Loveless Story
July 7, 2019...
ano na nga bang status...??
- 3D career - below monthly budget requirement
- Google sideline - dying
- remittance - dying (below 20% of the monthly target)
- retail - continuously diminishing interest
- ice - as is
- load (Globe network) - dead
- load (other networks) - dead
- eBay sideline - dying
---o0o---
July 9, 2019...
napatunayan ko na..
hindi puwerket miyembro ng sekta na yun eh malinis na...
unless, hindi nila kino-consider na kasalanan ang panloloko sa asawa...
is feeling , sabi na nga ba eh...
---o0o---
July 11, 2019...
sobrang nami-miss ko na yung pakiramdam na yun..
lalo na ngayon na nasisira na ulit ang ginagamit kong katawan..
parang naghahabol na naman ako, habang mukhang normal pa ako...
kaso..
hindi ko na alam kung kanino ko pa ulit yun makukuha..
lalo na ngayon na tigil na yung pinakamagaling..
nakakatakot na sumugal..
baka mamaya kasi eh mapamahal na naman, pero sa palpak...
is 💀 feeling , ano bang goal ko sa buhay..? magpagamot na lang nang magpagamot...??
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 3 - Reinforced Conference (Semifinals)
July 6, 2019...
sa Antipolo City ang venue..
average ang dami ng live audience...
Angels versus BanKo
nakapaglaro na pala dati si Chuewulim sa pizza league..
for Cagayan, 7 years ago...
Set 1, 25-23, si Villareal ang nag-start for Roces, Mercado naman para kay Baloaloa sa Angels, dikitan ang laban, pero nanaig ang Angels dahil sa kanilang 15 attacks and 5 blocks kontra sa sarili nilang 10 huge errors..
Set 2, 25-18, si Gervacio for Horton sa likod, nakaagwat ang Angels before ng 2nd technical time-out, inilamang nila ang kanilang 17 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-17, nabaliktad ng Angels ang laban after ng 1st technical time-out, naipasok pa nila sina Sabete, de Leon, at Layug...
3-0, panalo ang Angels..
sa 4-0 natapos ang record nila laban sa BanKo..
at pasok na sila sa Finals...
Player of the Game si Salas with 23 points from 21 attacks and 2 kill blocks..
Johnson with triple 13; 13 points, plus 13 digs and 13 excellent receptions..
Panaga with 9 points na may 4 service aces..
Nunag with 7 points..
Cheng with 21 excellent sets..
at sa kabila iyon ng napakawalan nilang 24 errors in just 3 sets..
para naman sa BanKo..
si Horton lang ang umabot sa double figures, with 10 points..
Tiamzon with 8 points..
at nalimitahan naman sina Bersola at Chuewulim sa 5 points each lang..
Ferrer with 24 excellent sets...
makikita sa naging labanan ng Angels at BanKo sa Semifinals na more on errors lang talaga ang nagiging butas ng Angels..
pero makikita rin naman kung sino yung madalas na gumagawa para sa kanila, at sila yung dapat na madepensahan..
si Panaga naman eh kailangan lang na masigurado na hindi masyadong mabibigyan ng service ace...
Creamline versus Army Troopers
aw, naglalaro rin pala si Gonzaga sa PSL...
Set 1, 25-12, nakakuha ng early lead ang Creamline, ipinasok pa sina Negrito at Galanza sa bandang dulo, nakuha ng Creamline lahat ng stats..
Set 2, 25-18, muling nakakuha ng early lead ang Creamline, sinubukang ipalit si Gutierrez kay Tubino pero hindi rin ito na-activate, Vargas naman for Baldo sa likod, inilamang ng Creamline ang kanilang 13 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-13, nakalayo ang Creamline after ng 1st technical time-out...
3-0, panalo ang Creamline..
nagtapos sa 4-0 ang record nila at ng Army..
at nakabalik na rin sila sa championship ng Reinforced Conference...
Player of the Game si Kaewpin with 12 pure attack points..
may plus 10 digs and 8 excellent receptions din siya..
