Friday, June 21, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of June 2019 (UnPirated)

Loveless Story


June 16, 2019...

after ONLY 12 days matapos ang bago kong release..
nakatunog na ulit ang mga magnanakaw..
ayun at naghahanap na nang magse-share ng bago kong produkto...

anyway..
hindi na dapat magpa-stress..
iche-check ko lang kung gaano sila kabilis kumilos..
kung gaano sila kabilis magnakaw..
para matantsa ko ang gagawin kong interval ng mga release...

is ðŸ’€ feeling , part of the choice...

---o0o---


June 18, 2019...

nga pala..
nasa Singapore na si Emoji-Girl..
doon na makikipagsapalaran..
lumalaki na rin kasi ang anak niya...

ganun talaga..
walang masyadong mapapala sa ekonomiya ng bayan eh...

is feeling , nabawasan na ang cute sa supermart...

---o0o---


June 21, 2019...

3rd week na pero wala pa ring lumalabas na pictures...

sana naman makahanap na ako ng panibagong clue...

is feeling , new cards...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Reinforced Conference (Preliminary Round 2)


June 15, 2019...

isang out-of-town game lang ngayong araw..
mukhang para makaiwas sa back-to-back game, since 6 teams lang ang meron..
maraming live audience..
at mukhang sobrang mainit sa Iloilo...


Creamline versus BanKo

Thai coach versus Thai coach..
inalis na ng BanKo ang dating Best Scorer na si Bright..
kumuha na rin sila ng Thai guest player, si Chuewulim...

Set 1, 25-12, si Yildirim lang muna ang guest player, nakakuha ng early lead ang Creamline, hanggang sa ipinasok na rin si Chuewulim, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang attacks..
Set 2, 25-19, dikit nang dikit ang BanKo, pero muling nakaagwat ang Creamline sa bandang dulo..
Set 3, 25-16, nakaagwat ang Creamline makalagpas ang 1st technical time-out, nabigyan ng playing time sina Soriano at Negrito...

3-0, panalo ang Creamline sa unang game nila sa Round 2..
hindi nakabawi laban sa kanila ang BanKo..
at sigurado na rin sila sa Semifinals, gaya ng Angels...

Player of the Game si Blanco with 11 points from 8 attacks and 3 kill blocks..
Kaewpin with 18 points na may 15 attacks, plus 8 digs and 7 excellent receptions..
Baldo and Gumabao with 9 points each..
para naman sa BanKo..
si Chuewulim lang ang umabot sa double figures with 10 points...

hindi masyadong na-activate si Galanza today...

is feeling , thank you Creamline, para sa muling pagtulong kina Morado at Galanza...

---o0o---


June 16, 2019...

sa Cavite..
limited capacity yung venue pero hindi rin napuno...


Angels versus BaliPure

Set 1, 25-19, dikitan ang laban pero nakaagwat ang Angels after ng 2nd technical time-out, inilamang nila ang kanilang 3 blocks and 3 service aces..
Set 2, 25-22, madalas na lamang ang BaliPure, pero naagaw pa ng Angels sa bandang dulo, nanaig sila dahil sa kanilang 4 blocks..
Set 3, 25-18, nakakuha na ng early lead ang Angels, at nagkaroon pa sila ng time para sa kanilang bench...

3-0, panalo ang Angels..
hindi rin nakabawi ang BaliPure laban sa kanila...

Player of the Game si Johnson with 17 points from 16 attacks and 1 service ace..
walang source para sa stats... :(

best game so far for BaliPure..
activated naman si Bombita..
at ang tapang ni Bermillo para saluhin ang mga palo nina Salas at Johnson..
Middle Blocker na lang ang kulang..
sayang nga lang at sa harap pa ng Angels nila naipakita yung pinakamalinis nilang laro...


Army Troopers versus Motolite

ang 2nd 5-setter match ng conference..
padalawa na rin para sa Army...

Set 1, 23-25, nakakuha ng early lead ang Motolite, pero naging dikitan ang laban hanggang dulo, nairaos naman ng Motolite yung set dahil sa kanilang 5 blocks..
Set 2, 25-21, nakaagwat ang Army matapos ang 1st technical time-out, inilamang nila ang kanilang 16 attacks..
Set 3, 25-17, nakalayo ang Army after ng 1st technical time-out, muli silang nanaig dahil naman sa kanilang 4 blocks plus 9 opponent errors..
Set 4, 21-25, Motolite naman ulit ang nakaagwat, naitawid nila yung set dahil sa kanilang 4 blocks..
Set 5, 13-15, maagang nakaagwat ang Motolite, at sa miscommunication pa ng Army natapos yung match...

3-2, panalo ang Motolite..
nabawian nila ang Army Troopers, at medyo gumanda pa ang kanilang ranking...

