Friday, December 7, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of December 2018 (Minor VIP Access)

Loveless Story


December 1, 2018...

parang isang munting regalo..
after 3 months ng pangingisda..
nakakuha na ako ng account na may privilege dun sa forum...

nakita at na-download ko na sa wakas yung mga na-miss kong pictures ni YAM noong simula ng September...

is feeling , hindi sumunod sa second password rule eh...

---o0o---


December 5, 2018...

natanggap ko na yung pinakahuling kita na pwede kong matanggap ngayong 2018..
walang 13th month - 13th month sa linya ko eh..
bale, yun na rin talaga yung pinakahuling posibleng ma-release base sa quota..
so magsisimula ang totoong pagsubok pagpasok ng 2019...

na-meet naman yung lumang monthly budget requirement..
kaso, hindi pa kasali dun yung mga naging pagbabago sa rate ng:
  • internet connection
  • bigas
  • allowance para sa pagbabakasakali sa lottery
  • cost of transportation

nagulat lang ako..
kasi yung usual na nasa 2.5% or more (decimals) na currency conversion rate ng PayPal eh sumipa ngayon sa 3% para sa akin...

is feeling , may 4 months pa ng experiment sa Patreon...


>
dahil na-try ko na dati yung pagsabayin ang mag-bestfriend..
parang maganda bilang next goal ang pagsabayin naman ang magkapatid... <3

si bunso lang talaga yung malakas ang appeal..
pero nakaka-curious na makatrabaho ang mag-ate..
pwede sigurong birthday gift naman sa sarili...

is feeling , ilang buwan pa naman...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Open Conference - Semifinals


December 1, 2018...

hindi ko napanood ang Game 1..
mali yung oras sa source ko..
madami ang live viewers, siguro dahil weekend...


BanKo versus ADMU-Motolite

3-0, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 21-25..
Set 2, 20-25..
Set 3, 24-26, untik nang makaagaw ng set ang BanKo...

ang first win ng Ateneo laban sa BanKo for this conference..
Gaston with 11 points all from attacks, plus 10 excellent receptions and 6 digs..
Tolentino with 10 points from 7 attacks and 3 kill blocks..
para naman sa BanKo..
si Gervacio lang ang umabot sa double digits with 14 points..
kaso ay namigay ng 25 errors ang team nila...


Creamline versus Angels

3-1, panalo ang Creamline..
Set 1, 21-25, lagot nananakit daw ang elbow ni Morado, andaming errors ng Angels pero buhay na buhay naman ang blocking nila..
Set 2, 25-18, nakuha ng Creamline sa attack variations, ang lakas makalito ng drop ball..
Set 3, 25-21, mas naghabol ang Creamline pero naagaw nila pagkalagpas sa 20 points..
Set 4, 25-13, maagang nakalayo ang Creamline, sobrang distributed na ang mga attacks nila...

natapos ang record ng Creamline versus Angels sa 3-1..
Player of the Game si Soriano with 12 points from 11 attacks and 1 kill block..
Baldo scored 14 points, plus 13 digs..
Galanza and Gumabao also scored 12 points each..
Sato scored 11 points..
basically, nakisali lahat ng first 5 attackers ng Creamline..
para naman sa Angels..
Sabete with 13 points..
Baloaloa with 11 points...

is feeling , pasok na ulit sina Morado at Galanza sa PVL Finals.. pero mukhang kakalabanin na ng iWant ang YouTube...

---o0o---


December 2, 2018...

kumonti na lang ulit ang live viewers..
ang 18th 5-setter match ng conference..
6th na para sa Ateneo..
5th naman para sa BanKo...