Baldo with 11 points..
Sato with 9 points..
Gumabao with 8 points..
Blanco with 7 points..
Morado with 16 excellent sets, plus 4 points..
para naman sa Army..
si Lymareva lang ang umabot sa double figures, pero nalimitahan pa rin siya sa 11 points lang..
Gonzaga with 7 points..
Jordan with 5 points..
at nalimitahan rin si Tubino sa 3 points lamang...
siguro ang medyo lamang lang ng Creamline laban sa Angels ay kayang maka-score ng kahit na sino sa kanila, maliban sa Libero..
at pampalito rin nga kahit papaano yung mga magic ni Morado...
is feeling , expected na yung pagpasok ng Angels.. thank you sa buong Creamline para sa muling pagdadala kina Morado at Galanza sa Finals...
---o0o---
PVL Season 3 - Reinforced Conference (Finals)
July 10, 2019...
nagsimula ng kokonti ang live audience...
Army Troopers versus BanKo (Battle for Third)
ang 5th 5-setter match ng conference..
parehas na 3rd time para sa 2 team...
Set 1, 27-25, madalas na lamang ang Army, kakaiba yung Gervacio for Horton na substitution sa harapan, pero naitawid pa rin naman ng Army yung set dahil sa kanilang 3 service aces..
Set 2, 25-10, maagang nakaagwat hanggang sa nakalayo na ang Army, si Cailing na muna for Ferrer, overkill at nakuha ng Army lahat ng stats..
Set 3, 25-27, Gervacio for Horton, Villareal for Roces, nakaagwat ang Army after ng 1st technical time-out, Ferrer for Cailing matapos maghabol ang BanKo, late na sila nakadikit at naagaw pa nila ang set dahil sa kanilang 3 blocks plus 7 opponent errors..
Set 4, 24-26, nakakuha pa rin ng early lead ang Army, gumawa na ng iba't ibang substitutions ang BanKo, muli nilang naagaw ang set dahil sa kanilang 17 attacks plus 5 opponent errors..
Set 5, 14-16, dikitan ang laban, pero muling naagaw ng BanKo ang set sa bandang huli...
3-2, panalo ang BanKo..
upset loss para sa Army..
2-1 na ang record nila, pabor pa sa Army...
Player of the Game si Chuewulim with 15 points from 14 attacks and 1 kill block..
may plus 31 digs and 18 excellent receptions din siya..
Tiamzon with 18 points from 15 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Gervacio with 13 points off the bench..
Bersola with 11 points, na may 6 kill blocks..
Roces also with 11 points..
Horton with only 8 points..
para naman sa Army..
Lymareva scored 26 points na may 24 attacks..
Tubino with 24 pure attack points..
Jordan with 18 points..
Balse with 12 points, na may 5 service aces..
Gonzaga with only 6 points, pero plus 23 digs and 17 excellent receptions..
Gonzales with 6 points, na may 4 service aces...
worst game for Army..
hindi sa pangit ang performance nila, dahil madalas nga silang unang nakakalapit sa set point..
pero worst, in the sense na 3 set point advantages in 3 different sets yung pinakawalan nila..
considering pa kung paano nila na-overkill yung Set 2..
literal na maraming puntos yung naagaw sa kanila sa match na 'to..
at nadaan yun ng BanKo sa kung anu-anong substitutions..
makikita rin kung paanong nalason ang Army ng sarili nilang errors...
Creamline versus Angels (Game 1)
dumami na ang live audience bago pa man ang simula ng second match...
Set 1, 24-26, si Atienza ang starting Libero ng Creamline, si Mercado naman ang nag-start for Baloaloa, naagaw ng Creamline ang lead after ng 2nd technical time-out, pero nabaliktad pa ng Angels ang set dahil sa kanilang 4 service aces..
Set 2, 25-16, unang nakaagwat hanggang sa nakalayo ang Creamline, mas better na yung substitution nina Gumabao at Galanza, Sabete for Mercado, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 13 attacks plus 8 opponent errors..
