Friday, June 28, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of June 2019 (Going South)

Loveless Story


June 22, 2019...

hindi pa confirmed yung dahilan ng latest na pagkawala ni Miss C..
pero kung saka-sakali..
may 61st (59th) retirement na...

is feeling , hindi importante...

---o0o---


June 24, 2019...

gusto ko sanang magbakasyon sa August..
para makaranas naman sana ulit ng konting pagiging normal na tao...

kaso..
kapag naiisip ko yung nawalang pera sa akin noong January..
na hindi ko rin naman pala ikinagaling..
eh hindi ko maiwasang mawalan ng loob..
lahat ng kinita mo for 5 months, tapos biglang gagastos ka ulit ng katumbas ng nagastos mo sa ospital..
at nandun pa yung threat na baka kailanganin mo na namang bumalik sa ospital, dahil nga hindi ka naman talaga gumaling... :(

gustuhin ko mang gayahin yung sinasabi ni Eddie Garcia..
kaso applicable lang yun para sa mga taong malalaki o normal ang kinikita eh...

is feeling , ang hirap maging masaya kapag below average ang survival rate mo...

---o0o---


June 25, 2019...

kagabi ko lang napansin..
tama nga yung naobserbahan nung iba..
they're going South..
mas malapit..
so mukhang iniwan na nila yung base nila sa Mandaluyong...

ang bad news..?
may lumabas na potential target..
kahawig ni Miss Co, though posibleng artificial..
kapag nagkataong pwede, eh magkalapit lang yung location nila ni YAM...

is feeling , mapapaaga yata ang bakasyon ko.. sa July...

---o0o---


June 28, 2019...

gusto kong magbakasyon bago pa ulit magmukhang abnormal ang nabubulok kong katawan..
gusto kong magkunwari na parang normal ako kahit na konting sandali lang ulit...

is feeling , hindi kailangan ng mga tao ng sobrang daming pera.. kailangan lang nila ng sapat hanggang sa araw ng pag-aasikaso sa maiiwan nilang mortal na katawan...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Reinforced Conference (Preliminary Round 2)


June 22, 2019...

Motolite versus BaliPure

average na ang dami ng live audience..
may Cannon at Missile pala ang Motolite...

ang 3rd 5-setter match ng conference..
2nd na para sa Motolite...

Set 1, 23-25, nasa bench si Pablo, si Caloy muna, dikitan ang laban, pero nanaig ang BaliPure dahil sa kanilang 4 service aces..
Set 2, 23-25, Pablo for Caloy, dikitan ulit ang laban, pinalitan ni Caloy si Thompson, nakuha ng BaliPure ang set dahil sa 12 errors ng Motolite..
Set 3, 25-14, Molde naman for Pablo, nakakuha ng early lead ang Motolite, luminis na ang attacks ni Thompson, ipinahinga na muna sina Guillema at Dzakovic, nakuha ng Motolite lahat ng stats..
Set 4, 25-14, si Emnas na ang main Setter, muling nakakuha ng early lead ang Motolite, at nakuha rin nila ang set..
Set 5, 15-12, dikitan ang laban, pero mas nanaig ang Motolite...

3-2, panalo ang Motolite..
upset loss para sa BaliPure, at hindi rin sila nakabawi laban sa Motolite..
2-0 pa so far ang Motolite sa mga 5-setter games nila..
at naungusan pa nila ang BanKo sa rankings...

Player of the Game si Thompson with 27 points from 22 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 15 excellent receptions and 8 digs din siya..
Esdelle with 24 points na may 20 attacks..
Molde with 7 points off the bench..
Pablo with 4 points sa loob lamang ng 2nd Set..
para naman sa BaliPure..
Dzakovic scored 18 points na may 16 attacks..
Bombita with 15 points..
Vajdova with 12 points..
Espiritu with 6 points...

although activated pa rin naman ang BaliPure for this match..
kapansin-pansin na nawala yung maganda nilang laro sa Sets 3 and 4, kung saan parehas silang natambakan..
siguro naapektuhan rin nga si Vajdova noong tinamaan siya ng spike sa ulo..?
at lumayo nga yung production ng points sa pagitan ng mga guest players dahil sa last 3 sets...


Creamline versus Angels

mas dumami pa ang live audience..
makikita kung may nagawa na bang adjustment ang Creamline laban sa guest players ng Angels...?