BanKo versus ADMU-Motolite

3-2, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 25-21, mas madalas na lamang ang BanKo..
Set 2, 25-23, dikitan ang laban, pero mas kalaban pa rin ng BanKo ang sarili nilang errors..
Set 3, 17-25, pinaupo si Wong at nabaliktad ni Maraguinot ang laban, lumamang sa lahat ng stats ang Ateneo kasama na rin ang errors..
Set 4, 25-27, nasayang ang kalamangan ng Banko, 21 attack points ang nagawa nila, pero 11 naman ang pinakawalan nilang errors..
Set 5, 19-21, naghabol ang BanKo hanggang sa sila naman ang lumamang, pero active na ulit ang blocking at attacks ng Ateneo this time...

Player of the Game si Gaston with 15 points from 14 attacks and 1 service ace..
Tolentino scored 20 points, with 17 attacks..
Madayag scored 14 points, with 7 kill blocks..
BDL with 13 points..
para naman sa BanKo..
Tiamzon scored 28 points, with 25 attacks..
Gervacio with 18 points..
Roces with 17 points..
Bersola with 16 points..
Dacoron with 11 points..
nagpakawala sila ng 79 attacks kontra sa 60 ng Ateneo, pero nilamon sila ng 31 errors nila...

upset loss para sa BanKo..
hindi pa sila nakakaabot sa Finals ever since kumalas ang majority ng mga players nila sa BaliPure..
ito pa naman yung strongest form ng team nila..
at mukhang ganado si Bersola this conference dahil UP ang nag-champion sa nakaraang Collegiate Conference, kung kailan wala na siya sa team..
pero for this game eh sayang talaga na kinalaban rin nila ang sarili nilang mga errors..
ang Set 4 eh sinayang nila..
sa Set 5 naman ay nabalewala yung paghahabol nila at ang ilang beses nilang paglapit sa match point..
medyo weird rin na hindi pinalaro si Villanueva kahit na all-around player na siya ngayon (attacker, blocker, floor defender)...

at natapos ang record ng BanKo versus ADMU-Motolite sa 3-2..
lamang nga ang BanKo, kaso eh mas may bigat yung 2 games na naipanalo laban sa kanila ng Ateneo...

is feeling , masusubukan ngayon ang epekto ni Sato laban sa Ateneo...

---o0o---


December 3, 2018...

teka..
mukha ngang ipagkakait na ng ABS-CBN ang PVL Finals sa YouTube ah...??

alam kong napakaraming bastos na may Google account na ikinakalat ang masasamang ugali nila sa YouTube..
basically, spreading hatred laban sa mga athlete na wala namang ginagawang masama sa bayan at nilalaro lang ang hilig nilang sports..
at nakakalungkot ngang masaksihan ang ganung kasamaan ng maraming mga Filipino..
pero kasi, YouTube na yung pinakamahusay sa ngayon pagdating sa live streaming na kayang mag-accommodate ng sobrang daming viewers eh..
at pwede pang manood kahit walang account...

is feeling , lagot ako kapag hindi gumana yung video sa sports website nila.. mapapa-register sa iWant nang hindi oras...

---o0o---


PVL Season 2 - Open Conference - Finals


December 5, 2018...

halos naubos ang live audience..
weekday na naman kasi...


BanKo versus Angels (Battle for Third)

3-1, panalo ang BanKo..
Set 1, 25-14, maagang lumamang ang BanKo..
Set 2, 28-26, dikitan naman ang laban..
Set 3, 10-25, bumawi ang Angels, overkill pa..
Set 4, 25-19, pero tinapos na ng BanKo ang Game 1...

Player of the Game si Gervacio with 20 points from 19 attacks and 1 kill block..
may plus 18 digs at 9 excellent receptions pa siya..
Bersola scored 11 points, lalaban talaga siya kahit na for 3rd place na lang..
para naman sa Angels..
Mercado with 15 points..
Sabete with 12 points..
Baloaloa and Nunag both with 10 points each...


Creamline versus ADMU-Motolite

pero dumami nga ang live audience habang tumatagal..
Coach Tai versus former Assistant Coach..
Coach Tai versus former team..
Lady Eagles versus Lady Eagles...

