Loveless Story
February 16, 2019...
okay..
medyo na-distract ako dun ah...
nito lang tanghali..
isang hindi naka-register na mobile number ang tumawag sa akin..
nasagot ko naman yung tawag, pero hinding-hindi nagsalita yung nasa kabilang linya...
after kong mag-send sa kanya ng SMS na nagtatanong kung sino ba siya..
isinabay ko ang pag-search sa number niya gamit ang isang number identifier..
may nakuha akong alias at name of group, at iyon naman ang s-in-earch ko online...
kasabay nang pag-reply niya sa SMS, eh nasurpresa ako noong makita ko yung photos niya..
at na-confirm ko nga sa message niya na siya nga iyon..
apparently, bumalik din sa industriya yung babaeng nagbinyag sa akin..
mukhang kulang rin talaga na raket yung pagiging recruiter..
gamit niya yung luma niyang alias para makilala ko siya...
so ganun lang yun..?
at ini-expect niya na tutulungan ko siya..?
noong ako yung may kailangan ng simpleng tulong, automatic na block ang inabot ko mula sa kanya..
wala akong rason para maging mabuti pa sa kanya...
is feeling , fair trade lang tayo...
---o0o---
February 20, 2019...
adding random ladies from her supposed province..
hoping na may makakakilala sa kanya, na willing rin magbigay ng impormasyon...
bawal mag-add ng lalaki..
mahirap na..
baka kapatid at asawa pa ang mai-add eh...
is feeling , kailangan kong subukan lahat ng pamamaraan...
---o0o---
February 21, 2019...
mukhang mas napalapit pa ako sa hinahanap ko..
this time, within the territory...
i'm not so sure, pero mukhang dahil yun sa ginawa kong pag-contact sa isang common acquaintance..
isa siyang tao na hinding-hindi ko pa nakita na kasama nung grupo, sa kahit na anong era..
but still it triggered something...
ayun, nasermonan ako nung babaeng nagbinyag sa akin..
nakakaasar lang..
so kapag sa maling paraan nagkakilala ang 2 tao, ibig sabihin na masama na parati ang pakay nila sa isa't isa..?
na paninira na kaagad ng pamilya ang balak..?
ano yun, wala na kaming karapatan na magkakilala sa totoong mundo...??
ang kapal ng mukha..
eh siya itong nagnakaw ng number ko mula sa grupo..
at siya itong naunang nag-alok sa akin ng deal para sa pansarili niyang pagkakakitaan..
tapos palalabasin niya na ako ang nanggugulo...??
nagtatanong ako nang maayos..
pero walang gustong sumagot..
tapos pagsasabihan ako na huwag gumamit ng resources nang walang paalam..
eh hinahanap ko nga yung tao eh, so paano ako magpapaalam sa kanya..?
kung talagang concerned sila, edi sana sinagot na lang nila yung tanong ko..
tutal eh nagpapaliwanag rin naman ako nang husto..
para hindi na sana ako gumamit pa ng mga items..
pero dahil ina-assume nila na lahat ng tao eh gumagawa ng masama na gaya nila, eh mas nagiging komplikado na ang mga bagay-bagay...
ano ba naman yung ibigay nila sa akin yung details..
tapos pupuntahan ko yung lugar nang hindi nagpapakita dun sa tao..
kapag nalaman ko na buo pa pala ang pamilya niya, o may bago na siyang pamilya - edi titigil na ako..
pero huwag naman nilang asahan na basta na lang ako susuko dahil lang sa sinabi nila na huwag ko na siyang hanapin...
ginagago nila ang mga asawa nila, tapos ako ang pagsasabihan ng tungkol sa paggawa ng tama..?
at hindi rin ako kagaya ng mga kaibigan nila na inanakan na ang maraming mga nakakatrabaho nila, tapos eh iniiwan lang at magpapalit na ulit...
ang pinaka-update na nakuha ko mula sa kanya eh na hindi maganda ang kondisyon ngayon ni Miss C..
though hindi ko rin sigurado kung totoo ba yun, o kung nagpapaawa lang ba siya para makumbinsi akong tumigil na lang...
is feeling , kahit papaano may mga nagre-react na akong target...