Set 3, 25-16, nakakuha ng early lead at nakalayo ang Creamline, nadedepensahan nila ang mga atake ng guest players ng Angels, inilamang nila ang kanilang 16 attacks plus 7 opponent errors..
Set 4, 25-22, mas seryoso na si Salas, nakakuha ng early lead ang Angels pero mabilis lang na nabura ng Creamline, madalas na lamang ang Angels, nabaliktad ng Creamline ang set after ng 2nd technical time-out, naipasok pa si Vargas sa bandang dulo for floor defense...
3-1, panalo ang Creamline..
2-1 na ang record nila laban sa Angels...
Player of the Game si Blanco with 18 points from 15 attacks and 3 service aces..
Kaewpin with 21 points from 18 attacks and 3 service aces, plus 16 digs..
Baldo with 16 points, plus 15 digs and 11 excellent receptions..
Morado with 21 excellent sets, plus 3 points..
para naman sa Angels..
Johnson scored 20 points na 17 attacks and 2 kill blocks..
may plus 14 digs and 18 excellent receptons din siya..
Salas with 18 points na may 15 attacks and 2 service aces..
Panaga with 10 points, na may 4 service aces..
kaso ay nagpakawala ang Angels ng 31 errors in 4 sets...
akala lang nila na kesyo nag-o-off ang laro ng mga guest players ng Angels..
pero ang totoo, eh nadedepensahan lang yung mga attacks nila, kaya nag-iiba yung percentage nila..
ngayon ko rin lang napansin..
mukhang si Gohing ang Libero tuwing nasa kalaban ang service, at si Atienza naman kapag kalaban ang magre-receive...
kaya more on attacks talaga ang sinasalo ni Atienza...
is feeling , bad game for Army.. thank you ulit Creamline sa patuloy na pagtulong kina Morado at Galanza...
-----o0o-----
July 7, 2019...
[Online Marketing]
ayun..
kinapalan ko na (naman) ang mukha ko..
sinubukan kong humingi ng tulong sa mga kakilala kong artist dati...
i mean..
sila na mismo ang nagsasabi na hindi na nila alam ang gagawin sa USD 4,000 o 6,000 plus a month..
so nagbakasakali ako na baka naman magiging willing silang sumuporta sa akin, kahit na USD 1 lang per month...
is feeling , kumpara naman sa akin.. may 3,000 plus readers nga ako.. puros naman mga magnanakaw...
---o0o---
July 8, 2019...
[Online Marketing]
promotion yung pinaka-frustrating na bahagi ng trabaho ko... :(
nandun yung magpe-prepare ka ng additional materials..
minsan eh may gawa na, pero kailangan mo pa ring i-edit ulit..
tapos kung saan-saan mo ipo-post..
at iche-check mo pa yung wordings mo..
hindi sila part nung mismong project..
wala silang parte dun sa mga binabayaran..
pero bahagi sila ng sugal para makahanap ng legitimate supporters...
is feeling , yung iba merong 2,000 plus.. pero bakit ako eh hirap na hirap na makahanap...??
>
[Movies]
Unfriended
kakaibang approach sa found footage supernatural horror film na genre..
kung saan modern technology ang gamit ng gustong maghiganti na supernatural being..
naging parang hacker na multo siya na may mabilis na access sa mga buhay ng mga naging target niya..
unti-unting lumabas na halos lahat ng mga characters ay may nagawang masama laban sa isa't isa, na piniga sa kanila nung multo..
hanggang sa huli ay yun na mismong multo ang nag-upload nung full video na naging dahilan ng pagsu-suicide niya..
ipinakita niya sa mga social media users kung sino ang totoong kumuha nung video - yung dapat sisihin sa naging pagkamatay niya..
tapos ay saka niya h-in-aunt yung traydor na dati niyang bestfriend...