3-0, panalo ang Creamline..
Set 1, 25-17, hirap makalayo ang Creamline sa simula, pero umarangkada naman sa later part..
Set 2, 25-10, overkill ng Creamline, malaki nga ang naitutulong nina Sato at Soriano (kapag activated) sa pagbibigay ng defensive puzzle sa mga kalaban..
Set 3, 25-15, Maraguinot-time na ulit, nilaro pa ni Morado ang bandang dulo...

iba pala ulit ang ayos ng Kinesio tape ni Morado today..
thank you kay Soriano dahil maganda ulit ang naging laro niya..
4 to 5 attackers, yung hindi lang puros Baldo ang maririnig na pangalan..
Player of the Game si Binibining Gumabao with 12 pure attack points..
Baldo with 14 points, na may 7 service aces..
dahil 3-setter lang ito, kasali rin sina Galanza with 9 points..
Sato with 8 pure attack points..
Morado with 23 excellent sets, plus 6 points..
nakagawa ng 41 kills at 11 service aces ang Creamline..
walang naka-double digit sa Ateneo..
at si Madayag lang ang nakagawa ng nag-iisang kill block laban sa Creamline...

is feeling , yun ang buong puwersa ng activated na Creamline.. 1 na lang ang kailangan nina Morado at Galanza...

-----o0o-----


December 2, 2018...

yung pamilya na bigla na lang magrereklamo sa'yo na kesyo walang sinaing sa umaga...?

p*tang ina!
unang-una, hindi ninyo ako katulong...

ikalawa..
araw-araw na tinapay ang breakfast dito sa bahay..
tapos magde-demand sila ng kanin...?

ikatlo..
ni wala nga silang pasabi na gusto nila ng kanin para sa agahan nila..
at 2 araw na magkasunod na silang umaasa lang sa fastfood para sa breakfast nila..
tapos biglang magrereklamo na bakit walang sinaing...?

ikaapat..
ni hindi kayo nakatutok sa pag-aalaga sa mga anak ninyo, tapos kayo pa ang mga pagod..?
kayo pa ang may karapatan na gumising nang late..?
tapos babanatan ninyo ako na bakit walang sinaing...?

ikalima..
merong bahaw, pero ano..?
itatanong ninyo sa akin kung sinong tanga na kumakain ng malamig na kanin..?
so kapag malaki ang suweldo ng isang tao eh bawal na siyang kumain ng bahaw...??

p*tang ina!
diyos-mode na naman eh..
tapos ang gusto pa nga eh laging bago ang kanin every meal..
eh sino kaya yung mga tangang pinabayaan na mapanis ang kanin na inihain sa kanila noong isang araw..??
palibhasa eh hindi kayo ang nabili ng bigas at gasul kaya wala kayong pakialam...

yung mga taong hindi marunong kumain ng bahaw..
yung mga taong hindi marunong kumilos para makuha nila ang mga sarili nilang luho..
wala kayong karapatan na maging p*tang inang demanding...

is feeling , araw-araw akong napupuno ng poot dahil sa mga taong ipinapasa sa akin ang mga responsibilidad nila.. kailangan ko na talagang makabili ng sarili kong bahay...


>
so tama nga yung assumption ko dati..
kagabi ko lang napansin..
pwede pa lang mag-view ng report summary per site...

iba na nga ang sistema ngayon..
mas may value na yung pagre-redirect sa mga advertisements kumpara sa volume ng views..
in fact, nakakabawas pa nga sa value yung dami ng views once na kinuha na yung proportion niya kumpara sa dami ng redirect...

is feeling , pwede nang isakripisyo yung site na madalas masita...


