Friday, July 5, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of July 2019 (Seenzoned & Pirated)

Loveless Story


July 1, 2019...

mukhang walang paraan para makapagbakasyon ako... :(

sinubukan ko nang c-um-ontact last night..
i was hoping na makakausap ko kaagad si YAM tungkol sa availability niya sa simula pang lang ng July..
para sana mas maayos kong maplano ang lahat..
yun ay kung active pa siya...

kaso ayun..
naka-2 SMS na ako, kaso wala namang reply..
pero active pa naman yung number niya sa messaging app..
nagpa-ring din ako, pero for some reason eh nasagot yung tawag kahit na ni hindi pa nga nagri-ring yung nasa kabilang linya..
ni wala man lang 'YES' or 'NO'... :(

is feeling , lagot ako nito...


>
siguro kaya ako pinabayaan ng pagkakataon na mamolestiya noong bata pa ako.. :(
kaya hinayaan ng pagkakataon na maging sexually inclined ako sa napakamurang edad, bago pa man ako makatapak sa Kindergarten..
eh dahil nakatadhana naman kasi akong magkaroon ng napaka-miserableng love life...

parang teaser..
pero hanggang dun na lang...

is feeling , ang napakaraming kamalasan ng mundo, in just a single vessel...


>
yung excitement ko nauwi sa panlulumo..
i was expecting na dahil active yung number na nadekwat ko mula doon sa forum, eh ibig sabihin na ginagamit pa rin niya iyon...

kaso ayun..
after 2 messages via SMS..
eh sinubukan ko na ring idaan yung mensahe ko sa messaging app..
baka kako technical problem lang eh, gaya kung paano nag-connect yung tawag ko nang hindi pa nga nagri-ring yung phone niya..
kaso ganun din nga ang kinalabasan..
seenzoned lang ang inabot ko... :(

patay na..
hindi na pwede yung magaling...

is feeling , i'm doomed...

---o0o---


July 3, 2019...

Moyocoyotzin..?
"she who creates herself"...

mukhang nasa process na ulit siya ng healing...

sobra lang down ng pakiramdam ko ngayon..
parang lalagnatin na ako... :(

ayun pala ang drawback nun..
sobrang rare na makahanap ng babaeng katulad niya..
yung balanse ang lahat, minus the tattoos..
itinaas niya nang husto yung standard..
so problema ko ngayon kung paano pa ako makakakita ng kasing-dalubhasa niya... :(

is feeling , nasaan ba yung teknolohiya ng cloning kung kailan mo siya kailangan...??

---o0o---


July 5, 2019...

sobrang pangit ng buhay ko.. :(
at sa papangit pa nang papangit...

isang taon akong naghintay..
tiniis ko yung mga buwan na walang pumapasok sa akin na kita..
pero anong napala ko..?
nasa Php 7000 plus pa lang yung kitang pumapasok sa bagong project ko..
tapos wala na kaagad..
libre na...

ang kakapal ng mukha..
kesyo i-share ninyo kaagad yung project ni ano..
kesyo maganda yun..
pero ni hindi makapagbayad ng kahit Php 50 man lang na suporta...

tapos lumalala na nga ulit yung sakit ko..
yung mga hawak kong nano raket eh mga humihina at mga nangangamatay na..
ni hindi ako makapag-date ng magaling na babae..
ano pang gagawin ko sa lecheng buhay na 'to..?
magtrabaho at mag-ipon ng pampalibing..?
yun na lang talaga...??

kinamumuhian ko talaga ang buhay...

is ðŸ’€ feeling , sana malapit nang matapos ang One Piece...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Reinforced Conference (Preliminary Round 2)


June 29, 2019...

wala palang Thursday schedule..
triple weekend matches ang meron...


Army Troopers versus BanKo

konti lang muna ang live audience...

Set 1, 25-18, si Gonzales ang nag-main Setter para sa Army, maagang nakaagwat ang Army pero nahabol ng BanKo, pero muli rin namang nakaagwat ang Army bago pa mag-2nd technical time-out..
Set 2, 25-14, katulad ng nangyari sa Set 1, Villareal muna for Bersola, pero nakalayo na this time ang Army bago mag-2nd technical time-out..
Set 3, 25-20, dikitan ang laban, pero muling nakaagwat ang Army after na ng 2nd technical time-out...

3-0, panalo ang Army..
hindi nakabawi laban sa kanila ang BanKo..
at na-secure pa nila ang pagiging #3 seed...