Set 1, 25-18, makapal ang buhok ni Johnson ngayon, nakakuha ng early lead ang Creamline, pero medyo nag-twist ang ankle ni Morado sa bandang dulo ng set, nanaig ang Creamline dahil sa 14 attacks, 3 blocks, at 2 service aces nila..
Set 2, 21-25, nakakuha ng early lead ang Angels, Galanza for Gumabao, kaso Johnson-mode na ang opensa ng Angels, at nakatulong din sa kanila si Sabete..
Set 3, 25-19, balik na si Gumabao for net defense, Creamline na ulit ang nakakuha ng early lead, inilamang nila ang kanilang 2 service aces plus 9 opponent errors..
Set 4, 26-24, dikitan ang laban, nakakalas ang Creamline matapos ang 1st technical time-out, at naitawid naman nila ang set na iyon sa kabila ng naging threat ng Angels...

3-1, panalo ang Creamline..
first time matalo ng Angels, at ni Salas sa PVL..
1-1 ang standing nila ng Creamline...

Player of the Game si Morado with 23 excellent sets, plus 8 points..
Kaewpin with 18 points from 16 attacks and 2 service aces..
bukod dun ay malaki ang naitulong niya sa floor defense, with 17 digs and 14 excellent receptions..
Baldo with 16 points..
Blanco with 12 points na may 5 kill blocks laban sa fire power ng Angels..
Gumabao with 8 points..
para naman sa Angels..
Salas scored 23 points na may 22 attacks, plus 13 digs..
Johnson with 22 points na may 20 attacks, plus 19 excellent receptions and 13 digs...

pero makikita sa stats na guest players pa rin ang nagdadala sa Angels..
at ang hindi naman madaling makita sa stats, ay yung ginawa nina Atienza na pagsalo sa mga palo ng kalaban...

hindi pa rin naman pulido ang substitutions na ginagawa ni Coach Tai..
mas maganda kung mag-i-stick siya kay Gumabao habang maganda ang opensa at depensa nito sa harap..
si Galanza naman eh sa likod ang magandang timing ng pagpasok, for added floor defense...

is feeling , not good for BaliPure.. thank you naman sa buong team ng Creamline para sa muling pagtulong kay Morado.. may pag-asa na...

---o0o---


June 23, 2019...

so yun pala ang ginawa nilang solusyon..
lahat nung pa-basketball games ng Fighting Jonin na 6:00 PM dapat ang simula, eh iniatras nila hanggang 7:00 PM..
lahat naman ng weekend games ng PVL na 4:00 PM usually ang simula, eh pinaaga nila sa 2:00 PM...

sakripisyo para sa mga may trabaho ng Saturdays..
pero hindi na masama...

pero ang pinakagusto ko talagang pagbabago this season..?
eh yung hindi na replay na UAAP game ang ipinapalabas sa oras ng PVL..
dahilan para hindi na malimitahan ang mga PVL viewers sa panonood online o sa cable channel...

is feeling , pwede naman pala eh...


>
out-of-town, sa Laguna..
above average naman ang live audience..
back-to-back weekend games para sa Motolite at Angels...


Motolite versus BanKo

ang 4th 5-setter match ng conference..
3rd na para sa Motolite, in 4 straight games..
2nd naman para sa BanKo...

Set 1, 25-19, starter na ulit si Pablo, pati si Chuewulim para sa BanKo, dikitan ang laban, Molde for Pablo, na-check na ng blocking ng Motolite si Tiamzon hanggang sa naka-overtake na sila, nanaig ang Motolite dahil sa kanilang 13 attacks and 5 blocks..
Set 2, 25-23, balik na si Pablo, si Roces na for Gervacio, dikitan ulit ang laban, pero naagaw ng Motolite late in the set, inilamang nila ang kanilang 18 attacks..
Set 3, 18-25, nakakuha ng early lead ang BanKo, maagang pinalitan ni Molde si Pablo, saka pa in-activate ni Ferrer ang mga guest players nila, nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 3 blocks plus 10 opponent errors..
Set 4, 22-25, muling nakakuha ng early lead ang BanKo, si Caloy naman for Pablo, nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 19 attacks and 4 service aces..
Set 5, 15-17, nakaagwat ang BanKo bago matapos ang 1st technical time-out, pero naging dikitan ang laban dahil sa mga guest players ng Motolite, nagawa pa rin namang maitawid ng BanKo yung set...

3-2, panalo ang BanKo..
upset loss para sa Motolite..
at hindi nga nila nagawang makabawi laban sa BanKo..
bukod dun ay nagtabla pa ngayon ang BanKo at Motolite sa standings...

