Loveless Story
June 3, 2019...
[Strange Dream 18+]
back to school rin ang tema ng panaginip ko..
hybrid form ng school ko noong elementary ang setting..
may anonymous girl daw..
i don't remember who she was..
basta she started kissing me...
noong ma-realize ko na palaban siya, lumipat kami ng puwesto para walang makakita sa amin..
nakaibabaw siya sa lap ko..
behind a wall, just a few feet away..
pero may katabi siyang room so nag-decide ako na mag-ingat pa rin...
gagawin na sana namin yung mga bagay na hindi dapat basta-basta ginagawa..
pero bigla namang naputol yung panaginip ko...
is feeling , approaching 7 months...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 3 - Reinforced Conference (Preliminary Round 1)
June 1, 2019...
BanKo versus BaliPure
mas kokonti ang live audience kahit na weekend..
naka-double guest player na rin ang BaliPure...
Set 1, 25-23, mas madalas na lamang ang BanKo, activated ngayon si Bright..
Set 2, 23-25, nakagawa ng malaking kalamangan ang BanKo, pero nakahabol ang BaliPure bago pa mag-2nd technical time-out, naging dikitan ang laban at nanaig pa nga ang BaliPure..
Set 3, 25-18, nagsimula nang dikitan ang laban, pero nakaagwat ang BanKo bago pa man ang 2nd technical time-out..
Set 4, 25-16, maaga na ulit nakalamang ang BanKo at hindi na nakahabol ang BaliPure...
3-1, nakapanalo na rin ang BanKo...
Player of the Game si Bersola with 15 points from 7 attacks, 6 kill blocks, and 2 service aces..
Bright with 16 points from 12 attacks and 4 kill blocks..
Tiamzon with 13 points..
Yildirim with 11 points..
Ferrer with 29 excellent sets..
sa kabuuan nakagawa sila ng 49 attacks and 15 kill blocks laban sa BaliPure..
para naman sa BaliPure..
lefty Dzakovic scored 23 points..
Vajdova and Bombita with 14 points each..
kaso nagtapon ang BaliPure ng 30 errors within 4 sets...
parang kagaya ng current BaliPure yung Navy Oragons last year..
malalakas naman ang guest players..
malaking tulong ngayon na mas reliable na rin bilang attacker si Bombita..
kaso kulang pa sila sa local attacker, at mas reliable na local Middle Blocker...
Motolite versus Army Troopers
UP at Adamson ang composition ng bagong Motolite..
debut match nila, at may hakot silang audience..
kasama pala ni Padda si Okumu sa coaching..
pero hindi na naman makakalaro si Pablo, dahil sa back spasm daw...
3rd game na ng Army sa loob ng iisang linggo..
sinalo pala nila si Gutierrez mula sa Creamline...
Set 1, 21-25, Emnas ang starting Setter ng Motolite, Layug ang local Middle Blocker, at Caloy at Molde ang Wing Spikers, nakaagwat ang Army makalagpas ang 1st technical time-out, nakuha nila ang set dahil sa 12 opponent errors..
Set 2, 21-25, si EstraƱero na ang Setter ng Motolite, palit naman si Soyud kay Caloy, nakakuha ng early lead ang Army at nahuli na ang chase ng Motolite, lumamang ang Army dahil sa 16 attacks nila..
Set 3, 25-23, Emnas at Soyud combination naman para sa Motolite, nakakuha sila ng early lead, dikitan ang paghabol ng Army pero nanaig ang Motolite dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 4, 21-25, nakaagwat ang Army makalagpas ng 1st technical time-out at kinapos na sa paghabol ang Motolite...
3-1, panalo na ulit ang Army...
Player of the Game si Tubino with 18 points from 16 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 15 digs din siya..
Lymareva with 25 points from 22 attacks and 3 service aces, plus 12 excellent receptions..
Jordan with 9 points..
para naman sa Motolite..
Thompson scored 22 points from 18 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Selimovic with 15 points..
Soyud with 10 points..
kaso like the usual UP at Adamson, matakaw pa rin sila sa errors, at nagpakawala ng 37...
inilalabas sa laro si Selimovic dahil Middle Blocker siya..
pero if ever, eh ang lakas naman ng lineup ng Motolite para sa Open Conference...
---o0o---
June 2, 2019...
madami na ulit ang live audience..
so far, hindi pa naman pumapalya ang S+A sa pag-e-ere ng live sa TV..
at may budget ngayon ang PVL para sa mga analysts, reporters, at iba pang video-related crew...
Angels versus Motolite
minalas na naman ang Motolite..
hindi na nga makalaro si Pablo..
tapos na-injure na rin ulit kaagad si Selimovic..
bukod pa yung madali ring nawala sa kanila yung 56-point scorer na si Silva...
Set 1, 25-22, si Ramos na muna ang palit kay Selimovic, nakuha ng Angels ang set dahil sa 10 errors ng Motolite..
Set 2, 25-18, nakakuha ng early lead ang Angels, nanaig sila dahil sa kanilang 16 attacks and 3 kill blocks..
Set 3, 25-19, nakaagwat ang Angels makalagpas ang 10 point nila...