Player of the Game si Lymareva with 29 points from 23 attacks and 6 service aces..
Jordan with 11 points..
Tubino with 7 points..
para naman sa BanKo..
walang umabot sa kanila sa double figures..
Chuewulim and Gervacio scored 8 points each..
Yildirim and Bersola with 6 points each..
at sobrang nalimitahan naman si Tiamzon sa 5 points lamang...

sina Tiamzon at Bersola talaga ang na-deactivate sa araw na 'to..
nagulat ako dahil nagta-Tagalog na ngayon si Sangmuang..
sobrang ganda naman ng naging performance ni Lymareva para sa Army, in terms of attack rate..
kaso ay iiwanan na sila ni Coach Kungfu dahil sa National U-23 Women's Volleyball Team...


Creamline versus BaliPure

birthday pala ni Baldo ngayong araw..
dumami ang live audience...

Set 1, 25-19, si Negrito ang main Setter today ng Creamline, Galanza for Gumabao sa later part ng game, nakaagwat na ang Creamline after ng 2nd technical time-out, napalo pa ni Dzakovic si Bermillo dahil sa panghihinayang, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 2, 25-15, si Pronuevo na for Delos Santos sa Balipure, Soriano naman for Blanco, nakakuha ng early lead ang Creamline, Guino-o for Galanza, muling nakalayo ang Creamline after ng 2nd technical time-out, ipinasok na si Racelis kapalit ni Bermillo pansamantala, pero nakuha ng Creamline ang lahat ng stats..
Set 3, 25-18, Domingo for Sato naman, nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, Guino-o for Galanza at Vargas for Baldo ulit...

3-0, panalo ang Creamline..
hindi nakabawi laban sa kanila ang BaliPure..
at natapos nga ang conference ng Balipure nang wala silang nakukuhang panalo...

Player of the Game si Negrito with 17 excellent sets, plus 5 pure service ace points..
Kaewpin with 14 pure attack points..
Baldo with 9 points na may 4 service aces..
Domingo with 4 points off the bench for Set 3..
para naman sa BaliPure..
Vajdova and Dzakovic scored 11 points each..
Bombita with 8 points...

nice, mukhang nakabalik na sa dati niyang form si Domingo dahil sa kapa-practice niya kasama ng Creamline..
at mapa-practice din siya dahil sa National U-23 Women's Volleyball Team..
at ngayon ko lang na-realize na dati na rin palang naging bahagi ng Creamline si Nunag ng Army, kasabayan noon ni Balse...

naawa ako kay Bermillo, considering na reliable naman siyang Libero from NCAA..
with conviction kasi yung nagawang pagbatok ni Dzakovic..
tipong may halong paninisi..
pero kaagad din namang niyakap nung guest player yung Libero nila after niyang ma-realize yung nagawa niya..
kaso ay kapansin-pansin na hindi napigilan ni Bermillo yung luha niya hanggang sa mga sumunod na set..
natanggalan rin daw siya ng contact lens dahil sa lakas ng palo sa kanya..
unfortunately para kay Dzakovic, eh vicious ang maraming mga Filipino pagdating sa social media...


Angels versus Motolite

Set 1, 25-19, Pablo starts, nakakuha ng early big lead ang Angels, gumawa ng late chase ang Motolite pero kinapos na sila, inilamang ng Angels ang kanilang 5 blocks..
Set 2, 25-15, may ininda si Nunag sa leg niya, nakaagwat ang Angels after ng 1st technical time-out, at masyado nang naiwanan ang Motolite, lumamang ang Angels sa kanilang 2 blocks and 2 service aces plus the huge 9 opponent errors..
Set 3, 25-15, Caloy starts for Pablo, nakaagwat nang maaga ang Angels, at muli ngang kinapos ang Motolite...

3-0, panalo ang Angels..
hindi rin nakabawi laban sa kanila ang Motolite..
dahil sa quick set finish ay nanatili nga bilang #1 seed ang Angels...

Player of the Game si Johnson with 15 points from 10 attacks and 5 kill blocks..
Salas with 14 points na may 13 attacks..
para naman sa Motolite..
Thompson with 17 pure attack points, kaso ay siya lang ang umabot sa double figures..
Esdelle with 9 points...

is feeling , best game so far for Army.. thank you Creamline sa pagtulong kina Galanza, kahit na wala pa ngayon si Morado.. sayang naman ang batang team ng Motolite...

---o0o---


July 1, 2019...

[Video]



yung magkasama sa bagong commercial ng Rebisco sina Galanza at Morado... :D

credit(s) for this video goes to their original creator(s) and uploader...