Player of the Game si Tiamzon with 19 points from 18 attacks and 1 service ace..
may plus 15 digs din siya..
Bersola with 17 points..
Yildirim with 16 points na may 5 kill blocks..
Chuewulim with 15 points..
Roces with 13 points..
para naman sa Motolite..
Thompson scored 30 points from 28 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 19 excellent receptions and 11 digs din siya..
Esdelle with 27 points from 20 attacks and 7 kill blocks..
Pablo with 11 points sa paglabas-masok sa laro in 4 sets..
Soyud with 5 points kahit limitado lang ang oras niya off the bench also in 4 sets...

kailangan lang siguro ng BanKo na mas magtiwala pa sa kanilang mga guest players..
makikita sa match na ito na although simula Set 3 lang nabigyan nang nabigyan ng plays sina Chuewulim at Yildirim, eh nagawa pa rin nilang makahabol sa scoring na ginawa ng locals ng BanKo...


Angels versus Army Troopers

Set 1, 29-27, si Malaluan ang nag-start para kay Balse, si Enclona lang ang nagli-Libero para sa Angels, maagang pinalitan ni Gutierrez si Tubino, nakaagwat ang Angels makalagpas ng 1st technical time-out, nakuha nila lahat ng stats kontra sa sarili nilang 11 errors..
Set 2, 25-20, muling nakaagwat ang Angels after ng 1st technical time-out, nakuha pa rin nila lahat ng stats kontra sa kanilang 6 errors..
Set 3, 25-14, sina Gutierrez at Bautista na ang nag-start para sa Army, pero nakalayo ang Angels makalagpas ng 1st technical time-out, nakapag-all-Filipino lineup pa sila sa bandang dulo dahil sa laki ng kanilang naging lamang...

3-0, panalo ang Angels..
hindi na nakabawi laban sa kanila ang Army...

Player of the Game si Cheng na naman, but with only 13 excellent sets, plus 3 points..
not deserving for the 3rd time.. :(
Salas with 22 points from 18 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Johnson with 21 points, also with 18 attacks..
Nunag with 7 points..
para naman sa Army..
Lymareva scored 16 points, at siya lang ang umabot sa double figures..
Gutierrez with 7 points off the bench..
kaso ay nalimitahan si Jordan sa 5 points lang this time...

bukod nga sa hindi masyadong nakadiskarte si Jordan sa gitna..
maging si Tubino ay hindi maganda ang naging laro today...

is feeling , impressive comeback for BanKo.. as expected naman mula sa Angels.. mukhang gagawa ang PVL ng Thursday schedule this week...

---o0o---


June 26, 2019...

bakit hindi na naman naka-televise sa free channel..??
lumang UAAP na naman ang palabas..
konti rin lang ang live audience today, below average para sa Creamline...


Creamline versus Army Troopers

ngayon ko lang napansin..
hindi na pala kasali sa official lineup ng Creamline sina Bravo at Mandapat..
pero parati naman silang naka-uniform pa rin sa mga games nila...

Set 1, 16-25, nakakuha ng early lead ang Army, active ang floor defense nila at laban pa sa Creamline, ipinasok si Galanza sa harap, pinalitan na rin muna si Morado ni Negrito sa bandang dulo, lumamang ang Army dahil sa kanilang 15 attacks and 3 service aces..
Set 2, 25-16, dikitan ang simula ng laban, Soriano na muna for Sato, nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, ipinasok na naman si Negrito sa dulo, nakuha ng Creamline lahat ng stats kontra sa 6 errors nila..
Set 3, 25-22, Soriano pa rin para sa Middle Blocker ng Creamline, dikitan ang laban, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 4 blocks..
Set 4, 25-16, nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, Malaluan for Balse, ipinasok rin ng Creamline si Vargas, at si Negrito ulit sa dulo...

3-1, panalo ang Creamline..
hindi nakabawi laban sa kanila ang Army...

Player of the Game si Blanco with 16 points from 10 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
Kaewpin with 19 points from 16 attacks and 3 kill blocks, plus 16 digs..
Baldo with 11 points..
Soriano with 6 points off the bench..
Morado with 28 excellent sets..
para naman sa Army..
Lymareva scored 22 points from 19 attacks and 3 service aces..
Gonzaga with 10 points..
si Tubino ay nalimitahan na naman sa 8 points lang..
at hindi na naman na-activate sa gitna si Jordan with only 6 points...


BanKo versus BaliPure

Set 1, 25-18, nakalayo ang BanKo after ng 1st technical time-out, mas naa-activate na nila ngayon ang mga guest players nila, activated rin ngayon si Gervacio..
Set 2, 25-19, off ang laro ni Bombita, Pronuevo for Delos Santos, dikitan ang laban, nakaagwat ang BanKo after na ng 2nd technical time-out, lumamang ang BanKo sa lahat ng stats lalo na sa kanilang 2 service aces..
Set 3, 25-21, ipinasok na si Tubiera for Bombita, mas naging dikitan ang laban, pero muling kinapos ang BaliPure...

