Loveless Story
June 15, 2019...
ganun pa rin naman..
araw-araw naghahanap ng clue..
habang tuluy-tuloy lang sa pagtatrabaho..
umaasa na balang araw eh may maganda naman na mangyayari...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 3 - Reinforced Conference (Preliminary Round 1)
June 8, 2019...
madami na naman ang live audience...
Angels versus Army Troopers
Lymareva versus Angels...
Set 1, 25-12, nakakuha ng early lead ang Angels, si Bicar na ang ginawang main Setter ng Army..
Set 2, 29-27, habol nang habol ang Angels sa Army, maganda ang inilaro ni Jordan kaso kailangan pa rin siyang alisin from time to time, hanggang sa naagaw pa nga ng Angels ang set..
Set 3, 25-15, nakaagwat ng malaki ang Angels...
3-0, at naitawid pa rin nga ng Angels yung straight sets victory nila..
dahil dun ay na-sweep nila ang Round 1...
Player of the Game si Cheng with 15 excellent sets..
2 beses na nilang pinipili si Cheng kahit na hindi naman sobrang ganda ng stats..?
Salas with 27 points from 19 attacks, 2 kill blocks, and 6 service aces..
Johnson with 22 points from 17 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
bukod dun ay nakagawa rin ang Angels ng 12 kill blocks..
para naman sa Army..
Lymareva and Jordan scored 11 points each...
mukhang sa pagtalon humina si Gonzaga matapos ang injury niya..
iba na yung kalidad ng mga attacks niya kumpara noong nasa National Team pa siya..
the same reason kung bakit hindi siya nagiging key player ngayon para sa Army...
Creamline versus Motolite
nakumbinsi nga ng Creamline na bumalik si Coach Tai..
Set 1, 13-25, si Gannaban na nga ang ginagamit ng Motolite kapalit ni Ramos para sa bago nilang formation, naiwan ng Motolite ang Creamline, si Galanza na for Gumabao, kaso off pa ang reception ng Creamline kaya nakarami ng service aces ang Motolite laban sa kanila..
Set 2, 25-19, madalas na lamang ang Motolite, ipinasok sina Negrito at ang activated na si Gumabao, at naagaw pa nga ng Creamline ang set, nanaig sila dahil sa kanilang 12 attacks..
Set 3, 25-16, nakakalas ang Creamline matapos ang 1st technical time-out, nagkalat naman sa opensa ang Motolite, inilamang ng Creamline ang kanilang 11 attacks plus 13 opponent errors..
Set 4, 25-23, nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, at nahuli na sa paghabol ang Motolite...
3-1, nakaraos pa rin naman ang Creamline..
3-1 na rin ang record nila...
Player of the Game si Kaewpin with 17 pure attack points..
may plus 12 digs and 8 excellent receptions pa siya..
Baldo with 13 points from 8 attacks and 5 service aces, plus 14 digs..
ang hindi masyadong na-activate na si Blanco with 9 points..
Morado with 22 excellent sets..
para naman sa Motolite..
Thompson scored 23 points from 18 attacks, 1 kill block, and 4 service aces..
Esdelle with 11 points, na mababa pa rin ang accuracy rate..
kahit papaano ay nakagawa sila ng 18 service aces laban sa Creamline..
kaso ay nagkalat rin naman sila dahil sa kanilang 35 errors...
ang maganda pa kay Kaewpin ay kaya niyang saluhin ang mga palo ng western guest players..
si Galanza naman eh hindi pa sobrang ganda ng laro ngayon, with multiple service errors..
pero malaki yung naitutulong niya na variation sa opensa at depensa sa likod...
is feeling , untik na yun, Army.. nice game Galanza, salamat sa pagtulong kay Morado...
---o0o---
June 9, 2019...
konti na lang ulit ang live audience...
BanKo versus Army Troopers
ang 1st 5-setter match ng Reinforced Conference...
Set 1, 22-25, si Bicar na ulit ang main Setter ng Army, palitan ng kalamangan ang 2 team, hanggang sa naitawid na ng Army..
Set 2, 25-23, madalas na lamang ang BanKo kahit na dumidikit ang Army, inilamang ng BanKo ang kanilang 3 blocks..
Set 3, 29-27, nakaagwat ulit ang BanKo at gumamit na sila ng mga substitutes, nagkaroon ng late na palitan ng kalamangan, pero nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 21 attacks..
Set 4, 20-25, dikitan ang laban, naipasok pa ng BanKo si Tajima, Gutierrez for Tubino at malaki ang naitulong niya para makalayo na ang Army, inilamang nila ang kanilang 18 attacks..
Set 5, 7-15, maagang nakalayo ang Army dahil sa momentum nila, maganda ang ipinapakita ni Gutierrez pati sa depensa sa likod...
