Friday, October 6, 2017

Globe Changing the Time of Expiration of Prepaid Load

September 30, 2017...

siguro nga hindi madaling lumaban sa malalaking kompanya..
siguro nga pag-aaksaya lang yun ng oras...

pero hindi ba mas maige na na sinubukan mo..?
kesa naman hinayaan mo na lang na mangyari at magpatuloy ang mga pag-abuso at pagpalpak...

siguro nga ganun na talaga ang karamihan sa bansa na 'to..
mga corrupt na mga institusyon, at mga walang pakialam na mga mamamayan..
siguro nga eh impiyerno na lang ang maghuhusga sa kanila sa bandang huli...

naibigay ko na yung palugit ko..
bahala na ang iba kung kikilos ba sila para sa akin o hindi..
kailangan ko pang magtrabaho...

was feeling , huling baraha...

>
"Hi, [Username]!
Sorry for the inconvenience.
Hindi naming gusto na ito ay iyong maranasan sa iyong account.
However, based sa system namin, wala kang reloading transaction yesterday August 29, 2017.
Para mas higit ka naming matulungan, maaari ba naming malaman ang iyong exact location at mobile number of the reloader?
Hihintayin namin ang iyong response.
Salamat."
- Stupid Taga-Chat

putang ina!
parang gusto kong manakit ng taga-chat sa Facebook..
taga-saang planeta ba 'tong mga walang utak na 'to..?
noong una eh advanced ng isang araw yung date sa text..
tapos ngayon naman eh bumalik sila sa nakalipas..?
paanong nangyari na August 29 kahapon...?

saan nakakuha ng putang inang TIME MACHINE ang Globe!!!?

eh ang sinabi kong i-check nila ay yung August 30, 2017 kong ginawa na paglo-load for reference...

was feeling , parang naiintindihan ko na kung bakit ganito kababa ang ekonomiya ng bansa...

---o0o---


October 1, 2017...

pagod na pagod nitong araw..
pero hindi pa rin tapos..
gagawa pa rin ng report bukas..
at susunod sa utos na parang aso...

tapos walang kuwentang message pa ng Globe ang bubungad...

useless na ulit 'tong pakikipaglaban na 'to sa kompanya ng mga magnanakaw..
kontrolado nila ang lahat dahil hawak nila yung system, pati yung record..
at yun ang ayaw at hinding-hindi nila ipapakita, lalo na sa mga nag-iimbestiga gaya ng sa mga taga-Tapat Na Po...

mas simple na yung rules ngayon..
kung technical ang concern mo, kahit papaano kikilos ang mga yan..
pero kapag pera na ang usapan, huwag ka nang dadaan sa hotline o kung ano pang contact medium nila..
delaying tactics lang ang gagamitin ng mga yan laban sa mga consumer..
pero ang totoo, walang balak ang mga yan na gawin ang tama, unless idaan mo na sila sa iskandalo...

for many years nagtiwala ako sa prepaid system ng Globe..
pero na-realize ko na ngayon na andiyan pa rin talaga ang motibo nila para magnakaw sa iba't iba at ini-improve pa na pamamaraan..
akala ko talaga noon na kaya na ng 211 lang na patigilin ang mga pangungupit nila..
pero lagpas pa sa kakayahan ng 211 'tong panibago nilang estilo..
hindi ako magpapalit ng service provider, dahil wala rin namang ibang choice na matino..
besides, marami na ring rason kung bakit nga hindi pwede...

lesson learned..
from now on 3 na ang kailangang pruweba laban sa mga magnanakaw..
  1. kailangan ng i-store yung message confirmation tungkol sa pagpasok ng load
  2. same routine pa rin kagaya ng dati, kailangan kaagad mag-Balance Inquiry matapos mag-load para magkaroon ng kopya ng original expiration details nung load, at kailangan na rin yung i-store hanggang sa makapag-load na ulit ng panibago
  3. kailangan ring i-store parati yung pinaka-latest na reply para sa Balance Inquiry, para ma-track ang anumang binabago ng system nila

pero kailangan pa ring maging mas maingat, dahil nga madaling araw umaatake ang mga magnanakaw..
isa pa, depende pa rin sa bilis ng magiging aksyon ng Customer Support nila kung maaayos nga yung problema o made-delay lang hanggang sa mawalan ka na ulit ng laban...

at sang-ayon na ako ngayon sa mga nagpo-protesta..
panahon na nga para mawala na yang expiry system na yan..
eh kahit yung mga sobrang iingat na sa load eh pilit rin nilang inaatake ng pagnanakaw eh...

was feeling , Prepaid Problems...

---o0o---


October 2, 2017...

within 5 years 2 malalaking kompanya na yung nakalaban ko..
sa 3 magkakaibang kaso..
isa sa [Name of Courier Service Company], at 2 na sa Globe..
sa lahat ng kaso ay talo ako, isa sa mga yun eh umabot hanggang sa mediation ng DTI..
sa lahat ng kaso eh pinatunayan rin ng gobyerno na wala silang pangil...

mas pinaparamdam talaga nila sa akin na natural na malas ako...

eh sa mga susunod pa kayang taon..
ilang kompanya pa kaya ang gagawa ng mga pag-abuso laban sa akin...?

totoong mahina ang pagkatao ko pagdating sa mga ganitong bagay..
dahil nangongolekta ako ng mga alaala, eh naiipon rin sa akin yung mga damages na dulot ng mga ganitong pandaraya...

was feeling , mahirap na ang buhay, tapos mas pinapahirap pa nila...

---o0o---


October 3, 2017...