---o0o---
February 22, 2019...
hindi rin ako nangarap na magkagusto sa isang babae na delikadong magustuhan..
wala noon sa bokabularyo ko na magkagusto sa isang ina...
pero hindi ko kontrolado kung sa kanya pinaka-nagma-match yung preferences ko pagdating sa babae..
at hindi ko rin kasalanan kung 'safe' siya according sa istorya ng maskara niya...
is feeling , hoy FATE.. huwag na huwag mong hahayaan na manggulo ang mga maduduming mag-isip na yun sa paghahanap na ginagawa ko.. or else gagamit talaga ako ng mga device at free Wi-Fi...
---o0o---
February 23, 2019...
58th (56th) quick newbie retirement...
is feeling , hindi importante kung wala naman akong nakuhang data...
-----o0o-----
[V-League]
February 16, 2019...
lagot..
tuluyan na ngang nagdamot ang ABS-CBN..
kailangan na ng account bago makapanood sa mga online platform nila... :(
is feeling , naman.. log-in muna bago nood...
>
UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 1)
UP versus UE
ang 1st 5-setter match ng Season 81...
Set 1, 25-12..
Set 2, 22-25, mabilis na bumawi ang UE..
Set 3, 23-25, nabigong mang-agaw ng set ang UP..
Set 4, 25-19..
Set 5, 15-12...
3-2, panalo ang UP laban sa UE..
parang naging labanan nina MVP Molde at Abil yung match..
malaki ang naitulong sa UE ng mga commercial league players nila...
Player of the Game si EstraƱero with 2 points and 44 excellent sets..
Molde with 23 points from 19 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 10 excellent receptions pa siya..
Caloy with 17 points, 15 are from attacks..
Dorog with 12 points..
para naman sa UE..
Abil scored 20 points, plus 21 excellent receptions..
si Mendrez eh nalimitahan sa 8 points..
at si Arado naman contributed 32 digs and 18 excellent receptions...
FEU versus NU
depleted FEU versus Rookie NU..
mabilis nga rin silang iniwan ni Coach Babes...
Set 1, 22-25, naagaw pa ng NU yung set mula sa 21-14..
Set 2, 25-19, na-check na ng NU ang middle attack ni Domingo..
Set 3, 25-19, na-knee injury kaagad si Cagande, key and only Setter ng NU, sa first game nila..
Set 4, 25-12, at hindi na nga umubra ang improvised Setter para sa NU...
3-1, panalo ang FEU laban sa NU..
pero may malalakas na bagong players ang NU kaya maganda ang future nila with them..
ang bagong Jaja na si Lacsina, na naglalaro na sa lahat ng zone sa starting year niya..
at ang Ace-Player-to-be na si Robles, na may power, attack speed, agility, at blocking din..
sa panig naman ng FEU..
wala silang Ace Player ngayon, yung tipong kayang tumapat sa kakayahan ni Pons..
pero reliable naman si Ebon, tipong Basas ang kalidad ng laro..
lefty siya, at malakas din sa service...
Player of the Game si Ebon with 13 points from 9 attacks and 4 service aces..
may plus 4 excellent receptions pa siya..
Domingo and Guino-o both scored 11 points..
Malabanan with 10 points..
para naman sa NU..
Lacsina scored 14 pure attack points..
Robles with 13 points..
Paran with 11 points...
is feeling , umpisa na ng panibagong digmaan.. nakalipas na ang panahon ni Galanza.. so panahon naman ng maalin sa grupo nina Rondina o Molde para subukang wasakin ang dynasty...
