyalismo, eh talagang suportado nila puwerket kagustuhan rin yun ni Tatay Gunggong... :(

is feeling , wala na talagang pag-asa ang bayan na 'to hangga't hindi namamatay lahat ng mga taga-bulag at lahat ng mga bulag...


>
bata pa lang ako, free TV channel na ang kinagisnan kong panooran..
that time, mas marami pang channels yung napapanooran namin - nang libre..
kaya wala akong pakialam sa cable..
para sa akin, dagdag gastos lang ang cable, at dagdag konsumo rin sa kuryente dahil may kasama kami sa bahay na adik sa mga movies..
in fact, hanggang ngayon eh umaasa pa rin kami sa traditional na TV antenna..
kasi hanggang ngayon naman eh nakakasagap pa rin yun ng analog signal kahit papaano...

kaya naman noon pa mang nalaman ko yung tungkol sa plano ng pamunuan na ipa-convert na ang lahat sa digital terrestrial television..
dahil ititigil na nila ang paggamit ng analog signal..
eh batid kong may mali na na ipinaubaya nila sa mga TV Network ang pagpo-provide ng mechanism..
dahil logically, yung mga channels na by default eh kaya nang masagap ng mga antenna noon, eh pinaghiwa-hiwalay pa..
2010 pa naman iyong patakaran, pero hanggang ngayon eh nae-extend yung plano dahil hindi pa rin talaga nakahanda ang buong bayan sa digital terrestrial television...

to be honest, gusto ko yung TV Network sa pagiging artistic nila - as a whole..
marami silang napo-produce na mga local na teleserye na maganda ang script..
kasi although marami naman ang kayang magsulat ng mga script, for some reason eh maganda yung quality ng delivery nila..
kulang man sila in terms of graphics, pero hindi naman sila yung tipo na hanggang trailer lang ang istorya..
siguro dahil na rin nga sa mahuhusay nilang talent...

pagdating sa music..
ganun din, madami ang magagaling nilang artists and composers, commercial music man o hindi..
madalas na madaling magustuhan yung mga signature music nila..
samantalang hindi ganun kadalas yung appeal nung sa iba...

hindi man naging linya nung TV Network yung mga medyo makabago at talagang popular na mga action na Anime..
pero naging tahanan sila noon ng mga pambata at may mga aral na Anime..
akala ko pa nga noon na Cartoons yung mga yun kasi wala akong naaalala na napanood ko na hindi Western yung setting..
pero surprisingly, eh mostly Japanese nga yung creators nila...

sila rin yung maraming educational shows dati..
for Science, History, Mathemathics, at iba pa..
but i do not blame them kung na-sacrifice ang mga yun dahil sa demand ng kanilang target market...

nandiyan ang suporta nila para sa sports..
na kahit pa hindi malakas sa paghatak sa mga commercials..
eh ginagawan pa rin nila ng paraan para mapaabot yung mga show sa mga audience...

siyempre nandiyan rin yung environmental advocacy nila, na nawala na yung pinaka-haligi..
yung programa nila noon para sa mga kabataan, na ewan ko lang kung bakit nagpatay-buhay..
at ang maya't mayang pagtulong nila sa mga nangangailangan...

may regional channel rin nga pala sila..
na may silbi ang mga balita para sa bawat area na nasasakupan nila...
not sure about other regional channels..
pero yung napapansin ko dun sa amin, halos parehas lang ang programming at sa news at ilang commercials lang medyo nagkakaiba..
so sa ganung perspective, sa tingin ko kalabisan kung peperahan siya as an individual channel gayong halos the same naman ang content at ang layunin lang ay mag-deliver ng mas localized na news...

hindi perpekto yung channel..
kaya nga hindi ko pinapanood lahat ng mga palabas nila eh..
pero madami na rin silang nagawang maganda...

hindi ko alam kung bakit kailangan na 1 free channel lang ang makuha per franchise..
sinusubukan kong i-search sa internet kung privilege lang ba talaga yung franchise o kung may katapat na halaga, pero wala akong mahanap na sagot..
hindi ko ma-imagine yung mundo kung saan 1 digital TV box eh nag-iisang channel rin lang ang meron..
may dagdag gastos ka na nga sa kuryente dahil dun sa device, tapos eh limitado pa ang mga pwede mong mapanood..
i think hindi naman ito ang plano ng dating pamunuan, kasi kaya nga sila nagbigay ng permiso for innovation eh..
pero sa takbo ng mga pangyayari ngayon..
parang mas gusto nga ng pamunuan na itulak na ang mga mamamayan sa cable subscription...