"Sorry for keeping you waiting, naiintindihan namin ang inyong concern at tama ka, your last reloading transaction was 08/30/2017 6:01:30 PM amounting [Value] pesos via GCASH. May we know if you have active promo registration? We will be waiting. Thanks"
- Stupid Taga-Chat

okay..
parang may pinupuntahan na yung kaso ko (at least kahit hanggang sa pag-amin ng pagkakamali)..
pero, may napansin tuloy akong kaduda-duda tungkol sa mga reply nila...

sa 2 messages yata yun, nag-claim sila na limitado lang yung storage o record capacity ng bawat mobile number..
na kesyo hindi na daw hagip yung August 30, 2017..
pero sa 2 recent reply eh nagpahiwatig sila na nasilip nga nila yung history nung account...?

was feeling , delaying tactics...

---o0o---


October 5, 2017...

heto naman yung summary ng pinaka-latest kong naging problema sa Globe... :(

  1. nagreklamo ako noong mismong araw na nangyari yung insidente; through phone call, e-mail, at Facebook
  2. hindi sila naging consistent sa mga naging sagot nila, at tila pinaikot-ikot lang yung usapin para tumagal yung usapan, at paunti-unti pa ang naging pag-amin nila sa nangyaring error (o hindi ko alam kung error nga ba yun o sadyang pag-atake)
  3. walang kwenta yung nasa telephone hotline dahil naghahanap sila ng visible proof, at yung mga taga-chat naman sa Facebook ay halos 1 beses lang kung mag-reply sa isang araw
  4. wala silang direktang inamin o ibinigay na paliwanag kung bakit napalitan yung expiration schedule nung prepaid load ko, na 18 hours na mas pinaaga kumpara sa original na expiration nito
  5. wala rin silang inamin kung bakit mahigit 2 hours LATE na ako naka-receive ng expiration notice tungkol sa expiry ng load ko
  6. wala rin silang naibigay na paliwanag kung bakit naka-receive ako ng mga messages na may date na September 30, 2017 mula sa system nila noong araw ng September 29, 2017
  7. nag-confirm naman sila na tama nga ako tungkol sa sinabi ko na totoong date at time ng paglo-load ko, which was August 30, 2017 around 6:00 PM, na yun dapat ang naging basehan ng expiration nung load ko
  8. wala silang ibinalik na load sa akin, iginigiit kasi nila na wala na silang magagawa dahil nga lumipas na rin naman yung araw ng September 29, 2017, na araw nga sana para makapag-reload ako at ma-extend yung buhay ng mga hindi ko nagagamit na load
  9. nagbilin lang sila na kumilos ako kaagad at iparating ko sa kanila yung tungkol sa na-encounter kong problema sa susunod
  10. pinayuhan nila ako na sa susunod daw ay gamitin ko na lang lahat ng load ko bago ito ma-expire, so parang sinabi na rin nila na wala nang kuwenta yung dating feature ng pag-e-extend ng expiration date ng mga hindi nagamit na load

para sa #9..
ang punto ko ay paano ako magtitiwala na magagawa nila yung tama sa susunod gayong wala nga silang nagawang matinong solusyon para sa insidente na 'to..?
para kasing sinasabi nila na idadaan na lang nila lahat ng isyu sa 'sorry' eh...

sa tingin ko inalis na nila yung e-mail support para mawalan na ng kakayahan ang mga consumers na i-track yung mga kaso gamit ang mga case number..
at sa Facebook naman ay nakakaligtas ang mga palpak na empleyado nila dahil hindi na sila nagbibigay ng mga pangalan nila...

noon kini-claim nila na may mga 3rd party, mostly yung mga 4-digit mobile numbers na nagagawang mag-activate ng mga subscription kahit na hindi naman ito in-authorize ng user..
yung mga nakakakaltas noon ng Php 2.50 o Php 5.00 o Php 15.00..
pero duda na ako sa paliwanag na yun ngayon..
hawak nila ang system, kaya parang imposible na wala silang alam sa mga nangyayari..
parang imposible na 3rd party ang nakakapad-trigger ng mga unauthorized subscription..
sa tingin ko gumagawa talaga sila ng paraan para pagnakawan ang mga consumer, dahil kita yun para sa kanila eh..
siguro dahil alam nila na marami ang wala namang kakayahan na mag-file ng kaso laban sa kanilang malaking kompanya, kaya nakakaya nila na umabuso..
hawak nila yung system..
hawak nila yung record..
at gaya nga sa na-encounter ko ngayon, paiba-iba yung palinawag nila (na kesyo limitado lang yung storage nila), pero paunti-unti pa rin naman na lumabas yung katotohanan - which means na kontrolado rin nila yung mga ibinibigay nilang sagot sa mga nagrereklamo..
basically, hawak nila lahat ng makakapagpatunay sa mga nangyayaring nakawan sa sistema nila - kaya anong laban ng mga consumers sa kanila...?

kung iisipin, ganito ang ginawa nila sa akin kahit na aware ako sa dati nilang sistema..
kaya paano na lang kaya yung mga customer nila na walang malay o hindi mino-monitor yung paggamit nila ng load..?
gaya na lang nung mga kliyente ko na madalas magsabi na nakakainan daw kaagad sila ng load pagkapasok pa lang nito..
tama ba na i-tolerate na lang ang mga nakawan puwerket hindi naman ito napapansin o namamalayan...?

kaya ang sabi ko sa NTC eh baka panahon na nga para wakasan na rin yang mga sistema ng load expiry na yan..
tutal nae-edit na rin ang expiration details eh - kaya lokohan na...

was feeling , bakit ba likas sa mga may kapangyarihan ang umabuso...?


No comments:

Post a Comment