3-0, panalo na naman ang Angels..
wala pa silang pinakakawalan na set para sa mga kalaban...
Player of the Game si Cheng with her sets..
Salas with 25 points na may 24 attacks, plus 9 excellent receptions..
Johnson with 13 points, plus 12 excellent receptions and 10 digs..
so makikita na all-around rin talaga ang laro ng mga guest players ng Angels..
para naman sa Motolite..
si Thompson lang ang umabot sa double figures with 22 points from 16 attacks, 3 kill blocks, and 3 service aces..
kaso kinulang ang tulong mula sa mga local players...
pero tama rin nga ang observation ng Angels..
wala pa silang team na nakakalaban na 100% ang puwersa...
Creamline versus BanKo
naka-long sleeve ang Creamline..
talagang kung kailan pa mainit ang panahon...
Set 1, 23-25, dikitan ang laban pero madalas na lamang ang BanKo, inilamang nila ang kanilang 4 blocks..
Set 2, 25-12, Kaewpin-mode na ang opensa ng Creamline, nakaagwat sila makalagpas ang 1st technical time-out, target na ng mga services nila si Bright, nakuha ng Creamline ang lahat ng stats..
Set 3, 25-17, nakakuha ng early lead ang Creamline, inilamang nila ang kanilang 12 attacks and 5 service aces..
Set 4, 25-23, nakakuha ng early lead ang BanKo, ginamit si Galanza bilang dagdag na depensa sa likod, at nagawa pa ngang baliktarin ng Creamline ang resulta ng set...
3-1, panalo ang Creamline..
nakita kaagad nila ang weakness ng BanKo...
Player of the Game si Kaewpin with 27 points from 18 attacks and the huge 9 service aces..
may plus 15 excellent receptions and 8 digs din siya..
Baldo with 19 points from 15 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Blanco with 10 points..
Sato with 8 points..
sa kabuuan, nakagawa ang Creamline ng 55 attacks and 13 service aces in 4 sets..
para naman sa BanKo..
Bright scored 19 points..
Tiamzon with 12 points..
Gervacio with 11 points..
Bersola with 9 points..
hindi naman masyadong nakadiskarte si Yildirim laban sa Creamline...
kailangan pang maging mas malinis ang opensa ni Blanco..
pati ang blocking...
---o0o---
June 5, 2019...
konti lang ang live audience kahit na holiday...
Angels versus BaliPure
Set 1, 25-19, madalas na lamang ang Angels, nanaig sila dahil sa 13 attacks nila..
Set 2, 25-12, si Sabete na for Baloaloa, nakakuha ng early lead ang Angels, inilamang nila ang kanilang 15 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-15, muling nakakuha ng early lead ang Angels, nabigyan pa nila ng time ang bench nila...
3-0, panalo na naman ang Angels nang walang pinakakawalang set...
Player of the Game si Panaga with 11 points from 7 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Salas with 12 pure attack points, plus 9 excellent receptions..
Johnson also with 12 points from 10 attacks and 2 kill blocks, plus 11 digs..
Sabete with 8 points off the bench..
para naman sa BaliPure..
walang nakaabot sa kanila sa double figures..
Vajdova with only 8 points..
Dzakovic with only 7 points...
minalas na naman ang BaliPure..
off ang laro ni Bombita, at mababa din ang accuracy ng mga guest players nila..
masyadong nagkalat ang BaliPure sa service, maging si Vajdova..
si Espiritu lang yung naging palaban ang laro today...
Motolite versus BanKo
BanKo versus Emnas..
at nakakuha pa nga ng 4th guest player nila ang Motolite, bale 2nd replacement..
ang lefty na Wing Spiker na si Esdelle, kababayan ni Thompson..
pero hindi pa mataas ang accuracy niya today...
Set 1, 24-26, bago ang formation ng Motolite, madalas silang lamang pero nadidikitan sila ng BanKo, hanggang sa nabaliktad pa nga ng BanKo ang resulta ng set, inilamang nila ang kanilang 17 attacks..
Set 2, 30-32, madalas naman na lamang ang BanKo, gumagamit na ngayon si Thompson ng safe serve, pero natalo ang Motolite dahil sa kanilang 11 errors..
Set 3, 24-26, si Caloy na for Thompson para iwas confusion daw, dikitan ang laban, pero muling kinapos ang Motolite...
3-0, panalo ang BanKo..
at puros extended pa yung sets...
Player of the Game si Bright with 20 points from 19 attacks and 1 kill block..
may plus 15 excellent receptions and 13 digs din siya..
Yildirim and Bersola with 11 points each..
Tiamzon with 10 points..
para naman sa Motolite..
Molde scored 16 points..
Esdelle with 12 points..
Thompson with 10 points..
okay din na activated ang blocking ni Gannaban, kahit pa hindi parating offensive block..
kaso nilalason talaga ang Motolite ng errors nila...
sa tingin ko mali na naman yung desisyon ni Padda sa 3rd set..
dapat si Thompson na lang ang iniwan nila sa loob ng court, sa halip na si Esdelle..
tutal eh maganda naman ang performance ni Thompson for this match..
sa halip na binigyan si Esdelle ng totoong experience..
dapat naghintay na lang sila na makapag-adjust yung tao sa time zone, at binabad muna siya sa training...
is feeling , sayang yung laban ng Motolite.. sana naman magawang matalo ng Army ang Angels...