---o0o---
February 17, 2019...
nakagawa na ng Kapamilya account para lang maka-livestream...
additional information..
naubos na daw ni Morente ang playing years niya sa UAAP noong first semester, so wala na yung pangarap niya na makasapi sa team na may -peat..
hindi naman ipinasok ni Coach Okumu si Magsarile sa UP lineup dahil marami pang kaagaw sa Outside Hitter na role..
last playing year naman sana ni Basas, na reliable player para sa FEU, kaso eh hindi na rin siya isinali dahil sa shoulder injury..
ngayon ko rin lang nalaman na pwede pala ang mga nagma-Masteral na maglaro sa UAAP...
AdU versus UST
full force na ang Adamson, no injury..
nawalan na ng playing time si Perez..
main Setter na si Yandoc..
si Genesis naman eh substitute lang sa sinumang naka-off na outside spiker...
hindi naman na naglaro si Laure para sa UST, hindi na niya tinulungan si Rondina..
mas malakas sana ang team nila kung nagsama pa sila ng kapatid niya..
pero nakuha naman nilang Setter ang kapatid ni Galanza...
ang 2nd 5-setter match para sa Season 81...
Set 1, 21-25, Permentilla-mode, may 3 blocks ang Adamson pero 12 naman ang errors nila..
Set 2, 21-25, Genesis time, at naka-Flora-mode ang opensa ng Adamson, may 3 blocks ulit sila pero 9 naman ang errors..
Set 3, 26-24, sa Adamson yung set sa simula, na naagaw, na nabawi rin naman..
Set 4, 26-24, malaki ang lamang ng Adamson sa umpisa pero nahabol, at late na nilang nabawi, 3 blocks pa rin at 6 na lang ang errors nila..
Set 5, 6-15, in-overkill na ng UST ang Adamson...
3-2, panalo ang UST..
after 7 years, ngayon na lang daw sila ulit nakatikim ng panalo sa opening match nila..
malakas nga si Eya Laure, at pati yung opensa ng Middle Blocker nila na si Galdones..
para naman sa Adamson..
ang lakas ng blocking ng Adamson, kaso hindi pa rin nila maiwasan ang mga errors..
malakas ang net defense ni Macaslang, kaso eh kulang siya sa atake, parang mas malakas pa rin kesa sa kanya ang atake ni Perez...
Player of the Game si Eya Laure with 17 points from 13 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Rondina also with 17 points, plus 17 digs..
Alessandrini with 15 points..
and Galdones contributed 8 points..
para naman sa Adamson..
Flora with 14 points..
Soyud with 13 points..
Permentilla with 12 points..
Dacoron with 10 points..
and Yandoc with 34 excellent sets..
kaso eh sariling errors pa rin ang kalaban ng Adamson hanggang sa ngayon...
ADMU versus DLSU
makikita na kung may makakatapat nga sa lakas ni Miss Everywhere..
key rookie rin nga yung Dela Cruz..
bench-mode naman si Tiamzon this season, mukhang hahasain na yung ibang mga rookie...
Set 1, 14-25, 12 ang errors ng Ateneo..
Set 2, 17-25, 12 pa rin ang pinakawalan na errors ng Ateneo..
Set 3, 25-16, nagkaroon ng konting Tiamzon time, pero nakabawi na ang Ateneo, La Salle naman ang nagpakawala ng 11 errors..
Set 4, 19-25, mabilis rin namang bumalik ang magandang laro ng La Salle...
3-1, panalo ang La Salle..
nasaan na ang #2 sa PVL...??
Player of the Game si Cheng with 13 points from 8 attacks, 2 kill blocks, and 3 service aces..
may plus 14 excellent receptions pa siya at 9 digs..
Luna with 11 points, 10 from attacks..
Dela Cruz also with 11 points..
parang umabot din sa double digits si Ogunsanya..
si Tolentino lang naman ang umabot sa double digits para sa Ateneo, with 16 points, 13 from attacks...
is feeling , hindi pa standard ang La Salle.. magkakaalaman kapag nakaharap na nila ang UP at UST...