Unfriended: Dark Web
yung Dark Web naman eh the same approach nung unang movie..
pero wala nang supernatural this time, gamit na lang ang dark web..
gaya sa totoong buhay, mga taong libangan ang tingin sa pananakit at pagpatay ang mga kalaban..
katulad nung pagbebenta ng mga video kung saan may nag-uutos na gumawa ng kung anu-ano, pero nasa extreme yung level dito..
ipinakita dun sa film kung paanong nagagawa ng mga mayayaman, maimpluwensiya, at matatalinong mga kriminal ang libangan nila ng paglalaro sa buhay ng ibang tao..
ipinakita rin dun kung paano nila ginagawa yung cover-up, para matakasan nila ang batas...
is 💀 feeling , creepy...
>
[Cuties]
eh si Gemma Arterton kaya..?
kailan kaya siya magiging bahagi ng MCU..?
at sinong Marvel Character kaya ang gagampanan niya kung saka-sakali...??
basta huwag lang si She Hulk...
---o0o---
July 11, 2019...
[Medical Condition]
3 months after mag-form nung additional bump..
2 months after magkaroon ng bagong leak..
at only 6 months after ng surgery...
the same sensation nga kagaya nung dati..
parang may concentrated na pangangati, na parang tinutusok mula sa loob..
yun pala ay may gusto na namang kumawala na paste-like substance..
pero wala namang amoy...
bagong butas na naman 'to..
bale 2 beses nang nabubutasan ang katawan ko ng cyst na 'to..
hindi niya ginamit yung butas na gawa nung hindi nagsarang scar..
sa halip ay nagbutas nga siya ng panibago...
Povidone Iodine mode muna ulit..
talagang malas na kapag tinamaan ulit ako ng Sepsis...
---o0o---
July 13, 2019...
[Scams]
after maipatupad yung 1 year validity ng regular prepaid load..
heto at bumulok na nang bumulok ang sistema ng Globe...
ewan..
siguro dahil nawala na nga yung kakayahan nila na makubra yung natitirang load ng mga tao, na katumbas ng pera siyempre, sa tuwing nae-expire na ang load ng mga ito..?
kaya binabawi na nila ngayon yung posible nilang kitain sa ibang paraan...?
una ngang nawala yung rebate para sa mga gumagamit ng *143#..
na parang pinipilit ang mga tao na gumamit ng smartphone plus Wi-Fi o data connection, na katumbas rin ng pera..
hanggang ibinaba nila sa Php 50 na lang yung maximum na rebate na pwedeng makuha nung mga gumagamit ng smartphone per month..
then nawala na rin yung flexibility sa paglo-load gamit yung *143#..
nalimitahan ang mga klase ng regular load sa ilang fixed amount..
tapos heto ang nangyari after ng huli nilang maintenance..?
nawala na nang tuluyan yung option para sa paglo-load ng regular load..
pero naroon pa rin naman yung mga option para makapag-load ng mga promo load..
bakit..?
kung ako ang tatanungin, sa tingin ko ay kinokontra nga nila yung load validity..
dahil 1 year na ang validity ng regular load, eh parang ipinagkakait na nila ngayon na magamit pa iyon ng mga *143# users..
parang trap naman yung mga promo load, dahil applicable pa rin nga sa mga iyon yung mabilisang expiration...
and to think na palpak pa rin ang sistema nila para sa SIM upgrade..
ni walang contact yung pinakamalapit na branch para lang masigurado na meron silang available na SIM doon..
bawal rin naman ang reservation..
naka-stuck ako sa lumang SIM na may laman na pera..
walang matinong paraan para makalipat sa tri-cut upgrade..
at dahil dun ay hindi rin ako makagamit ng smartphone... :(
sa nangyayari sa ngayon, eh masasabi ko na mas gusto ko pa yung dating sistema..
kasi kahit papaano eh may paraan naman para ma-extend yung buhay nung load..
hindi katulad sa panahon ngayon..
halos wala na ngang paraan para kumita ng extra gamit yung GCash..
tapos heto at maging sarili kong phone eh hindi ko na rin ma-load-an... :(
besides, kahit may 1 year validity na, eh nagkalat pa rin yung paraan para makapangain ng load through third party services kuno...
is feeling , useless na hostage pa na electronic money...
No comments:
Post a Comment