PVL Season 3
yung short update muna...
anak ng..
ni-recruit ng Creamline si Domingo (ang strongest Middle Blocker ng generation niya)...
makikita na ang magagawa ng Morado and Domingo combination...
is feeling , aw.. nangongolekta ba ng magagandang players ang Creamline...?
>
PVL Rebisco All-Star
namaalam na pala sa mundo si Coach Nes..
sana lang eh hindi mawalan ng loob ang Fighting Warays...
Team Blue versus Team Red
wala, mismatch dahil sa Setter factor..
mas maganda siguro yung naging laban kung Morado versus Ferrer..
kahit si Ferrer man lang ang ikinampi kina Baldo..
kaso eh magkakampi yung 2, at nag-iisang naglarong Setter ng Blue si Saet..
kahit siguro naglaro si Wong eh hindi pa rin nila matatapatan sina Morado at Ferrer...
as expected..
hindi pinaglaro, naglaro, at um-attend ang mga players na active pa sa UAAP..
para iwas-injury..
lahat, maliban kay Dacoron ng Adamson..
nakakadismaya lang, kasi alam naman nila na magkadikit talaga yung schedule, so dapat hindi na lang sila kumuha ng mga players mula sa UAAP..
sana eh binigyan na lang nila ng pagkakataon yung ibang graduate na na players...
Coaches Yee and Bundit versus Coaches Oliver and Jimenez..
inabala pa talaga nila si Coach Tai para lang matalo sa exhibition game na 'to... :(
para sa Team Blue ni Baldo, kasama niya sina - Saet, Wong (benched), Gumabao, Tiamzon, Bombita, Sato, Bersola, De Leon, at nag-double Libero sila kina Gohing at Ravena (benched)..
parehas naman na hindi um-attend sina Molde (minor injury) at Madayag (thesis)...
para naman sa Team Red ni Pablo, naroon sina - Morado, Ferrer, Galanza, Pacres, Sabete, Tolentino (benched), Gandler (benched), Dacoron, Nunag, Palomata, BDL (benched), at Ponce bilang single Libero...
first time yata na nagkampi sina Baldo at Gumabao sa isang exhibition match..
first time naman na naglaban sina Baldo at Morado..
at ayun, talo na naman si Baldo...
Set 1, 19-25..
Set 2, 16-25..
Set 3, 20-25..
panalong-panalo ang Team Red..
nilaro pa ng Team Red ang last point nila, dahil pinilit nila na si Pacres ang tumapos sa match...
Player of the Game si Galanza..
wala, ginalingan eh..
with 14 points from 11 attacks and 3 service aces..
parehas naman na maganda ang nilaro ni Morado para sa Sets 1 at 3 niya..
Sabete scored 11 points, plus 13 digs, and 7 excellent receptions..
at maganda rin talaga ang naging floor defense ng Team Red..
halos si Baldo lang naman ang nagdala sa Team Blue with 10 points...
sayang..
sana kinuha na lang sina Gervacio, Mercado, Baloaloa, Panaga, Prado, Alvarez, at Negrito..
hindi ganung kumuha sila ng 7 unusable na players... :(
No comments:
Post a Comment