tapos sasabihin nung mga mayayabang na fans na kesyo wala naman daw magbabago kahit na mawala pa ang TV Network..?
bakit, dahil mga cable subscribers sila..?
dahil kesyo nagsikap at nagsisikap nga naman sila sa buhay para makabayad ng monthly fee..?
o baka naka-illegal connection pa ang mga put*..?
sana naisip nila yung mga ordinaryong tao na mawawalan ng access sa free media... :(

parang tanga din nga yung depensa ng mga fans na kesyo napaso na eh, kaya katapusan na nila ayon sa sistema..
pero patas ba para sa isang institusyon na may napatunayan na kabuluhan para sa bayan ang buwagin sila nang ni hindi nga pinag-usapan yung apila nila...??

walang kuwestiyonable..??
kaya pala nagawa pa ng Hokage na Mahilig yung palabas niya na kesyo nagpatawad na siya, habang tuluy-tuloy pa rin ang pagrereklamo ni Panot..
ginamit nila yung TV Network..
tapos tinulugan..
pinangakuan, pero patraydor na pinatay..
so nasaan ang katarungan doon..??
isa yung systematic na pag-atake... :(

kung totoong naniniwala pa sila sa public service, bakit nila kailangang tanggalan ng access sa free media ang mga tao lalo na sa panahon ng pinapasok nilang COVID-19..?
galit sila dahil sa ibang mga channels, pero bakit buong operasyon ang dinamay nila..?
dahil ang motibo ay nasa likod ng amo na pinaglilingkuran ng Solicitor Assassin... :(

is feeling , wala mang purong mabuti dito sa mundo.. pero ang tanong ay bakit mo papaboran yung higit na masama ang mga hangarin para sa bayan...??


>
yung flattening of the curve..?
mukhang totoo nga na palabas lang yun..
pabida move para sa ikababango nila matapos nilang magpabaya... :(

una, hindi naman real-time yung data..
wala namang mass testing..
at ni hindi nga nila alam kung saan at paano nahawa yung ibang naunang local carriers para masabi na napi-filter na nila lahat ng mga suspected case...

wala pa nga yatang testing para sa mga hayop eh...?

sa dami pa rin ng mga nade-detect na positive lately..
eh gaano kalaki yung possibility na mas marami pa ang made-detect kung totoong may sisipa na mass testing o random mass testing...??

halimbawa sa amin..
2 araw ang nakalipas na may locally confirmed na mga cases (bago tuluyang naputol yung source ng balita)..
pero hindi daw nagre-reflect yung bilang sa mas mataas na unit ng pamayanan..
walang paliwanag, pero basta sinabi nila na updated sila dun sa bilang sa area namin..
at 2 days nga na ganun yung sitwasyon, ewan ko lang kung mas nagtagal pa iyon...

is feeling , paano nila nasasabing bumabagal kung sila mismo yung mabagal...??


>
yung panibagong put*ng inang offshore company na nahuli..
hindi ko na nakuha yung mga details..
wala rin akong planong ulit-ulitin yung pare-parehong bulok na topic sa listahan...

basta ang put*ng inang punto ay sobrang linis ng put*ng inang offshore industry... :(

is feeling , paanong labag..? kung nakapal ang mga put*ng inang bulsa nila...??


>
bakit commission ang gumawa ng final blow...??

simple lang..
yung palabas tungkol sa pagpapatawad ay para magkaroon sila ng dahilan, hugas-kamay para sa Hokage na Mahilig..
para mas madaling sabihin na wala na silang kinalaman..
hindi rin ang majority ng Chunin House ang gumawa, dahil takot sila sa impact nun para sa paparating na selection process...

kaya naman ipinasa nila ang pagdedesisyon sa isang unit na hindi maaapektuhan ng selection process...

is feeling , how to destroy an institution in 4 years...?


>
nalulungkot talaga ako sa kinahinatnan ng maraming mga mamamayan dahil lang sa fandom... :(

at hindi naman totoo na panay bayaran nga sila..
marami rin ang totoong mga tao..
na mukhang madaling mahatak ng mga bayarang instigator...

well, yung iba kong mga nababasa eh mga matatanda na nagnanais na manumbalik ang Dictator's Law..
mga negosyante of some sort..
kasi kesyo nakikita nila yung bangkay na Diktador sa bagong Diktador...

yung iba naman, eh halos mga ka-generation ko lang..
tipong average citizen, may pag-aari at source of income..
na ang focus ng kaalaman tungkol sa Dictator's Law ay nakatuon lang sa infrastructure..
hindi sa haba ng paghahari..
hindi sa mga naging pang-aabuso..
at lalong walang alam sa laki ng utang na naiwan sa bayan matapos ang isinumpang panahon na iyon..
mga naniniwala sila sa alamat na kesyo may lahi ng mamamayan na bumili noon ng bayan mula sa mga mananakop (yung alamat ng tanga), at na pinamanahan daw ng mga iyon ng maraming ginto ang Dictator Clan..
katulad rin nung matatanda, nakikita nila ang bangkay na Diktador sa bagong Diktador...

