Friday, October 20, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of October 2017 (Windows 10 Curse)

[V-League]

PVL Collegiate Conference - Worst Ending


October 14, 2017...

Battle for Third

AdU versus AUN

1-3 sets..
3rd Set yung nakuha ng Adamson, 25-19..
pero yung 4th Set eh umabot ng 29-31, panalo ang Arellano...
isinuko na nga ng Adamson ang lahat ng award..
sayang dahil ito na lang yung pagkakataon nila para makakuha ng award with their current lineup...

hindi na masama para sa Arellano, na non-UAAP team..
tinalo nila ang UP..
pinahirapan nila ang NU sa Game 2 ng Semifinals nila..
at 2 beses nilang tinalo ang Queen-less na Lady Falcons..
pero kung titingnan yung naging scoring nila laban sa Adamson sa Battle for Third, eh posibleng iba talaga ang kinalabasan kung nandun lang sana si Galanza...


Championship Match

NU versus FEU

3-1 sets..
Champion na ulit ang NU...

kailangan na lang wasakin ang Dynasty sa UAAP...

was feeling , sad ending...

-----o0o-----


Windows 10 Home Single Language Version 1703 = Evil


October 14, 2017...

[TV Series]

Home Sweetie Home

lagot si John Lloyd, kay Xander Ford na malilipat yung TF niya..
pero parang nagiging kamukha na ulit nun yung dati... XD

okay lang yung show basta't may mga Obet Jokes... :D

was feeling , perpekto talaga ang acting ni Jobert...

---o0o---


October 16, 2017...

seryoso, Kelsi Monroe...?

hindi ko talaga maintindihan ang mga taga-ibang bansa...

bagsak yung mga all-natural..
bagsak yung magaganda...

was feeling , ano bang meron sa peke...?

---o0o---


October 17, 2017...

Tuesday sideline-mode...

okay naman..
20 minutes na nakapila sa counter..
pero walang problema dahil andun naman si Emoji-Girl..
tapos kahit mahaba ang pila eh dun na rin nga ako nakilinya kay Pimples-Girl..
ang importante eh maganda o cute yung view..
pero hindi na pala siya tagihawatin ngayon, nagamot na niya siguro...

buti pa yung isa na yun..
nakuha ko na kaagad yung pangalan niya..
pero ewan ko ba kay Emoji-Girl, laging sa baliktad na direksyon kasi nakaharap yung ID niya eh...

was feeling , madami namang nakapila for rendering...

>
kinakabahan ako para sa October..
since April eh may mga recognizable na lindol buwan-buwan..
yung mga tipong nasa Magnitude 4.9 pataas...

pero wala pa ring nangyayaring malakas na lindol for October..
although halos arawan pa rin nga yung mga naitatalang pagyanig sa buong bansa, na kung titingnan eh sa pare-parehas lang na mga probinsiya nagaganap...

was feeling , tang ina! basta huwag kang makikisabay sa akin kapag nagbakasyon ako sa may fault line...

>
kawawa naman yung isang yaya..
mukhang nabalian daw ng buto sa bandang ribs noong isang araw..
dahil sa bata, napatuon yata sa crib eh..
hindi pa naman siya sigurado kung anong nangyari, pero patuloy daw yung pananakit eh...

pero hanggang ngayon eh pinipilit ang sarili niya na buhatin pa yung panganay..
eh wasang-mode pa naman yun kapag nagwawala...

tinanong ko nga, bakit kako hindi siya magsabi nang mabigyan siya ng pampa-X-ray man lang..?
pero wala eh, puros kahihiyan yung iniisip niya..
kesyo pa-allowance na daw yung paborito niyang anak..
kesyo nakikihati daw kami sa ulam sa tuwing may paluto ang mga yun..
ni hindi niya naiisip yung value ng ginagawa niyang pagkakatulong sa pamilya ng mga yun..
alam ko na kung bakit mahina rin siya sa pera, kasi nga bulok siya sa Math - ni hindi niya alam kung ano yung patas at hindi eh...

problema neto eh kapag lumala yun, o magkaroon ng internal bleeding kung may nabali ngang buto...

was feeling , buwis buhay...

---o0o---


October 18, 2017...

[Movies]

so far, yung kay Black Panther yung pinaka-astig na full body costume sa Marvel Universe...

at sila rin ang may pinaka-astig na bansa...

was feeling , roar!