---o0o---


PVL Season 3 - Reinforced Conference (Semifinals)


July 3, 2019...

Creamline versus Army Troopers

below average ang dami ng live audience para sa Creamline, siguro dahil weekday..
wala na nga si Coach Kungfu para sa Army..
babae ang maghe-head coach para sa kanila..
at nanonood ang mga taga-Army...

Set 1, 26-24, starter na ulit si Morado, dikit nang dikit ang Army sa tulong ni Lymareva, Gumabao sa net at Galanza sa floor defense, Bicar for Gonzales, pero nakawala sa Army yung set dahil sa kanilang 9 huge errors..
Set 2, 25-21, naka-check pa ang opensa ni Sato sa gitna, dikitan ang laban, pero hindi ipinasok si Bicar, muling nakawala sa Army ang set dahil sa kanilang 8 huge errors..
Set 3, 23-25, natamaan ni Sato si Morado sa mukha, Bicar for Gonzales, nakalayo ang Army bago pa ang 2nd technical time-out, ipinasok muna ng Creamline sina Negrito, Vargas, at Galanza, nakagawa sila ng late chase sa pamumuno ni Negrito, ibinalik pa ang mga key players ng Creamline, pero nanaig pa rin ang Army dahil sa kanilang 4 service aces..
Set 4, 25-20, na-off na si Gumabao kaya si Galanza na muna, nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, Vargas for Baldo sa likod...

3-1, panalo ang Creamline..
3-0 na ang record nila ng Army...

Player of the Game si Kaewpin with 21 pure attack points..
may plus 16 digs din siya..
Blanco with 19 points from 12 attacks, 4 kill blocks, and 3 service aces..
Baldo with 12 points..
Sato with 8 points..
para naman sa Army..
Lymareva scored 31 points from 25 attacks, 2 kill blocks, and 4 service aces..
Tubino with 14 points..
Jordan with 10 points...

makikita sa match na ito na may threat pa rin ang Army..
kailangan lang nilang mas malinis pa ang kanilang laro...


Angels versus BanKo

panibagong pagpapalit ng guest player para sa BanKo..
Horton for Yildirim..
Wing Spiker siya...

Set 1, 25-19, Roces for Gervacio, Middle Blocker ang laro niya, dikitan ang laban, Gervacio for Horton sa likod, nakaagwat ang Angels after ng 2nd technical time-out, inilamang nila ang kanilang 3 blocks and 1 service ace..
Set 2, 25-15, nakakuha ng early lead ang Angels, inilamang nila ang kanilang 18 attacks and 5 blocks sa kabila ng kanilang 5 errors..
Set 3, 21-25, nakaagwat ang BanKo bago pa ang 1st technical time-out, gumanda ang floor defense nila, nanaig ang BanKo dahil sa 11 huge errors ng Angels...
Set 4, 25-12, maagang nakalayo ang Angels, at sinukuan na ulit ng Coach ng BanKo ang team niya at nanahimik na lang sa mga time-out...

3-1, panalo ang Angels..
3-0 ang record nila ng BanKo...

Player of the Game si Nunag with 12 points from 9 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Salas with 25 points na may 24 attacks, plus 13 excellent receptions and 12 digs..
Johnson with 23 points na may 21 attacks, plus 16 excellent receptions and 14 digs..
Panaga with 9 points na may 6 service aces..
para naman sa BanKo..
Chuewulim and Tiamzon scored 12 points each..
Horton with 11 points...

is feeling , thank you Creamline para sa muling pagtulong kina Morado at Galanza.. konti pa para sa BanKo...

-----o0o-----


July 4, 2019...

[Piracy]

unfortunately for me..
mabilis pa rin talaga ang atake ng mga pirata..
inabot lang ako ng 30 days ng kalayaan mula nang i-release yung reboot project ko sa 2nd store..
tapos ayun..
bastusan na ulit ng karapatan... :(

is feeling , at hindi pa natutupad yung goal ko sa crowdfunding platform...

---o0o---


July 6, 2019...

ang sabi ko pa naman noong una..
eh titiktikan ko lang kung gaano kabilis mamirata yung mga magnanakaw na yun...

kaso na-depress talaga ako noong nagkuwenta na ako...

tapos yung Google ko eh tinamaan na rin ng kamalasan..
for some reason eh iba na yung mga numero na lumalabas lately..
hindi na tugma sa realidad..
USD 0.47 sa loob ng isang buwan..
sayang lang ang pagod...

is feeling , ang talino talaga ng kapalaran.. alam na alam kung paano manggigipit...


No comments:

Post a Comment