>
ang bastos na talaga ng mga kabataan sa panahon ngayon..
ito yung mga klase na nanggugulo kapag hindi nabigyan ng pera...

ang nangyari..?
may kumanta sa tapat ng gate namin, pero tinawaran ko lang kaagad..
nang marinig ko na parang may nagkakaluskos pa sa halip na umalis na lang sila..
kaya nagmadali akong lumabas ng bahay para makita kung anong kalokohan ang ginawa nung mga bata..
at nakita ko na nagtali sila nung yellow tape yata yun ng mga pulis, o baka ng mga construction worker sa gate namin...

paglapit ko sa gate, ay kaagad na may lumapit rin na isa dun sa maraming bata..
akala ko pa nga eh hihingi ng sorry..
pero sa halip ay nagulat ako nung sinabi nung bata na, "akin na po, ako na po ang magbibigay"..
iyon pala ay teknik nila yung pag-split ng grupo para makarami ng kita, at inakala niya na mag-aabot ako ng pera para dun sa nauna nilang mga kasama..
naglapitan pa yung ibang mga bata dahil sa mali ring akala..
humingi naman ako ng pasensya at nagpaliwanag na wala namang pera (natural eh extra ang tinutukoy ko)..
pero nakapangatwiran ba naman yung ganid na bata na pinakaunang lumapit sa akin..
eh ano daw ang kakainin namin kung wala kaming pera...?

noong panahon namin..
hindi namin para kuwestiyunin kung ano ang pinansyal na katatayuan ng kinakantahan namin..
tsaka tinatapos namin yung last active song kahit na tumawad na sila...

pero ano na bang nangyayari sa panahon ngayon..?
totoong napakahalaga ng pera..
pero yung pagkagahaman ngayon maging ng mga kabataan...? :(

sa sobrang asar ko, sinagot ko yung bata na, "edi yung para sa amin lang"..
at napagsabihan ko sila na tanggalin nila yung ibinuhol nila sa gate namin...

is feeling , mga basura...

---o0o---


December 4, 2018...

gusto ko sanang mag-invest..
kaso micro lang..
para kumita naman yung ipon ko habang may natitira pang palugit sa 5 years ko...

yung tipong hanggang pagpi-finance lang talaga ako..
yung hindi ko kailangang mag-manage (gaya ng ginagawa ko ngayon sa iba't ibang raket ko para sa savings)..
pwede hanggang Php 50,000 na pondo..
preferably food business, para pasok sa basic needs..
kahit Php 1,000 lang ang cut ko per month, basta ba't manager na ang bahalang mag-manage sa maintenance at operational expenses..
kahit 1-year lock-in period lang yung deal, plus isasauli yung investment kapag hindi na kailangan ng financer...

kaso kailangan siyempre na lubos na mapagkakatiwalaan yung tao eh..
yung sure na babalik yung pera, plus yung kita...

is feeling , kung kaya ko lang mag-Kage Bunshin Technique, magtitinda na ako ng shawarma at ice scramble...

---o0o---


December 5, 2018...

imagin-in-e mo yung nautusan ka:
  • ipagluto mo kami ng breakfast
  • bantayan mo ang mga bata habang kumakain kami
  • after naming kumain, ikaw na ang bahalang maghugas sa mga pinaglutuan at pinagkainan
  • maghahanda na kami for work, kaya isabay mo na ring bantayan ang isang malikot na 1 year old at 1 Autistic
  • pero kailangan mo ring magluto ulit ng lunch nang maaga dahil may pasok pa yung Autistic

wala sanang problema kung walang tendency yung Autistic na saktan yung bunso niyang kapatid eh..
wala sanang problema kung hindi gumagawa yung Autistic ng mga bagay na mapanira sa mga kasangkapan sa bahay... :(

is feeling , hanga talaga ako dun sa mga magulang na willing mag-sakripisyo ng propesyon.. yung ang 1 ang bahala sa pagpapayaman, habang ang 1 ang bahalang tumutok dun sa anak nilang may deperensya para naman mapalaki ito nang maayos...


