Friday, February 15, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of February 2019 (The Art of Curves)

Loveless Story


February 12, 2019...

[Business]

okay na..
nakuha ko na yung membership card ko..
good for 2 years, kapalit ng Php 100..
hindi ko pa alam kung gaano katagal ang validity nung points..
basta 1 point = Php 1.00..
makikita ngayon kung ilan ang kaya kong gawin within 11 to 23 months...

sayang talaga yung 13 points ko na hindi na-count... :(

si Emoji Girl rin ulit ang nag-asikaso sa akin, kahit na 2 straight weeks ko siyang hindi nakita..
at kakaiba yung makeup niya ngayon..
hindi na basta-basta foundation lang at basics, nagsi-silvery eyeshadow na rin siya...

is feeling , malinis na kickback...

---o0o---


February 13, 2019...

[Business]

yung medyo good news naman...

medyo matagal na rin..
may bago akong magandang kliyente sa mobile load..
si Curly Hair..
ang tagal rin kasing wala, matapos kong biguin noon sina Semi-Busty Client..
medyo maputi siya..
kaso masyado lang slim...

besides, may isinama na kasi siyang lalaki minsan dito sa bahay eh..
so iwas na lang...

is feeling , ewan ko ba.. basta hindi rin ako attracted sa mga babaeng below 34-24-34 ang body frame, at kapag slender ang legs...

---o0o---


February 14, 2019...

wala pa rin talaga..
hindi ko pa rin siya mahanap..
at mas lumiit pa ang saklaw ng mga mata ko...

ang paniniwala ng maraming tao..
na kapag malas ka sa isang aspeto ng buhay, na masuwerte ka naman sa iba, bilang pambalanse...

kayamanan..
kalusugan..
karera..
pamilya..
pag-ibig...

is feeling , pero wala akong makitang pambalanse na suwerte para sa akin...

---o0o---


February 16, 2019...

natutukso akong gamitin yung mga pamilya, mga nobyo, at mga magiging in-laws nila para lang makakuha na ng impormasyon..
parang unfair na ini-enjoy na nila ngayon ang mga buhay nila, pero dinidiktahan nila ang ibang tao para mawalan na kaagad ng pag-asa...

is feeling , commercial establishments with free Wi-Fi...

-----o0o-----


February 10, 2019...

[Lottery]

anak ng..?
lokohan na yata talaga 'to...?

February 9 pa lang kahapon, pero 4 na games na kaagad yung napapanalunan for this month...

yung isa kong kakilala nagtanong sa isang regulating body..
para sa kanila talaga yung tanong, kasi trabaho nila yun sa lahat ng malakihang games (maging yung mga nasa TV)..
pero surprisingly, hindi nila masagot yung tanong at i-s-in-uggest na iba ang tanungin..
clearly, hindi alam ng mga trabahador na iyon kung paano dapat gawin nang tama ang kanilang mga tungkulin...

sana may mag-imbestiga naman sa money flow nila..
baka nagagaya na kasi kung paano sila mag-party...

is feeling , scam...??


>
[Gadget-Related]

kanina na-experience ko ang 2nd crash ng graphics card ko..
pero hindi kagaya nung unang beses, na nag-crash matapos ang 2 consecutive na rendering tasks..
kanina ay nag-crash siya kahit na kabubukas ko pa lang dun sa computer..
at nangyari pa talaga siya habang naliligo ako...

kung tutuusin, hindi na talaga maganda ang tunog ng fan nung graphics card..
kung dati ay nag-i-stabilize naman siya makalipas ang ilang oras nang pagtakbo..
ngayon eh yung pagba-vibrate na niya yung mas consistent...

kagagastos ko lang ng malaki last January..
at malaking problema kung mangangailangan kaagad ako ng panibagong graphics card after only almost 2 years...

is feeling , 5 taon yung hinihingi kong palugit.. ano ba...??


>
[Online Marketing]

sigurado na na meron akong sasahurin..
kaso sa April pa ang labas nun dahil sa store setup...

yun nga lang..
if ever, ay hindi rin iyon sasapat kung sakaling mangangailangan ako ng bagong graphics card..
tama naman yung presyuhan sa bilihan ko..
Php 9,000 to 12,000 para sa unit na may average na CUDA Cores...

mahirap rin 'tong sugal na ginawa ko matapos yung impact sa akin ng online piracy..
6 months na akong hindi naglalabas ng bagong project..
at 9 na buwan akong aasa lang sa first 7 projects ko...

hindi ko pa rin maintindihan kung paanong yung iba eh kayang mangalap ng 400 to 700 plus na supporters... :(

is feeling , patrons, hanapin nyo naman ako please...


