Loveless Story
December 8, 2018...
happy day... :)
madaming kailangan na isulat na mga memories...
after many months, ngayon na lang ulit nakapag-audit ng sideline..
at may naligaw na Php 137..
malamang eh sa ice raket yun... XD
is feeling , okay lang ang labis, basta huwag kulang...
---o0o---
December 11, 2018...
Facebook..
pati yung 1 sa mga clue na pangalan eh kabisado mo na..
kakaiba rin talaga ang data gathering mo...
yun nga lang..
masyadong common yung magandang pangalan na iyon..
ilang beses ko nang na-encounter yun sa buhay ko...
is feeling , hanapin mo siya ha.. tapos i-suggest mo kaagad sa akin...
---o0o---
December 13, 2018...
[Medical Condition]
nagpaparamdam na ulit ang Sebaceous Cyst ko..
kailangan ko pa nga rin talagang dumaan sa surgery...
sana lang eh hindi ako maubusan ng pondo sa PhilHealth dahil sa plano ng pamunuan na ipagamot na lahat, maging yung mga non-contributors na may regular at magagastos na sakit...
is feeling , no choice..
-----o0o-----
December 8, 2018...
[Lottery]
simula nang gatasan ang charity naman ang purpose na lottery, eh umabot na sa Php 104 ang documentary stamp tax na binabayaran ko...
at sa kabuuan naman..
eh pumalo na pala sa Php 20,000 ang nagagastos ko sa pagtaya sa loob ng almost 8 years..
at halos nasa ganun na din ang amount na natalo sa akin..
bale nasa more than Php 20,694 na ako, kasi hindi na counted yung mga winning tickets...
is feeling , huwag kang magkukuwenta, kung ayaw mong masaktan...
---o0o---
December 9, 2018
[Lottery]
55-10-46-37-7-22...
parang nang-aasar lang ah..?
5 sa nabolang numero eh 1 lang ang difference kumpara sa 5 sa napili kong mga numero...
is feeling , para sa kalayaan at katahimikan naman ih.. hindi naman yun greed...
>
[Gadget-Related]
ang bilis ng karma..
masaya kahapon, tapos may threat na ulit kaagad ngayon...
after many months na maalog na yung fan ng graphics card..
at after only 21 months simula nang mabili ko ang unit ko, eh na-experience ko na kung paano siya mag-crash..
buhay lahat sa system unit maliban sa graphics card..
at dahil matagal ko na yung hindi na-experience, eh nakalimutan ko na ang basics, at basta ko na lang pinatay mula sa UPS yung computer dahil sa pagpa-panic ko...
and to think na ngayon pa talaga 'to nangyari kung kailan patapos na ako sa pagluluto ng project #9..
ngayon ko mas kailangan na maging stable at matatag yung graphics card...
gawain ko na dati na mag-render kapag naka-auto-pilot ako, kahit na magkakasunod pa..
nakakaya ko sa loob ng isang araw na makatapos ng 4 to 5 na tig-2 oras ng mga render..
kaya naman nagulat ako kanina nang madatnan ko na nakapatay na yung monitor ko, buhay ang system unit, pero nakatigil na ang fan ng graphics card...
nasa Php 2,850 rin yung graphics card na meron ako sa ngayon..
at hindi biro kung madalas akong magpapalit ng ganun..
naman! 5 years yung kontrata ko eh..
hindi ka man lang ba pwedeng tumagal ng 5 years din...??
kahit pa may built-in akong graphics card sa motherboard..
hindi rin yun makakatulong para matapos ko yung current project ko..
pero heto, at um-okay naman ulit yung graphics card matapos ang reset..
hopefully nga eh tinamaan lang ng overheat at kinailangan lang na mag-cool down..
sa ngayon eh pahinga na muna, pero under observation na siya..
bukas susubukan ko ulit mag-render ng mga natitirang scenes, at sana naman eh hindi na ulit siya mag-crash...
is feeling , lalo lang tuloy nakakatakot mag-upgrade ng graphics card...
---o0o---
December 10 , 2018...
[Gadget-Related]
naglinis ng system unit kagabi..
pero mahirap kapag walang tools..
nagbawas lang ng alikabok...
ang nangyari..?
gumana naman ulit yung graphics card ngayong umaga..
kaso makalog pa rin yung fan kapag nag-start nang umikot..
nakatapos rin namang mag-render ng 1...
in case na magkaproblema..
ang alam ko lang na option ko na familiar ako na brand eh nasa Php 9,000 plus to 11,000 plus..
pero walang pumapalo dun sa 1024 CUDA cores..
hanggang 768 lang, pero kumpara naman sa 96 lang na meron ako sa ngayon...
is feeling , patapusin mo muna ako ng project.. at pakitain mo muna ako ng extra...
>
done with all the renders..
kinaya rin naman ng graphics card iyong huling item...
inabot pala ako ng 57 days dahil dun sa 1 week na naging break ko..
tapos na kaagad sa auto-pilot..
diretso na sa photoshop..
pero grocery day muna bukas...
is feeling , konti pa...
---o0o---
December 12, 2018...
[TV Series]
Ang Probinsyano
hala kay Pinuno..
gusto na ring maka-Glorious kay General Olegario... XD
is feeling , kissing scene na, LOL...
---o0o---
December 13, 2018...
hindi pa pala ako pwedeng magpa-permanent ID sa January..
hindi pa nga pala ulit naitatali ang buhok ko para sa clean view...
is feeling , ilang buwan pa...
---o0o---
December 15, 2018...
naalala ko lang..
last Thursday, na-experience ko yung pinakauna kong encounter sa isang hindi domesticated na ahas..
halos 1 metro lang ang layo ko sa isang ahas na hindi ko sigurado kung ano ang klase...
nagsara lang ako noon ng gate namin..
nakita ko na may pusang-gala na parang may inoobserbahan sa may halamanan..
so una kong naisip na baka naman daga lang iyon...
pero nasurpresa ako noong nai-padlock ko na yung gate..
biglang may mahabang bagay na na nakausli mula sa may damuhan..
steady lang siya na parang kahoy, pero alam ko kasi na wala namang ganun doon noong una..
hindi ko naman maaninag nang husto dahil sa dilim, pero sa tantsa ko nga eh ahas iyon...
hindi ko alam kung matatakot ba ako noon o ano..
nasa 1 metro lang naman kasi ang haba niya..
kung constrictor type siya, eh parang madali lang naman labanan at hulihin ang ganun kung 1 metro lang naman siya..
para kako hindi na magdulot ng problema para sa iba..
pero ang problema ay kung venomous iyon..
though hindi naman siya mukhang cobra..
pero dahil nga hindi ko naman matukoy kung ano siya, eh minabuti kong mag-obserba na lang...
lumayo na ako sa may gate..
sinubukan kong tumawag ng tao sa loob ng bahay para mag-request ng flashlight..
kaso eh nagmumumog ako noon, kaya hindi rin ako maintindihan nang husto nung tao sa loob..
wala na akong nagawa kundi panoorin na lang yung ahas na gumapang at lumipat sa kabilang bakuran habang sinusundan pa rin siya nung pusang-gala...
is feeling , 1 metro lang.. untik na ako kung venomous iyon...
No comments:
Post a Comment