>
[Movies / Video]

Captain Marvel



ang lambing niyang magsalita..
hindi ko talaga ma-imagine na haharap siya kay Thanos...

credit for the video goes to the original creators ang uploader...

— feeling , parang pang-romance movie yung dating ng boses...

---o0o---


December 6, 2018...

hindi ko naman ma-consider yung stock exchange..
ang alam ko kasi eh time-based yun..
so mahirap na..
baka mamaya matiyempuhan pang hindi ako maka-connect sa internet o di kaya eh brownout sa lugar namin...

unless merong tipo na 100% stable na pwedeng pabayaan na lang at kayang magpasok ng pera araw-araw kahit na mauntian lang...

is feeling , anything with more than 0.5% per month would be nice...


>
huwag naman po sana ninyong hilingin na Meralco na ang sumaklaw sa [Name of City]...

tumira ako noon sa 2 storey house sa Metro Manila..
walang air-conditioner, mga electric fan lang..
walang refrigerator..
iisa lang ang TV para sa buong bahay..
may computer na ako lang naman ang gumagamit noon..
at madalas na walang tao sa bahay tuwing umaga dahil puros may pasok sa school o trabaho..
pero parating mahigit sa Php 1,000 ang bill nila...

basta para rin siyang yung mga provider ng tubig sa Metro Manila..
mataas ang rate ng singilan kumpara sa probinsiya...

alam kong hindi nakakatuwa yung sitwasyon doon sa area mismo kung nasaan ang [Name of Electric Cooperative]..
kumbaga yun ang worst place within the city kung ang pag-uusapan eh supply ng kuryente..
pero hindi na masama yung ibang mga lugar na minsanan lang ang mga brownout...

siguro mag-request na lang ang mga tao ng better management..
na tigilan na yung mga quickie na unannounced power interruptions..
na pagandahin ulit ang sistema ng pag-a-announce..
at pati yung nire-request nila na double line para hindi na kailangan ng mga scheduled brownout para sa maintenance...

is feeling , huwag po tayong mag-request ng mas mahal na mga serbisyo...


>
another medyo bad news..
mawawalan na kami ng lugar sa Tumblr... :(

basta iba-ban na yung klase ng content namin sa platform nila..
bahala na silang mawalan ng milyun-milyong mga users...

parang tanga lang na parang nawawalan na ng silbi ang sistema ng parental control at ang sistema ng pagpi-filter at paghingi ng consent...

is feeling , sana lang eh hindi maggayahan ang iba pang mga websites...

---o0o---


December 8, 2018...

[Movies / Video]

Avengers: Endgame



ang loko ni Nebula, pinabayaan niyang magbiyahe mag-isa si Iron Man...

so mukhang nasaktan nga nang husto si Hawkeye sa genocide na ginawa ni Thanos, dahilan kaya siya na-convert nga sa melee attacker na si Ronin...?

nakagawa naman ng paraan si Ant-Man para makalabas sa quantum realm..
at siguradong may baon siyang quantum energy..
baka makatulong sa kanila ang special condition ni Ghost..
pero nakakalungkot pa rin na hindi kasali si Wasp sa mga unang susugod kay Thanos...

si Captain Marvel naman eh busy pa at wala pang pagkakataon para magpakita..
most probably eh sa sarili niyang movie magkakaroon ng preview para sa appearance niya sa Avengers...

si Hawkeye talaga ang nakatokang tumalo kay Thanos..
bluff lang nila yung pagiging mortal niya na may medyo advanced na combat skills..
pero siya ang tatagpas sa Infinity Gauntlet ni Thanos..
LOL!

credit for the video goes to the original creators ang uploader...

— feeling , digmaan...


>
natapos na kagabi sa pagbuo ng lahat ng scenes..
panahon na ulit muna para sa auto-pilot...

sakto dahil may digmaan ngayong araw ang Creamline..
makakapag-audit din ng kung anu-anong source ng fund...

is feeling , pahinga muna ang mga mata...


No comments:

Post a Comment