>
Happy Birthday!

hindi ko alam kung kailan nga ba talaga ang birthday mo..
pero ito kasi yung sinabi mo sa akin noon eh..
kaya sa ngayon, eh ito na rin lang muna yung paniniwalaan ko...

sana lang talaga makakuha ako ng data kapag na-meet ko na yung mga dati mong katrabaho...

was feeling , kung nasaan ka man...

>
last 3 pages..
16 to render..
tapos 5 or more pa ang kailangan ng double render..
nasa 21 mahigit pa yun...

was feeling , konti pa.. tapos auto-pilot na...

>
[TV Series / Cuties]

La Luna Sangre

Kira Balinger..
credit for the photo goes to its original uploader...

hintay ako nang hintay na maging vampira o lobo 'tong bata na 'to..
yun eh pala eh iginaya siya kay Jane De Leon, na mortal lang na Moonchaser..
at since September pa pala siya nandun sa series, hindi ko lang napapansin dahil busy ako sa trabaho...

sobrang cute naman na vampire-slayer nito... <3

---o0o---


October 19, 2017...

[Medical Condition]

medyo matagal na rin ngang flat yung nabutas ko na cyst..
tapos since October 17 eh mala-toothpaste na ulit (kagaya noong simula) yung inilalabas niyang mass..
hindi na yung medyo malabnaw...

was feeling , basta huwag ka lang lalala...

---o0o---


October 20, 2017...

[Gadget-Related]

just had the worst Windows 10 update so far..
kahapon nag-update ng system ko eh...

bumagal yung startup ng computer ko..
yung 3D software ko eh parang naapektuhan rin..
pati yung Photoshop..
at pinalala pa niya yung internet usage...

kumain siya ng 800 MB within 2 hours..
tapos 1.2 GB within 3 hours..
pero ang mas masama, kahit yung 384 Kbps na internet speed eh hindi ko na mapakinabangan ngayon..
dati nagagamit naman yun nang unli, mabagal nga lang..
pero ngayong araw eh wala na siyang mabuksan sa mga websites na regular ko namang chini-check...

at talagang nangyari pa 'to kung kailan Friday...

was feeling , andami ko pang trabaho!

>
yung sinusubukan kong humanap ng peace of mind..
pero talagang pagkawasak lang parati yung naghihintay para sa akin...

gusto ko lang naman yung buhay na walang kamalasan...

parang paulit-ulit na lang yung mensahe..
magpakamatay ka na..
magpakamatay ka na lang..
wala ka ng patutunguhan dahil malas ka...

nakakasawa na 'tong kamalasan ko..
hindi nga sobrang malas..
pero unti-unti naman...

yung computer nga yung may problema dahil sa ginawang update ng Windows 10..
ewan..
pero hindi gaya dati, mas pina-prioritize na niya ngayon na i-update yung sarili niya..
at pagpatak nga sa 384 Kbps, eh yung internet browser na ang hindi halos magagamit..
parang pinababa nga rin nun yung performance nung render engine ko...

nasasalo naman nung iba kong device yung internet browsing..
pero nasasakripisyo naman yung mga battery nila...

ang masama pa nito ay may tinatapos akong project..
pero muli na namang pinababagal ng tadhana ang lahat...

anak ba talaga ako ng demonyo kaya ako pinaparusahan ng ganito...?

was feeling , minsan naiisip ko na mas masusuwerte pa sa akin yung mga itinutumba lately, at least tapos na yung laro nila sa buhay, tapos na ang paghihirap siguro, hindi gaya ko na halos arawan ang rasyon ng mga buwisit...

---o0o---


October 21, 2017...

[Gadget-Related]

wala na..
arawan na ang rasyon ko ng demonyo neto..
dahil sa pesteng Windows 10 update version 1703...

nag-reinstall na ako ng Google Chrome..
yung defer update na option eh wala na..
s-in-et ko yung network connection bilang metered, pero talagang nagda-download pa rin siya ng mga update..
hindi ko naman mapakialaman ang registry dahil takot ako na masira yung buong system...

800 MB kaagad ang naubos kahit na hindi pa ako nag-i-internet..
tapos pumalo na ulit ng 1 GB nang wala pa akong nagagawa...

ibig sabihin, wala na akong magagawa sa arawan kong routine nito..
pati yung pagta-track ko eh hindi ko na magagawa...

nakakapagod na...

fuck!
this also means na hindi na ako makakapag-submit ng project ko kahit na matapos ko pa yun...

is feeling , ginagawa ko ang lahat, pero talagang puros parusa lang ang inaabot ko...


No comments:

Post a Comment