yung iba, mga commoner na akala na astig at totoo ang isang tao basta't nagmumura siya..
mga pumapalakpak kahit nagmamanyakis yung idol nila..
mga pumapalakpak kahit tungkol lang sa titi ang ikuwento ng idol nila..
basta gusto nila yung parang totoo lang, kahit na hindi na tama, at kahit hindi na talaga totoo...

pero pinakadismayado ako sa mga elite na fans..
edukado..
madaming talent..
may source of income..
biyahero..
pwedeng sabihin na mayaman..
may utak pero parang selective ang paggana dahil sa fandom... :(

nakakalungkot na sa sobrang brainwashed nila..
akala nila na kahapon lang talaga nangyari ang lahat..
sobrang bulag, na hindi nila alam yung mga facts..
sobrang bulag na ni hindi nila naaalala yung mga nangyari sa mga nakalipas na buwan..
hindi nila alam na the same commission ang nagbigay ng permiso sa mga sinasabi nila ngayon na mga paglabag..
hindi nila alam na matagal nang may apila..
at akala nga nila na dumaan na yung TV Network sa tamang proseso..
akala nila na tamang proseso na yung mag-request ka at hindi ka naman papansinin sa loob ng ilang taon... :(

is feeling , sa panahon lang na 'to ko nakita yung mga ganitong nakakatakot na uri ng mga mamamayan.. yung tipo na basta't fan ka eh tama na lahat ng ginagawa ng mga idol ninyo.. eh ultimo yung pagpapapasok sa COVID-19 sa loob ng bayan eh okay lang para sa kanila eh...

---o0o---


May 7, 2020...

yung may put*ng inang mabilis na mutation ability pa pala ang virus na nagdadala ng COVID-19... :(

is ⚠ feeling , so mukhang 2/3 nga talaga ng population ang target ng archangel na ito...?


>
ano ngayon kung nawalan ang ibang mga tao ng free media..?
hindi pwedeng baliin ang mga patakaran dahil lang sa pakiusap ng mga ordinaryong tao..
dahil wala naman silang ambag na mga dolyares eh... :(

is feeling , para sa level ng mga commoner, yung mga may dolyares lang ang dapat pakinggan ang mga boses...


>
huwag nating abalahin ngayon ang Chunin House..
sobrang tindi ng kinakaharap ng bayan na krisis dahil sa COVID-19 na pinabayaang makapasok sa mga paliparan..
hindi mahalagang usapin ang tungkol sa TV Network..
nagawa nilang maghintay ng ilang taon, kaya ano ba naman kung subukan nila ulit yung swerte nila sa 2022...?

ang mas mahalaga sa ngayon eh ang makapagkamot ang mga tutang Chunin ng kanilang mga itlog... :(

is feeling , kawawa yung mga nag-convert na sa digital TV box, kasi free news blackout na yung katumbas nun para sa kanila...


>
yung mga VIP celebrity na tuloy nga ang patrabaho..
madaming beses nang nagpa-travel ng mga celebrity para bigyan sila ng raket..
at patuloy na nang-e-engganyo sa iba pa...

ang daming tao ang kontrolado ang galaw sa ngayon..
ultimo sa pamimili eh binibigyan na ng time limit..
pero ang mga taong 'to eh malayang nakakagalaw sa lipunan ng dahil sa impluwensiya... :(

put*ng ina..
ang batas ay batas..?
pero sa kanila eh hindi applicable... :(

is feeling , kung tutulong, edi tumulong.. hindi yung nagpapakita ng masamang ehemplo...


>
yung labag daw sa tamang proseso yung ginawang pamamaraan ng NTC...

is feeling , eh kasi nga iba ang definition ng sistema, depende kung kaalyado ka o hindi...


>
yung mga naka-quarantine na mga reklamador na OFW na gusto nang magsiuwi...

kung mare-realize lang sana nila..
masusuwerte pa rin sila at mga buhay sila..
nakaka-travel pa rin sila papasok sa bayan..
may accommodation para sa kanila..
may rasyon din ng pagkain..
at kahit nga limitado ang bilang ng test kits eh isa na sila kaagad sa mga priority..
organized pa kahit papaano ang pag-handle sa kanila..
masusuwerte sila dahil may boses yung mga dolyares nila.. :(
bakit hindi nila i-try na mag-petition ulit, tipong hindi na nila kailangang sumunod sa sistema kahit na kailan...??

