Loveless Story
July 14, 2019...
iniisip ko kung gagayahin ko ba yung ginawa ni Sid..?
yung gumastos para sa makakasama..
kaso, hindi naman ako mayaman... :(
iniisip ko kung ano bang sugal ang pwede kong gawin..?
gusto ko bang makita lang si YAM na nakasalamin at wedge..?
tapos okay na..?
at aasa na lang na makakaya siyang tapatan nung reliever niya...??
o mas mabuti ba kung susugal ako sa 2..?
hindi ko makikita si YAM..
pero 2 naman ang tsansa ko na makahanap ng tutupad sa naiwan niyang role...
is ⚠ feeling , bwisit na bwisit sa buhay...
---o0o---
July 16, 2019...
nakapag-decide na ako..
magtitiis na lang muna ako... :(
mag-iipon na lang ako..
yung budget para sa pangarap kong beach date..
kapag meron na, saka ko na lang ulit susubukan yung proposal ko kay YAM..
kapag pumayag siya, edi okay, makakasama ko yung best..
pero kapag hindi, edi may ipon naman ako na pambili ng sleeping pills...
is feeling , sayang yung dinner date eh...
-----o0o-----
July 13, 2019...
nakakita naman ng remedyo sa problema sa Globe...
ayaw nilang hayaan ang GCash na mag-load ng regular prepaid via *143#..
edi ayun, sa TM ko sinubukang padaanin..
at gumana naman... XD
is feeling , sana lang eh hindi nila mapansin, para hindi nila makontra yung butas sa sistema nila...
---o0o---
July 17, 2019...
[Pests]
after ng atake noon ng drywood termites..
ng iba't ibang species ng langgam..
a few months ago ay butiki na ginawang CR ang lalagyan ko ng mga gamit..
tapos this month naman eh combination ng baby butiki at ng mga baby ipis... :(
yung baby butiki eh gumagaya dun sa dati..
pasok pa rin nang pasok sa loob ng cabinet ko at doon dumudumi... :(
yung mga ipis naman eh lately lang nagkaroon ng ganung behavior dito sa loob ng bahay..
usually kasi eh yung mga fully-grown lang ang nakikitang gumagala..
pero this time, eh ang daming mga babies na sa mga gamit ko tumatambay..
pati mga itlog eh parang talagang inia-assign na nila sa kuwarto ko... :(
and to think na nag-invest kami sa Php 10,000 worth ng pest control sa loob ng isang taon...
ano ba namang klase ng sumpa 'to..?
parang mas binabalewala na nila ngayon yung regular kong paglilinis at pagmo-move ng mga gamit... :(
is feeling , buhay ng malas...
>
ang seselan na ng mga tao sa [Name of City] sa panahon ngayon..
hindi naman tuluy-tuloy ang pag-ulan..
hindi naman dire-diretso na sobrang lakas..
parang wala naman yatang typhoon signal sa area..
hindi naman malakas ang hangin..
wala namang power interruption..
hindi rin naman nagbabaha sa maraming lugar...
pero ang gusto kaagad eh cancellation ng mga klase...??
samantalang noon eh may required pang typhoon signal para masabi kung anong level lang ang pwedeng i-cancel ang klase o ano...
is feeling , gaya kayo nang gaya sa NCR na bahain...
---o0o---
July 19, 2019...
[Sports]
malapit na..
galinge naman, Thor-Man..
dapat malakas ka, kasi Thor na nga eh Iron Man pa..
Marquez dapat ang standard, para masaya...
i-retiro na ang Fighting Jonin..
para wala nang nasasayang na seat sa Jonin House sa susunod..
kalokohan yung kesyo masunurin sa mga aral ng diyos, pero pro- sa Death Penalty..
dapat nang bawasan ang mga balimbing at ang mga taga-sang-ayon lamang...
is feeling , reporma...
---o0o---
July 20, 2019...
nakapag-assign na ng 88 pages for 2 projects..
52 pages nun and na-render na..
more than 100 pages naman ang requirement..
makabubuti para sa akin kung matatapos ko ang lahat ng iyon by August...
kailangan nang mag-upgrade ng Windows..
at siguro, susugal rin ako sa pag-a-upgrade nung 3D software ko..
aasa na medyo bibilis ang proseso at gaganda ang quality...
kaso hindi pa rin maganda ang performance nung latest project ko sa 1st store..
nasa pinakamababang level...
is feeling , pera lang ang kailangan para malabanan ang buhay...
No comments:
Post a Comment