-----o0o-----
June 1, 2019...
[Sports]
We the North ang pusta ko..
Toronto Dinosaurs..
Kawayan Leonard...
is feeling , hadlangan ang 3-peat attempt.. wasakin ang mga dynasty...
---o0o---
June 3, 2019...
didiretso na sana ako sa pagse-set ng project #12..
kaso nakakita na naman ako ng mga kailangang i-correct...
iisa-isahin ko na namang i-review ang mga old files...
is feeling , panggulong morph...
---o0o---
June 4, 2019...
kagabi, nahanap ko ang isang dating kakilalang foreign artist..
siguro from way back 2010 o 2011 iyon..
andun rin pala siya sa platform..
at maganda naman yung status niya doon..
well, hindi ko alam kung anong lagay ng ekonomiya sa bansa nila..
pero USD 600 plus a month, by just doing what you enjoy doing, eh hindi na masama...
as for me..
nagkaroon na ako ng 5 unique clients mula nang gumawa ako ng page doon sa platform..
pero so far eh iisa pa lang yung tumatagal ng more than a month..
the rest eh madali lang akong sinusukuan..
kahit yung mga nagse-send sa akin ng words of encouragement..
for some reason, matapos lang ang isang buwan eh umaalis na sila...
is feeling , makikita kung may magbabago ba kapag nakita na yung link na kasama doon mismo sa project...
>
[Manga / Movie]
One Piece: Stampede
kanina ko lang napansin..
dating miyembro pala ng Roger Pirates ang latest na makakalaban sa upcoming movie..
at mecha-mode na naman yung Devil Fruit ability...
is feeling , after August pa...
---o0o---
June 5, 2019...
[Medical Condition]
so hindi rin nga talaga ako gumaling... :(
kanina, tsini-check ko yung magkabilang dulo ng surgical scar ko..
at mukhang hindi pa rin sila nagsasara..
yung nasa right side eh may natatanggal pa ring mass mula sa loob..
ewan ko kung langib ba yun o ano...
pero laking gulat ko noong subukan kong alisin yung nasa left side..
p-in-ress ko siya nang medyo madiin at mahabang mass yung lumabas mula doon sa butas..
kaya na-realize ko na hindi na yun basta langib lang..
parang sebum yung mass, pero thick na at may pagka-solid yung phase niya...
kaya heto..
butas pa rin ako hanggang ngayon..
dati it took a year bago ako atakehin ng Sepsis..
gaano naman kaya kalaking palugit ang ibibigay sa akin this time...?
---o0o---
June 6, 2019...
[Sports]
ayoko na ngang manood ng laban..
madalas na minamalas ang team na sinusuportahan ko nang dahil sa akin eh...
parang tanga yung magsisimula nang maayos yung game..
tapos biglang magkakalat sa 3rd Quarter...
bukod pa yung parang si Jin lahat ang players ng Dynasty Team...
is feeling , Toronto Dinosaurs, ma-activate naman...
>
[Sports]
naman, We the North..
3-0 na sana eh..
kung hindi lang nagkalat sa 3rd Quarter ng Game 2...
is feeling , huwag nang ma-deactivate ang mga Dinosaur, please...
>
nagsimula na rin nga sa project #12..
bago pa umatakeng muli ang Sepsis...
dapat mai-schedule ko nang maayos ang bawat release sa iba't ibang store..
para iwas sa quick piracy..
habang nadi-distribute rin ang income sa bawat buwan...
is feeling , para sa pera.. at sa mapayapang katapusan...
---o0o---
June 7, 2019...
[Manga]
so nagharap na pala sina Zoro at Killer..
hindi ko kasi inasahan na maghuhubad siya ng kanyang maskara..
at nabuhay pala siya (ang prinsipyo ni Oda nang hindi basta-basta pagpatay sa mga character)..
although inaasahan ko talaga na maglalaban sila dahil parehas silang Swordsman, hindi ko naman in-expect na minor na paghaharap lang ang mangyayari..
makikita sa naging laban nila kung gaano kalaki ang lamang ni Zoro...
unfortunately, naging biktima na rin si Killer ng SMILE side effect..
at bukod sa pagkain ng palpak na fruit, eh automatic na rin siyang mawawalan ng kakayahan na maglangoy..
so mataas ang tsansa na magkakaroon pa ng cure...
is feeling , ang importante ay tumalo na si Zoro ng kapwa niya miyembro ng 11 Supernovas...
>
[Gadget-Related]
problema pa rin..
unstable na naman ang kuryente na dumadaloy sa area namin..
siguro dahil sa mga construction ng mga bahay sa malalapit lang...
torture na naman para sa UPS ko..
kaso hindi naman ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho eh...
is feeling , kapalaran ko nga naman.. puros sa papawasak...
No comments:
Post a Comment