---o0o---
February 20, 2019...
UST versus ADMU
3 years na palang hindi nananalo ang UST laban sa Ateneo...
Set 1, 21-25, naagaw ng Ateneo ang set, naging target ng services nila si Alessandrini..
Set 2, 18-25, mas maagang naagaw ng Ateneo yung set, nakagawa sila ng 6 kill blocks..
Set 3, 25-16, nakabawi naman ang UST, inilamang nila ang 8 service aces nila..
Set 4, 22-25, nakagawa ng early lead ang Ateneo na hindi na nalagpasan ng UST...
3-1, panalo ang Ateneo..
bad game for UST dahil hindi nila maprotektahan ang mga kalamangan nila...
Player of the Game si Madayag with 15 points from 9 attacks and 6 kill blocks..
Tolentino scored 22 points from 16 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 11 digs pa siya..
hirap naman na ang rookie na si Gandler na makakuha ng playing time para patunayan ang sarili niya..
para naman sa UST..
Rondina with 20 points, 19 from attacks, plus 24 digs..
Laure scored 12 points..
nalimitahan naman si Alessandrini sa 10 points sa kabila ng maraming attempts niya..
nagtapon ng 36 errors ang UST...
UP versus FEU
rematch ng PVL Finals sa Collegiate Conference...
Set 1, 25-18, 7 ang nagawang service aces ng UP, bukod pa sa 12 errors na napakawalan ng FEU..
Set 2, 20-25, naka-off sina Caloy at Molde, umasa sa mga rookie attackers ang FEU, 13 errors ang nagawa ng UP..
Set 3, 25-22, na-activate sina Caloy at Molde, naka-3 kill blocks ang UP..
Set 4, 25-20, nadomina na ng UP ang laban...
3-1, panalo ang UP..
mas lumalim pa ang bench nila ngayon..
ang lakas rin nga ng balik ni Dorog bilang attacker mula sa pagiging Libero..
para naman sa FEU..
ang daming nagawang net violations ni Domingo today...
Player of the Game si Caloy with 15 points from 12 attacks and 3 service aces..
Dorog scored 12 points..
at ang late na na-activate na si Molde scored 11 points, plus 17 digs..
nakagawa rin ang UP ng 14 service aces..
para naman sa FEU..
Ebon with 16 points, plus 10 digs and 7 excellent receptions, at nagkaka-muscle na nga siya ngayon..
Domingo with 11 points..
naaasahan na rin naman ng FEU yung Ronquillo...
is feeling , namantsahan ang UST dahil sa mga errors nila.. UP na lang ang malinis pa ang record sa mga baraha ko...
-----o0o-----
February 16, 2019...
[Medical Condition]
38 days after ng surgery..
nagsara naman na yung surgical wound ko..
kaso ukab siya, at naiwan din yung original na natural na naging butas niya noon..
makunat na rin yung balat ko sa part na iyon...
more than Php 10,000 + PhilHealth na worth ng hita... :(
is feeling , sayang...
---o0o---
February 18, 2019...
[Gadget-Related]
nitong 2019..
nasa 4% to 6% na yung battery consumption ng tablet ko habang naka-standby lang..
galing yun sa dating 2% to 3% na average...
so nasa ganung level ang pag-depreciate ng battery ng Lenovo after almost 5 years...
is feeling , pwede pa, hangga't hindi less than 24 hours ang battery life...
>
[Movie / K-ture]
Along with the Gods: The Two Worlds
well, the first time na nakita ko yung trailer niya noon eh inakala ko na tungkol lang talaga siya sa pagtimbang sa naging buhay ng isang tao sa mundo..
parang adventure lang sa afterlife...
pero magandang movie pala siya..
may misteryo yung naging buhay nung mortal na bida, at iyon yung nagdala ng magandang istorya...
matalino rin yung approach kung paanong yung pagiging mute ng ina nila yung nagdala ng challenge para maibigay yung tamang judgment sa bandang huli...
is feeling , pero kung ako yun.. mas gusto ko na pagkawala na lang ng existence ang maging kasunod ng kamatayan...