>
[Music]

Pauwi Nako - O.C. Dawgs ft. Yuri Dope, Flow-G


ang theme song ng aking paghahanap...

bakit ngayon ko lang narinig 'tong kanta na 'to..?
last year pa yung mga date eh...

safe naman siya, suggestive lang at hindi explicit ..
panibagong addition sa Stripper Playlist ko...

is feeling , sana magkaroon ng music video.. ang tagal na eh...


>
[Music / Cuties / Video]


well, ito na yung sexiest dance cover na nakita ko para sa Pauwi Nako..
by Sexbomb NewGen...

starting at 0:28..
yung babaeng may moves at facial expression na gaya ng kay Daphny Red..
maganda rin talaga yung formation na ginawa nila..
weakness... <3

her face and smile reminds me of EB Babe Madel..
pero Sexbomb NewGen siya..
na may Maria Follosco moves din...

buti active na rin ulit si Julie, yung babaeng magaling magdala ng braces at bangs...

is feeling , anak ng kagat-labi.. pang-official music video na sila...


>
[Cuties / Video]


dahil medyo pang-digmaan ang looks ni Daphny sa Pauwi Nako dance cover nila..
heto ang sample ng cute face at cute smile niya... :)

is feeling , weakness...


>
[Cuties / Video]


wala na..
may umangat na laban kina Maria Follosco at Seika Hashizume pagdating sa twerking..
si Daphny Red na ang bagong standard ko.. <3
cute na maganda na, twerker pa...

is feeling , pero parang kasal na siya...



credit(s) for all the videos featured in this particular blog post goes to their respective owners and/or original uploaders...

---o0o---


February 13, 2019...

[Online Marketing]

first anniversary ko dun sa 2nd store..
medyo lagpas lang sa 40% ng total sales ko yung mula doon..
pero, siya kasi talaga yung naging active para sa akin nitong nakaraang 6 na buwan...

mabait rin sila dun, kasi pinapayagan nila yung promotion ng ibang platform at social media...

is feeling , a little more than 2 months left...


>
[Business]

ako muna...

wala talagang kapalaran na naka-assign para umayon sa akin... :(

matapos kong makabalik mula sa pagiging injured, it seemed like a good timing para bumawi sa sideline ko ng pagbebenta..
madami kasing products ang naka-promo lately, so mas maganda ang pasok ng additional income sa mga ganung klase ng pagkakataon...

kaso..
saktong may nagtayo ng bagong 'tunay' na tindahan, at madami-dami akong kliyente na lumipat na doon..
kasabay rin nun eh humina yung pagbili sa akin nung isa kong suki na pamilya..
to think na malakas silang bumili kapag Php 0.25 lang ang tubo ko sa Milo, tapos biglang bubulusok pababa kung kailan makakabawi na sana ako sa Milo...

is feeling , manatili ka lang sa below average...

---o0o---


February 15, 2019...

maghanap daw ako ng mapapangasawa..
para daw may mag-asikaso ng bangkay ko eventually...

bakit ganun..?
hindi ako yung inutil, pero nagtatamasa pa rin ng pera mula sa kanila..
hindi ako yung may mga pinapaalagaan na mga anak sa kanila..
hindi ako yung nanghihingi ng Php 9,500 per month..
pero sa tingin nila eh ako yung pinakaalalahanin dito sa bahay...??

hinding-hindi ko maa-appreciate ang buhay..
dahil yung mga gumawa sa akin, sila yung numero unong nagpapaalala sa akin kung bakit ko kailangang kamuhian ang buhay ko...

is feeling , may naisip na akong idea.. maghahanap ako ng mga doktor na pwedeng mag-reseta ng sample na bilang ng sleeping pills.. maraming doktor, para maraming reseta, at para marami rin ang sleeping pills.. tapos sa hiwa-hiwalay na drugstore ko na lang bibilhin.. sana umubra...


No comments:

Post a Comment