3-2, panalo ang Army..
hindi na masama ang record nila for Round 1...
Player of the Game si Bicar with 26 excellent sets, plus 10 points na maraming attacks, at as a Setter iyon..
Jordan with 23 huge points as a Middle Blocker, na may 21 attacks..
Lymareva with 19 points, plus 13 digs and 14 excellent receptions..
ang current local key attacker nila na si Tubino, with 16 points..
Gutierrez with 7 points off the bench, at sa loob lamang ng wala pang 2 sets..
Nunag with 30 digs and 18 excellent receptions..
para naman sa BanKo..
Bright scored 20 points na may 18 attacks, plus 19 digs and 20 excellent receptions..
Tiamzon with 17 points..
Yildirim and Bersola with 10 points each...
weakness ng Army ang rotation, kapag wala na sa harap si Jordan..
si Gutierrez naman eh matagal na palang nagiging kakampi ng Army sa PSL, so mas kilala niya ang Army kumpara sa Creamline..
maganda nga kung magagamit rin nilang key player si Gutierrez, kasabay ni Tubino, dahil may opensa siya sa harap at depensa naman sa likod..
para naman sa side ng BanKo, nawala rin pala sa kanila sina Ahomiro at Villanueva...
Motolite versus BaliPure
battle for first win...
Set 1, 25-16, nakaagwat ang Motolite bago pa umabot ng 2nd technical time-out, lumamang sila dahil sa kanilang 3 blocks plus the 10 huge errors ng BaliPure..
Set 2, 25-21, gumanda ang laro ng BaliPure habang hindi okay lahat ng players ng Motolite, pero naisalba pa rin naman ng Motolite yung set, nanaig sila dahil sa 7 errors ng BaliPure..
Set 3, 25-18, nakakuha na ng early lead ang Motolite...
3-0, panalo ang Motolite..
at nakasungkit na nga sila ng panalo...
Player of the Game si Layug with 8 points from 5 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Thompson with 20 points from 14 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
Caloy with 8 points..
Esdelle with 7 points..
para naman sa BaliPure..
Dzakovic scored 18 points from 15 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
may plus 12 digs din siya..
Vajdova with 11 points...
kaso off na naman ang laro ni Bombita para sa BaliPure..
hindi rin ganung kaganda ang laro ng kanilang Libero...
is feeling , may bagong pag-asa na ang Army.. nice game rin naman para sa Motolite...
---o0o---
June 11, 2019...
lagot sa MPBL..
Mondays to Saturdays..
kakainin na naman ang timeslot ng PVL... :(
hayop ka talaga, Fighting Jonin..
palpak ka na nga sa Jonin House..
pati panonood namin ng PVL eh ginugulo mo pa..
bakit hindi na lang kayo sa GMA o sa GMA News TV o di kaya eh sa IBC-13...?
sira na naman ang liga... :(
is feeling , itatapon na naman kami sa livestream...
---o0o---
June 12, 2019...
Creamline versus BaliPure
average na lang ulit ang bilang ng live audience, meaning sapat pero hindi punuan..
ang last match para sa Round 1..
pahinga muna si Gohing..
si Vargas na muna ang nag-suit up bilang isa pang Libero...
Set 1, 25-19, si Soriano na muna ang local Middle Blocker, practice naman ng opensa ni Blanco, nagsimula namang ipasok si Galanza for back defense, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 2, 25-18, sina Domingo, Sato, at Guino-o naman ang binigyan ng oras, inilamang ng Creamline ang kanilang 13 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-23, naiwan ang Creamline, ibinalik na si Blanco para manigurado, late nang naipasok si Mandapat para magkaroon pa ng sapat na experience, at nabaliktad pa rin nga ng Creamline yung set...
3-0, panalo ang Creamline..
natapos nila ang Round 1 with a 4-1 win-loss record..
nagtapos naman ang sa BaliPure sa 0-5...
Player of the Game si Morado with 19 excellent sets, plus 4 points..
Baldo with 16 points from 12 attacks and 4 service aces, plus 10 digs..
Kaewpin with 11 points na may 10 attacks..
Blanco with 9 points..
para naman sa BaliPure..
Vajdova scored 17 points..
Dzakovic with 10 points..
Tubiera with 8 points in 2 sets...
halos naipasok ni Coach Tai ang buong roster niya, maliban kay Bravo..
nice reinforced experience for Domingo, though hirap siyang maka-score laban sa mga foreign guest players ng BaliPure..
si Blanco naman eh kulang pa rin sa blocking..
kailangan niyang magaya si Bersola kung gusto niyang makatulong sa pagtalo sa Angels...
for BaliPure..
maayos yung ipinakita ngayon ni Tubiera..
better compared sa performance ni Bombita sa nakaraang 3 laro nila..
kung maa-activate lang sana nang sabay-sabay sina Bombita, Tubiera, at Espiritu, baka sakali pang makakuha sila ng panalo...