---o0o---
February 19, 2019...
gaya ng kinakatakutan ko noon..
ginagaya na nga nung bunso yung kuya niyang Autistic..
nag-mimic nung pagdudura at pagluluwa ng pagkain..
pero kaninang umaga, eh kahit sa loob mismo ng bahay eh dumudura na yung bunso...
tapos bukod sa pag-ihi sa pintuan, at pag-ihi sa may bintana..
ngayong umaga eh naisipan na rin nung Autistic na tumae sa likod-bahay namin..
doon sa lupa..
at saka niya nilaro yung tae niya...
is feeling , sinabi ko na kasi na huwag i-tolerate yung masasamang behavior eh...
---o0o---
February 22, 2019...
kanina, naisahan ako nung Autistic...
katatapos lang namin mag-drawing noon nung seemingly normal na bunso..
nang biglang lumapit sa amin yung Autistic..
una kong narinig na sinabi niya yung salitang 'zebra'..
tapos lumapit siya sa table, kumuha ng lapis, at sinabi naman yung salitang 'octopus'..
kaya naman inakala ko noon na gusto rin lang magpa-drawing nung Autistic...
kinuha nga niya yung hawak niyang lapis..
mabilis na tumungo sa direksyon namin nung bunso niyang kapatid..
ang nasa isip ko noon eh sa akin iaabot nung Autistic yung lapis..
pero nagulat ako noong bigla niyang saksakin sa dibdib, malapit sa bandang kilikili yung baby..
sa lakas ng pagkakasaksak niya eh natumba pa at napaupo sa sahig yung bata..
sinalo ko naman yung likod nung baby, habang kasabay na inaagaw rin yung lapis mula dun sa Autistic..
napaiyak na lang sa sakit yung bata, at pilit na nagpakarga na sa kanyang lola...
nakakapanginig lang ng laman..
yung makita ang isang nilalang na kayang manakit ng ibang tao habang tumatawa pa siya..
na para bang laro lang ang lahat para sa kanya, maging ang kapahamakan ng iba..
naisip ko na paano kung mapuruhan yung baby sa susunod..?
paano kung sa mata, o sa bibig, o sa tenga na niya saksakin yung bata sakaling magkataon na walang nakatingin sa kanila..?
mabuti na lang at kahit papaano ay yung side na walang tasa yung naitarak niya...
sino ba ang mas dapat bigyan ng pagkakataon na mabuhay..?
yun bang normal na bata ang dapat naming isugal hanggang sa mapuruhan na siya ng kanyang Autistic na kuya..?
kailangan ba talagang maghintay muna ng masamang pangyayari bago sila umaksyon nang tama...?
mahirap masabi kung kailan aatake yung ganung patraydor na ugali nung Autistic..
most of the time, parang naka-focus lang naman siya sa mga sarili niyang gawain sa sarili niyang mundo..
pero from time to time eh bigla na nga lang niyang naiisip na atakehin yung baby...
gaya kanina bago pa mangyari yung pananaksak..
naglalaro ng walis yung bata, nang mahuli ng lola nila na hinahampas na pala nung Autistic yung baby sa ulo..
pero mahina lang naman daw, dahil hindi naman nga umiiyak yung mas nakababata..
kaso ang masama sa pangyayari na yun, ay ginaya naman nung bata yung ginawa sa kanya ng kanyang kuya..
kaya maya't maya niyang hinabol ang kanyang kuya, para siya naman ang manghampas sa ulo nito...
hindi ito ang unang beses na ginawa nung Autistic yung pananaksak..
pero 2 beses ko nang personal na nasasaksihan yung ganun...
is feeling , kung ibili na lang kaya ng mga bagong parents yung mga bata..? tutal eh puros pera lang naman ang ipinagmamalaki...
No comments:
Post a Comment