3-0, panalo ang BanKo..
hindi nakabawi laban sa kanila ang BaliPure...

Player of the Game si Tiamzon with 19 points from 17 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Chuewulim with 12 pure attack points, plus 10 digs and 10 excellent receptions..
Yildirim with 9 points na may 4 kill blocks..
Bersola with 8 points na may 4 kill blocks din..
Gervacio with 7 points..
para naman sa BaliPure..
Vajdova scored 13 points na may 11 attacks..
Dzakovic with 12 points...

in addition para sa BaliPure..
Pronuevo scored 5 points off the bench, compared sa 0 ni Delos Santos in 2 sets..
Tubiera scored 4 points off the bench in Set 3, compared sa 5 points ni Bombita in 3 sets...

hindi na kasing-lakas si Delos Santos gaya ng dati noong nasa pizza league pa siya..
late naman na ipinasok sina Pronuevo at Tubiera..
mas maganda at mas malakas ang opensa ni Pronuevo kumpara kay Delos Santos..
mataas naman madalas ang attack accuracy ni Tubiera..
so sayang tuwing maling player ang nabababad sa loob ng court...

is feeling , thank you pa rin Creamline para sa patuloy na pagtulong kina Morado at Galanza.. late discovery naman para sa BaliPure...

---o0o---


June 27, 2019...

i see..
kaya pala humina ang opensa ni Gonzaga..
bumaba ang leap niya dahil parati na niyang inaalalayan ang pagbagsak niya..
dahil sa naging injury niya noon, sinusunod na niya ang payo ng mga conditioning coach na siguraduhin na double leg parati ang landing niya, sa halip na yung mas mataas ang risk na single leg landing..
yun din yung rason kung bakit parang parati siyang bumabagsak sa puwet niya after every hard attack..
hindi dahil sa hirap siya, pero para mabilis na mailipat yung body weight niya at hindi masalo ng legs lang niya...

is feeling , yun lang.. bilang kapalit ng optimum performance niya...

-----o0o-----


June 24, 2019...

after almost a decade ng pagsa-sideline bilang action figure seller..
kailangan ko na ring mag-retire sa eBay... :(

panibagong checkmate eh..
humihingi na sila ngayon ng automatic payment method para sa seller fees..
kahit pa wala ka naman talagang regular fees..
unfortunately, debit at credit card lang naman pala ang ina-accept nila...

sayang kasi may 1 action figure pa akong sinusubukang ibenta...

sunud-sunod ang nawawala sa akin..
2 cellphone loading raket..
ang patuloy na paghina nung remittance raket..
ang pagbaba ng pumapasok na tubo sa retail raket..
tapos mawawalan na rin nga ako ng eBay ngayon...

is feeling , sa papawala lang ang lahat...

---o0o---


June 28, 2019...

ang good news..?
mabilis ang progress nung latest project ko this month..
in fact eh katumbas na ng isang issue yung naihanda kong mga pages in less than a month...

ang bad news..?
labis pala para sa isang issue yung gamit kong script..
impraktikal kung ire-release ko siya bilang 1 buong project lang..
kaya mas makabubuti kung hahatiin ko siya sa 2 issue..
kaso ang ibig sabihin..?
eh kailangan ko munang palagpasin ng 100 pages yung script, at i-render ang lahat bago pa ako makapagsimula sa pag-e-edit..
bale parang gagawa muna ako ng 2 project, bago ako makapag-release...

is feeling , kaso may mga sisingit sa trabaho ko sa July...

---o0o---


June 29, 2019...

ang konting good news..?
naabot na ng 1st store yung quota, kahit na sa kalagitnaan ng buwan ako nag-release ng project..
kaya siguradong may papasok sa aking pera for July...

pero ang bad news ay..?
yun na yung pinakamalala niyang performance ever since nagsimula ako sa career na 'to..
nasa 12% lang yun ng target ko na starting sales, though sa kalagitnaan nga ng buwan ako nag-start this time...

hopefully eh gumana naman yung plano ko..
na mahati yung sales para na rin sa month ng July...

di hamak na mas malaki yung sales ng 2nd store..
but then, after 1 month pa parati ang release ng pera mula doon...

is feeling , sana sa Japan na lang tayo nagpasakop.. para may legal adult industry na rin dito sa bansa sa panahon ngayon...


No comments:

Post a Comment