PVL Season 3 - Reinforced Conference (Preliminary Round 2)
Angels versus BanKo
simula na rin kaagad ng Round 2..
may iniinda daw na sakit sa tuhod si Bright, at flu naman ang kay Yildirim...
Set 1, 25-23, nakaagwat ang BanKo kahit na puros locals lang ang naglalaro, pero binaliktad ni Salas ang resulta ng set, nanaig ang Angels dahil sa kanilang 18 attacks and 3 blocks kahit na nagpakawala sila ng 9 errors..
Set 2, 25-11, nakalayo nang maaga ang Angels, sumugal na naman ang BanKo sa all-Filipino, inilamang ng Angels ang kanilang 15 attacks and 4 blocks..
Set 3, 22-25, maaga na namang nakaagwat ang locals ng BanKo, beyond 20 na nang ipasok si Yildirim, at sa wakas may nakaagaw na rin sa Angels ng set, nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 5 blocks..
Set 4, 25-20, stick with the plan ang BanKo, dikitan ang laban hanggang sa 2nd technical time-out, kaso ay nakalayo na ang Angels after that...
3-1, panalo pa rin ang Angels..
so hindi nakabawi sa kanila ang BanKo..
at for the second time, hindi masyadong nakalaban ni Bright ang Angels dahil nabangko siya...
Player of the Game si Salas with 37 points from 35 attacks and 2 kill blocks..
may plus 13 excellent receptions pa siya..
Johnson with 24 points na may 23 attacks, plus 16 digs and 13 excellent receptions..
Panaga with 9 points..
para naman sa BanKo..
Tiamzon scored 20 points from 16 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
may plus 17 digs din siya..
Gervacio with 13 points..
Bersola with 9 points...
ang maganda kay Johnson ay kahit nasa 5'8" lang ang height niya, eh kaya niyang pumalo nung baon na short na usually eh range ng palo ng Middle Blocker..
masyado namang mahirap na kalaban si Salas..
nasa 6'2" siya, pero all-around player..
high accuracy power attacker na may smart plays pa, magaling na blocker, at may receive at depensa rin siya sa likod..
ang maliit na butas laban sa Angels ay tuwing nasa likod si Salas..
hindi yun weakness, pero yun yung pagkakataon na dapat sinasamantala para umatake nang umatake...
humanga na ako noong bina-block ni Galanza si Dzakovic eh..
pero mas napahanga ako noong ginawa rin yun ni Bersola laban sa napakalakas na si Salas...
is feeling , nice training for Creamline.. thank you ulit Galanza para sa pagtulong kay Morado.. saludo ako sa performance ng locals ng BanKo today...
-----o0o-----
June 8, 2019...
[Sports]
naman, Toronto Dinosaurs!
4-0 sweep sana yun eh..
maganda sanang alamat..
kung hindi lang talaga nangyari yung 3rd Quarter na iyon nung Game 2...
anyway, 3-1 ang realidad...
is feeling , 1 na lang, We the North...
---o0o---
June 11, 2019...
[Sports]
isinakripisyo na si Durant...
pero sayang na naman..
4th Quarter na na-activate si Kawayan..
kaso saka rin naman nagkalat ang mga Dinosaurs..
kung naalagaan lang sana nila at nadagdagan pa yung naging kalamangan nila sa last 3 minutes..
edi tapos na sana 'to...
kaso wala eh..
nag-3-2 pa...
sino bang malas na nanonood sa North..?
engot naman kasi yung nagsulat kaagad nung death of a dynasty eh..
hindi pa tapos ang laban hangga't hindi pa tapos...
is feeling , hindi pwedeng maging pang-UST din ang ending nitong series na 'to.. please...
---o0o---
June 14, 2019...
[Sports]
We the North...
lapastangan..
bastos..
sadista..
ang gusto pa talaga eh sa court ng kalaban kinukuha ang panalo... XD
yung 4-0 sweep sana, eh na-convert pa sa 4-2..
pero 3-0 naman ang resulta sa court ng GSW...
sobrang deserving..
2 birds in 1 stone..
nakakuha na sila ng kauna-unahang championship..
at napigilan pa nila ang 3-peat attempt ng dynasty..
ngayon ko lang nakita si Kawayan na nagpakita ng emosyon, LOL...
para naman sa GSW..
negative karma na rin siguro..
may desisyon man o wala ni Durant, hindi na dapat nila isinugal yung player na hindi pa 100% na nakaka-recover..
delikado pa tuloy na mawala ng 1 season si Durant..
hindi tama na magahaman at isugal ang kalusugan ng player nang dahil lang sa championship...
is feeling , salamat sa bagong history, Toronto Dinosaurs...
No comments:
Post a Comment