PVL Season 3 - Reinforced Conference (Finals)
(Another UST Kind of Ending)
July 13, 2019...
Army Troopers versus BanKo (Battle for Third)
nag-start na naman na kokonti pa ang mga live audience..
nakabalik na si Coach Kungfu...
Set 1, 25-23, early substitution ni Villareal for Roces, habol nang habol ang BanKo, sa harap pinalitan ni Gervacio si Horton, Roces for Villareal, pero nanaig ang Army dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 2, 20-25, pang-sub na lang ulit si Horton, unang nabaliktad ng Army ang takbo ng set after ng 1st technical time-out, pero nabaliktad rin ito ng Banko after ng 2nd technical time-out, lumamang ang BanKo dahil sa kanilang 13 attacks plus 8 opponent errors..
Set 3, 25-20, si Bicar na ang Setter ng Army, nakaagwat sila after ng 1st technical time-out, Gutierrez for Jordan sa bandang dulo for service and floor defense, inilamang ng Army ang kanilang 15 attacks..
Set 4, 25-23, naunang nakaagwat ang Army, nakagawa ng mga late chase ang BanKo, pero kinulang sila...
3-1, panalo ang Army..
3-1 na rin ang record nila laban sa BanKo..
magiging 3rd sila kung matatapos na ng Creamline ang laban para sa Championship...
Player of the Game si Tubino with 23 points from 20 attacks and 3 service aces..
Lymareva with 21 points na may 20 attacks..
Jordan with 17 points na may 3 kill blocks..
Gonzaga with 6 points, pero plus 15 digs and 13 excellent receptions..
nakontra nila ang napakawalan nilang 28 errors in 4 sets..
para naman sa BanKo..
Chuewulim scored 14 points from 11 attacks and 3 service aces..
may plus 10 digs and 13 excellent receptions din siya..
Bersola with 13 points na may 5 kill blocks..
Tiamzon and Gervacio with 12 points each, pero may 4 kill blocks dun si Gervacio...
nanalo ang Army dahil activated na naman ang top 3 attackers nila...
Creamline versus Angels (Game 2)
madami na naman ang sumuporta nang live...
Set 1, 25-15, si Atienza ulit ang nag-starting Libero, Sabete naman ang nag-start for Mercado, Creamline ang naunang nakaagwat, Mercado for Sabete, Galanza for Gumabao para sa floor defense, inilamang ng Creamline ang kanilang 17 attacks..
Set 2, 22-25, unang nakaagwat ang Angels, umabot pa sa front row at naka-rotate ang laro ni Galanza, nanaig ang Angels dahil sa kanilang 15 attacks and 4 service aces kontra sa sarili nilang 8 errors..
Set 3, 22-25, nakaagwat ang Angels after ng 1st technical time-out, late nang nakadikit ang Creamline, nakuha ng Angels lahat ng stats maliban sa nagawa nilang 8 errors ulit..
Set 4, 12-25, unang nakaagwat ang Angels hanggang sa nakalayo na sila, ginamit pa si Vargas kapalit ni Baldo for floor defense, pero wala rin...
3-1, panalo ang Angels..
2-2 na ang record nila laban sa Creamline...
Player of the Game si Johnson with 23 points from 18 attacks, 2 kill blocks, and 3 service aces..
Salas with 23 points na may 22 attacks, plus 13 digs and 10 excellent receptions..
Sabete with 9 points..
Panaga with 8 points..
Cheng with 28 excellent sets, plus 3 points..
nakontra ng lakas ng attacks nila ang napakawalan nilang 29 errors in 4 sets..
para naman sa Creamline..
Baldo scored 17 points..
may plus 12 digs and 10 excellent receptions din siya..
Kaewpin with 13 points, plus 12 digs..
Blanco with 10 points, na may 3 kill blocks..
Morado with 33 excellent sets, plus 1 point..
mukhang si Atienza ang kinulang ngayon sa digging...
malaki ang naitulong ni Sabete, kahit siya eh hindi basta-basta mabantayan ng Creamline eh..
gumanda rin ang net at floor defense ng Angels mula sa Set 2..
makikita yung ibinaba ng scoring ng Creamline, na hindi na-complement yung marami pa ring errors na napakawalan ng Angels..
bukod dun ay tumaas ang attack accuracy ng buong team ng Angels, lalo na yung sa mga guest players, at ang dami nilang nagawang fast ball...
is feeling , better game para sa Army, at may laban pa sila bukas.. delikado ang Creamline kung hindi nila maiaangat ang depensa nila...
---o0o---
July 14, 2019...
nasa 24 hours lang ang naging pahinga ng mga players...
Army Troopers versus BanKo (Battle for Third)
nagsimula ulit na kokonti muna ang live audience sa Antipolo..
ang 6th 5-setter match ng conference..
parehas na 4th na para sa 2 team..
at 3 beses na sa pagitan nilang 2...
Set 1, 18-25, Gervacio starts for Horton, nakaagwat ang BanKo before ng 1st technical time-out, gumawa ng mga substitutions ang Army, Roces for Villareal, at nakuha ng BanKo lahat ng stats..
Set 2, 25-16, si Bicar na ang nag-Setter para sa Army, nakaagwat sila before ng 1st technical time-out, saglit lang na ipinasok sina Cailing at Horton, inilamang ng Army ang kanilang 15 attacks and 4 blocks plus 6 opponent errors..
Set 3, 20-25, dikit nang dikit ang BanKo, Horton for Chuewulim, hanggang nabaliktad ng BanKo ang takbo ng set after ng 2nd technical time-out, nakuha nila lahat ng stats kontra sa kanilang 9 errors..
