Friday, December 14, 2018

V-League: End of PVL Season 2 - Open Conference

December 8, 2018...

tungkol sa BanKo muna..
isa ang BanKo sa mga team na deserving na umangat sa liga..
madami kasi silang mga key players na tumulong sa pagpapalakas ng kani-kanilang mga dating collegiate teams..
ito yung pinakamalakas na local team na nabuo nila simula nang kumalas sa BaliPure ang karamihan ng players na bumuo sa BanKo..
unfortunately nga, eh mas nakalaban nila ang sarili nilang mga errors kung kailan papatapos na ang conference...

pero sa main topic naman..
ang mga deserving na mag-champion sa Creamline..
sina Baldo, Morado, at Galanza...

yung PVL Season 1 at UAAP Season 80 eh hindi naging maganda ang takbo para sa kanilang 3...

para kay Baldo..
malalakas ang nakalaban nilang mga imports ni Kaepwin noong Reinforced Conference sa Season 1..
at kinulang naman sila noon sa top level na Setter..
pagpasok ng Open Conference, nakasali na sa Creamline si Morado..
pero unfortunately, nahati naman sa magkaibang liga ang atensyon ni Baldo..
pero kahit papaano ay nakakuha pa rin naman sila ng 3rd Place sa parehong conference...

si Galanza naman..
kahit na malaki ang inilakas ng laro niya for UAAP Season 79, eh kinulang siya sa reliable na mga kakampi..
hanggang sa naging kakampi niya ang Strongest Lady Falcons mula sa generation niya for UAAP Season 80..
bago iyon, una silang nasubukan sa Collegiate Conference ng PVL Season 1..
kaso, matapos nilang madomina ang pool nila, eh nagkaroon naman ng grabeng injury si Galanza nang ma-dislocate ang isang paa niya..
pagkakataon na niya sana iyon para iangat ang team nila, pero nasayang yung tsansa at nagtapos lang ang team niya sa 4th Place..
fortunately, naka-recover naman siya for UAAP Season 80 kung saan nagsilbing Dark Horse ang Lady Falcons..
pero kahit na malakas nga ang team nila, may mga nasayang silang games dahil minaliit nila ang kalaban, dahil sa hindi magandang pagbunot ng players, at dahil sa kalaban ng Adamson hanggang sa ngayon na madaming errors..
dahil sa mga pagkakamali na iyon, eh kinapos ang ranking nila para makapasok sila sa Final 4..
pero kahit papaano ay naging malaking achievement nila ang matalo ang halos lahat ng teams, maliban sa Ateneo, pero kabilang naman ang champion team ng La Salle..
bukod dun, hindi rin siya masyadong nagamit sa nakaraang Reinforced Conference ng PVL dahil sa mga kakampi nilang import...

madami silang nabitin na achievements..
kaya naman tamang-tama lang ang PVL Season 2 para maipakita nila ang totoong lakas ng bawat isa sa kanila..
lalo na nga nitong Open Conference kung saan puros local players lang ang mga naglaban-laban...

is feeling , prelude...

---o0o---


salamat dahil maagang natapos ang UAAP basketball..
dahil dun ay live sa TV ang mga digmaan ngayong araw...


Awards:

1st Best Outside Spiker - Baldo
2nd Best Outside Spiker - Galanza
1st Best Middle Blocker - Madayag
2nd Best Middle Blocker - Dr. Bersola
Best Opposite Spiker - Tolentino
Best Setter - Morado
Best Libero - Cruz (Angels)
Conference MVP - Baldo


BanKo versus Angels (Battle for Third)

nag-start nang kakaunti pa ang live viewers..
parang pinaaga rin kasi ulit ang schedule, siguro dahil sa awarding..
LOL, in-award-an din kaagad ang BanKo after ng game nila...

3-0, panalo ang BanKo..
Set 1, 25-18, nakalayo ang BanKo after ng 16th point nila..
Set 2, 26-24, dikitan naman ang naging laban..
Set 3, 25-21, at madalas nang nasa BanKo ang kalamangan...

Player of the Game si Dacoron with 15 points from 8 attacks, 4 kill blocks, and 3 service aces..
Gervacio scored 16 points na may 11 attacks..
para naman sa Angels..
si Nunag lang ang umabot sa double digits with 10 points..
Sabete with 9 points..
Mercado and Baloaloa both with 8 points...

dahil dun ay nagtapos ang BanKo sa 3rd Place..
at napatunayan rin naman nila na may kakayahan sila na matalo ang lahat ng teams this conference..
pero mas lalakas ang Angels next year dahil madadagdag na sa kanila ang isa pang taga-La Salle na si Panaga..
may panibago na silang malakas na Middle Blocker...


Creamline versus ADMU-Motolite

dumami rin nga ang live audience sa Batangas...

3-0, panalo ang Creamline..
Set 1, 25-20, maaga ang naging magandang laro ng Ateneo, pero naagaw ng Creamline ang set sa tulong ng magagandang service ni Gumabao at ang unpredictable na mga atake ni Galanza..
Set 2, 25-20, maganda ulit ang naging laro ng Creamline hanggang sa na-check si Galanza after ng 16th point nila, kinalaban rin ng Creamline ang mga errors nila gamit ang dami ng kanilang naging attacks..
Set 3, 25-15, at nakalayo na nang husto ang Creamline sa Ateneo...

natapos ang record ng Creamline versus ADMU-Motolite sa 3-1..
lahat ng panalo ng Creamline ay nakuha nila within 3 sets lamang...

Player of the Game si Binibining Gumabao with 12 points from 11 attacks and 1 service ace..
Baldo with 13 pure attack points, plus 12 digs and 11 excellent receptions..
Sato with 10 points..
Galanza with 8 points..
para naman sa Ateneo..
BDL and Tolentino scored 10 points each..
Madayag scored 7 points...

as expected..
noong naging maganda ang distribution ng attacks ng Creamline for Game 2, gaya ng nangyari sa Game 1..
eh alam na na si Morado na ulit ang magiging Finals MVP..
tinapos niya ang Game 2 with 39 excellent sets, plus 8 points na may 4 service aces...

iiwan na muna ni Coach Tai ang bansa para mag-focus sa family niya..
at magandang pabaon nga na naging champion siya ulit sa parehong Reinforced at Open Conference..
nakakatuwa ring isipin na karamihan ng mga naglaro nitong Finals eh mga nag-training under him..
LOL, ang kulit ni Sato, inagaw ang sapatos ni Coach Tai...

is feeling , well-deserved championship.. thank you Creamline sa pagtulong kina Morado at Galanza, at kay Coach Tai rin...

---o0o---


December 9, 2018...

eh yung like ako nang like ng mga post ni #12 Morado na may salitang 'lord'... XD

is feeling , eh sa ganun lang madalas ang mga post niya kapag nagse-celebrate siya ng panalo nila eh...


No comments:

Post a Comment