ang daming trabahador sa loob ng bayan..
matatagal na rin silang na-trap sa mga location nila..
hindi na kumakain ng regular..
hindi rin entitled sa cash aid dahil hindi sila mga residente..
at yung iba eh hindi naman naiiba yung istorya mula sa mga OFW, tungkol sa pagiging malayo at ang kawalan ng kakayahan na umuwi nang madalas sa kanilang mga pamilya..
dito nga lang sila nakakuha ng mga trabaho nila sa loob mismo ng bayan..
walang organized na paraan ng pag-handle sa sitwasyon nila..
madami-dami na rin sa kanila ang nakasubok na maglakad pauwi..
bakit hindi ninyo subukan yung ganun...??

sa mga health worker..?
ang dami na ng mga nasakripisyo na mga buhay..
tinatawag din sila na mga bayani..
pero sa simula ng delubyo na 'to, wala naman talaga sa kanila ang nakahanda na mamatay habang nagtatrabaho sila..
nasakripisyo lang sila ng kapabayaan ng mga decision-makers..
marami rin ang nasakripisyo dahil sa kasinungalingan ng mga nagbiyahe..
mga decision-makers na hiyang-hiya sa mga maaabala ng total international travel ban, kung saka-sakali..
mga decision-makers na minaliit yung kamag-anak nung SARS at MERS-CoV..
mga decision-makers na umasa lang sa mga thermal scanner sa mga paliparan at same day checking..
mga decision-makers na palpak ang pinakaunang contact tracing method..
mga decision-makers na napasok na at lahat ang bayan ng ilang mga carriers, pero kinunsinti pa rin ang mga pagbiyahe..
sa sobrang kampante nila eh ni hindi nga naghanda ng tamang supply ng PPE just in case na makapasok yung virus sa bayan eh...

kaya simple pa yung mga sakripisyo nung mga nagrereklamo na OFW sa ngayon kung tutuusin..
bearable pa...

is feeling , tama na yung VIP treatment para sa mga baya-bayani...

---o0o---


May 8, 2020...

so may bago na palang spyware na naman ang mga Imperial hackers.. :(
ilang buwan na rin noong nabisto sila eh..
nangalikot na sila sa mga nakapaligid na mga teritoryo...

is feeling , sa ganung field na lang pala dapat ako nag-focus.. pang-counter.. tapos libre pa ang mga pera...


>
kawawa yung mga artista na binubusalan..
hindi naman nakabase sa amount ng kita ang karapatan sa pagrereklamo at paglalabas ng sama ng loob... :(

pare-parehas lang ang mga taong naghahanapbuhay..
wasakin ninyo yung mga pinagtatrabahuhan nila, lalo na kung halatang-halata ang pagkaluto, at tiyak na tututol sila..
natural lang na pahahalagahan ng mga tao kung ano yung source of income nila, dahil ganun kahalaga ang pera para mabuhay lang sa mundo..
walang kasiguraduhan ang buhay, kaya sobra mang laki ng kita o maliit, eh tama lang na tuluy-tuloy ang pagkayod hangga't kaya..
gaya sa field ng mga artista..
matagal nang napatunayan na hindi lahat eh nagtatagal sa mundo nila..
kung mukhang sobrang dami man nung digits nila, eh sa yun yung idinidikta ng industriya nila eh..
tsaka hindi naman din pare-parehas ang level nila bilang mga talent, kaya napakasama na sabihin na hindi na sila dapat nagrereklamo dahil kesyo malalaki naman na ang kinita nila...

is feeling , hindi kailanman masama na magreklamo laban sa kasamaan.. patas at makatao pa nga yun kung tutuusin eh...


>
yung relief drive bilang parte ng birthday celebration ng NCRPO Chief..
kaso eh nabigyan na naman ang maraming tao ng pagkakataon para magkumpulan... :(

is feeling , tinutulungan ba ang mga tao o tinutulungan yung COVID-19...??


>
sobrang daming modus na lumalabas regarding sa SAP distribution..
nandun na rin yung split technique na dati nang ginagamit sa paglilista para sa 4Ps... :(

pero heto ang isang may video..
sa Quezon City..
yung asawa ng Kagawad na humihingi ng share mula sa natanggap ng iba na SAP..
Php 500 daw para sa members ng kung anong grupo...
kesyo mga hindi daw qualified sa SAP yung mga sinasabi niyang members, kaya ipinanghihingi niya ng share mula sa SAP...

is feeling , creativity...


>
yung kaso ng rape sa panahon ng quarantine... :(

call center agent daw na nakatira sa Makati yung babae..
naloko ng isang security guard na nagpanggap bilang isang kaawa-awang habal-habal driver..
nagawa niyang dalhin yung biktima sa isang motel, na mukhang nag-o-operate somehow..
at doon nga na-rape yung babae...

ang masama pa sa istorya na 'to..?
may traumatic history na rin daw yung biktima noong bata pa siya, sa kanyang stepfather... :(

is feeling , yung pakiramdam na ibinalik sa'yo lahat nung mga takot na pinagdaanan mo na noon...


No comments:

Post a Comment