Set 4, 25-15, madalas na lamang ang Army, hanggang sa nakalayo na sila after ng 2nd technical time-out, nanaig sila dahil sa kanilang 17 attacks and 3 blocks..
Set 5, 15-13, unang nakaagwat ang BanKo, late nang nakadikit ang Army, Gutierrez for Jordan para sa service at floor defense, hanggang sa Army na nga ang nakakuha ng panalo...
3-2, panalo ang Army..
natapos sa 4-1 ang record nila laban sa BanKo..
at dahil dun ay sila na ang official 3rd Placer for this conference...
Player of the Game si Lymareva with 32 big points, from 29 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
may plus 12 excellent receptions din siya..
Jordan with 19 points, na may 3 kill blocks..
Tubino with 12 points, na meron ring 3 kill blocks..
Gonzaga with 9 points, plus 20 digs..
Bicar with 34 excellent sets, plus 4 points..
para naman sa BanKo..
Tiamzon scored 22 points na may 20 attacks..
Chuewulim with 16 pure attack points, plus 20 digs and 8 excellent receptions..
Gervacio with 13 points, na may 4 kill blocks na naman..
Horton with only 2 points off the bench..
Ferrer with 31 excellent sets, plus 3 points na may 2 service aces...
makikita sa mga stats ni Gonzaga lately na mas tumataas na yung level ng floor defense niya, kahit na nalilimitahan pa siya sa attacks...
Creamline versus Angels (Game 3)
dumami rin nga ang tao sa Antipolo...
Set 1, 15-25, bad start for Creamline, nakakuha ng early lead ang Angels dahil sa kanilang service aces at sa service errors ng Creamline, Galanza for Gumabao, nakuha ng Angels ang set dahil sa kanilang 12 attacks plus 5 service aces plus 8 opponent errors..
Set 2, 30-28, ipinasok kaagad si Galanza sa likod, si Atienza na lang ang ginamit na Libero ng Creamline, muling nakakuha ng early lead ang Angels, sira ang service ni Gumabao, hanggang sa nabaliktad ng Creamline sa dulo ang takbo ng set, nanaig sila sa tulong na rin ng 9 errors ng Angels..
Set 3, 23-25, si Sato ang na-activate para sa Creamline, dikitan ang laban, Gumabao for Galanza sa harapan, pero mas nanaig ang Angels dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 4, 19-25, active na ulit ang blocking ng Angels, habol nang habol ang Creamline, nakaagwat ang Angels after ng 2nd technical time-out, nagsimula pang magkalat ang Creamline sa dulo...
3-1, panalo ang Angels..
natapos ang record ng Creamline laban sa kanila sa 2-3...
Player of the Game si Salas with 30 big points from 26 attacks and 4 kill blocks..
Johnson with 23 points from 19 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
may plus 13 digs and 18 excellent receptions din siya..
Panaga with 10 points na may 6 service aces..
Cheng with 28 excellent sets, plus 2 kill block points..
para naman sa Creamline..
Baldo scored 22 points from 18 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Kaewpin with 17 pure attack points, plus 11 digs..
Sato with 10 points, na may 3 kill blocks..
Morado with 35 excellent sets...
sayang, kung kailan activated si Sato, eh saka naman naka-off yung iba pang players..
nalimitahan sa 6 points si Blanco, konti lang yung fast ball na nagawa niya..
nagkalat sa service si Gumabao..
samantalang maraming nakalampas na service aces laban kay Gohing..
maging si Morado eh hindi nakadiskarte laban sa Angels this time..
pero wala eh..
mahirap talagang manalo laban sa malakas na team kung maraming service errors, at nakukuhanan pa ng maraming service aces...
pero proud pa rin ako kina Baldo at Kaewpin..
kung tutuusin, kaya ng Creamline financially na kumuha ng mas malalakas pang guest players (Outside Spikers talaga ang ideal)..
pero hinahayaan nila sina Baldo at Kaewpin na humarap at makipagsabayan sa mas malalakas na attackers..
balanced-type na players laban sa mga international-calibre na players...
- Conference's MVP: Baldo (Creamline)
- Finals' MVP: Johnson (Angels)
- 1st Best Outside Spiker: Tiamzon (BanKo)
- 2nd Best Outside Spiker: Baldo (Creamline)
- Best Opposite Spiker: Gervacio (BanKo)
- 1st Best Middle Blocker: Bersola (BanKo)
- 2nd Best Middle Blocker: Nunag (Angels)
- Best Setter: Morado (Creamline)
- Best Libero: Nunag (Army Troopers)
- Best Foreign Guest Player: Salas (Angels)
is feeling , congratulations sa Army, okay na bati sa pagbabalik ni Gonzaga.. laglag naman sina Morado, Galanza, Kaewpin, at ang buong Creamline team sa 2nd Place sa Reinforced Conference.. pero sa August na ang simula ng Open Conference...
PVL Open Conference Preview
okay..
ganito..
babalik na ang representative ng Air Force sa liga..
though hindi pa rin makakabalik ang Navy...
at ang bagong bad news...?
nasa 8th team sina Tolentino, Madayag, at BDL..
kasama rin nila si Gequillana..
so malalaman sa Setter kung magiging malakas rin ba silang contender laban sa Creamline..
ADMU Champions versus ADMU-DLSU Champions ang lagay nun..
but then, nandyan din ang La Salle Champions ng Angels..
at ang Motolite..
i'm not sure naman kung makababalik si Bersola sa BanKo...
isa ding Rebisco team ang 8th team, ang Choco Mucho..
so sister company nila ang Creamline...
i was hoping na ibang company naman yung susuporta sa liga...
is feeling , magkakaalaman na sa August...
No comments:
Post a Comment