Loveless Story
February 6, 2019...
Short Story #1
noong nasa high school pa ako..
may kohai akong babae na ipinapabati ako sa DJ ng radio station tuwing gabi..
kasabay ng pag-request ng song...
is feeling , yung ganung pakiramdam.. na parang may mahalaga ka...
>
Short Story #2
noong nasa college pa ako..
may naging classmate ako sa ilang minor subjects ko..
hindi naman siya necessarily maganda, pero alluring yung dating niya...
dumating pa kami sa point noon na magkabiruan kami..
maging sa text man o sa personal..
kahit sa harap pa ng mga ka-course niya..
nagkukunwari kaming dalawa na in a relationship kami..
tipong nagtatawagan ng mga terms para sa mga mag-pares..
at naglalambingan sa text..
ewan ko ba dun..?
siya ang may pasimuno nun eh..
basta pinatulan ko na lang...
one time, nasa may hallway kami..
nakaupo kami sa bench na nasa magkabilang side nung hallway..
kami lang dalawa noon ang nakatambay doon..
kung meron mang ibang tao, eh dumadaan lang...
nasurpresa na lang ako noon nang tawagin niya ang atensyon ko..
pagkatingin ko sa kanya eh may bigla siyang ipinakita sa akin..
hindi ko naitsurahan sa simula..
pero nang ini-spread na niya yun eh saka ko na-realize na G-String pala yung hawak niya..
mabilis lang niyang ipinakita sa akin iyon..
tapos ay binilot na niya ulit at isinilid sa bag niya..
hindi ko alam kung anong iniisip ng babaeng yun that time..
ako naman eh napangiti na lang at wala nang nasabi sa kanya...
>
Short Story #3
noong nasa college ako..
may naging classmate ako sa ilang subjects na isang transfer student..
short at chubby siya na babae eh...
one afternoon, bigla na lang siyang nag-text sa akin..
ewan, sa kung anong groupings niya yata nakuha yung cellphone number ko..
ayun..
nakikipagkilala lang daw..
natutuwa daw kasi siya sa akin dahil parang ang kinis daw tingnan ng mukha ko..
napaisip naman ako noon na, ako..? makinis ang mukha..? seryoso...??
after that day, eh hindi naman na niya inulit yung mga ganung klase ng pagte-text sa akin...
is feeling , si Jollibee kasi eh.. kung anu-ano ang ipinapaalala sa akin...
---o0o---
February 8, 2019...
patuloy rin sa paghina ang ginagamit kong god's Eye..
tumaas na nga yung level ng security para sa buong system..
tapos eh nag-off na rin ng feature yung kapatid ni Miss Co...
-----o0o-----
February 2, 2019...
[Music]
nakaka-proud naman yung Music Hero ng Eat Bulaga..
yung naglaban-laban sila, hanggang sa nabuo na yung (medyo malaking) 10-man band..
hindi na rin masama na kumalas sa kanila yung mga top guitarists na bumuo naman sa 4 of Spades...
nakakamangha sa kanila yung champion sa paggamit ng flute..
kasi bigla siyang nag-convert sa paggamit naman ng saxophone in just a short period of time...
okay rin na in-absorb sa grupo yung finalist na female vocalist..
hindi man siya yung nag-champion noon, pero mas naging flexible yung music nung banda nang dahil sa kanya..
pwedeng Tagalog or English..
pwedeng male, female, or duet ang vocals..
at malawak rin yung genre ng pwede nilang tugtugin...
sa ngayon ay may 3rd single na sila..
not sure kung sino talaga yung composer nila, pero so far eh maganda yung ipinapakita ng grupo nila..
kagaya rin nung mga banda from the 90's and early 2000's, magaganda yung music nila sa panahon na naghahangad pa silang makilala - sa panahon na hindi pa sila masyadong busy sa mga raket...
is feeling , original music ang bubuhay sa industry, hindi yung puros rendition at cover lang...
---o0o---
February 3, 2019...
[Online Marketing]
baka abutin pa ng April yung output nung isa kong account..
hindi kasi natapatan yung performance last December, so alanganin pa siya this February (considering na mas kokonti rin ang araw sa buwan na ito)..
tapos, nagloko pa yung isang smartphone, so nabawasan ako ng magagamit na unit...
is feeling , hindi ko pa nababawi yung nagamit ko sa pagpapagamot...
>
[Medical Condition]
after 27 days..
ngayon na lang ulit nakaligo nang full body..
tutal eh naubusan na rin naman ako ng medical plaster na pandikit sa gasa, edi hayaan nang open..
tama na ang gastos...
parang kagaya lang noong bata pa..
hindi na nga lang 'to basta-basta superficial wound lang...
is feeling , aasa na lang sa langib...
---o0o---
February 4, 2019...
nakakalungkot makita kung paano natututunang gayahin nung tila normal na bata, yung mga maling gawain ng Autistic niyang kuya...
yung maglaro. magbato, at magtapon ng mga mamahaling pagkain..
yung kunwari eh kumakain ng pandesal, pero iniluluwa lang pala yung kinagat sa kung saang spot sa bahay..
yung sadyang dumura sa kung saan-saan na lang..
yung tumutok sa panonood sa gadget (blue light)..
yung mag-aakyat, tumayo, at magtatalon sa mga delikadong lugar...
samantalang yung bantay eh ano..?
busy sa pagbabasa ng diyaryo..
sa paninigarilyo..
sa pagkain..
sa pagtulog..
at sa pagsunod sa iba pang mga utos nung mga magulang nung mga bata...
sa papasama ang development ng Autism kung hindi mare-regulate nang tama yung Autistic..
hindi solusyon ang pagkunsinti sa mga maling gawain...
is feeling , para na ngayong may 2 kaso ng Autism sa bahay...
>
kailangang matapos ako sa pagbuo ng mga scenes this February..
3 weeks din yung nawala sa akin noong January eh...
no resting...
at madisgrasya na kung sinu-sino ang madidisgrasya..
mahirap yung buhay na dinadatnan ka ng sakit nang kokonti lang ang pera mo, samantalang yung mga nagpapasa sa'yo ng responsibilidad nila eh masyadong mga pasarap lang sa buhay...
is feeling , last 24 days...
---o0o---
February 6, 2019...
hindi ko na napaabot sa 6 digits ang savings ko..
at pabalik na ako sa ibaba..
nagbawas na ngayon ng mga medical expenses..
at mas bababa pa sa April...
is feeling , ulitan na naman...
---o0o---
February 8, 2019...
[Online Marketing]
kahapon ko lang napansin..
bale, 2 na pala sa mga platform na ginagamit ko yung down na..
late 2018 pa pala sumuko yung padalawa..
so wala na silang silbi for promotion... :(
is feeling , minus...
>
[Lottery]
hindi na ako makapaglaro ng Lottery lately..
sa naging trend noong January eh masasabi na na sobrang naging masuwerte ng mga mananaya sa buwan na iyon...
pero para magtuluy-tuloy yung trend hanggang nitong February...??
is feeling , totoo pa ba yang probability na ginagamit nila..? o sinasamantala na nila yung privacy...??
>
[TV Series]
Ang Probinsyano
yung Senator na sumasakay nang patalon sa kabayo..
saan ka pa...?
mas maige na kumpara sa mga lantarang magnanakaw...
No comments:
Post a Comment