Loveless Story
December 19, 2018...
[Online Marketing]
may naisip akong bagong strategy..
gagawa ako ng teaser na video..
yung simple lang..
pero may sexy na background music (basta hindi kanta ng Boyzone)..
tapos ipo-post ko sa P*rnhub..
kasama yung links sa mga store pages ko...
is feeling , baka sakaling doon ako makapangalap ng supporters...
---o0o---
December 20, 2018...
natapos din sa Project #9..
inabot ng 10 days sa editing...
pero madami pang kailangang gawin:
- proofreading
- conversion ng final product
- promotional materials
- promotional video para sa P*rnhub para maihabol sa global store sale
- pagko-convert ng templates for 2019
- tatapusin yung drone poem
is feeling , trabaho lang nang trabaho hanggang sa tuluyang pumalpak...
>
done with the promotional materials..
nakapag-adjust na sa Patreon (na binabatikos na ngayon ng mga pro- sa pang-aabuso sa freedom of expression)..
nakapag-adjust na rin ng SSS...
yung video naman ang sunod..
tadtad rin ng editing iyon..
at kailangan ko pa ng sexy moan music para sa background...
is feeling , kailangang bumawi sa February 2019...
---o0o---
December 22, 2018...
[Online Marketing]
okay na..
nakagawa na ako ng marketing account..
nakapag-post na rin ako ng video ko sa P*rnhub..
sino ang may gusto ng link...??
ito na ang pinakahuli kong baraha para sa promotion..
after this, wala na, bahala na...
is feeling , scandal.. para sa pera...
>
may bastos na bumati kay YAM sa social media..
ginamit yung alias niya in public..
ang pasaway na yun..
hindi na inisip yung sitwasyon ni YAM at nung anak nito...
gusto ko sana siyang kumustahin..
pero sa April pa ulit ako pwedeng kumilos kung saka-sakali..
yun ay kung makakakilos nga ako at kung maaabutan ko pa siya...
is feeling , spell discreet...?
-----o0o-----
December 17, 2018...
pang-asar na naman..
hinahanap yung susi ng kuwarto ko..
gustung-gustong buksan sa tuwing nasa labas ako...
hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit nagkaroon sila ng subnormal na anak..
eh pang-tanga din kung maisip eh...
is feeling , bakit ba kasi ang mahal ng presyo ng privacy..? isang sariling bahay pa ang katapat...
>
eh yung may morning shift at night shift na sa pagka-caroling..?
ano na bang nangyayari sa mundo ngayon..?
para lang maka-doble ng arawang kita... :(
is feeling , mga kabataan ang isa sa magagaling sa paggawa ng mga modus...
---o0o---
December 18, 2018...
[Emo]
kagabi..
naka-lock na yung gate namin nang magsisigaw yung senyorito mula sa labas..
may gagawin pa daw siya sa bahay namin...
pasado 9:30 PM na noon..
supposedly eh nagpapahinga na ako..
pero dahil kulang pa ang output ko for the day eh minabuti kong mag-edit pa ng 1...
pagkapasok pa lang ng senyorito, eh nagpahiwatig na na kailangan ko siyang paglingkuran..
ipag-set up ng printer, at ipagligpit pagkatapos niyang gamitin iyon..
(hindi parating naka-ready ang printer sa bahay namin dahil baka sirain ng malilikot na bata, especially yung subnormal)...
unfortunately, nagkaroon ng problema yung printer..
siguro naubos na naman nung pinakamaluhong anak yung ink (ikaw ba naman ang mag-colored print ng scan ng mga libro, maging ng mga computer game FAQs)..
so ako yung kinukulit, kahit na meron namang guide yung printer..
at nung tumanggi ako dahil may tinatapos ako, eh sinabihan na ako nang sinabihan na kesyo wala daw akong pakialam...
bullsh*t!
ubos oras na nga yung mga anak nila, tapos pati sila eh makikihati pa..?
hindi nila alam yung abala na idinudulot sa tuwing kailangang protektahan yung mukhang normal nilang bunsong anak mula sa topak nung kuya nito..
kundangan namang may threat rin ang Autism sa buhay nung baby..
andun yung itutulak yung bata nang patalikod mula sa pagkakatayo nito, yung babatuhin ng kung anu-ano sa ulo, at maging yung basta na lang sisipain sa mukha yung baby..
puwerket ano..?
puwerket hindi saklaw ng malalang Autism ang pag-unawa sa halaga ng buhay..?
at lahat ng iyon eh kayang gawin nung bata nang patraydor..
andun yung akala mo eh nagbe-behave siya, pero parating pasimple ang mga pag-atake sa kanyang bunsong kapatid...
nakakain ng magkapatid ang oras ko, dahil hindi talaga pwedeng walang nag-oobserba dun sa 2 bata sa lahat ng oras..
pero hindi naman para kumilos ang computer ko at magtrabaho nang mag-isa kung hindi rin lang automatic yung kailangang gawin...
put*ng ina!
lahat na lang eh iniaasa nila sa ibang tao..
alipin ang tingin sa iba..
kapalit ng ano..?
ng maluluhong lutong ulam at fast food..??
put*ng ina ninyo, kumakain kami ng mga simpleng pagkain noong wala pa kayo!
at no choice kami kundi kumain ng mga ipinahahanda ninyong pagkain sa bahay, dahil impraktikal naman kung magpe-prepare pa ng iba..
huwag na huwag ninyong ipagmamalaki yung mga pagkain, dahil ni wala nga kayong sarili ninyong mga pangluto..
dahil ni hindi nga kayo marunong maghugas ng mga pinagkainan ninyo..
at dahil di hamak na mas simple pa ang trabaho ng yaya na sumusuweldo ng Php 6,000 per month, kumpara naman sa all-around na pang-aalipin ng pamilya ninyo...
tapos anong isusumbat sa akin..?
kesyo panahon na daw para magseryoso ako sa buhay..?
kung ang definition ng seryoso sa buhay ay yung sumasahod ng Php 30,000 pataas per month..?
ay put*ng ina, sorry!
wala akong ganung kakayahan..
isa lang akong hamak na amateur artist na biktima pa ng mga pirata..
at totoong karapat-dapat lang akong mamatay na...
ni hindi ko kailangan ng moral support ng pamilya eh..
ni hindi ko kailangan ng pamilya (kumpara noong panahon na nasosolo ko madalas ang bahay)..
hindi rin nila ako kailangang maintindihan kung bakit nahihirapan akong magustuhan ang buhay ko..
basta ang kailangan ko lang eh kapayapaan at yung oras ko...
brother Jesus, kahit 1 lang talaga ang ilapit mo na request ko sa dad mo..
bakit ga naman yung mga pulitiko at mga kriminal eh successful sa mga gawain nila..?
baka naman pwedeng pa-share ng maalamat na blessing..?
pambili lang ng sariling bahay, para sa kalayaan at katahimikan...
is feeling , okay lang talaga kahit bawiin nyo na ang buhay ko pagkatapos ng One Piece manga.. basta gusto ko lang sa ngayon ng kapayapaan sa buhay ko...
---o0o---
December 21, 2018...
[Audio-Visual Media]
yung Bird Box eh parang alternate version pala nung movie na A Quiet Place..
kung sa sense of hearing nakatuon yung A Quiet Place, sa sense of sight naman naka-focus yung Bird Box..
pero mukhang hindi nanlalaban yung creature sa Bird Box...
is feeling , kelan naman kaya yung horror na palabas na ang tema ay tungkol sa sense of taste, smelling, at touch...??
No comments:
Post a Comment