Player of the Game si Thompson with 28 points from 23 attacks, 2 kill blocks, and 3 service aces..
Esdelle with 23 points from 19 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
para naman sa Army..
Lymareva scored 25 points na may 23 attacks..
Tubino with 19 points..
Jordan with 11 points..
Gonzaga with 10 points..
lamang naman ang Army pagdating sa attacks, pero nadali sila sa iba pang departments...

activated naman si Gonzaga..
kaso si Jordan yung hindi madalas na naka-opensa today..
at nagkamali rin siguro si Coach Kungfu na hindi pinalitan si Tubino kahit mukhang pagod na ito..
dapat sinubukan ulit nilang sumugal kay Gutierrez noong Set 4, just to see kung mag-iiba yung momentum nila..
kung hindi man, edi sana ay nakapagpahinga pa rin si Tubino for the final set...

is feeling , nice try, BaliPure.. good game naman para sa Motolite...

---o0o---


June 19, 2019...

Army Troopers versus BaliPure

konti lang ang live audience...

Set 1, 25-21, early substitution ni Gutierrez for Tubino, nakaagwat ang BaliPure before ng 1st technical time-out, pero nabaliktad naman ng Army ang takbo ng set after ng 2nd technical time-out, si Gonzales ang main Setter ng Army, nakuha nila ang set dahil sa 9 errors ng BaliPure..
Set 2, 25-20, Malaluan for Balse, nakaagwat ang Army bago pa ang 2nd technical time-out, inilamang ng Army ang kanilang 16 attacks..
Set 3, 25-21, madalas na lamang ang BaliPure, pero naagaw muli ng Army ang set sa bandang dulo...

3-0, panalo ang Army..
hindi nakabawi laban sa kanila ang BaliPure...

Player of the Game si Gonzales with 21 excellent sets, plus 5 points..
Lymareva with 15 points na may 13 attacks..
Jordan with 11 points from 7 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Tubino with 9 points..
para naman sa BaliPure..
Dzakovic scored 14 points na may 13 attacks..
may plus 12 digs and 6 excellent receptions din siya..
Vajdova with 13 points..
Bombita with 9 points...

activated na naman si Bombita, at maging si Espiritu..
base sa performance ng BaliPure today, mukhang yung output nung 2 guest player ang medyo nalimitahan...


Creamline versus Motolite

medyo lumaki naman yung crowd..
nag-guest pa kanina ang ibang Motolite players sa Eat Bulaga...

Set 1, 25-15, ipinasok na si Pablo, nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, nanaig sila dahil sa kanilang 15 attacks plus 8 opponent errors..
Set 2, 25-20, si Galanza na for Gumabao, madalas na lamang ang Motolite, pero naagaw ng Creamline ang set after ng 2nd technical time-out, inilamang nila ang kanilang 4 service aces..
Set 3, 25-23, Caloy na for Pablo, nakakuha ng early lead ang Motolite, pero muli ring binaliktad ng Creamline ang takbo ng set...

3-0, panalo ang Creamline..
hindi rin nakabawi laban sa kanila ang Motolite..

Player of the Game si Morado with 26 excellent sets, plus 3 points..
Blanco with 13 pure attack points..
Kaewpin also with 13 points from 11 attacks and 2 kill blocks..
Baldo with 10 points, plus 12 digs..
para naman sa Motolite..
Esdelle scored 15 points..
Thompson with 14 points..
Pablo with 3 points sa loob ng 2 sets..
kaso nagpakawala ang Motolite ng 21 errors within 3 sets...

the same key role for Galanza..
added defense sa likod, bantay sa palo, lalo na laban sa mga guest players...

is feeling , safe na ulit for now ang ranking ng Army.. thank you ulit Creamline at Galanza para sa pagtulong kay Morado...

-----o0o-----


June 18, 2019...

[Movie]

Hercules (2014)

maganda din pala yung movie..
parang yung Troy..
kung saan yung mythological na istorya eh ibinaba sa level ng mga mortal lang, walang gods at demigods...

although may computer graphics ang Hercules para ipakita yung mga original mythological versions nung mga pangyayari..
yung mismong narration niya eh nasa pang-mortal na level lang...

hindi ko pa nabasa noon yung ginamit nila na basis nung script..
pero maganda yung main plot..
kung paanong nasanay ng grupo ng mga bida yung maling panig kapalit ng pera..
at kung paano nilang itinama yung pagkakamali na iyon...

is feeling , 12 Labors...


>
lagot ako..
kaka-grocery ko lang kanina para mag-restock..
pero kukulangin yata yung pinamili ko...

ewan..
biglang nag-convert yung maraming anak sa pagbili ng Great Taste White..
noong una, akala ko eh naghahanap lang sila ng Kopiko Blanca dahil dun sa current promo..
but then, simula Sunday yata noon, eh biglang Great Taste na yung binibili nila..
bukod dun eh hindi na rin sila nabili ng Milo...

hindi kaya Great Taste White na ang ipinapang-ulam nila..?
kasi kung ikukumpara nga naman..
yung matitimpla ng Php 10.00 na twin pack ng Great Taste White eh halos kasing dami nga ng sa 2 sachet ng Milo na worth Php 15.00 na...

is feeling , teka.. Php 6.00 lang ang tubo ko sa 10 Great Taste White.. hindi ako mamimili ulit kaagad nang dahil lang dun...


No comments:

Post a Comment